NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Iminulat ko ang aking mga mata na kaagad din namang nag-adjust sa silaw ng liwanag ng araw na nanggagaling sa bintana. Nalimutan ko nga palang isara ang kurtina kagabi. Agad akong bumangon at pasimpleng nag-inat. Hindi ko rin maiwasan ang mahikab dahil sa medyo inaantok pa rin ako. Late na kasi ako nakatulog kagabi. I sat in my bed and prayed. Pagkatapos magdasal para magpasalamat sa bagong araw na ibinigay sa akin ng Diyos ay kaagad kong iniligpit ang aking higaan. Kahit may mga katulong si Lola Mathilda, hindi naman 'yon puwedeng gawin kong dahilan para mag-feeling señyorita sa malaking bahay na ito. I have to act on my own. Kailangan ko rin kumilos nang hindi umaasa sa kanila. In fact, I still haven't grasp the whole s

