HABANG lumilipas ang araw, linggo at buwan ay mas lalo pa akong nahuhulog kay Vaughn. May nakapagtataka pa ba ro'n? He's handsome, caring, loving, and also a sweet one. He has everything that every girl is needing. Minsan nga naiisip ko, paano kaya 'pag nagka-girlfriend siya? Masasaktan ba ako, o matutuwa para sa kanya? Alam ko naman na sa sarili ko ang sagot, ayaw ko lang aminin dahil natatakot ako.
"Napakatahimik mo naman." I rolled my eyes heavenwards. Wala lang, gusto ko lang 'yon gawin sa kanya.
"May iniisip lang," sagot ko. Naupo siya sa aking tabi at may kinuha sa bag niya.
"Chocolate?" pag-aalok niya sa akin. Umiling ako, ngunit bigla niya akong binatukan. "Anong ayaw mo? Bawal ka tumanggi. Heto, para sa 'yo," pagpipilit niya.
Pigil ang aking ngiti, habang may pang-aasar na tinitigan ko siya. Mukhang nakuha naman niya ang malisyang hatid ng aking mga titig, kaya kaagad siyang nag-iwas ng tingin.
"Haha, para saan pala 'to?" tanong ko na lang nang makuha ko ang tsokolate.
Napakamot naman siya sa kanyang batok. "Wala, binili ko lang."
Napatango na lang ako at akmang bubuksan na sana ito nang bigla niya akong hilahin patayo. Napasunod naman ako sa kanya at ang simpleng paglalakad ay napunta sa mabilis na pagtakbo sa kung saan.
"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko.
"Basta," tanging sagot niya.
Ilang sandali pa ay tumigil na rin kami sa kakatakbo. Napalibot ang tingin ko sa buong lugar at lihim akong napangiti nang makita kong isa itong palaisdaan.
"Ang tahimik dito, 'di ba?" aniya.
Tumango ako bilang sagot.
"This is one of my favorite places," dagdag niya pa.
Napakurap ako nang ilang ulit. Para naman kasing ang imposible. Akalain mo 'yon, ang isang Vaughn Martinez ay paboritong lugar ang palaisdaan?
"Bakit? I mean, bakit hindi sa magagandang lugar? Bakit dito pa?" naguguluhan kong tanong.
Hindi sa sinasabi kong pangit ang lugar na ito. Sadyang, sa mga katulad niyang mayayaman, hindi ang lugar na ito ang kahulugan ng salitang maganda. Nakapunta na rin naman ako rito. Kasama ko pa si papa no'ng mga oras na iyon. Pero simula no'ng mawala siya, hindi ko na ulit itinapak ang mga paa ko rito.
"Kasi dito ko unang nakita ang unang babaeng mamahalin ko."
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Alam ko namang hindi ako iyon, pero parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa pagwawala ng aking puso.
Kung sino man ang babaeng iyon, ngayon pa lang sinasabi ko na kaagad na napakasuwerte niya.
"Ahh, e, nasaan na siya?" pilit na nakangiting tanong ko sa kanya.
"Hmm... Kasama niya ngayon 'yong lalaking magtatapat sa kanyang damdamin." Napatango na lamang ako. "Pero, natatakot siya."
Takang tinitigan ko siya. "Ha? Bakit naman?"
"Baka kasi hindi siya matanggap ng babaeng mahal niya, lalo na't magkaiba ang estado nila sa buhay," nalulungkot niyang sabi.
Tama nga naman siya, ako nga rin, e. Paano ko kaya sasabihin kay Vaughn na gusto ko siya? Takot din naman kasi akong hindi niya ako matanggap bilang girlfriend niya, dahil sa agwat ng estado namin sa buhay. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng puwede kong magustuhan ay siya pa? Ang puso nga naman, kapag tumibok ay ang hirap nang pigilan.
"Alam mo? Ang masasabi ko lang sa kanya ay kung mahal niya talaga ang isang tao, lahat ay gagawin niya. Hindi naman kasi batayan ang pera sa isang relasyon. Lakasan niya na lang siguro ang loob niya at ipagtapat ang tunay niyang nararamdaman." Iyon kasi ang hindi ko nagawa. Pero, naniniwala akong wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal----kahit sa dami pa ng pera iyan.
"Siguro nga tama ka. Siguro nga kailangan niya lang lakasan pa lalo ang loob niya. Alam ko kasing natatakot lang siya na baka hindi siya matanggap ng babaeng 'yon." Saglit siyang huminto at malalim na huminga. "Kasi... kapag ba sinabi ko sa 'yong gusto kita, matatanggap mo ba ako?"
Napaawang ang labi ko sa biglaang tanong niya.
"G-gusto mo a-ako?" nauutal kong tanong. Mag-assume na kung mag-assume. Para na kasing gano' n ang ibig sabihin sa akin no'ng sinabi niya.
"I mean, kung ako ba ang aamin sa 'yo na gusto kita... Matatanggap mo ba ako?"
Sa seryosong ekspresiyon na nakaguhit sa mukha niya ay mas lalo pa akong naguguluhan. Hindi ko kasi alam kung tinatanong ba niya ako dahil may gusto siya sa akin, o ginagawa niya kaming halimbawa?
"O-oo naman," naiilang kong sagot. "Hindi naman kasi hadlang ang estado natin sa buhay, para hindi kita tanggapin. Kung mahal mo ako at gano'n din ang nararamdaman ko sa 'yo, handa akong tanggapin ka nang buong puso."
Kahit siguro totoo iyong tanong niyang iyon, at tunay na may gusto nga siya sa akin ay tatanggapin ko talaga siya. Sino ba naman ang hi-hindi? Sobrang perfect na niya at hindi lang iyon, dahil kahit mayaman siya ay hindi niya iyon ginamit para manlamang o mang-apak ng ibang tao. Kaya sinong hindi mahuhulog sa katangian niyang iyon?
"Talaga?" Bakas sa mukha niya ang gulat. "O-oo," naiilang ko ulit na sagot. "Bakit mo pala sa akin 'yon tinanong? Pati tuloy ako napa-isip, haha."
Sa hindi malamang dahilan, bigla niyang inilapit ang sarili niya sa akin kaya medyo napapahakbang ako papalayo.
"Paano kung sabihin ko sa 'yong ikaw 'yong babaeng tinutukoy ko?"
Napabilog ang aking mga mata at gulantang na tinitigan siya. "Ha?" hindi makapaniwala kong bigkas.
"Ikaw 'yong babaeng gusto ko, Sam. Nakita na kita dati rito noon, kaya nga nagulat ako nang makita kita sa unibersidad. Kaagad kitang nilapitan no'n dahil alam kong kapag hindi ko sinamantala ang pagkakataon, baka hindi na kita muli pang makita."
Sa kabila ng pagkagulat ko, sobrang pagpipigil ang ginawa ko huwag lang mapangiti sa kilig.
"Sigurado ka ba riyan? Parang ang labo naman kasi na magugustuhan mo ako. I mean, for real?"
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Para akong kinuryente nang magdikit ang aming mga palad.
"Sam, matagal ko na sanang gustong itanong sa 'yo 'to, pero nawawalan ako ng lakas ng loob. Natatakot kasi ako sa posibleng mangyari. Pero, Sam..."
Parang ayaw mag-sink in sa utak ko na ang isang Vaughn Martinez ay magkakagusto sa isang katulad ko.
"A-ano 'yon?"
Napakamot siya sa batok niya at pulang-pula ang kanyang magkabilang pisnge nang tumingin siya sa akin.
"P-puwede ba kitang ligawan?"
Nagbunyi ang aking mga lamang-loob dahil sa narinig. Ang saya ko nang malamang may gusto nga rin siya sa akin. Mukhang sinagot kaagad ng langit ang dasal ko. Parang kanina lang ay hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, dahil nagkagusto ako sa kanya at baka hindi gano'n ang nararamdaman niya sa akin. Pero ngayon, gusto niya pala akong ligawan.
"Oo, siguradong-sigurado na ako. Kaya sana... sana pumayag ka. Sana bigyan mo ako ng pagkakataong ligawan ka at iparamdam sa 'yong mahal kita."
Ito ang unang beses na may nagsabi sa akin ng ganito. Hindi ko lubos maisip na may taong kagaya niya na magkakagusto sa akin, kaya hindi ko na napigilan pa ang aking mga luha.
Siya ang unang lalaking nagparamdam sa akin ng ganito, at siya rin ang kauna-unahang lalaking magpapaligaw ako. "O-oo naman."
"Whoaaa, yes!" sigaw niya, habang sumusuntok-suntok pa sa hangin.
Sa kabila ng lahat, halo-halong emosyon pa rin ang nasa dibdib ko. Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na maramdaman ko. Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa, kabahan o matakot.
Pero kung si Vaughn naman ang mamahalin ko, alam kong mamahalin din niya ako nang higit pa sa pagmamahal ko sa kanya.
"Huwag ka ngang maingay. Nanliligaw ka pa lang naman, e. Hindi pa naman kita sinasagot."
"Do'n na rin ang punta no'n," sagot niya na tila ba siguradong-sigurado siya. Napailing na lang ako.
Ilang buwan din akong niligawan ni Vaughn. At nang maramdaman kong seryoso naman siya at karapat-dapat ay agad ko na siyang sinagot. Kahit na sinagot ko na siya, hindi pa rin nababawasan ang tamis ng pakikitungo niya sa akin. Parang araw-araw niya pa rin akong nililigawan. At sa katunayan, mas lalo pa nga siyang naging malambing.
May pagkaseloso siya, pero hindi naman gano'n ka-grabe.
Marami kaming pinagdaanan sa relasyon namin. Nariyan na ang pangungutya ng iba sa amin at ang mga nandidiring tingin nila na para bang isang basura lang akong nakadikit kay Vaughn. Dumating din sa punto na hindi namin kinaya ang tukso. Pareho naming ginusto at pareho kaming nagpadala. Kahit na hindi legal ang aming rekasyon, may ilang ulit na nangyari sa aming dalawa.
Oo, hindi legal ang relasyon namin dahil hindi namin alam kung matatanggap ba ako ng pamilya niya. Natatakot din ako, pero alam kong hindi niya ako pababayaan. Alam kong po-protektahan niya ako.
"Happy anniversary, Love!"
Bahagya akong nagulat dahil sa biglang pagsulpot ni Vaughn sa harapan ko. May dala-dala siyang bulaklak at chocolate na kaagad niyang ini-abot sa akin.
"Happy anniversary din, Love," bati ko pabalik, bago niya dinampian ang labi ko ng isang matamis na halik.
"I love you, always and forever," sambit niya.
Sa kabila ng takot ko, hindi ko naiwasang hindi maramdaman na suwerte ako. Suwerte ako, dahil may isang lalaki na alam kong mahal na mahal ako at hindi ako pababayaan ng gano'n-gano'n lang.
"I love you too, Love. Sana nariyan ka lang sa tabi ko palagi," sagot ko at muli kaming naghalikan.