NAKATULALANG naupo ako sa isang silya. Hindi ko pa rin lubos na matanggap ang aking nagawa. Pero, kahit na ano pa ang gagawin ko ay balewala lang din. Iyon na lang ang natatanging paraan na natira para mabuhay ang aking anak. Iyon na lang ang nag-iisang pag-asa para matamasa pa ni Raiden ang buhay na dapat ay matamasa niya. Oo, alam kong mali ang aking ginawa. Alam kong kahit na saang anggulo pa man iyon tingnan, isa iyong malaking kasalanan. Nagawa kong ibenta ang anak ko. Kahit sabihin ko pang para sa ikabubuti niya iyon, ang katotohanang ipinagpalit ko siya at ang kaligtasan niya sa ilang halaga ng pera ay hindi katanggap-tanggap. Pero, ano pa ba ang magagawa ko? Isa lang naman akong ina na takot mawalan ng buhay ang kaniyang anak. Alam kong maaaring hindi ako mapapatawad ng anak ko k

