Chapter 31

1522 Words
Napaaga ang punta namin ng Palawan dahil posibleng magkaroon ng bagyo sa mga susunod na araw. Kaya hindi rin nakabisita si Lauren sa place ko. Magkasama kami ni Lauren sa kwarto dahil hiniling niya ito kay James sa personal noong nagkita sila. Hindi pa kami nagkikita ulit ni James dahil hindi nagkakasalubong ang oras namin dalawa. He became a friend after being his escort for a few times. "Ladies, be ready! We will start in ten minutes," utos ng director. Tatlong episode ang gagawan ng filming para sa commercial ads pagkatapos 'non ay puro pictorial na dahil ikakabit sa hilera ng Edsa ang mga endorsement banners. "Okay, start in... 3... 2... 1... action!" sigaw ng director. Naunang isalang si Lauren dahil siya ang main character, natatanaw ko lang siya sa kinaroroonan ko. Hindi kasi pwede lumapit kapag hindi pa isasalang dahil baka mahagip ng camera. Naramdaman kong tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko ito. Tiningnan ko agad ang meetings at schedules ko pagkatapos ng project namin. From: My Engineer Babe, do you wanna go to Baguio when you came back? To: My Engineer I'm free after this shoot. Gusto raw makabawi ni Benjamin dahil sa nangyari sa Bali halos dalawang buwan na 'ata ang lumipas hindi namin namalayan ang oras dahil pagbalik namin naging busy na kami sa kanya-kanyang trabaho. Pumayag naman ako dahil minsan lang magtagpo ang oras namin ng boyfriend ko. Kaya malaki naging impact ng pagsasama namin dahil kahit paano nagkikita kami sa umaga at gabi. "Miss Anne, be ready in ten minutes daw po sabi ni direk." Inayusan na ako ng make-up artist pagkatapos magpalit ng damit. Inalalayan nila ako papunta kung saan si Lauren at pina-standby malapit sa director. Ilang take pa ay natapos na ang part ni Lauren. "Goodluck," sambit ni Lauren nang madaanan ako. . . . . . . . "Lauren... Anne... think about your first kiss," utos ng director. Pagkatapos ng mga solo pictorial ay sunod naman ang by pairings at kami ni Lauren ang unang sumabak. Napaisip ako kung sino first kiss ko. Nagre-reflect kasi mukha ng tao kung ano iniisip niya. Magkaharap kami ni Lauren kaya napansin kong nangasim ang mukha nito. "What is... with your reaction, Lauren?" pansin ng director. "I don't have a good memory about my first kiss," pag-amin ni Lauren. "Aww... Sorry to hear that! Okay I'll think something... wait," sambit ng director habang nag-iisip. "Try to think of any happy memories that made you giggle," bulong ko kay Lauren. Nag-isip pa ito hanggang sa sinenyasan niya ang director na okay na siya. "Three pose left then we can wrap up for today!" sambit ng director. Sa beach sand pa lang kami kinukuhanan ngayon pero bukas sa may dagat na dahil pearls ang main theme ng project na ito. Gusto nila na realistic kung saan nanggagaling ang mga pearls na ginawa nila na jewelry. "Okay done! Let's wrap up... and models sleep early, we still have a shoots tomorrow," paalala ng director. "Hey! let's have a dinner," alok ni Lauren sa'kin. "Sure... Let's go back first to our room." Gusto ko muna mag-shower para makapagpalit din ng suot samantalang si Lauren naman ay naiwan saglit para kausapin ng director. Nauna na akong bumalik sa kwarto namin ngunit may nadaanan pa akong ibang models na nagbubulungan na parang mga bubuyog. Hinarangan pa ang daan na para bang hindi nila nakikitang dadaan ako. "Ganyan talaga kapag may kapit madaling mapili para idikit sa mga sikat," parinig ng isa sa kanila. "Hindi naman siguro," depensa ng isa pang model. "Anong hindi... Kakabalik lang may project na agad tapos kasama pa 'yung supermodel," pagpupumilit 'nung nagparinig kanina. "What's with supermodel? Are you referring to me, girls?" inosenteng tanong ng kakarating lang na Lauren. "Ah yes! We were asking how does it feel to work with you," pagsisinungaling nito dahil hindi nakakaintindi ng tagalog si Lauren. Tiningnan ako ni Lauren. "Really? So how was it?" "It's an honor to work with her because I feel so special to the point that I made it to walk at the Paris fashion week," pang-aasar ko sa babae. "B*tch," mahinang bulong nito sabay walk-out kasama 'yung babaeng dumepensa sa'kin. "What's wrong with them?" nagtatakang tanong ni Lauren. "Nothing... Let's go take a shower, so we can eat dinner." Sinundan naman niya agad ako sa kwarto. Hindi naman kami nagtagal sa pagligo dahil kailangan namin matulog ng maaga. We decided to order a room service for light meal dinner since were tired already to go out. "I'm curious... how did you end up having collaboration with JaCu Company," tanong ko kay Lauren habang kumakain ito. "Oh. I'm looking for my family heirloom... actually," sagot nito. "I'm not sure about the details of the necklace but I found out that JaCu had an auction before." Napaisip ako kung ilang sets of jewelry ang pina-auction nila baka isa sa mga 'yon ang family heirloom nina Lauren. "...and do you want to retrieve the necklace?" "That's why I'm here," obvious na sagot niya. Nalaman ko na galing pala iyon sa lola niya na bago lang sumakabilang buhay. Gusto nila mabawi ang necklace dahil para sa alaala ng matanda pero hindi nila alam kung saan mahahanap. Marami kasi nagkalat na mga peke kaya gusto rin nila tingnan muna kung tunay ba 'yung mahahanap ni Lauren. ×————× Nauna kaming nakabalik ni Lauren ng Manila dahil maaga natapos ang part namin sa pictorial shoots at filming samantalang si Lauren ay agad na lumipad pabalik ng New York dahil nagkaroon siya ng emergency kaya hindi na niya nagawang bumisita sa place ko. Nakahanap na ng sariling apartment si Kuya Iulian kaya nakalipat na ito bago ako nakabalik samantalang hindi ko na rin naabutan si Adrian noong nakaalis ito. Bukas kami aakyat ng Baguio ni Benjamin dahil weekends at pareho kaming walang pasok sa trabaho. Gusto niya umakyat ng bundok at makita ang sea of clouds, this is our first time hiking together. Pumunta kami sa mall para bumili ng mga pang-starter pack para sa beginners katulad namin ng boyfriend ko. May mga guide naman na binigay ang kakilala ni Benjamin kung ano pwede at hindi pwedeng dalhin. Bumili kami ng tent dahil 'yun daw ang tutulugan namin saka puro canned goods ang pinapadala kung ayaw namin magluto. Okay lang naman sa akin dahil two days lang naman kami doon. Sagada, Baguio "Ingat kayo guys sa paglalakad. Huwag magmadali... just enjoy the moment," sambit ng isa sa nag-imbita kay Benjamin na umakyat. Maaga kami umakyat para kaunti pa lang ang mga tao at tag-isang backpack ang dala namin ni Benjamin, ako ang nagdala ng toiletries at damit namin samantalang siya ang nagdala ng bottled water, tent, at mga pagkain. Noong una nahirapan ako dahil hindi patag ang daanan, may mga natitisod pa sa mga kasama namin dahil sa mga bato na nakaharang. Inaalalayan naman ako ni Benjamin kapag delikado ang daanan. Narating namin ang tuktok ng bundok nang halos tanghali na. Inayos na ng boys ang mga tent samantalang kaming girls ang naghanda ng pwedeng kainin. Ang iba sa kanila ay nagdala talaga ng lulutuin kaya nahiya naman ako sa dala namin ni Benjamin dahil wala kaming ambag. Humingi ako ng tawad sa kanila dahil wala kaming dala na pwedeng lutuin. "Ano ka ba? Okay lang 'yan kasi first time niyo," sambit ng isa kanila. "Thank you! I can help naman sa pagluluto," alok ko sa kanila. Pinahugas na lang nila sa akin ang mga gagamitin na ingredients at sila na ang gumawa ng apoy gamit ang mga kahoy, kaya pala namumulot sila kanina habang paakyat kami. . . . . . . . . "Babe, wake up... Babe," naririnig kong bumubulongnai Benjamin pero hindi ko maidilat ang mga mata ko dahil sa sobrang pagod. "Babe, gising... Sayang 'yung view... Mauna na ako sa labas sumunod ka na lang," sambit niya. Naramdaman kong umalis siya sa tabi ko kaya napilitan na akong bumangon para makita ko ang sinasabi nila na sea of clouds. Inayos ko muna ang sarili ko dahil halos sabog at matigas ang buhok ko gawa nang malamig na klima rito sa taas. Kinuha ko ang jacket na malapit sa akin nang mahulog sa binti ko ang wallet ni Benjamin. Kung saan-saan niya nilalagay ang wallet niya. Kinuha ko ito at akmang ibabalik sa pinagkuhaan ko ng jacket nang makaramdam ako ng kutob. Napagtanto kong hindi ko pa nakikita ang laman ng wallet nito, naalala ko kasi na madalas naglalagay ang mga lalaki ng picture ng girlfriend nila kaya napaisip ako kung may pictures ako sa wallet niya. Binuksan ko ito ng walang pag-aalinlangan at nakita ang picture ko noong nagpunta kami ng Bali pero hindi ko inaasahan na may kasunod pa pala ito nang kunin ko ang picture ko para tingnan. Pakiramdam ko may gumuhit sa dibdib ko habang tinitingnan ang mga picture. Ang bata pa nila sa mga picture na ito. "Babe! Gumising ka na dyan!" rinig kong sigaw ni Benjamin sa labas. Tinago ko agad ang wallet at saka sinuot ang jacket ko para lumabas at makita ang view kasama ang boyfriend ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD