Masakit ang ulo ni Alfredo ng magising s'ya. Kahit hindi lasing e, pakiramdam n'ya napasobra talaga ang inom n'ya kagabi. Ngunit 'yung mga sinabi n'ya sa dalagang si Charm ay malinaw na malinaw pa sa utak niya, at nakatatak.
Kahit i-refresh ay hindi mabubura. Ganito katindi 'yung impact ng dalaga kay Alfredo. Matapos niyang mag hilamos ay bumaba na s'ya para sa almusal. Gusto niyang alamin kung saan ba natulog ang dalaga kagabi. Matapos kasi siya nitong ipag timpla ng kape ay iniwan na s'ya nito.
"Good morning, La."
"Good morning handsome," nakangiti ito habang nakatingin sakaniya. "Parang napaka sarap yata ng tulog mo? May maganda na naman bang nangyari? Tell me," utos ng Lola n'ya.
"Nothing, normal naman. Maayos lang talaga tulog ko, and by the way." Luminga-linga soya upang hanapin ang dalaga. "Where's she?"
"Who?"
"Charm," tipid na sagot n'ya.
"Why? Miss mo na agad s'ya?" Pag-bibiro ng matanda bago napahalakhak. "I forgot to tell you na mamaya na pala ang dating ng mga magulang mo. Hindi sasama ang kapatid mo dahil busy daw sa work hindi n'ya maiwan for now, pero sa wedding day sisipot s'ya don't worry."
"La," napabuntong hininga s'ya. "Si Charm ang tinatanong ko hindi sila Mommy."
"Oh, sorry haha. Hmmm, Charm is not here. Pinag paalam s'ya ni Lenard na mamasyal. Pinayagan ko na para naman mawala 'yung bagot ni Charm, why?"
Nakuyom ni Alfredo ang kamao n'ya. "At bakit mo naman pinayagan Lola? Kainis," ibinaba niya ang hawak na spoon. Dahil nawalan na s'ya ng gana. "I lost my appetite," walang emosyong sambit n'ya.
"Because?"
"Because what? La, I'm trying to be a nice person to her. Nagiging mabait na nga ako at mapag pasensya pero bakit sa iba parin nakabaling ang atensyon ni Charm? Sakin dapat diba? Kasi magiging asawa na n'ya ako." Reklamo ni Alfredo bago napairap sa inis.
"You're over reacting," naiiling na sagot ng Lola niya. "Lenard is your friend. Ikaw lang ang nag-iisip ng masama sakanila ni Charm kasi your jealous."
"Me? Jelly?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Alfredo habang turo ang sarili. "At bakit naman? Madaming babae sa tabi-tabi, si Megan at 'yung mga babeng nakakasalamuha ko. Hindi ko sasayangin ang oras ko sa babaeng gaya ni Charm na masyadong mahinhin, malambing, mabait na animo'y gustong pumares sa anghel."
"Aminin mo man o hindi, iho. Gusto mo si Charm. Nahihiya kalang na aminin kasi na una mo na siyang husgahan bago kilalanin."
"Nag sorry na ako sakanya kagabi about sa ginawa kong pang huhusga sakaniya at sa pamilya niya, sapat na 'yun. I don't like her, baka pinagnanasahan ko lang s'ya."
"Kakainin mo din 'yang mga sinabi mo." Nakangiting sabi sakaniya ng Lola Felicia n'ya bago ito tumayo at iniwan s'ya.
Agad na nag dial ang binata ng numero ni Jared. Gusto lang niyang itanong kung saan ba nag punta ang dalaga at ang kaybigan niyang si Lenard.
"Alam mo ba kung nasaan sila?" Bungad ni Alfredo kay Jared.
"Bro, maawa ka naman sakin. Kagigising ko lang at hindi pa nag hihilamos!"
"Sagutin mo nalang. Alam ko na alam mo kasi chismoso ka, at malamang kagabi palang plinano na ni Lenard 'yun."
"Alin ba?"
"Ipinasyal ni Lenard si Charm ng hindi ko alam." Yamot na sagot niya sa kaybigan. Halos madurog na ni Alfredo ang phone n'ya sa diin ng pagkaka hawak.
"E, ano naman? At least nawala 'yung bagot ni Charm kaysa naman mabulok s'ya diyan sa bahay ninyo. Bigyan mo naman ng chance 'yung tao na makalanghap ng fresh air with Lenard. Sad nga lang kasi hindi ikaw kasama haha." Pang-aasar pa ng kaybigan.
"So, alam mo?"
"Sabihin na nating oo, pero hindi ko sasabihin kung nasaan sila unless sabihin mo ang totoong nararamdaman mo para kay Charm."
"Sabihin mo lang kung gusto mo nang mamatay tutulungan na kita." Bakas ang galit sa boses ni Alfredo. "Nasaan sila? Pupuntahan ko," dagdag pa n'ya habang madiin na ang hawak sa phone.
"Umamin ka muna hahaha. I bet masayang-masaya 'yung dalawa na mag kasama pati si Charm, baka nga ma inlove pa 'yun kay Lenard." Pakunwareng nagulat pa si Jared. "Hala! Paano kana? Basta ako kung saan masaya si Charm dun ako haha."
"Sayo ko lang sasabihin 'to bwiset ka," humugot ng malalim na buntong hininga si Alfredo. "Gusto ko si Charm, oo tama kayo ni Lola. No, I mean. I think hindi lang 'to basta pag hanga. Mahal ko na s'ya 'yun 'yung pakiramdam ko."
"Shana all pre!" Humagalpak ng tawa si Jared at maging ang kaybigan na si Lenard ay rinig na rinig n'ya ang boses.
"Nai-record mo ba Jared? Ang cringe hahahahahahahshaha!" Natatawang wika ni Lenard.
Hindi parin gets ni Alfredo ang nangyayari. Hanggang sa bigla nalang sumulpot sa likod niya si Charm na may dala pang bulaklak.
"Gising kana pala, okay na pakiramdam mo? May gamot akong iniwan sa side table para sa sakit ng ulo." Nakangiting wika ng dalaga.
Nabitawan ni Alfredo ang phone niya kaya naman bumagsak na ito at nag blackout ng tuluyan.
"May problema ba?" Takang tanong ni Charm bago dinampot ang phone at inabot kay Alfredo.
"Nabitag ako ni Lola at ng dalawa kong kaybigan, mga trahidor!" Sigaw pa ni Alfredo bago tumakbo palabas kahit na nakashort lang s'ya at sando.
Pupuntahan n'ya ang dalawa niyang kaybigan na nabuking na s'ya.