NANG maghapon na, hindi ko na maintindihan kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Excited ako masyado kaya naman hindi ko na rin nagawang tapusin ang ilang trabaho kong naiwan sa opisina. Kaagad ko ring tinawagan ang driver upang sunduin sina mama. Dahil may importante akong dapat na gawin, hindi na ako sumama pa sa pagsundo sakanila sa bahay. Alam ko naman na papahirapan ko lang yung driver ko kung magpapasundo pa ako. Alam kong pagod rin sila at napapagod. "Okay na ba ang kwarto, manang?" malamabing kong tanongsa kanila. Kaagad naman silang napangiti sa akin. Napangiti na lamang ako at binuksan iyon. KUlang pa ang mga gamit sa kwarto pero sa susunod na lang muna. Umalis na rin ang mga magsusundo kina mama at papa kaya naman mayamaya lang ay narito na sila. Si Kyler naman ay nasa kusin

