Let's break up
Let's break up
Let's break up
Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang text ni Benjamin. Hindi ko na rin siya matawagan o ma-chat dahil naka-blocked na ako sa kanya.
"I'm sorry, Lauren. I'm in a bad state right now." I told her that I can't make it today. I want to be alone right now.
I cut my communication for a while as I want to gather my thoughts. Talking to other people won't help right now. I'm breaking, I'm losing my thoughts every time I try to talk with others.
To: Lauren
Promise. I'll be back next week. I need to have some time alone. Again, I apologize for not meeting with the other designers.
I turned off my phone so no one can disturb my peace of mind. I went out to get some fresh air at the park and while walking I end up going to the convenience store and bought alcoholic drinks. I'm not even sure what I'm supposed to drink. I just pick up whatever I see.
Pagbalik sa apartment ay tinakpan ko ang mga bintana gamit ang kurtina. Binuksan ko ang tv para manood habang umiinom ng nabili kong alcoholic drinks.
Nilagok ko nang isang inuman lang ang hawak kong beer. Bahagya pa akong natawa dahil natapon pa nga ang iba sa damit ko. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon, hindi ko alam kung ano uunahin ko. Iiyak ba ako? Tatawa? Maiinis? Iniisip ko kung ano bang problema o baka ako ang problema?
Hanggang sa unti-unting bumabalik sa isip ko ang mga nangyari.
Ang pictures ni Benjamin sa Baguio...
Ang napapadalas na pag-aaway namin dalawa...
Ang pag-ayaw ni Benjamin sa pagiging escort ko...
Ang Masquerade Gala...
Ngayon ko lang napagtanto na maski isa sa mga ito ay wala kaming napag-usapan na maayos ni ni Benjamin na parang lagi niya iniiwasan ito. Nakapagsinungaling pa ako sa pamilya ko na ang pagkakaalam nila ay hiwalay na kami ng boyfriend ko. Ako na lang ba kumakapit sa relasyon namin ni Benjamin?
Naramdaman kong basa na ng luha ang magkabilang pisngi ko. Nakatatlong canned beer na rin ang nainom ko. Ipinatong ko muna ang ulo ko sa mesa dahil bumibigat na ang talukap ng mga mata ko.
Gusto kong malunod sa alak ngayon para mabilis ako makatulog dahil kung hindi magdamag ko lang iisipin ang sitwasyon namin ng boyfriend ko.
*ding dong*
*ding dong*
Hindi ko pinansin ang doorbell, aalis din kung sino man 'yan dahil nakapatay lahat ng ilaw dito sa apartment. Ang tv lang ang nagsilbing ilaw ko rito.
*ding dong*
*ding dong*
"Mary Anne?!"
*ding dong*"
I know you are there! Open the door!"
'Shiz. Lauren'
*ding dong*
*ding dong*
"Mary Anne!! I'm not gonna leave without seeing you."
Napahilamos na lang ako ng mukha sa sinabi nito. Pinilit kong tumayo at humawak sa mga gamit para hindi matumba.
*ding dong*
*ding dong*
"Mary Anne—"
"Please shut up... Don't make a fuss here," saad ko pagbukas ng pintuan.
"I want to be alone right now... I will talk to you later." Akmang isasara ko na ang pinto nang pigilan ito ni Lauren at pinilit na pumasok sa loob ng apartment.
"What are you doing? You reek of alcohol!" Sumasakit ulo ko sa sunod-sunod na tanong nito.
"I'm just drinking, okay? I'm enjoying my alone time," pagsisinungaling ko.
"Oh really?? That's why you have puffy eyes??"
"What happened?" tanong niya.
Sigh. Umupo muna ako dahil baka matumba na ako nang tuluyan. "My boyfriend broke up with me," saad ko at hindi ko na napigilan ang tuluyang pagbagsak ng mga luha ko.
"Oh my god... I'm sorry, Lauren... You don't have to see this... I'm in a mess state right now... Just go home."
Naramdaman kong niyakap ako nito. "Shh... Calm down... I'm not gonna leave." Mas lalo akong napaiyak sa sinabi ni Lauren.
"Cry until you don't have tears to cry... Did you eat dinner?" tanong niya. I just shake my head as it means not yet.
Humiwalay ako sa pagkakayakap ni Lauren. "I have no appetite."
"Good... I didn't have my dinner yet... I'll cook for us," offer niya.
"Take a shower first, so you'll wake up from a drunk state," utos pa niya.
Nahiya ako sa inasal ko kaya hindi na ako umangal pa. Dumiretso ako sa bathtub at hinintay na mapuno ito ng tubig. Dinala ko ang natirang canned beer at inubos saka ako nagbabad sa bathtub. Pinikit ko muna ang mga mata ko para damhin ang lamig ng tubig sa balat ko.
"Mary Anne?!"
"Wake up! Mary Anne!"
Napamulat ako nang maramdaman kong may tumatapik sa pisngi Ang bigat pa rin ng mata ko kaya hindi ko maaninag kung sino itong tumatawag sa'kin.
"Thank God... Mary Anne, can you hear me?"
"L-Lauren?"
"Why you didn't take off your clothes? You are even still wearing slippers."
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya kaya napatingin ako sa suot ko. Paano ako nakarating dito?
"Why I am here? Why are you here?"
Hinila ako ni Lauren mula sa bathtub at pinatuyo ng towel. "Nevermind...Dinner is ready."
Nakaramdam ako ng hilo kaya inalalayan na lang ulit ako ni Lauren hanggang sa nakapagpalit ako ng bagong damit.
Naalala ko ang nangyari kanina kaya todo hingi ako ng tawad sa kanya habang kumakain ng dinner. Halata na ang pagod nito sa mukha pero nagawa pa niya akong puntahan. Hindi ko tuloy mapigilan na mapaiyak ulit dahil sa kabaliwan ko.
"I'm really sorry, Lauren... You came here and saw my mess."
"I understand you... Don't worry... I'm concerned that's why I came," saad nito.
"... And I will talk to the designers to move the shoots next week," dugtong pa niya at saka ngumiti kaya napangiti na rin ako.
"A piece of advice... Don't let a man ruin your life... Do not make them your world... Let them make you their world."
×————×
Tinawagan ko si Elise para hingin ang tulong niya na hanapan ng paraan na makausap ko si Benjamin. Noong una ay ayaw niya dahil nalaman niya na nakipaghiwalay na sa akin si Benjamin at may mga posted pictures sa social media na may kasama itong iba-ibang babae.
"Please, Elise... Ikaw lang mahihingian ko ng tulong ngayon," pagmamakaawa ko.
Narinig ko ang malalim nitong buntong-hininga sa kabilang linya. "Okay pero sure ka na gusto mo lang closure ha? Huwag ka na magpakatanga, please."
"Yes, yes! Thank you, Elise!"
"Huwag ka muna magpasalamat... Like I said, susubukan ko."
Ilang araw na ang nakalipas noong huling punta ni Lauren sa apartment. Natawag naman siya sa gabi para mangamusta at minsan nagpapadala pa siya ng pagkain dahil iniisip niya na baka hindi pa ako nakain hanggang sa kinausap ko ito na gagawin ko na ang project habang hinihintay ko ang tawag ni Elise.
"Hey, Anne... I heard you were sick last time?" tanong ng isang designer na nag-offer din nitong project.
Ngumiti ako rito para ipakita na okay na ako. "Yeah... I'm sorry about last time."
Nasa studio ako para sa photoshoots. Bridal gown ang susuotin ko naman ngayon. I love how fit the gown is, how I wish Benjamin and I end up getting married in the future.
"Are you okay?" tanong ni Agnes. Siya ulit ang nag-assist sa akin ngayon.
"Thank you for helping me out... Send my thanks to Lauren," sambit ko bago pumunta sa harap ng camera.
*snaps*
*snaps*
"Smile naturally, Anne."
*snaps*
*snaps*
Pinaupo nila ako sa sahig na parang prinsesa ang pose. They want to catch the details of the gown I am wearing. The flash of the camera is getting me uncomfortable. As much as possible I want to be done early, so I can go home.
I tried to hide my sadness but the more I force myself to smile, the more heaviness I feel in my chest.
"Thank you for today, everyone!" Nagpaalam na ako na uuwi pagkatapos ng shoots ko. Hinatid naman ako ni Agnes para masigurado na safe akong makakarating ng apartment.
"Anne, I can lend my ears if you want to talk with someone." I smiled to her. She is such a caring person. Hinintay kong makaalis si Agnes bago pumasok ng apartment.
Naramdaman ko ang vibration ng phone ko kaya napatingin ako kung sino ang natawag na ikanalako ng mga mata ko.
My Engineer Calling...
Agad agad na sinagot ko ang tawag nito. "Benjamin!"
"..."
"Benjamin?" tawag ko sa pangalan niya.
"Your P.A talked to me... So what do you want?" Nanikip ang dibdib ko sa lamig ng pakikitungo nito sa akin.
"I don't want us to break up... Tell me what happened?"
"..."
"Benj? Please kausapin mo naman ako... Paano natin maaayos 'to kung hindi ka magsasalita 'dyan."
"I don't know... Wala na tayong dapat pag-usapan... I'm sorry."
*tooot*
Hindi na ako nakapagsalita dahil binaba na niya agad ang tawag. Tinawagan ko ito pero hindi nagri-ring ang phone niya.
No. We can still fix this. Maybe he was just pressured at work or I neglected him as his girlfriend. I need to go home and fix this mess.
I booked an early flight going back to the Philippines. I only pack what I can bring and just send a message later to Kuya Iulian when I get to the airport.
I don't know if I should let my family and friends know the situation. I can't stop biting my nails, what if he push me away? Is it worth it?
No, I have to try everything I can. As soon as I got the confirmation number of my flight, I took a cab going to the airport.
To: Kuya Iulian
Kuya, uuwi ako ng Pinas. I'll be back in no time. Please check out my apartment. You have the spare key, right?
Kuya Iulian Calling...
"What the hell is happening?" bungad ni Kuya Iulian sa kabilang linya.
"B-Benj... Benj broke up with me... I need to talk to him," sagot ko.
"What?! Hindi ba kayo pwede mag-usap thru calls or message sa social media?"
"He blocked me! Please... I'm sorry." Pinatay ko agad ang tawag, ayoko na makipagtalo sa kanya. I'm already exhausted.
To: Kuya Iulian
Please, don't tell Mom.
Mabilis lang ang naging byahe ko papunta sa airport dahil wala na masyadong traffic sa gabi. Naghintay pa ako ng isang oras bago nakasakay sa eroplano. Pinatay ko na ang phone ko para hindi na ako kulitin ni Kuya Iulian.
Wait for me, Benjamin.