Nakabalik na kami ng condo na hindi ko nabigay ang wallet ni Benjamin noong hinahanap niya ito sa Baguio. Pinagmasdan ko ulit ang mga pictures bago ito ibalik sa wallet niya at iwan sa dining table.
Pinapauwi ako ng friends ko sa Cebu para pagplanuhan kung paano kikitain si Icelyn. Wala pa naman akong sunod na offer ng endorsement o modeling job kaya pumayag ako. Hindi ko na sinabihan si Benjamin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kailangan ko munang kumalma.
Pinakamaagang flight ang kinuha ko para tulog pa si Benjamin. Mabuti na lang pumayag si Elise na ihatid ako sa airport. Nakisuyo na lang ako sa kanya na siya na ang magsabi kay Kuya Iulian tungkol sa pag-uwi ko ng Cebu.
.
.
.
.
.
.
Dumaan lang ako sa bahay nina Lola at Lolo para magpakita dahil kila Lizel ako tumuloy pati rin si Natalia. Nalaman kong nasa Quezon Province pala si Icelyn. Hindi ko alam kung anong trip ng dalawang 'to at pinauwi pa ako ng Cebu kung pwede naman dumiretso na ako sa Quezon.
Pagkatapos namin magawa ang plano ay narating din namin kung nasaan si Icelyn. Noong una nainis pa ito dahil sa biglaang pagsulpot namin at baka mahanap daw siya dahil sa'min. Kumalma naman siya noong nakwento namin ang tungkol sa plano. Nagulat pa ako na may kumatok sa kwarto niya na gwapo akala namin bagong jowa niya.
From: My Engineer
Nasaan ka ba? Mag-usap tayo please!
Let me explain!
Please!
Ilang araw na ako ginugulo ng text ni Benjamin kaya nang makumpirma ko kay Kuya Iulian ang lahat ay pinatay ko muna ang phone ko. Ayoko muna makausap si Benjamin o marinig man lang pangalan niya.
"Hindi ka ba hinahanap ni Benjamin?" tanong ni Icelyn.
"Ahmm... Nope! Busy 'yon," pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung paano ako magsasabi sa kanila. Kung tutuusin nahihiya ako sa malalaman nila.
Ipinaglaban ko sa lahat 'yung taong akala ko worth it. Ilang buwan ako nagpaloko at nagpakatanga sa taong hindi ko alam kung minahal ba ako. Sana pala noong unang nakipaghiwalay si Benjamin ay pinakawalan ko na lang.
"Haaa! You're here to enjoy life, Anne!" sambit ko sabay alog sa ulo ko para maalis sa isip ko si Benjamin.
"Ice—Linea, are you okay?" Napalingon ako kay Icelyn nang tanungin siya ni Nalla.
Nakita ko na lang na nahihirapan na ito huminga at nawalan ng malay. Napatayo ako dahil sa taranta. "Omg! Ice—Linea is allergic to peanuts!"
Nagkagulo ang mga tao sa restaurant dahil sa nangyari. Sinugod namin sa malapit na hospital si Icelyn. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari lalo na't unica hija ito ng Filarosca. Mananagot kami sa parents ni Icelyn dahil kasabwat kami sa paglayas nito.
Ilang oras ang hinintay namin saka lumabas ang doktor mula sa emergency room at sabihin na okay na si Icelyn. Pagkatapos maagapan ito ay nagdesisyon kami ni Nalla na bumalik sa kwarto ni Icelyn sa resort para malipat namin ang mga gamit kapag may bakanteng kwarto na.
Mabuti na lang busy sa pag-alalay si Marco kay Icelyn kaya si Lizel ang umayos ng documents nito sa hospital. Ilang araw pa siya inobserbahan ng doctor sa hospital bago tuluyan na pauwiin.
×————×
Ilang weeks na kami nandito sa resort, pinapaalis na nga kami ni Icelyn hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanila ni Lizel. I'm too busy ignoring what's happening to my surroundings and trying to forget Benjamin.
Nalla asked me if I want to go bar hopping on the Island tonight since Icelyn and Lizel were both don't feeling well. I'm wearing my most seductive and hottie black bikini while Nalla wears her favorite color peach bikini.
Inumpisahan namin mula sa dulo ng Isla ang paglilibot. May mga bar na hindi namin trip pareho ni Nalla, mayroon naman iba naman na halos matatanda ang customer. Ilang bar pa nadaanan namin bago kami nakahanap ng okay sa taste namin.
"One shot of vodka," order ko sa bartender.
"Wow, vodka for the first shot?" mataray na sambit ni Nalla.
"Come on, Natalia! Let's be wild tonight," sambit ko kuha ng vodka sa kamay ng bartender. Ininom ko ito nang straight shot.
"Wooo!" sigaw ko para maibsan ang init sa lalamunan ko. Uminom pa ako ng isa pa... isa pa... at isa pa!
Pinigilan ako ni Nalla pag-inom kaya hinatak ko na lang siya sa gitna ng crowd para makisayaw. Sinasabayan ko si Nalla pati ang beat ng music.
"Hmm... Let's drink more pa, Nalla!" Hinatak ko ulit siya sa bartender para kumuha pa ng maiinom.
"Give meee... Hmm... just give me the strongest one!" utos ko sa bartender na noong una ay ayaw pa ako bigyan pero sinamaan ko ito ng tingin.
"Hey! Can you handle yourself?!" Oops, Nalla is about to get crazy because of me.
I took a straight shot when the bartender gave me the strongest one. I suddenly felt dizzy, "Ughm... N-Nalla," I called to her name.
"Now what?! Stop giving her drinks," pigil ni Nalla sa bartender sabay kuha sa'kin at pinaakbay sa balikat niya.
"We're going back now," saad niya at nakia ko pang nagbayad ito.
.
.
.
.
.
.
.
"Ughh... I'm d-dying," sambit ko sabay hawak sa ulo kong parang binibiyak sa sakit. Hindi ko maalala kung ano ang sumunod na nangyari pagkatapos uminom ng huling shot. Nagising na lang ako na nandito na kami sa kwarto ni Nalla.
"Wake up, b*tch! We're going out." Binato sa'kin ni Nalla ang malamig na basang towel para mapunasahan ang sarili ko. Hapon na pala ako nagising at hindi nakakain ng brunch.
Naligo na ako para makapagbihis ng pangmalakasan sa gabi. Of course, I want to be pretty even at night.
Paglabas ko galing shower ay may nakita akong food sa mesa. "Eat, b*tch!" alok ni Nalla. Kanina pa 'to ah.
"Aww... Thank youuu... but do you have a problem with me?" sambit ko.
Sinamaan niya muna ako ng tingin bago nagsalita. "Don't you remember what you said last night?" tanong nito.
I tried to remember but— "omg! I didn't meant to say that!" hingi ko ng tawad nang maalala kong sinabihan ko siyang sister-in-law ni Beth. Mukha naman silang nagkakagustuhan 'nung kapatid ni Beth.
I tried to flirt with Ariel but failed since he seems not to be interested in romantic relationships. Oh well, it's just flirting. I still have a lot of things to do when I came back to Manila.
Nasa parang perya kaming apat nang makita namin sina Beth at Marco. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'yan at ang sarap ingudngud sa lupa sa sobrang kaartehan.
"Napakaarte.. mygad!" saad ko nang lumingon si Beth sa'min.
"What the hell are you doing here?!" she yelled.
Napalingon naman ang ibang tao sa'min. "Bawal ba tao rito?" maang-maangang tanong ko. Nagtawanan ang mga nasa paligid pati si Icelyn ay 'di napigilang matawa.
Tinangka pa akong sabunutan ni Beth pero mabuti na lang mabilis ang reflexes at naunahan ko kaya supalpal siya sa lupa. Walang pumigil sa'kin noong una hanggang sa umiyak na parang bata itong si Beth. Hinawakan na ako ni Nalla para patigilin at binitiwan ko naman ang buhok ng babae.
Nawala na sa paningin namin si Icelyn at Marco. Ewan ko ba sa kanilang dalawa nagtutulakan sa isa't isa pero gusto rin ang isa't isa.
×————×
"Hindi ka pa ba sasama pabalik sa'tin?" tanong ni Lizel.
"Aww... Hayaan mo na si Ice rito kung saan siya happy!" sambit ko.
"I'm going to miss you girls! Until we meet again," paalam ni Icelyn bago kami umalis ng resort.
Spending months with my girlfriends are refreshing. A lot of things happened back on the Island. Icelyn found happiness together with Marco, while Lizel surprised us for being pregnant, and Natalia got her first boyfriend Von.
No one knew that I'm going home now. I just don't want to face Benjamin yet. Lizel and Natalia took a flight going back to Cebu, while I went straight home here in Manila.
Alas-syete na ng gabi nang makarating ko. Nakakapagtaka na walang tao dahil madalas alas-sais.pa lang nasa condo na si Benj.
Tinatawagan ko si Elise ngayon para magtanong.
Elise Ong Dialing...
*ring*
*ring*
*ring*
"Anne? Do you need anything?" tanong agad ni Elise sa kabilang linya.
"I'm home... Send me an update and tell Kuya Iulian, pwede na ako mag-work ulit," sambit ko.
"Benjamin is not there," sambit niya.
"Where is he?"
"He's with Adrian going Baguio raw." Napahilot ako sa sentido ng ulo ko. Binaba ko na ang tawag ni Elise at nagpasya nang magpahinga dahil wala naman ako kasama ngayon.
Papikit nasa ang mga mata ko nang maalala ko na naman ang mga picture sa wallet ni Benjamin. Sana pala sinunog ko na lang 'yon. Hindi ko namalayan na may mga luha nang tumutulo mula sa mga mata ko.
He's cheating on me since when? Bakit ang bulag ko nasa harapan ko na ang pagloloko niya pero hindi ko pa napansin. Nakaramdam ako ng konsensya nang maalala ko ang mga kuya ko na pilit akong nilalayo kay Benjamin noon at ako naman si tanga panay habol sa isa.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ni Kuya Kasper kapag nalaman niya ang ginawa ni Benjamin pero hindi ko naman kaya sabihin ito sa kanila dahil—ewan ko, I'm really confused right now.