Chapter 35 - First Day

1741 Words

ITO ang unang araw ko bilang isang estudyante sa isa sa mga paaralan dito sa US. Kahit medyo kinakabahan ay pilit ko na lamang nilakasan ang aking loob dahil walang mangyayari kung hahayaan kong unahan ako ng kaba. Hindi ako palakaibigan na tao pero marunong naman ako makisama sa kanila. Sana lang talaga ay magawa kong makisama nang maayos. Sana umayon ang lahat sa dapat. Isang malalim na hininga ang aking ginawa habang minamasdan ang kabuuan ng paaralan. Pinasyal ko ang aking tingin sa buong paligid, pilit na nilalakasan ang aking loob para harapin ang hamon na maaari kong maranasan dito. Hindi ko maitatangging kakaiba nga ang paaralan na pinapasukan ko ngayon kaysa sa paaralan na pinapasukan ko sa Pilipinas. Kung sa laki at sukat pa lang ang pagbabasehan, walang-wala na itong laban.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD