HINDI ko maiwasang makaramdam ng kaba kahit na kasama ko si lola Mathilda. Alam kong wala akong dapat na ipag-alala pero hindi ko pa rin talaga maiwasan. Mahigit 30 minutes na kaming nakasakay ng eroplano, feeling ko nga ang laki na kaagad ng pinagbago ng buhay ko. Ngayon pa lang na-m-miss ko na kaagad ang family ko. Ngayon pa lang gusto ko silang silipin, gusto kong alamin kung ano ba ag kalagayan nila o kung maayos lang ba sila. “Hija?” mahinang pagtawag sa akin ni lola Mathilda. Kaagad ko naman siyang nilingon saka nginitian. “Po?” “Natatakot ka ba?” kaagad akong umiling sa kaniya. Hindi naman ako natatakot dahil alam kong poprotektahan ako ni lola. Alam ko naman na hindi niya alam papabayaan at mas lalong hindi ako mapapahamak kapag kasama ko siya. “Sabihin mo lang sa akin kung

