Chapter 23

1554 Words
Maaga ako gumising ngayon para sana magluto ng breakfast pero naabutan kong may mga nakahain ng pagkain sa lamesa at nakita ko si Adrian nag-aabang na matimpla ang kape sa coffee maker. "You cooked the breakfast?" tanong ko. Lumingon ito sa'kin. "Ay oo... Magluluto ka ba o may gusto ka bang kainin? Pwede pa ako magluto," alok niya. "Hindi na... Ayos na 'yan... Gisingin ko lang si Benjamin." "Ay lumabas siya para mag-jogging!" habol ni Adrian bago ako makarating sa kwarto ni Benjamin. "Healthy lifestyle?" bulong ko sa sarili. Kailan pa nag-healthy lifestyle 'yon. Bumalik ako sa kusina para magtimpla ng kape pero may hinanda na pala si Adrian. He made me a coffee latte. "How did you know?" tanong ko noong inabot niya sa akin ang inumin. "I asked Benj of what drinks do you prefer sa morning," nakangiting sambit niya. "You're so nice, Adrian... Swerte siguro ng girlfriend mo?" usisa ko. "I don't have a gf... Busy ako sa life." Mabuti gets naman niya ibig kong sabihin. Nalaman ko na nagsakit pala si Benjamin last week ng overfatigue dahil sa stress ng work environment niya tapos dumagdag pa ako sa iisipin niya. Ang galing mo, Anne. Pinayuhan siya ng doctor na bawasan ang vices niya at umpisahan ang healthy lifestyle katulad ng exercise o pagkain ng leafy foods. Uuwi na rin pala si Adrian bukas makalawa dahil may pasok na ulit sa university nila. Natuwa ako nang malaman ito dahil may pagkakataon ako na makabawi kay Benjamin at magagawa ko na ang plano ko. *beep* *beep* *beep* *beep* Nandito pa rin kami ni Adrian sa dining table para hintayin si Benjamin na makabalik at makasabay namin kumain. "Goodmorning! Kumain na ba kayo?" tanong ni Benjamin. "Nope." "Hindi pa." Halos magkasabay na sagot namin ni Adrian na ikinatawa namin dalawa. "Kain na tayo bago lumamig 'tong mga niluto ni Adrian," alok ko sa kanila samantalang pinainit ulit ni Adrian ang kape dahil medyo lumamig na ito. "Anne, wala ka bang therapy session?" usisa ni Benjamin. "Wala naman," sagot ko sabay subo ng hotdog sa bibig ko. Ayoko muna pag-usapan ang kalagayan ko dahil pakiramdam ko lalo nadadagdagan ang stress ko. "Wala ka bang balak sabihin sa family mo na nandito ka?" habol pa niya. "Alam ni Elise na nandito ako, so siya na bahala magsabi sa family ko," sagot ko. Pinag-uusapan lang ulit nina Benjamin at Adrian ang tungkol sa projects. Pakiramdam ko invisible ako sa pagitan ng dalawang lalaki. Niligpit ko na lang ang pinagkainan ko at saka bumalik sa kwarto na tinutulugan ko. "Anne?" "Anne?" Nagising ako nang may tumatawag sa akin. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Binuksan ko ang pintuan at nandoon si Benjamin na nakapang-alis na damit. Napansin ko si Adrian sa likod niya na nakapang-alis din. "Aalis kayo?" "Yup. Pinapatawag ako sa office and Adrian needs to buy things for his projects... Huwag mo na kami hintayin dahil may inuman din kami mamaya," paliwanag niya. "Can I join??" excited na sambit ko. "It's a boys night out." Nalungkot ako nang malaman ito ibig sabihin mag-isa lang ako hanggang mamayang gabi. Kadalasan pa naman kinabukasan na nauwi si Benjamin kapag sobrang lasing. "Oh okay! Be careful while driving guys," sambit ko. . . . . . . . . Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko dahil sa pinapanood kong movie. Nasasaktan ako para sa bidang babae dahil niloko siya ng bidang lalaki na may minamahal pala na kapwa niyang lalaki pero naaawa rin ako sa part ng bidang lalaki dahil sa diskriminasyon na natatanggap nila. Naalala ko bigla si Elise, napaisip tuloy ako kung may boyfriend ba ito at tinatago lang dahil baka natatakot sila sa sasabihin ng iba. Napatingin ako sa orasan malapit sa tv at nakita kong mag-aalas dose na ng gabi pero wala pa sina Benjamin at Adrian. Manonood na lang ako ng isang pang movie kapag wala pa sila pagkatapos nito ay matutulog na ako. Napahiga na ako sa sofa dahil nangalay na ang likod ko at antok na talaga ako, siguro naman magigising ako kapag dumating na sila. *knock* *knock**knock* *knock* *knock* Napatayo ako nang marinig ko ang kumakatok sa pinto. Sino naman pupunta sa ganitong oras. Sinilip ko sa may butas ng pintuan kung sino ang nakatok at nakita ko sina Benjamin at Adrian na nakaakbay sa dalawang lalaki. Pinagbuksan ko agad sila ng pinto marahil lasing na lasing ang dalawa. "Hello! We are friends of Benjamin and Adrian... Are you living with them?" tanong ng lalaki na may hawak kay Benjamin. "Yes yes! Ipasok niyo na lang sila sa kwarto." Sinundan nila ako hanggang sa maihatid sa kwarto ni Benjamin ang dalawa na halos wala nang malay dahil sa kalasingan. "Sorry for waking you up. Hindi namin alam password ng condo nila," sambit niya. "And you are?" tanong ng isa pang lalaki. "I'm Benjamin's—friend?" pagsisinungaling ko. Hindi ko kasi alam status namin dalawa kung kami pa ba o talagang wala na. "O—kay? Alam mo naman paano mag-alaga ng lasing?" tanong nila. "Yes... Thank you again sa paghatid sa kanila," sambit ko at hinatid sila sa may pinto palabas. Pagkaalis nila ay kumuha naman ako ng tubig sa kusina at towel para punasan sina Benjamin at Adrian. Ano ba naisip nila at naglasing sila ng todo. Pagpasok ko ng kwarto ay naabutan kong nakapatong si Adrian kay Benjamin. Napapikit na lang ako ng mata dahil pakiramdam ko magiging mahaba ang gabi para maayos ko sila sa pagkakahiga. Hinila ko si Adrian para bumalik sa higaan, noong una ayaw niya umalis at kumapit pa talaga kay Benjamin pero natanggal ko rin dahil tinulak ko na lang siya. Si Benjamin ang una kong pinunasan ng basang towel dahil pawis na pawis ito marahil sa pagkakadagan ni Adrian. "Hmm... Benj," biglang nagsalita si Adrian habang nakapikit at kinakapa ang katabi sabay dantay ng katawan dito. "Naiirita na ako," sambit ko na para bang naririnig nila ako. Kumuha ako ng extra pillows at nilagay sa pagitan nilang dalawa. Tinuloy ko na ang pagpupunas sa kanila dahil inaantok na talaga ako at baka makatulog pa ako rito. ×————× Napabangon ako mula sa kama nang maalala kong magluluto ako ng breakfast pero pagtingin ko sa orasan ay tanghali na pala. Siguro hindi pa sila gising dahil wala rin nanggising sa akin para sa breakfast. Nagmadali ako maghilamos at mag-ayos ng sarili. Paglabas ko galing kwarto ay naabutan ko na naman si Adrian sa kusina. "Wow! Walang hangover?" tanong ko. Bahagya itong nagulat 'nong nagsalita ako sabay lingon sa akin. "W-Wala naman haha... Sanay na," kabadong sambit nito. "Benjamin?" tukoy ko kung nasaan ito. "Tulog pa... Nagtimpla ako kape para sa hangover niya." "Oh! Ako na lang magdadala sa kanya," alok ko tutal nagluluto pa siya ng pagkain. "Hindi ako na lang," tanggi niya. "Ako na lang kasi nagluluto ka baka masunog kapag iniwan mo," palusot ko. "Ako na lang talaga," nakangiting sambit nito pero halata na pagkainis niya. "Galit ka?" mataray na sambit ko. "Ako na lang! Ano ba 'yan ang aga aga maingay kayo." Bahagya akong napatalon sa sigaw ni Benjamin. Gising na pala ito. "Fyi... Tanghali na po," saad ni Adrian. Hinihilot ni Benjamin ang sentido niya dahil sa hangover. "Ano ba pinag-aagawan niyo?" "Wala—" "Walaaa." Halos sabay na sagot namin ni Adrian pagkaabot niya ng kape kay Benjamin. Nilingon ni Benjamin si Adrian para pasalamatan sa kape. "Salamat! Ngayon na ba uwi mo?" tanong niya rito. "Mamayang hapon... Ayusin ko pa gamit ko," sagot naman ni Adrian. "W-Wait, uuwi saan?" singit ko sa usapan nila. "Uuwi na siya sa kanila kasi malapit na start ng pasok kaya nga naglasing kami kagabi," paliwanag ni Benjamin. Lumingon naman si Adrian para kumpirmahin ito. "Yeah." "Masosolo mo na si Benjamin," pang-aasar niya pa sa akin. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi nito. "H-Hindi naman 'ganon ang pinunta ko rito," depensa ko. Tinulungan ko na si Adrian na maghain ng pagkain sa mesa samantalang si Benjamin ay bumalik ulit ng kwarto para maghilamos. Lumabas kasi agad ito nang marinig kami ni Adrian na nag-aagawan sa isang bagay. "Dalaw ka minsan dito o kaya kita tayo sa labas kapag may free time ka." Kahit paano gusto ko pa makilala si Adrian dahil bestfriend siya ni Benjamin baka may malaman pa ako na pwedeng makatulong para magkabalikan kaming dalawa. "Sure... I hope to hang out with you soon," sambit nito. . . . . . . . Pagkatapos mananghalian ay tinulungan naman namin magligpit ng gamit si Adrian. Noong una ay ayaw niya dahil nakakahiya raw pero nagpumilit ako kapalit nang pagluluto niya ng breakfast at dinner. Nagulat pa ako noong may nakita akong ilang box ng cond*ms. Aanhin niya ito, eh hindi naman sila nag-uuwi ng babae rito o baka nahihiya dahil nandito ako. Namula pa nga ang mukha at leeg niya noong nakita niyang hawak ko ang isang box. Inabot ko naman sa kanya ito nang walang halong malisya. "S-Sorry!" Natawa ako sa sambit nito. "Okay lang. Normal naman 'yan! Safe s/ex is better than sorry," saad ko. Bumalik si Benjamin dito sa kwarto na may dalang snacks para hindi raw kami magutom. Binilisan na lang namin ang pagliligpit dahil ihahatid siya ni Benjamin para hindi sila gabihin sa daan. "Goodluck sa studies mo, Adrian!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD