Chapter 21

1801 Words
Simula noong huling pag-aaway namin ni Kuya Kasper ay hindi ko pa siya ulit nakikita o hindi na siya nauwi rito sa bahay. I tried to pursue Dad to let me go back to the condo, at least, but no luck at all. "You are just going to see your ex-boyfriend... You can't fool me, Mary Anne." Nawalan ako ng gana kumain kaya padabog akong umalis sa dining table. "If that's what you want, Dad. Fine. Kalimutan mo nang may anak kang babae!" "What—Mary Anne, bumalik ka rito!" Hindi ko ito pinansin at bumalik sa kwarto. *knock* *knock* *knock* "Leave me alone! Aaarrrghhh!!" Hindi ko na napigilan ang galit ko at pinagbabasag ko kung ano man ang mahawakan ko. *knock* *knock* *knock* "Mary Anne, open the door!" narinig ko ang boses ni Dad sa labas. "Aaaahhhh!! I hate you! I hate all of you!" Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa frustrations na nararamdaman ko. *knock* *knock* *knock* "Aaaaahhh! Haaa haaa... Aaaahhhh!!" Nabato ko ang upuan sa floor-to-ceiling mirror wall kaya natalsikan ako ng mga bubog galing dito. "Mary Anne, stop it!" Napalingon ako sa pintuan at nakita ko si Dad at Mom doon. Pinaghahagis ko ang mga vase na naka-display sa kwarto ko. "No! No!" "Let me get out of this place—D-dad." Hindi ko napansin na may nakalapit sa'kin na bodyguard at mabilis nila akong tinurukan ng pampakalma hanggang sa tuluyan akong namanhid. Pumipikit-pikit na ang mata ko nang makita ko ang nag-aalalang mukha ni Kuya Kasper. . . . . . . . . . . Hindi ko na mabilang ang mga araw na nagdaan na nakakulong lang ako sa kwarto. Hindi ko na alam kung kumusta na ba si Benjamin, kung hinihintay niya ba akong bumalik kahit alam kong wala na talaga kami. Dinadalaw naman ako ni Elise pero kahit siya ay hindi mahagilap si Benjamin para makibalita. Paano kung hindi ako nakipagkita kay Elise? Ano na kaya ginagawa ko ngayon? Baka sakaling nagkaayos na kami ni Benjamin, baka sakaling masaya kaming dalawa ngayon. From: Lauren Anne, how are you? When are you going back here? I already forgot the life I had in New York even it's just temporary. Pinapadalhan pa rin ako ni Lauren ng email o messages kahit hindi ako sumasagot. Kahit si Kuya Iulian ay hindi ko rin sinasagot ang mga text at tawag niya sa akin. Sinasabi lang sa'kin ni Mom na hinahanap ako ni Kuya Iulian kapag tinitingnan niya ang kalagayan ko. Samantalang si Dad ay hindi ko pa rin pinapansin kahit anong ibigay niya o gawin ay hinahayaan ko lang dahil mapapagod din naman siya. Tumatawag din sa akin ang mga kaibigan ko na minsan ay kinakausap ko rin pero sandali lang dahil wala rin akong gana makipag-usap. "Anne... My princess, tigilan mo na 'tong pagrerebelde mo... You can still go back to your old life," pagsusumamo ni Kuya Kasper. Blangko ko lang siyang tiningnan. "Old life? It's not an old life anymore without Benjamin." Mahigpit at madiin na hinawakan ni Kuya Kasper ang braso ko saka nilapit ang bibig niya malapit sa tenga ko. "Tigilan mo na 'tong pagiging isip-bata mo, Mary Anne... Pinapahirapan mo na sina Mom at Dad." "Oh now... You are being saint? Come on, Kuya! Wala kang maloloko sa pagiging mabait mo," pagbibintang ko sa kanya. *slaps* Nanlaki ang mga mata ko nang sampalin ako ni Kuya Kasper. Ito ang unang pagkakataon na tinaasan niya ako ng kamay. "Now you're being violent brother," asar ko rito. "Hindi ko sinasadya, Princess... Ginalit mo kasi ako," balik niya sa akin na parang kasalanan ko pa ang nangyari. Hinila ko ang kanang kamay ko na kanina pa niya pinipisil-pisil. "Get out," utos ko. "I will talk to Dad na iuwi ka muna sa Cebu," sambit nito bago lumabas ng kwarto. ×————× Papunta kami sa airport ngayon para umuwi ng Cebu, si Kuya Kasper lang ang kasama ko dahil may mga trabaho pa ang parents namin. Dadalaw na lang sila kapag may mahaba silang bakasyon. "Kapag nakauwi na tayo ng Cebu pwede ka na lumabas ng bahay kahit saan mo gustong pumunta pero may kasama ka pa rin na bodyguards," sambit ni Kuya Kasper. Hindi ko pa rin pinapansin ito. Nakatanaw lang ako sa labas ng kotse habang naghihintay ng pagkakataon na makatakas sa kanila. Si Kuya Kasper, isang bodyguard at isang driver lang ang kasama ko rito sa kotse. Malayo pa ang byahe kaya nagtulog-tulugan na lang ako habang kausap ni Kuya ang parents namin sa phone niya. Nagkunwari akong nagising nang tumigil ang kotse sa gas station. "Sir, magpa-gas lang po," paalam ng driver. "I'll take a bathroom," paalam ko sabay bukas ng pintuan ng kotse. Pinigilan pa ako noong una ni Kuya Kasper at inutusan ang bodyguard na samahan ako at huwag hayaan na mawala ako sa paningin niya. "Whatever, Kuya." Pagpasok ko ng cr ay agad na nag-book ako ng masasakyan, five minutes pa bago makarating ito kaya nagmadali ako sa paggamit ng cr. "Miss, aalis na po tayo," sambit ng bodyguard. "Sabihin mo wait lang... Dadaan pa ako sa convenience store," utos ko. Paglabas ko ng cr ay dumiretso ako sa convenience store at kung ano-ano ang dinampot ko sabay abot sa bodyguard hanggang sa wala na siyang magamit na kamay. Nag-message ang driver na dumating na siya sa pin location, sinabihan ko ito na buksan niya ang pintuan ng kotse dahil palabas na ako at may sumusunod sa akin. "Miss, magbabayad na ba kayo?" tanong ng bodyguard. Sinenyasan ko ito na dalhin na niya sa counter at kukuha lang ako ng tubig. Pagkatalikod niya sa akin ay kinuha ko ang pagkakataong 'yon na makalabas at hanapin ang kotse. Hindi naman ako nahirapan hanapin dahil ito lang ang kulay white na kotse. "Miss! Miss Anne!" Sh*t nakalabas ang bodyguard at naagaw niya atensyon nina Kuya Kasper. "Mary Anne!!" Tinakbo ko ang kinaroroonan ng kotse at sumakay. "Kuya, bilis! Nandyan na sila, please!" pagmamakaawa ko. "Ma'am, bakit po hinahabol kayo baka may kasalanan kayo?" "Wala! Babayaran kita ng triple basta paalisin mo lang ako at dahil sa destinasyon ko!" sigaw ko. "S-Sige, Ma'am." Pinatakbo niya ng mabilis ang kotse niya at sinabihan ko itong iligaw niya ang mga nakasunod sa amin. Makalipas ang thirty minutes ay nakarating din ako sa destinasyon ko. Binayaran ko naman ng triple ang driver para hindi ito magsalita kung saan niya ako binaba. *ding dong* *ding dong* *ding dong* "Sino 'yan?" *ding dong* "Sabing sino nga 'yan?!" Nakita kong may sumilip sa katabing bintana ng pintuan kaya kinawayan ko ito. "E-Elise," sambit ko. Nanlaki ang mga mata niya at agad akong pinagbuksan ng pinto. "Anne?! Nakakalabas ka na?!" tanong niya. "Papasukin mo muna kaya ako baka may makakita sa akin." Nagsalubong ang kilay nito sa sinasabi ko ngunit pinapasok niya naman ako. "Akala ko uuwi kayo ng Cebu?" tanong pa ulit niya. Huminga muna ako ng malalim dahil ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko. "T-Tinakasan ko sina Kuya Kasper." "Haaaa?? Ano na naman naisipan mo at tumakas ka? Paano kapag nalaman nila na nandito ka?" "Isusumbong mo ba ako?" tanong ko. "Syempre hindi! Nakakatakot kaya si Kasper! Ano na balak mo ngayon?" Inabutan niya ako ng tubig na maiinom para mahimasmasan ako. "Pupuntahan ko si Benj... I will talk to him," sagot ko. Napahilot ng batok si Elise sabay bumuntong-hininga. Alam kong ang desperada ko na tingnan at naaawa na sa akin ito pero hindi ko kaya na wala si Benjamin. "Gusto mo bang samahan kita?" alok niya. Umiling naman ako bilang hindi pagpayag. "No. It's better to take the cab na lang baka kasi makita nila na magkasama tayo at mapahamak ka pa." Nakiusap din ako na huwag siya magsabi kay Kuya Borge sa mga nangyayari rito. Ayokong makaramdam siya ng stress habang nasa barko dahil kakaisip sa amin dito at baka magmadali siya bumaba ng barko lalo na't nasa malayo siya ngayon. *ding dong* *ding dong* *ding dong* Natigil ang pag-uusap namin ni Elise nang may pumipindot ng doorbell sa bahay. "S-Sino 'yan?" *ding dong* "Miss Elise, are you there? Will you open the door?" Parehong naglakihan ang mga mata namin ni Elise nang marinig ang boses ni Kuya Kasper. Napakagat ako sa kuko ng kamay ko. Sh*t paano na? *ding dong* *ding dong* "Miss Elise, alam kong nandyan ka!" pagalit na sigaw ni Kuya Kasper. "S-Sandali lang! M-Magbibihis lang ako!" Hinila ako ni Elise sa isa sa mga kwarto sa second floor ng bahay niya. "Magtago ka dyan at i-lock mo ang pinto... Huwag mo bubuksan hangga't wala akong sinasabi," bulong niya. *ding dong* *ding dong* "Alam kong nandyan si Mary Anne. Ilabas mo siya rito!" "Shhh... Bababa lang ako," sambit ni Elise. Sinunod ko naman ang utos niya na i-lock ko ang pintuan ng kwarto. Halos rinig ko ang t***k ng puso ko sa bawat segundong dumaan na wala pa akong naririnig mula kay Elise. Hindi ko alam kung ano na nangyayari sa baba hanggang sa nakarinig ako ng mga yapak sa labas. "Kasper, sinabi ko naman sa'yo na hindi pa nakakapunta si Anne rito!" narinig ko ang boses ni Elise. "Check all the rooms!" utos ni Kuya Kasper. May nagtatangkang magbukas ng pintuan kung saan ako nagtatago. May nakita ako na malaking cabinet sa gilid at agad na nagtago roon. Parang bumagal ang ikot ng mundo ko nang saktong bumukas ang pintuan sa kwarto pagkasara ko ng cabinet. Pinipigilan ko maski ang paghinga ko para hindi makagawa ng ingay at makuha ang atensyon nila mula sa direksyon ko. "I told you this is a storage room... I will report this to Madame... Trespassing to my property," banggit ni Elise kay Mom. "Shut up, f*cking homo. Tch! Let's go baka mahawaan pa tayo ng sakit dito." What the hell? "Siguraduhin mo lang na wala si Mary Anne rito or else, you will regret this," pagbabanta ni Kuya Kasper. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan na silang lumabas sa kwarto. Ilang minuto pa ang dumaan nang bumukas ulit ang pintuan ng kwarto. "Anne..." mahinang tawag ni Elise. "Anne, wala na sila... Nasaan ka?" sambit nito. Tinulak ko ang pintuan ng cabinet para makalabas ako. Nakita ko naman si Elise na parang galing sa pag-iyak. "Anong nangyari? Sinaktan ka ba nila?" nag-aalalang tanong ko. "Ang sama talaga ugali ng kuya mo... Bakit naiba 'yon sa inyo?" Hindi na ako nagtaka kung napansin din ni Elise 'yon. Tahimik lang si Kuya Kasper pero kapag nagsalita 'yon may kasamang authority at nakakatakot siya magalit. Ako na ang humingi ng tawad kay Elise dahil sa ginawa ng kuya ko. Pinayuhan ako ni Elise na huwag muna lalabas ng bahay at maiging palipasin ko muna ang ilang araw bago puntahan si Benjamin dahil panigurado ay pupuntahan daw 'yon nina Kuya Kasper.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD