MABILIS na dumaan ang mga araw. Halos isang buwan na rin ang lumipas simula noong maipatayo ko ang aking mini grocery store. Hindi naman ako nagsisi kahit papaano dahil nalilibang ako at talagang wala akong oras mag-isip ng kung ano-anong bagay. Pakiramdam ko kahit papaano ay ibang tao ako. Hindi ako ang Samantha na puro iyak na lang ang ginagawa sa araw-araw. Hindi ako ang Samantha na mahina at walang alam gawin kung hindi ang magkulong sa dilim. Ngayon, kahit na papaano ay alam kong nagbubunga ang lahat ng ginawa ko. Hindi naman nawawala araw-araw sa aking isipan si Raiden. Alam kong darating ang araw na magkikita kami at sa pagkakataong iyon, masasabi kong worth it ang lahat ng ginawa at pinaghirapan ko. HIndi biro ang maging isang batang ina. Totoo ngang kasalanan namin. May nagawa

