Chapter 19

1817 Words
"What are you doing here?" sambit ni Benj na nanlaki ang mga mata nang makita ako. Paglapag ng eroplano dito ako dumiretso sa condo niya. Gabi na nang makarating ako ng Pinas. Pinilit kong ngumiti na parang walang nangyari. "I—I'm back! I miss you." "Bakit nandito ka?" tanong pa ulit ng boyfriend ko. Mukhang galing pa ito sa shower dahil basa pa ang buhok niya. "Can I stay here? Hindi pa nila alam na bumalik na ako," sambit ko. Kumunot ang noo ni Benjamin pero pinapasok pa rin niya ako sa condo. I made a plan, I will pursue him while staying here. "Now. Talk—" I kissed him to shut him up. "Can we talk tomorrow? May jetlag pa ako," pagsisinungaling ko. Pinagamit niya sa akin ang isa pang kwarto sa condo niya. This is my first time staying here and I wanted to share a bed with him but I already made a fuss about coming over here. Bahala na kung ano mangyayari sa mga susunod na araw. Kailangan ko mag-ipon ng lakas kapag dumating 'yung oras na hindi ko na maiiwasan ang mga tanong ni Benjamin. . . . . . . . . . Gumising ako ng maaga kahit antok na antok pa ako dahil sa byahe ko sa eroplano. Ipagluluto ko si Benjamin ng breakfast, like a newlyweds. Niluto ko ang nakita kong bacon at egg sa refrigerator. Ipinagtimpla ko rin si Benjamin ng black coffee at saka nagpainit ng tinapay sa toaster bread. Typical breakfast lang ang niluto ko dahil alam kong light eater ang boyfriend ko kapag umaga. Kinatok ko ito sa kwarto niya nang matapos na ako magluto. "Benj? Breakfast is ready!" sigaw ko para magising siya. Naka-locked kasi ang pintuan niya. Kinatok ko ito nang paulit-ulit hanggang sa bumukas ang pinto ng kwarto niya. "Good morning, Babe!" bati ko sa kanya pero blangko lang ang mukha niya. "Why the long face? Don't you have a work?" tanong ko sabay halik sa pisngi niya. "I will get ready for work... Mauna ka na kumain ng breakfast," sambit nito sabay sarado ng pintuan. Sigh. Hihintayin ko na lang siya matapos para sabay kami kumain. Hinilot-hilot ko ang ulo ko dahil sumasakit na naman ito. Naubos na ang kape ko nang nagmamadaling lumabas si Benjamin ng kwarto niya. "Let's eat?" pag-aaya ko para makuha ko ang atensyon niya. "Di'ba sinabi kong kumain ka na? I need to go now... Let's talk later when I got home," sambit nito bago tuluyang lumabas ng condo niya. Napaiyak na ako nang tuluyan dahil sa inasal ni Benjamin. Pinipigilan kong maiyak kanina kaya sumasakit ang ulo ko. I'm so pathetic. Pinunasan ko agad ang mga luha ko. Hindi ako pwede panghinaan ng loob. I can do whatever I want now, I will make this worth it. Pinilit ko na lang ubusin ang niluto kong breakfast at saka naisipan na linisin ang condo nito. Hindi ko namalayan na nakatulog ako pagkatapos maglinis, pagkakita ko sa orasan ay saktong alas-singko na kaya nagmadali akong magluto ng dinner. Sana lang na dito na siya kumain ng dinner. Mag-aalas otso na nang dumating si Benjamin, niyaya ko itong kumain ng dinner pero tinanggihan niya dahil may gagawin pa raw siya. Hahatiran ko na lang sana siya ng pagkain ngunit naka-locked ang pintuan ng kwarto niya. Nahiya naman ako kumatok dahil baka maistorbo ko ito at magalit pa sa akin. . . . . . . . . Maaga ulit ako gumising para magluto ng breakfast pero napansin kong may note sa refrigerator. "No need to cook breakfast, I'll eat outside- Benjamin," basa ko sa note na iniwan niya. Hindi pwede maging ganito ang set-up namin ni Benjamin. Kaya nga ako umuwi ng Pinas para maayos ang relasyon namin. Lilinisin ko na lang ang kwarto ni Benjamin dahil hindi ko ito nalinis kahapon dahil naka-locked. Mabuti na lang nakabukas ito ngayon. Napakagat-labi ako nang makita ko ang basurahan niya na halos mapuno ng con/doms at nanikip ang dibdib ko nang may makita akong adult s*x toys sa drawer niya, totoo nga kaya talaga na may iba-iba siyang kasama na babae? Ito ba dahilan kung bakit ayaw na niya sa akin? Pikit-mata na lang ako naglinis ng kwarto niya. Dapat pala hindi na ako pumasok dito. Habang naglilinis ay kumuha ako ng oversized shirt ni Benjamin, may naisip akong plano. I will use this opportunity to get him back. Inabot ako ng hapon sa paglilinis. Nagluto agad ako ng dinner para maaga ako makaligo. Balak ko suotin ang oversized shirt na kinuha ko at akitin si Benjamin. *beep* *beep* *beep* *beep* Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng condo kaya sinalubong ko ito sa dining table. "Dinner is ready!" "You should stop wasting your time here... At saka sa labas na ako kumakain," saad nito. "Is that my shirt?" tanong nito. Napansin niya rin ang suot ko. Sinadya ko talaga na ito lang ang suotin, wala akong suot na bra at short. "Follow me," utos ni Benjamin. Nakaramdam ako ng excitement at kaba. It's been a long time since we had it. Narating namin ang sala at umupo siya sa may couch samantalang umupo naman ako sa sahig habang nakatapat sa kanya. "Why are you sitting there?" tanong nito na ipinagtataka ko. Mali ba ako ng naisip? "Ahm... To do this?" I grabbed his crotch. Bahagya itong ngumiti at hinawakan ang panga ko sabay diin ng halik sa akin. Ilang segundo lang niya ginawa ito sabay bitiw sa panga ko. "Stop doing this, Anne... Wala nang magbabago sa desisyon ko." "W-What? T-Then why did you kissed me?" pagtataka ko. "For the last time?" saad nito sabay tayo mula sa pagkakaupo niya. Akmang aalis na ito sa harap ko ngunit nahawakan ko ang kanang binti niya para pigilan ito. "P-Please... Give me a c-chance!" pagmamakaawa ko. "I will do everything you want but please don't break up with me." Tuluyan na akong napahagulgol habang nakahawak pa rin sa binti niya. "Don't do this, Anne! Ihahatid na lang kita sa condo mo bukas!" sigaw niya. "No! No... I don't have the key... Let me stay here, give me a chance to show you that I'm worthy!" iyak ko sa kanya. "Get—off—me!" Pinilit niyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa binti niya at nang makawala siya iniwan niya ako. "You should sleep now," sambit nito bago pumasok sa kwarto niya. ×————× Ilang araw ako nagkulong sa kwarto at kada papasok si Benjamin para bigyan ako ng pagkain o kausapin ay hindi ko ito pinapansin. Nagtatalukbong lang ako para hindi niya makita ang itsura ko. "Don't be stubborn, Anne... Eat this food kung hindi ay baka patayin pa ako ng magulang mo," sambit nito. Tubig lang ang ininom ko at bumalik sa pagkakahiga sa kama. Narinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan. Hindi ko alam kung anong oras na ba. "Elise wanted to pass this message on you since they can't contact you," rinig kong sambit ni Benjamin dito sa loob ng kwarto. "First... Hinahanap ka na raw ng kaibigan mo named Lauren... It's about your commitments... Bakit ka umuwi ng Pinas kung may trabaho ka pa pala?!" Narinig kong bumuntong-hininga muna ito para makabwelo. "Second... Nag-aalala na raw ang Kuya Iulian mo... Pati ang therapist mo hinahanap ka rin." "Lastly, open your f*cking phone already para hindi na nila ako guluhin... I have a lot of works to do, Anne... Stop being childish!" Nagitla ako sa padabog na pagsara niya ng pintuan. Simula nang dumating ako rito ay hindi ko pa pala nabubuksan ang phone ko. Sunod-sunod ang email at text messages ang natanggap ko. Inuna kong sagutin ang email ni Lauren para humingi ng tawad sa biglaang pag-uwi ko rito. The designers were mad of me for neglecting my commitments to them. I still have three projects pending. I ask Lauren for what I can do to settle the issue with the designers but I cannot promise to come back as soon as possible. Sinunod ko naman ang Kuya Iulian, alam kong pinag-alala ko siya. Iniwan ko pa ang apartment sa kanya. Sinabihan ko naman siya na babalik din ako pero hindi ko alam kung kailan at siya na bahala kumausap sa therapist ko doon. Lumabas ako ng kwarto at naabutan si Benjamin sa sala na nakatulala sa kawalan. "B-Benjamin," tawag ko sa kanya pero wala akong nakuhang reaksyon. Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan ang balikat nito. "Benjamin," tawag ko ulit. Nilingon ako nito at nakita kong dark circles sa mga mata niya. "I'm sorry for stressing you out," pagsisisi ko. "Kung hindi na talaga natin maaayos 'to... Aalis na lang ako. Again, I'm sorry for everything." Akmang aalis na ako nang hawakan niya ang kamay ko. "Check this out first," turo niya sa magazines na nakalagay sa center table. Kinuha ko ito para tingnan maigi at nagulat ako nang makita ang sarili ko. Ito 'yung nag-temporary modeling kami ni Lauren sa Paris para sa fashion week. Mayroon din 'yung sa summer outfit. "I don't want to drag you out from your modeling career... and you are out of my league now," paliwanag ni Benjamin. "It's that why you broke up with me?" tanong ko. "I can't reach your social status now, Anne." "...but I am still me... mukha ba akong nagbago?" tanong ko ngunit wala akong nakuhang sagot sa kanya. Pinikit niya ang mga mata niya sabay hilot sa sentido nito. "You can stay whenever you want but please contact Elise and let her help you especially your therapy." Pinipigilan kong maiyak nang maramdaman ko ang sinseridad sa boses nito. ×————× From: G Squad Icelyn Maan, nandito ka sa Pinas? From: G Squad Lizelle Bruha! Nasaan ka? Wala ka raw sa bahay niyo?! From: G Squad Natalia What happened? Nalaman na rin ng friends ko na umuwi ako rito. Hindi na ako nag-reply sa kanila dahil may kailangan pa akong ayusin. Tanghali na ako umalis ng condo ni Benjamin. Makikipagkita ako kay Elise dahil nalaman niya na nakabalik na ako ng Pinas. Sinabihan siya ni Benjamin kaya wala akong nagawa kun'di kitain siya baka magsabi pa siya sa parents ko. Papatulong na rin ako magpa-schedule ng therapy. Mabuti na lang nakasakay na si Kuya Borge sa barko at baka siya pa maunang makaalam sa ginagawa ko. Nag-uusap pa rin kami ni Elise kahit si Mom na ang nag-take over sa agency. Of course, naging kaibigan ko na siya noong tinanggap ko siya sa agency. "May I take your order, Ma'am?" tanong ng waiter. Sinabihan ko ito na may hinihintay ako kaya mamaya na ako mag-place ng order. To: Elise Ong Where are you? I'm here already. "Mary Anne Trisostante" Halos lumabas ang puso ko nang marinig ko ang boses ng taong tumawag sa pangalan ko. Dahan-dahan ko ito nilingon at umaasang ibang tao 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD