"D-Dad? M-Mom?" Nakita ko si Elise sa likod nila at sumenyas ito na humihingi ng tawad sa pagsabi sa parents ko.
"Let's go home," maawtoridad na utos ni Dad ngunit hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.
"No, Dad... I'm going back to Benjamin's place."
"Princess, please huwag na matigas ang ulo... We are worried for you," nag-aalalang sambit ni Mom.
"Get her," utos ni Dad sa bodyguards.
Lumapit sa akin ang dalawang bodyguard at hinawakan ang magkabilang braso ko. "Stay away!" pagpigil ko sa kanila ngunit mahigpit ang pagkakahawak nila sa'kin.
"Dad, ayoko nga! Please, hindi alam ni Benjamin na lumabas ako... Hayaan niyo muna akong makapagsabi sa kanya," pagmamakaawa ko.
Tinalikuran niya ako sabay hawak kay Mom. "No! We will go home now," pagmamatigas ni Dad.
"Honey, huwag ganito... nakakaagaw na tayo ng atensyon," singit ni Mom.
Nagpupumiglas ako sa mga bodyguards hanggang sa inapakan ko ng buong lakas ang paa ng isa sa kanila kaya napabitiw ito sa akin at ginamit ko ang nabitiwan kong kamay para suntukin ang mukha ng isa pang bodyguard.
Tumakbo agad ako nang makawala sa pagkakahawak nila ngunit hindi ko inaasahan na nakaabang pala sa labas ng restaurant si Kuya Kasper.
"Where do you think you are going?" Napalunok ako ng laway sa tono ng pananalita nito. Sa lahat ng kuya ko, siya ang pinakastrikto at pinakanakakatakot.
"K-Kuya... I'm sorry—" Binuhat ako nito sa kanyang balikat na parang sako.
"Kuya, Ibaba mo ako!" pagpupumiglas ko.
"Dalawa na kayo pero nakawala pa kayo." Pinapagalitan ni Kuya ang bodyguards.
"Bring her to the car," narinig kong utos ni Dad.
"K-Kuya! Kuyaaa, please bitiwan mo ako!" patuloy pa rin na pagpupumiglas ko.
Nahihilo na ako sa posisyon ko hanggang sa naramdaman kong ibababa na ako ni Kuya Kasper. "Get in," utos niya na papasukin ako sa kotse.
"I really hate you!" pagmamaktol sa kanya pagsakay ko ng kotse. Siya kasama ko rito sa kotse at nasa isang kotse naman ang parents namin.
Hindi kami nag-uusap ni Kuya hanggang sa makarating kami sa bahay. Pagbaba ng kotse ay dumiretso agad ako ng kwarto.
Nangunot ang noo ko nang mabuksan ang pintuan ng kwarto. "Don't you dare locked this door, Mary Anne."
"Dad, please. I'm okay and nothing is wrong with me," pagmamakaawa ko.
"Nothing is wrong? Umuwi ka rito nang hindi nagsasabi sa'min ng nanay mo... Dumiretso ka pa sa condo ng ex mo!" sigaw ni Dad na ikinabigla ko.
"Hon, ang puso mo," pagpapakalma ni Mom kay Dad.
"What is happening, Princess? Akala namin naghiwalay na kayo ng boyfriend mo?" tanong ni Mom.
Napayuko ako, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ang mga nangyari. Ayoko naman makisali pa sila sa issue namin ng boyfriend ko.
Nalaman ni Mom ang tungkol sa commitments ko sa New York. Kaya nag-aalala sila na baka masira ang image na matagal kong binuo at inalagaan. Imagine a model breaching her duties and responsibilities just because she's crazy over her ex-boyfriend.
"Kung hindi ka babalik ng NYC as soon as possible, then might as well stop meeting with your ex-boyfriend and prioritize your therapy here," utos ni Dad.
Dad took away my phone and any gadgets that will make me have a communicate with Benjamin. They soon found a therapist and have home service therapy. The doctor will be visiting me once a week and monitoring my meds.
Selfish na kung selfish pero wala akong kinakausap dito sa bahay simula noong pinilit nila ako umuwi. Kahit si Mom ay hindi ko pinapansin dahil kakampi niya si Dad. Si Kuya Kasper naman sinisilip-silip lang ako rito sa kwarto kapag nakakauwi siya.
"Are you eating well?" tanong ng doctor ko.
"Yes. I'm good," matabang na sagot ko.
The truth is, I have no appetite to eat. Kaya tinatapon ko sa basurahan ang mga pagkain na hinahatid nila sa kwarto ko. Hindi na rin ako nalabas ng kwarto dahil hindi rin naman ako makaalis ng bahay dahil sa mga nakabantay na bodyguards.
*knock* *knock*
"..."
"Yes, come in."
"Good day, Doc. How's the therapy? One hour lang session, right?" tanong ni Mom pagkapasok niya ng kwarto.
"Princess... Doc... Nagdala ako ng snacks," alok ni Mom.
Inabot sa akin ng doctor ang snack at hinihintay niyang kainin ko ito. Napilitan akong kumain kahit kaunti lang ngunit biglang umikot ang tiyan ko kaya napatakbo ako sa cr.
Naisuka ko ang pagkain na binigay sa'kin. Isa ito sa dahilan kung bakit wala akong gana. Pagbalik ko sa kinaroroonan ng doctor ay nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Mom.
"Anak—" boses ni Mom ang huling narinig ko bago nagdilim ang paligid ko.
×————×
Nagising ako na masakit ang ulo. Nakita ko na lang na may nakasalpak na dextrose sa kanang kamay ko at nakita ko si Mom na natutulog sa gilid ng kama ko.
"Mom... Mom..." tawag ko para magising siya.
"Mom!" Nagising din ito noong nilakasan ko ang tawag sa kanya.
"Why are you here? What is this?" tukoy sa kamay ko.
"Your body went undernutrition... You don't eat the foods being served here... Nalaman ko sa mga maids na kapag naglilinis sila dito sa kwarto mo, may mga pagkain sa trash can mo," paliwanag niya.
"Are you trying to kill yourself by doing a hunger strike?" tanong pa niya.
Pinikit ko ang mga mata ko, hindi ko alam ang sasabihin ko kay Mom. "Mom, I need my phone... Please, kahit iyon lang makuha ko."
"Kakain na ako, I swear." Alam kong walang magagawa si Mom dahil na kay Dad ang phone ko.
"Fine... I'll help you to get a new phone but don't tell to your dad... And promise me, you're gonna eat right."
Ngumiti ako sa kanya bilang pagsang-ayon sa gusto niya. Mom is always the best.
Tatanggalin lang daw ang dextrose ko kapag naubos na ang laman. Binabantayan din ni Mom ang food intake ko kaya paunti-unti bumabalik ang lakas ko.
I texted and called Benjamin to get me out of here but I didn't receive any reply from him.
"Elise is here... Don't blame her, okay? She is just concern about you," sambit ni Mom bago lumabas ng kwarto.
Naiwan kaming dalawa ni Elise sa kwarto, hindi naman ako galit sa kanya dahil sa pagsumbong niya sa parents ko. Naiintindihan ko, siguro may sama lang ng loob dahil pinagkatiwalaan ko siya.
"Anne, I'm really sorry... You are my friend at ayoko mapahamak ka sa mga ginagawa mo saka ibinilin ka kasi sa akin ng Kuya Borge mo.
Napabuntong-hininga na lang ako, hindi ko kayang hindi kausapin si Elise dahil siya lang ang kaibigan ko na nandito. "Forget it... Nangyari na rin eh."
Napayuko ito at nakita kong nagpupunas siya ng mata. "H-Hindi ako galit ha... Please, stop crying."
"Have you contacted him? If not, If not, I will help you," alok niya.
"Hindi siya nagrereply sa akin... Maybe he was busy again," malungkot na sambit ko.
Marami kami napag-usapan ni Elise lalo na tungkol sa pag-stay ko sa New York. Nalaman ko na siya ang pinagbigyan ni Kuya Borge ng souvenirs na binili nito noong namasyal kami sa NYC. Tinanong niya rin kung may balak pa ba akong bumalik sa agency at modeling. May dinala siyang magazines katulad nang pinakita sa'kin ni Benjamin sa condo niya.
×————×
"Bakit nandito ka?" mataray na tanong ko kay Kuya Kasper. Siya 'yung ayoko makita habang nandito sa bahay.
"Are you still mad at me?" malambing na tanong nito.
Hindi ko ito pinansin at tinuloy ko ang pagbabasa sa libro na hawak ko. Nagagalaw ko na ang kamay ko dahil tinanggal na ang dextrose.
Umupo siya sa gilid ko at tinatangkang hawakan ang kamay ko. Nangunot ang noo ko sa inaasal niya dahil lagi itong may dalang bulaklak at nakakagulat na lagi siyang umuuwi rito sa bahay.
"Ano ba kailangan mo? Nakikita mo naman siguro na ayoko magpa-istorbo," sita ko sa kanya.
"I'm sorry, Princess... Huwag ka na magalit sa'kin. Please?" malungkot na sambit nito. Ngayon ko lang napansin na ang laki na ng eyebags niya at hindi pa ito nag-aahit.
"Ano ba 'yan, Kuya Kasper para kang matandang may balbas."
Bahagya itong tumawa na ikinatuwa ko naman. I don't know but we are not really close, maybe because of our age gap? Magkakasunod ang age namin nina Kuya Borge at Kuya Iulian hindi katulad kay Kuya Kasper na five years bago ulit nag-anak ang parents namin.
"Just remember that I love you and I will do everything to protect you," sambit niya bahagya akong niyakap.
"I love you too!" sagot ko.
From: My Engineer
Let's move on to our separate lives.
"Settle this for once... You should break-up with him." Nabasa ni.Kuya Kasper ang text ni Benjamin.
"Maaayos pa namin 'to... I have faith in our relationship," pagmamatigas ko. Heto na naman mukhang mag-aaway na naman kami. Itinabi ko ang librong hawak saka tumayo mula sa kama ko.
Hinatak ni Kuya Kasper ang braso ko saka ako hinarap sa kanya. "Bakit ba baliw na baliw ka sa lalaking 'yan?!" Nagulat ako sa pagsigaw nito.
"Ano bang problema mo? May topak ka ba?" Naiinis na ako sa pabago-bagong ugali niya. Hinahatak ko ang braso ko sa pagkakahawak niya pero mahigpit ang hawak nito.
"Kuya, bitiwan mo nga ako. Nasasaktan na ako!" Napaiyak na ako sa sobrang higpit ng hawak niya.
Natauhan ito nang napasigaw na ako. "S-Sorry... Shhh... Please don't cry, I'm sorry."
Iniwan ko ito at agad na lumabas ng kwarto. Hindi ko na kaya magtagal na kasama siya. Kailangan ko na makaalis sa bahay na 'to.