Chapter 33

1869 Words
"Kailan mo ako kakausapin? Paano natin maaayos 'to kung iniiwasan mo ako?" inis na pakikitungo ni Benjamin. Ilang araw ko na siya iniiwasan simula nang umuwi siya galing Baguio. Lumipat ako sa guest room dahil ayoko makatabi ito baka kung ano lang masabi ko. Tatayo na sana ako dahil tapos na ako kumain ng dinner pero nahatak ni Benjamin ang braso ko at pinaharap sa kanya. "Let me go," mariin na utos ko sa kanya. "No let's talk now or never!" sigaw niya. Ang ilang araw na pagkimkim ko sa sama ng loob ko ay unti-unting napupuno habang tumatagal ang paghawak niya sa braso ko. "Minahal mo ba talaga ako habang tayo?" Hindi ko na mapigilan ang matagal ko nang gustong itanong. "Yes!" mabilis na sagot nito. "Talaga ba? Kaya pala may picture kayo ni Adrian kissing in Bali," saad ko. "Tell me, Benj... Honestly, since when? kailan niyo pa ako niloloko?!" sigaw ko sabay hatak ng braso ko mula sa pagkakahawak niya. Unti-unting namumuo ang mga luha ko kaya napatayo ako para tumalikod mula sa kanya. "Answe me, Benj... Please?" "It's just a friendly kiss... Alam mo naman may 'ganun sa ibang bansa," depensa niya. "Wow! Friendly kiss... in our anniversary trip?! Huwag mo akong pinapaikot, Benjamin!" sumbat ko. "How can you explain the old pictures you guys have?... Kissing in your highschool uniform?! Haha! I'm so stup*d," bahagya akong natawa sa naisip ko. Pakiramdam ko naging pader ako sa pagitan nilang dalawa. "I can see the love at those pictures, Benjamin... Kahit kailan hindi mo ako tinitigan nang katulad ng pagtitig mo kay Adrian!" habol ko pa. "Kasalanan ko dahil nagbulag-bulagan ako. Kahit nararamdaman kong may iba na noong unang beses ka nakipaghiwalay sa'kin." "Please, don't blame yourself. Huwag ka mag-sorry." Tumayo ito at saka lumapit sa'kin para yakapin pero umiwas agad ako. "M-Matagal na 'yon... I'm sorry... I'm sorry but I swear we already broke up," sunod na sambit niya. "Noong umakyat kami ng Baguio last time, I formally asked him for a break-up... I'm sorry for not telling you that I'm bisexual... Natakot ako na baka pandirihan mo ako, please give me a chance," pagmamakaawa niya. "Sa totoo lang, alam mo kung ano ang mas masakit? 'Yung hindi kapwa babae ang kaagaw ko sa taong mahal ko—kundi lalaki," sumbat ko. "Nagtataka ako noon kung ano bang problema... Lagi mo akong iniiwasan parang hindi kita boyfriend, eh... Lagi kitang hinahabol, umuwi pa nga ako rito tapos akala ko si Adrian bestfriend lang na nakikitulog sa condo mo dati... 'Yun pala may relasyon kayo," diin ko sa kanya. "Siguro magpahinga muna tayo o mas magandang maghiwalay na tayo," deklara ko para matapos na. Lumuhod ito sabay hawak sa isang binti ko. "No. No. Please, Babe... Promise hindi na kami magkikita ni Ads... Please give me a chance... I will fix our relationship," pigil niya sa'kin pero nagmatigas ako at pilit na tinanggal ang pagkakahawak niya. "Alam mo, Benjamin... Mahal pa rin kita kahit masakit itong ginawa mo sa akin... If you really love me then prove it," saad ko bago umalis sa harap niya. . . . . . . One week... It's been one week the last time I had a confrontation with Benjamin and he's not making any move then. Hindi rin kami nagkakakitaan ni Benjamin sa condo, maaga ako umaalis para hindi kami magkasalubong. Mabuti na lang puno ang schedules ko kaya hindi ako nakamukmok sa kwarto. "Is there any problem, Miss Anne?" tanong ni Elise. Siya na ulit ang personal assistant ko. Nagpalit sila ni Kuya Iulian para maturuan ito ni Mom sa pag-handle ng agency ay siya ang magsisilbing secretary na. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Elise," tawag ko sa pangalan niya. "Hmm?" Bigla akong nahiya sa sasabihin ko pero kailangan ko ng opinyon niya. "Minsan ba nagmahal ka ng babae?" tanong ko sa kanya. "Hmm... Nagkaroon ako ng girlfriend noong teenager ako... Why?" "Can you tell me, how a person can be a bisexual?" tanong ko pa ulit. Bahagyang nanlaki ang mata niyang nakatingin sa'kin mula ulo hanggang paa. "Wait... Don't tell me, you are?" "No. I'm not! I was curious lang," depensa ko. "Ang... bisexual kasi... they have attracted to more than one gender... either opposite or same gender 'ganon... sino ba 'yan?" curious na tanong nito. "Ah! Nothing... Napaisip lang ako hehe... anyways let's go na," pag-iiba ko ng usapan. Hindi kumbinsido ang tingin sa'kin ni Elise pero nagkibit-balikat lang ako sa kanya. "You know, I have an idea pero I respect your decision," sambit nito. Hindi ko kayang sabihin na si Benjamin ang tinutukoy ko. I still love him, I don't want to ruin him to other people. ×————× Pagpasok ko ng kwarto ay may bouquet of white tulips akong naabutan sa kama. Itatapon ko sana ito pero may card na nahulog galing sa bulaklak. Babe, They say that white tulips represent a new start and symbolize peace. Please, I'm sorry. Let's start over again.- Benjamin "Miss Anne, may food and flower delivery daw po for you," sambit ng isa sa mga staff sabay abot sa'kin ng mga ito. "Kanino galing?" tanong ko. "Hmm... Benjamin Danque? Boyfriend niyo raw po," sagot niya. Nagtataka ako dahil hindi ko naman binanggit kay Benjamin kung nasaan ang location ng promotional shoots ko ngayon saka hanggang ngayon ay hindi ko pa rin ito iniimik. *camera shutter clicks* Napalingon ako sa pinanggalingan ng tunog ng camera click at nakita ko si Elise na hawak ang phone habang nakatutok ito sa akin. "Elise," tawag ko rito. "Don't tell me... ikaw nagsabi kung nasaan ako?" "Pinapatanong niya lang, bakit?" inosenteng tanong nito. Hindi nga pala niya alam ang nangyari sa amin ng boyfriend ko. Napabuntong-hininga na lang ako at inalok sa ibang staff ang pagkain kunwari diet ako. Sinabihan ko naman si Elise na tanungin muna ako bago siya magsabi kay Benjamin. "Sandali... Nag-away ba kayo?" tanong nito. Umiling lang ako. "Si Borge pala malapit na ang uwi... May gusto ka raw bang pasalubong?" Hindi ko alam na tuloy-tuloy ang communication nila ni Kuya Borge. "Bilhan niya ako ng maraming bags," biro ko rito. "Okay, noted!" sagot niya. "Joke lang! Sabihin mo okay lang walang pasalubong basta makauwi siyang healthy," sambit ko. . . . . . . *knock* *knock* *knock *knock* Puyat na puyat ako kakaiyak kagabi kaya iritable akong napabangon mula sa kama nang marinig ko ang katok sa pintuan. *knock* *knock* "What?!" inis na sambit ko. "Do you want breakfast in bed or do you want me in bed?" bungad ni Benjamin sa may pintuan. Kumunot ang noo ko sa nakita. Si Benjamin na naka-apron habang malawak na nakangiti at may hawak na tray ng pagkain ngunit nawala rin ang ngiti nito at napalitan ng pag-aalala ang mukha. "A-Are you okay? W-What h-happened?" "Nothing. I don't want anything else!" sigaw ko sabay padabog na sinarado ang pinto. Bumalik ako sa pagkakahiga sa kamay dahil pakiramdam ko magkakasakit ako. Ramdam ko pa pamumugto ng mga mata ko. "I feel so dryyy," sambit ko sa sarili. Naubos na ang tubig ko na nasa side table. *knock* *knock* Sigh. "What?! Leave me alone!" sigaw ko sa nakatok ng pinto. "May iniwan akong tubig sa may pintuan," sambit niya. " I need to go to work... I'll leave your breakfast at the dining table... Don't skip meals," paalala niya. Naghintay ako ng ilang minuto at pinakiramdaman kung nakaalis na si Benjamin. Bahagya kong binuksan ang pintuan at sinilip ang labas nang masigurado kong wala na siya ay kinuha ko ang tubig na iniwan nito. Pumunta ako sa dining table at may bulaklak na naman na nakaagay rito. Babe, These sunflowers remind me of you, I miss seeing you smile brightly and unbothered.- Benjamin Pagkatapos ng isang linggo na walang paramdam ay sunod-sunod ang ginagawa ni Benjamin para patunayan na mahal niya ako. Sinimulan niya sa pag-iwan ng mga bulaklak na may kasamang letter sa kama ko at ngayon sa pagluto ng breakfast. Niluto niya ang palagi kong kinakain sa umaga pati ang kape na gusto ko ay nakuha niya ang timpla. Kaunti lang ang kinain kong breakfast dahil wala akong gana at tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Bumalik ako sa kwarto para magmukmok. Gusto kong umuwi sa amin pero malalaman naman nila agad kung may problema kami ni Benjamin. I miss Mom and Dad even my Kuyas. Tuluyan na akong napahagulgol nang maalala ko sila. I really miss them. I miss the old times when we were still a kid being with our parents all the time. Naramdaman kong may dumadampi na malamig sa mukha ko. Pinilit kong imulat ang mga mata ko, hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nakita ko si Benjamin sa tabi ko at may hawak na towel na dinadampi sa katawan ko. Napatingin ako sa orasan at gabi na pala. Hindi na ako nakakain ng lunch at dinner. "What are you doing here?" saad ko. Piinilit kong bumangon at inalalayan niya naman ako. "You have a fever, magpahinga ka lang muna." May kinuha siya sa plastic na gamot at inabot sa'kin kasama ang isang basong tubig. Kaya pala sobrang sakit ng ulo ko kaninang umaga. Ininom ko binigay niya. "I can handle myself... You can leave now,"pagtataboy ko sa kanya. "Let me take care of you until you get to rest well," alok niya. "No. Get out of my room," pagmamatigas ko. "Hindi ako aalis kaya magpahinga ka na," sambit niya at pilit akong pinapahiga. "Bahala ka!" inis na sambit ko at saka humiga pero tinalikuran ko ito at nagtalukbo ng kumot. Mayamaya naramdaman kong pinatong niya ang kamay nito sa bandang tagiliran ko at nakarinig ng pagsinghot na para bang pinipigilan na umiyak. "Anne, tulog ka na ba?" sambit niya pero hindi ko ito kinibo at nagtulog-tulugan. "Tulog ka man o hindi... Gusto ko lang ulit humingi ng tawad... I know I'm a coward when I didn't tell you about my s*xuality... I hope you know how hard to come out especially in this kind of society we have but I really do love you," mahabang sambit niya. "... The first time I met you, I know I still have a chance to live a straight life... no complicated life... but... but it's not easy to let go of the past." Narinig ko ang paghagulgol nito. Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi ko. "...I never came out to my family, no one knew who I am even the relationship I used to have with Adrian... We were hiding from the eyes of judgment... I want to stay by your side, Anne... Let me stay and made it up to you... I promise Adrian and I were really over." Tinanggal ko ang pagkakatalukbong ng kumot at hinarap ang umiiyak na Benjamin. Bumangon ulit ako at pilit kong inaabot ito para yakapin. Siya na ang kusang lumapit sa'kin at sinalubong ang yakap ko. "I'm s-sorry, Anne." Niyakap ko ito ng mahigpit at tuluyan na rin akong napahagulgol. "Okay... Okay... Let's start over again, Benj... This... This time no more lies and secrets, okay?" sambit ko habang pinapatahan sa pag-iyak ito. "Yes... Yes... No more lies and secrets."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD