NAKANGITI kong pinagmamasdan si lola Mathilda habang kumakain. Mas malakas na siya ngayon kaysa noong nakaraang linggo. Isang linggo na rin pala ako akong nakatira sa puder ni lola Mathilda. Lahat sila ay maayos ang trato sa akin. Wala akong masabi sa pagmamahal na ibinibigay nila. Ngayon naman ang punta namin sa mall. Ang sabi kasi ni lola Mathilda, itapon ko na raw ang lahat ng gamit kong hindi ko na kailangan. Lalo na ang mga damit kong luma na. Mamimili raw kami ng mga bagong gamit at damit ngayon. Gusto rin daw niyang makita ang totoong ako. Habang sinasabi iyon ni lola gusto kong matawa. Alam ko naman kasi na ito ang totoong ako. Hindi na ako magbabago. Wala pa rin namang magbabago. Ako pa rin ito. Ako pa rin ang dating Samantha. “Bilisan mong kumain, hija," nakangising sabi ni

