Chapter 3: Ang Pagkabuntis

1633 Words
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa resulta ng pregnancy test ko. I'm pregnant! At hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin kay Vaughn na buntis ako. Hindi ko rin alam kung paano ako lalabas para sabihin sa Nanay ko. Paniguradong pagagalitan ako no'n. Mas mabuti rin siguro na si Vaughn muna ang unang makaalam nito. Sumilip muna ako sa labas ng kwarto kung naroon pa ba ang nanay ko. Nang masigurong nakaalis na ito ay humarap ako sa salamin at itinago ang pregnancy test sa bag ko. Naglagay ako ng pulbo para hindi mahalata ang luha ko. Dapat masaya ako na buntis ako, dahil blessing 'to. Paniguradong magiging masaya rin naman nito si Vaughn dahil pareho namin itong ginusto. Pareho naming gusto ang nangyari sa amin. Tulad ng dati kong gawi ay pumara ako ng tricycle at sumakay. Pagbaba ko galing tricycle ay naroon na si Vaughn, nakangiti ako nitong sinalubong at may dala pa itong bulaklak. "Good morning, Love," bati niya sabay halik sa pisngi ko. "Love may importante akong sasabihin sa iyo mamaya, surprise iyon," nakangiting sambit ko. Kitang-kita ko kung paano sumilay ang ngiti niya sa labi. Sana lang ay mas lumawak pa iyon mamaya. "Nakaka-excite naman 'yan. Sure, later. Cafeteria na muna tayo?" tanong niya sa akin. Kaagad naman akong tumango dahil kahapon ko pa gustong kumain ng turon wala lang akong mabilhan. "Sige, gusto ko rin ng turon." Bahagya siyang natawa at ginulo ang buhok ko. "What a cute little girl," sabi niya, habang malapad na nakangiti. "Vaughn naman, e!" pagrereklamo ko. Alam naman kasi niya na ayaw ko sa lahat ang ginugulo ang buhok ko. Nakatitig lang siya sa akin, habang hindi winawasak ang ngiti sa kanyang mga labi. Napa-pout na lang ako at sinundan siyang maglakad papunta sa cafeteria. Nang makarating na kami, napangiti ako nang may makitang turon. "Thank you!" masayang turan ko at nilantakan ang turon na binigay niya. "Bakit ka naka-ngiti?" kunot-noong tanong ko sa kanya. "Ang cute kasi ng girlfriend ko." Muntik na akong mabulunan dahil sa sinabi niya. Mayamaya pa ay mahina akong napatawa. "Bolero!" "Hindi kita binubola. Sinasabi ko lang ang totoo," aniya. Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain. Nang maubos ko ang turon ko ay mabilis kong kinuha ang sandwhich na kinakain niya at hinati ito sa dalawang piraso. Natatawang pinapanood niya lang ako. "Ewwwsss," dinig kong sambit ng mga iilang studyanteng dumaraan sa amin. Nakuha nila ang atensyon ko, kaya binalingan ko sila. "Huwag mo na lang silang pansinin," malumanay na sabi ni Vaughn. Tumango na lang ako, alam ko naman na ako 'yong nilalait nila e, dahil mahirap lang ako at si Vaughn ay mayaman. "Pasok na ako," nakangiting paalam ko sa kanya. Pinigilan naman niya ako. "Ihahatid na kita." Hindi na ako sumagot pa't nakayukong naglakad na lang ako kasabay niya papunta sa classroom. Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya at hindi na siya pinansin pa. Hindi ko nga alam kung bakit kailangang maging gano'n ang trato nila sa akin. Alam ko naman na mahirap lang ako, pero tao rin naman ako kagaya nila. Nasasaktan at nahihirapan din ako. May limitasyon din ang pag-inda ko sa kanila. Buong klase akong wala sa aking sarili. Bumabagabag pa rin kasi sa aking isipan ang gano'ng mga katanungan. Matapos ang klase ay dumiretso muna ako sa restroom. Inayos ko ang sarili ko at ilang beses na huminga nang malalim dahil sa kaba. Buo na ang desisyon ko, sasabihin ko na kay Vaughn na buntis ako. Ayaw ko namang patagalin pa, dahil may karapatan din naman siyang agad na malaman ang balita. "Kaya ko 'to! Kaya mo ito, Samantha!" pagpapalakas ko sa aking kalooban. Muli akong huminga nang malalim. Alam kong matutuwa rin si Vaughn sa balita ko sa kanya. Gusto ko pa sana ito gawing extra special pero alam kong hindi naman na kailangan iyon, dahil mas gugustuhin niya ang simple kaysa sa kung ano-ano pa ang gagawin ko. "Kaya mo 'to, Samantha!" ulit ko pa. Nang maikalma ko ang sarili ko ay dinampot ko na ang bag ko at lumabas na sa restroom. May mga maaarteng babae pa akong nakasalubong, pero hindi ko na lang sila pinansin pa. Kahit na nasasaktan ako sa ginagawa nilang pagtatabon-tabon nila sa kanilang ilong, pinilit ko na lang ang aking sariling indahin iyon. Mabango naman ako, pero sadyang may mga mayayaman talagang sobrang mapanghusga. Por que hindi kasing mahal at kasing branded ng mga pabango nila ang sa akin, ay mababa na agad ang tingin nila. "Hey, you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Vaughn. Tumango ako at iwinaksi ang lahat ng bumabagabag sa akin. "Yeah, ayos lang naman ako," nakangiting sagot ko. Lumapit siya nang bahagya sa akin at niyakap ako. "Kung may problema ka, narito lang ako. Sabihin mo lang sa akin at handa kitang tulungan." Tumango akong muli. Alam ko naman na hindi niya ako pababayaan dahil mahal na mahal niya ako. "Anyway, saan mo gustong pumunta?" tanong niya. "Sa favorite place natin. Ahm... doon ko na lang din sasabihin ang surpresa ko sa 'yo," eksayted na kinakabahang ani ko. Kasi naman, hindi ko pa rin alam kung anong magiging reaction niya, o kung ano ang maging kahihinatnan nito. Nauna akong sumakay sa kotse niya at sumunod naman siya. Binalot ng katahimikan ang pagitan naming dalawa, hanggang sa marating namin ang aming paboritong lugar. Ang lugar kung saan tambak ang mga street foods. Binilhan niya ako at kaagad siyang naupo sa tabi ko. "So, ano pala ang sasabihin mo, Love?" Kahit na kabang-kaba ako ay kinalma ko ang aking sarili. Ayokong masayang ang panahon ito. Kahit anong mangyari, kailangang masabi ko na sa kanya ang balita na buntis ako. Kinuha ko ang pregnancy test na nasa bag ko at dahan-dahan iyong ini-abot sa kanya. Kaagad naman niya iyong kinuha at takang tiningnan. "Ano ito?" naguguluhang tanong niya. Gusto kong matawa dahil halatang hindi niya alam kung ano ba ang bagay na hawak-hawak niya, pero hindi ko pa rin magawa dahil sa kabang hindi pa rin nawawala. Bumuntong-hininga ako para iwaksi ang kaba at mas nilakasan pa ang aking loob. "Seriously, Love? Hindi mo talaga alam kung ano 'yan?" may halong pang-aasar na tanong ko sa kanya. Kaagad naman siyang umiling at ibinalik sa akin ang pregnancy test. Napasinghap ako nang yakapin niya ako. "Ano ba 'yan?" Natatawang humarap ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Tingnan mo kasi nang maigi," aniko at iniharap ito sa kanya. "Anong nakikita mo?" dugtong na tanong ko. "Two red lines?" parang hindi sigurado na sagot niya sa akin. "Yeah, it's two red lines. At itong hawak-hawak ko ay tinatawag na pregnancy test. Love..." Saglit akong huminto at nginitian siya. Nakatitig ako sa kanyang mga mata at gano'n din siya sa akin. "I'm pregnant!" dugtong ko na puno ng kaligayahan sa aking boses. Kitang-kita ko sa mukha niya kung paano nawala ang malawak niyang ngiti. Ang kaninang masaya kong nararamdaman ay napalitan ng takot at pangamba. "S-sigurado ka?" seryoso at may halong gulat na tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. "O-oo." "No!" Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw dahilan para mapalayo ako sa kanya nang kaunti. "Hindi s-sa akin 'yan!" dagdag niya pa. Doon na nagbagsakan ang mga luha ko. "Vaughn anong hindi sa 'yo? Ikaw lang naman ang gumalaw sa akin. Ikaw lang ang naging nobyo ko. Sa 'yo ko lang sinuko ang bataan ko, kaya sigurado akong anak natin itong dinadala ko," paliwanag ko. Dati hindi niya ako hinahayaan na umiyak, pero ngayon balewala lang ako sa harapan niya. Parang wala lang na umiiyak ako. "Hindi, hindi sa akin 'yan! Maghiwalay na tayo, Samantha. Ayoko pa maging ama," aniya, dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. "Vaugh, p-please... Hindi k-ko kaya 'to. H-huwag mong gawin sa 'kin ito..." pagmamakaawa ko pero tila ba'y wala siyang narinig. "Sorry, pero hindi pwede 'to. Hindi ka matatanggap ng pamilya ko. At sabi ko nga kanina, hindi ko pa kayang maging ama." Isang malaking sampal iyon sa akin, at sa tingin ko alam ko kung ano ang dahilan. "Dahil ba mahirap lang ako?" hindi siguradong aniko. "Oo, Samantha. Ang katulad mo ay hindi nababagay sa katulad ko." Hindi siya nakatingin sa akin, habang sinasabi ang mga katagang iyon. Durog na durog ang puso ko, hindi ko alam kung paano na ito. Hindi ko 'to kakayanin mag-isa. "Hindi ko 'to k-kaya," mahinang sambit ko sa kanya. Hindi ko kayang buhayin na mag-isa ang anak namin. At paniguradong palalayasin ako ni nanay kapag nalaman niyang buntis pa ako't hindi pinanagutan. "Ano? Iiwan mo na lang ba ako, Vaughn?" Kanina pa ako punas nang punas ng luha ko, pero hindi ito nauubos. "S-sorry," tanging turan niya at akmang aalis sana siya, pero hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. "A-akala ko ba mahal mo ako? Akala ko iba ka, dahil iyon ang pinaniwala mo sa akin. Pero, bakit? Bakit sobrang dali lang para sa 'yo na iwanan ako at ang magiging anak mo?" Kinalas niya ang pagkakahawak ko sa kanya. "Noon 'yon, Samantha. Pasensiya na, pero tinatapos ko na ang lahat ng namamagitan sa atin ngayon." Mapait akong napangiti. "Parehas ka lang din pala nila. Wala kang pinagkakaiba sa ibang mga mayayamang studyanteng nanglalait sa akin," aniko. Nakabaling siya sa ibang direksyon at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. "Paalam, Samantha," tanging wika niya, bago ako tuluyang iwan. Ngayon hindi ko na alam kung paano ito at kung ano ang gagawin ko, dahil 'yong kaisa-isang tao na inaasahan kong tutulong sa akin, ay iniwan ako't hindi kayang panindigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD