HINDI ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko alam kung bakit kailangan pati ito pagdaanan ko pa. May pera nga ako, wala naman ang anak ko. Alam kong para sa kaniya ang ginagawa ko pero paano pa ako gaganahang gumising araw-araw kung palagi naman akong nilalamon ng konsensiya ko. Paano pa ako nito? Pakiramdam ko ang lahat ng kasiyahan ko, kaagad ding binabawi sa akin. Sabagay, siguro hindi para sa akin ang sumaya. Ang hina ko. Sobrang hina ko. Pati ang anak ko, nagawa kong ipagpalit sa pera. Pero sana dumating ang panahon na magkita ulit kaming dalawa. Sana malaman niya na pagdating ng oras, para sa kaniya rin ang lahat ng ginawa ko. Kaligtasan lang naman niya ang hiniling ko sa ngayon. Kagalingan lang niya. Sana lang talaga ay alagaan siya ng kung sinong kukupkop sa kaniya. Kaagad ko

