Chapter 22

1651 Words
"The agency and your house are in chaos," bungad ni Elise pagdating niya sa bahay galing trabaho. "Bakit naman?" tanong ko. "Anong bakit naman? Girl, tumakas ka at hindi ka nila mahanap... Syempre nag-aalala ang family mo," saad niya. "Muntik pa magpa-media si Madame!" tukoy niya sa mom ko. Ilang beses na ako kinukumbinse ni Elise na kalimutan na si Benjamin. Bakit daw baliw na baliw ako sa kanya, ilang beses ko na ba narinig 'to? Pinakiusapan ko si Elise na bilhan ako ng pang-disguise at samahan sa condo ni Benjamin na kunwari ay bibisitahin niya ito at kasama niya lang ako. Mabilis kasi ako makikilala dahil ilang beses na rin ako nagpunta sa condo ni Benj kung sakali man nagpunta sina Kuya Kasper doon ay panigurado na kakausapin niya ang admin sa condo na tawagan sila o huwag ako papasukin. "Bakit hindi na lang kayo magkita sa labas?" tanong ni Elise habang inaabot sa akin ang pinamili niya. "Buti sana kung makipagkita 'di ba?" may halong sarkastikong saad ko. "Hay! Ewan ko sa'yo... Sinisira mo ang buhay mo sa isang lalaki... Marami pang isda dyan sa dagat!" iritang sambit nito. "Promise last na... Kapag wala pa rin nangyari, ako na mismo lalayo." Sinukat ko ang binili ni Elise na pang-disguise. Bukas ko balak pumunta sa condo ni Benjamin dahil wala siyang pasok kapag weekend. "Tingnan mo pati ang mga kaibigan mo nag-alala na sa'yo." Inabot sa akin ni Elise ang phone at nakitang tumatawag si Lizel. G Squad Lizelle Calling... Nangunot ang noo ko nang makalimutan kong patayin ang cellphone ko. Sinagot ko naman ang tawag ni Lizel, siguro alam na nila ang nangyari. "Wassup," bungad ko sa kanya. "Totoo ba?? Totoo bang tinakasan mo 'yung kuya mo?" natatarantang tanong niya. "Aha! Yes... Paano niyo nalaman?" balik ko sa kanya. "Hello? Nagpatulong sina Tito at Tita na hanapin ka... Kesyo baka nauna ka na raw dito sa Cebu," sambit nito. "Bakit ba baliw na baliw ka dyan sa ex mo?!" Napapikit ako sa tanong nito dahil pangatlo na siya sa nagtanong niyan. "Pangatlo ka na," sambit ko. "Pangatlo, ano?" tanong niya. "Pangatlo ka na sa nagtanong niyan kung bakit baliw na baliw ako kay Benjamin!" "Nasaan ka ngayon?" tanong pa niya. "Secret but I'm doing fine... gotta go na because I'm busy... Byeee," paalam ko sabay patay ng tawag. Hindi ko na ito hinintay sumagot baka mangulit pa. Hindi maiwasan ni Elise na matakot dahil baka tanggalin siya sa trabaho kapag nalaman ni Mom na nandito ako sa bahay niya. Binigay ko naman ang assurance ko na huwag siya mag-alala dahil hindi ko siya ipapahamak. Elise is part of lqbt, a transwoman, kaya takot ito mawalan ng trabaho lalo na at nahihirapan maghanap ng trabaho ang mga katulad niya dahil sa diskriminasyon na nararanasan nila sa isang company. Kaya nag-iingat din ako na hindi makita rito sa bahay niya. I checked my email because I received a notification and it came from Kuya Iulian. From: Iulian Trisostante What the hell is going on, Anne? I heard from Mom that you run away from Kasper. Bumalik ka na lang dito sa New York please. Sigh. Maraming nagambala sa pagtakas ko, saan pa kaya umabot ito? ×————× Hinatid lang ako ni Elise hanggang sa harap ng condo unit ni Benjamin dahil late na siya sa work. Madali lang kami nakapasok dahil sa parking lot kami dumaan paakyat dito. Hinintay ko muna mawala sa paningin ko ito bago ko maisipan na katukin si Benjamin. *knock* *knock* "Benjamin?" tawag ko. "Benjamin, si Mary Anne ito!" *knock* *knock* "Hi, excuse me?" Natigil ako sa pagkatok nang may tumawag sa atensyon ko. Isang lalaking balingkinitan ang katawan at sobrang puti ang kaharap ko ngayon. "Yes? Do you need anything?" mataray na saad ko. Istorbo. "Do you know the owner of this unit?" tanong niya. "Yes. Why?" sagot ko. *knock* *knock* "Benjamin!" sigaw ko ulit. "Hi, I'm Adrian... Best friend ni Benj." Nilingon ko ang lalaki noong nagpakilala ito. "Hala! Sorry sa rudeness ko kanina... I'm in hurry kasi," pagpapalusot ko. "Okay lang... Do you mind?" sumenyas ito na tumabi ko nang ipakita niya sa'kin ang susi. Tumabi naman ako at hinintay ko ito magbukas. "Why do you have Benjamin's key? Where is he?" "This is a spare key... I used to stay here sometimes... and for Benj, nag-grocery daw siya," paliwanag niya. Tinanggal ko ang ginamit kong disguise dahil nangangati at naiinitan na ako. "By the way! I'm Mary Anne, girlfriend ni Benj." Natigilan ang kausap ko kaya bigla akong kinabahan baka ang alam niya wala na kami ni Benjamin. Nagsalubong ang kilay nito at tinitigan ako ng matagal bago nagsalita. "You look familiar?" May kinuha siya sa sala at pagbalik ay may dala na siyang magazine. "Is this you?!" excited na tanong nito sabay pakita sa akin ng picture ko. Nandito pa pala ang magazine, akala ko tinapon na ni Benjamin. "Y-Yes?" Medyo napakamot ako sa ulo ko dahil nahihiya ako kapag may nagtatanong sa'kin ng ganito. "Wow! Hindi ko alam na may model na gf si Benj... He must be proud of you!" Gusto ko sana matuwa sa compliment niya pero deep inside nasasaktan ako dahil hindi ko naramdaman kay Benjamin ang proud moments na 'yon. Ito pa nga ang naging dahilan kung bakit gusto na ako hiwalayan ng lalaking 'yon. Naiintindihan kong private person si Benjamin at public figure naman ako kaya may pagkakataon talaga na hindi kami nagkakasundo. "Can we take a picture?" request ng lalaki. "Sure,uhh... What's your name again? Sorry... Marami lang iniisip sa ngayon," hingi ko ng tawad sa kanya. "Adrian... Adrian Satino, an architect." The name rings the bell. Saan ko nga narinig 'yon? "Actually we met na before sa reunion namin... Hindi kita nakilala kanina dahil— " Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Nagda-diet ka ba? Ang payat mo ngayon kumpara noong una tayo nagkita." Napahimas ako sa batok at balikat ko halos pansin pala ang pagpayat ko. "I don't mean to offend... Sorry!" hingi niya ng tawad. Napansin niya siguro na nailang ako sa sinabi niya kanina. "No. No! It's okay... Hindi ko lang aakalain napapansin na pala pagpayat ko," depensa ko. Nalaman ko na nakikitulog muna si Adrian dito sa condo dahil nagpapatulong siya sa mga projects niya kay Benjamin dahil graduating student na pala ito. Paano ko ba sasabihin na titira muna ulit ako rito dahil tumakas lang ako sa pamilya ko. Lastweek pa pala nandito si Adrian at wala naman daw napunta rito na naghahanap sa'kin. Ibig sabihin hindi pa nakakapunta si Kuya Kasper dito, sana lang huwag na sila pumunta. Binigyan naman ako ni Adrian ng maiinom sakto uhaw na uhaw na ako dahil na rin siguro sa kaba na nararamdaman ko. *beep* *beep* *beep* *beep* Umalis si Adrian para salubungin si Benjamin sa pinto. "Benj, you have visitor." "Who?" Narinig ko ang boses ni Benjamin. "Your girlfriend... Nandoon sa sala... I'll give you guys space," sambit ni Adrian sabay pasok sa kwarto ni Benjamin. "Bakit nandito ka na naman, Anne?" Nilingon ang nagsalitang si Benjamin. Nilapag niya sa mesa ang mga pinamili niya sa grocery store bago lumapit sa akin. "Akala ko ba nagkaintindihan na tayo?" Sinunggaban ko agad siya ng halik ngunit nagpumiglas ito sabay hatak sa'kin sa isang kwarto kung saan ako natutulog noong nakaraan. "Kumalma ka, Benjamin... Please pag-usapan natin 'to... I didn't mean to leave last time... I was cornered!" paliwanag ko. "Eh paano ka nakarating dito? Pinayagan ka na ba nila bumalik?" tanong niya. Napayuko ako. "I-I was supposed to be in Cebu right now but... I escaped from Kuya Kasper," sambit ko. "Will you let me stay here for awhile?" paglalambing ko sa kanya. "Do I have a choice?" tanong niya. "Wala hehe..." Nag-peace sign ako sa kanya. "Let's figure it out this later... Kumain ka na ba?" tanong niya katulad ni Adrian kanina ay parang naaawang tiningnan ako ni Benjamin mula ulo hanggang paa. Hinayaan muna ako ni Benjamin na magpahinga rito sa kwarto. Mabuti na lang hindi tinapon ang mga damit na naiwan ko, nag-shower muna ako at saka nagpalit ng mas komportableng damit. Humiga ako sa kama para magpahinga. "Haaa... Feels like home!" napalakas na sambit ko. Nag-text ako kay Elise na okay lang ako rito dahil kanina pa siya tawag nang tawag, hindi ko lang nasagot dahil may mga kausap ako kanina. From: Elise Ong Hindi ka na ba babalik sa bahay? To: Elise Ong Titingnan ko pa. Let me stay here for awhile. I have plans to get him back. From: Elise Ong Okay. I wish you well. Kapag may hindi magandang nangyari, tawagan mo agad ako. To: Elise Ong I will! Don't let them know okay? Please and thank you for everything. *knock* *knock* "Dinner is ready!" rinig kong boses ni Adrian. Bumangon ako mula sa kama at humarap ulit sa salamin para tingnan ang sarili ko pero nagsisi agad ako dahil grabe pala ang pinayat ko at ang laki tuloy tingnan ng damit sa akin. *knock* *knock* "Mary Anne?" tawag ni Adrian. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito. "I'm coming... Let's eat!" Maraming niluto si Benjamin na pagkain mauubos ba namin 'to? "Kumain ka ng marami... Niluto ko lahat 'yan for you," sambit ni Benjamin habang nilalagyan ng pagkain ang plato ko Ramdam kong nag-init saglit ang magkabilang pisngi ko. First time niya itong ginawa sa akin. "T-Thank y-you," nauutal na sambit ko. Wala naman masyadong ganap habang kumakain kami ng dinner. Nag-uusap lang si Benjamin at Adrian tungkol sa projects na gagawin para pala ito sa thesis ni Adrian. Natapos na ako kumain ngunit nag-uusap pa rin sila kaya nagpaalam na ako sa kanila na magpapahinga at bukas na lang kami mag-uusap ni Benjamin. "Goodnight, Mary Anne!" nakangiting sambit ni Adrian. Umasa akong magsasabi rin si Benjamin pero nakatuon lang ang pansin niya sa pagkain. "Goodnight guys," paalam ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD