Chapter 14

1539 Words
Coney Island Beach "Aaahhh! Finally beach!" sigaw ko habang nagtatatakbo sa buhanginan ng dagat. It's been a long time since I've hit the sea. Bumalik ako sa kinatatayuan ni Lauren. "I really apologize if my friends was not able to join us," hingi ko ng tawad. Hindi natuloy ang mga kaibigan ko dahil unang araw ng dalaw nina Lizel at Icelyn kaya hindi na rin nakasama si Nalla dahil walang magbabantay sa dalawa. Nakakahiya naman kung ikakansel namin ang lakad ngayong araw na 'to. "Have I told you before that I can speak tagalog?" Napanganga ako sa sinabi ni Lauren. "Whaaaat?! You never told meee!" Napaisip tuloy ako kung may nasabi ba akong masama sa kanya. "however it's not my mother tongue... so bear with me if I'm trying hard speaking Tagalog... like gusto kita," dagdag niya. "Pfft... Hahahaha! Omg... Hahahaha!" Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at napahagalpak na ako ng tawa. Pinilit kong pigilan ang pagtawa ko. "Oh my god, I'm sorry! Pfft." "Please don't get offended... It's just your accent was cute... Hahahaha." Mabilis kong hinawakan ang kaliwang kamay niya nang akmang aalis na ito. "I-I'm really sorry." "Let's not waste the day," bulong ko sa kanya. Bumalik siya sa kotse dahil may kukunin daw siya. Maliit na bag lang naman dala ko kaya madali na lang bitbitin. Weekends ngayon pero kaunti lang ang tao rito sa beach. Siguro dahil sa weather report na binalita kahapon. Magkakaroon daw ng bagyo ngayon pero ang aliwalas naman ng panahon. Tirik na tirik ang araw. Hindi mo talaga masasabi kung ano mayroon bukas. "Sorry for waiting! Let's go." Pumunta kami sa common CR para magpalit ng suot. Buti may nabili ako na swimsuit noong nag-shopping kami ng damit ko. One-piece yellow swimsuit na mataas ang plunge neckline ang susuotin ko kaya expose ang cleavage ko bigla tuloy akong nahiya. "Hm... Kailan kaya ako nag-start magsuot ng 'ganon style," bulong ko sa sarili habang nakaharap sa salamin. Napagtanto kong lagi na akong balot na balot ang suot kahit noong nasa Pinas pa ako. "Was it because of that incident?" Napaisip ako kung ganito ba naging epekto sa akin noong nangyari sa masquerade gala. "What incident?" Hindi ko napansin na tapos na siya magpalit. Napansin kong naka-board shorts at white summer polo shirt siya. "Ahm... Lauren, what's your gender preference? I mean—no offense." I'm aware of her gender preference but I still want to confirm it. "When I hit teenage years, I used to be bisexual but later on I realized that I'm more like a gay—i mean lesbian," she claimed. "I hope you don't get awkward or disgusted?" saad niya. "Oh no! I'm not... I'm just curious," depensa ko. "You already met my brother Iulian, do you think I'm disgusted?" tanong ko. "Well... he is a man... and I'm a woman... You know—s****l difference." She got a point though. This is my first time to meet a lesbian with long hair and has girly style clothes that's why I got confused about what she's wearing today. "I got curious because... why are you wearing those?" "...the first time I met you, you wear like a girlish style—i mean skirt and blouse, remember?" I am referring to the incident last time. "That is me in public and this is me in private... I'm a fashion model in Italy," she declared. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Wait—Ngayon ko lang napansin ang tindig niya. "Omg! I'm a runaway model though back in my country," I shared. "Really? Wow... Fate must bring us together," sambit niya. *knock* *knock*Are you done?! We want to use the comfort room too?! "Oh! I forgot...I locked the door earlier... Let's go now?" pag-aaya ni Lauren. Humingi naman kami ng pasensya sa mga tao sa labas ng cr dahil naghintay sila ng matagal. Naglakad-lakad kami sa seaside hanggang sa may nakita kaming magandang spot na pwede naming tambayan. Wala naman balak maligo sa dagat si Lauren kaya ako lang magtatampisaw. "Be careful!" Iniwan ko muna siya para lumangoy sa dagat. "Aaahhh I love the sun... the water!" Langoy lang ako nang langoy hanggang sa napunta ako sa malalim na parte ng dagat. Tiningnan ko ang kinaroroonan ni Lauren at natatanaw ko pa naman siya. Nakahiga siya sa isa sa mga upuan doon habang may umbrella na humaharang sa sinag ng araw. Tumigil muna ako sa paglangoy at nagpalutang-lutang muna ako sa dagat habang nakaharap ang mukha sa araw. Dinadama ko ang init na dumadampi sa balat ko at sa dagat. Ilang minuto lang ako nagbabad sa araw at nagpasya nang bumalik sa kinaroroonan ni Lauren. Napansin kong medyo kumulimlim ang panahon at lumalakas ang agos ng tubig sa dagat. Binilisan ko ang paglangoy dahil unti-unting bumabagsak ang patak ng ulan. "Anne, hurry!" Narinig ko ang boses ni Lauren. Nakita kong nag-panic ito kaya nakaramdam ako ng kaba. Unti-unti nag-alisan ang mga tao sa beach at naghanap ng masisilungan, may mga naiwan naman at nagdesisyon nang magpaulan. Pagkaahon ko ay inabutan ako ng towel ni Lauren at mabilis kaming naghanap ng masisilungan. "This is gonna be useless because I'm already wet." Natawa ako nang mapagtanto ni Lauren ang ibig kong sabihin. Mukhang may malakas nga na bagyo na parating at malabong makabyahe kami pabalik sa apartment ko kaya naghanap na kami ng matutuluyan mamayang gabi. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko para hindi sila mag-alala. Kumain muna kami ng dinner bago dumiretso sa kwarto na nakuha namin. Natuyo na lang din ang swimsuit na suot ko pero maliligo pa rin ako mamaya sa hotel room. ×————×**flashbacks**"Hey, Anne... Do you wanna go next week to NYC Pride March?" tanong ni Lauren. Patulog na sana kami kaso natatakot ako sa kidlat."Ugh... I heard that from my brother... Are you planning to walk with them?" No... This is my first time but I'm excited to go... I'll just watch them... do you wanna watch with me?" pag-aaya niya sa'kin."Of course... Actually, my friends and I already decided to go since we wanted to support my brother and his boyfriend," explain ko.**end of flashbacks**NYC Pride March Maaga kami nagpunta sa New York City para makapag-book ng room sa hotel. Balak namin magkaroon ng mini party pagkatapos maki-celebrate ng parade march kasama sina Kuya Iuliann at Kristoff. This is their first time to come out and celebrate as a couple not getting judge by other people. Parami nang parami ang dumadating dito sa paggaganapan ng parade. May bitbit kami ng mga kaibigan ko na banner at may nakasulat na pangalan nina Kuya Iulian at Kristoff. Naramdaman kong may kumakalabit sa likod ko kaya napalingon ako para tingnan ito dahil nasa harapan naman friends ko at nakita ko si Lauren na nakangiti sa'kin. "You really made it ha," sigaw niya. Hindi kasi masyado magkarinigan dito sa dami ng tao at nag-umpisa na magsigawan ang karamihan dahil nag-umpisa na maglakad 'yung mga nasa gitna. "Yes! You too... Why don't go there?" I tried to convince her again to walk in the middle. "I want to but... I'm a little bit scared to walk alone... They might think I'm a loser." She laughed at her thoughts. "Do you want me to go with you? I'm free!" sigaw ko. Honestly, I'm curious what does it feel like to walk there. Hinatak na lang ako ni Lauren paalis sa crowd. Hindi na ako nagpaalam sa friends ko dahil gusto ko sila i-prank. "I want to prank my friends that's why! Let's go," explain ko sa kanya at pumayag naman ito na sakyan ang trip ko. Naglakad na kami mula sa starting line at naabutan pa namin sina Kuya Iulian at ang boyfriend nito na parehong nanlaki ang mga mata nila lalo na at magkahawak-kamay kami ni Lauren. Tinawanan lang namin sila. "What are you doing?" tanong ni Kuya Iulian. "I will explain later... Let's go?" Nagpatuloy kami sa paglalakad nasa likod lang nila kami hanggang sa matanaw ko na ang friends ko at kumaway sa kanila. Naramdaman kong tumigil sa paglalakad si Lauren kaya napatigil din ako. Bahagya niyang hinarap ang mukha ko sa kanya at hindi ko inaasahan ang ginawa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong magdikit ang aming labi. "You want to prank your friends, right? Just go with the flow," bulong niya pagkatapos niya akong halikan. Napatingin ako sa mga kaibigan ko katulad ng reaksyon nina Kuya Iulian kanina ay nanlaki rin ang mga mata nila at napanganga pa. ×————× "What the hell is that?" pang-iintriga ni Nalla. "Girls, is just a prank okay?" Ang seryoso nila kanina ko pa sinasabi na prank lang 'yon pero mukhang sumobra kami ni Lauren. Pagkatapos ng parade ay umalis na si Lauren dahil may work pa siya. Manonood lang talaga dapat siya pero nakilakad din kami sa huli. "Even the kiss?!" Nalla hysterically asked. "Oo ngaaa... Prank lang din 'yon," depensa ko ulit. Nandito na kami sa hotel room, nakahiwalay sina Kuya Iulian kaya hindi niya alam ang nangyari kanina. I told them about Lauren being lesbian that's why I go along with her so she doesn'tfeelt alone in her life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD