I am talking to Lauren through video call right now. She's been crying ever since we started talking. Nalaman ko na may gusto siya pero hindi niya alam kung sasabihin ba sa babae na gusto niya ito dahil baka iwasan lang daw siya o layuan.
"Hindi ka pa ba matutulog? Anong oras na?" sambit ni Benjamin nang maalimpungatan ito at tumingin sa orasan.
Nakita kong one o'clock na ng madaling araw. "Iba kasi oras sa kanila," tukoy ko sa time zone ni Lauran.
"Wala naman akong pasok mamaya," habol ko pa.
Lumabas na lang ako ng kwarto namin at bumaba sa sala para hindi ko maistorbo ang tulog ni Benjamin. Weekends ngayon kaya pareho kami walang work. Ngayon ko pa lang natawagan si Lauren pagkauwi ko galing sa bahay nina Mom at Dad.
"Who is this girl? Did I met her before?" curious na tanong ko.
"No. No. You don't have to know her," tanggi ni Lauren sa pagsabi ng pangalan ng babae.
"Is she from work? I mean a model too?" tanong ko pa ulit. Kahit 'yun man lang may clue ako.
"Y-Yes but please no more questions—my head hurts," pagkukunwari nito.
"How I wish I was there to comfort you," sambit ko.
Biglang lumiwanag ang mukha nito. "When are you going back here?"
"I don't know yet," sagot ko. I think it's impossible to go back in Brooklyn now since Kuya Iulian will be staying here for awhile. Kristoff is taking care of my apartment, Kuya said that his boyfriend will be coming here too but for a short vacation.
Marami pa kami pinag-usapan ni Lauren hanggang sa mapansin kong four o'clock na ng madaling araw. Nagpaalam na ako sa kanya na matutulog na at tatawagan ko na lang ulit siya.
.
.
.
.
.
.
.
"Hmm." Napamulat ako nang maramdaman kong may humahalik sa leeg ko.
"Babe, inaantok pa ako," pigil ko sa kanya dahil naging routine niya na tuwing pagkagising sa umaga kapag weekends ay nangangalabit ito.
Hindi nagpaawat si Benjamin at tinuloy pa rin ang ginagawa hanggang sa hinihimas na niya ang binti ko. "Babe, gising."
"Pagod pa ako... let me sleep muna," pakiusap ko sa kanya.
Tumigil naman siya ngunit padabog itong tumayo mula sa kama. "Anong oras ka ba natulog kagabi?" masungit na tanong nito.
"Hmm... 3? 4?" walang lakas na sagot ko.
"Tch... Magluluto na ako ng breakfast."
"Mayang lunch na ako kain," antok pa rin na sambit ko.
Hindi ko maimulat ang mga mata ko dahil sa hapdi nito pero narinig ko ang pagbukas-sarado ng pintuan baka lumabas na si Benjamin.
.
.
.
.
.
.
.
Bandang hapon na ako nagising at wala akong naabutan na Benjamin. Hindi naman siya nagpaalam na aalis. Siguro nag-grocery ito dahil napansin kong paubos na ang laman ng refrigerator.
Nagmadali akong umakyat sa kwarto namin para kunin ang phone ko. May ipapabili ako sa kanya bago ito umuwi.
To: My Engineer
Can you buy me apples and cheese? Please. See you. Take care.
From: My Engineer
Okay. I'll buy it later.
Tinanong ko kung nasaan siya pero hindi na ito nag-reply pa marahil nagmamaneho siya ng kotse.
Nakaramdam pa rin ako ng antok kaya iidlip muna ako, tinatamad naman ako magluto kaya hihintayin ko na lang ang pinabili ko kay Benjamin.
×————×
"Magkausap na naman kayo?" naiinis na bulong ni Benjamin na nasa harapan ko ngayon. Kausap ko si Lauren dahil wala siyang kasama. Hindi niya nakikita si Benjamin dahil sa'kin nakatutok ang camera.
"Lauren, I'll have my dinner first... You should eat your breakfast... I'll be right back," paalam ko at saka pinatay ang tawag.
Gabi na nakauwi si Benjamin dahil dinala pala niya sa casa ang kotse para sa monthly maintenance check-up. Hindi naman niya nakalimutan bumili ng apple at cheese kaya ito na ang ginawa kong dinner.
Gumawa ako ng grated cheese sandwich with apple, noong una nagtataka si Benjamin sa ginagawa kong pagkain pero pinakita ko naman ang recipe na nakita ko sa online.
"Hindi ka kakain ng rice?" tanong niya.
"Nope... Saka tatawagan ko pa ulit si Lauren," sambit ko habang hinihintay na tumunog ang microwave.
"Ano bang problema ng kaibigan mo?" iritang tanong niya.
"She's brokenhearted... She is... scared to confess her feelings to a girl she like," kwento ko sa kanya.
Nangunot ang noo ni Benjamin sa sinabi ko. "Wait... Wait... Is she?" naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin.
"She's lesbian," kumpirma ko.
"She's like you... part of lgbt," dugtong ko.
Hindi na kami nakapag-kwentuhan pa ni Benjamin dahil matapos kong kunin ang pagkain sa microwave ay bumalik na ako sa sala at tinawagan ulit si Lauren.
Ilang araw na pala hindi napasok sa work si Lauren dahil sa pagmumukmok nito. Tinawagan na rin ako ni Agnes para humingi ng tulong na kumbinsihin si Lauren na umayos dahil nagagalit na ang mga clients nila. She even stopped Lauren to come here in the country just to run away.
"Lauren, you must go back to work... Agnes have been worried to you," pangungumbinsi ko rito.
"I can't... I miss you, Anne."
"If you can't... then ask for a break from your clients," suggestion ko sa kanya katulad nang ginawa ko bago nagpunta ng Brooklyn noon.
Bahagyang nawala ang mukha ni Lauren sa screen dahil sa pagyuko nito. "How I wish that would be easy to do," rinig kong bulong niya.
"What do you mean?" tanong ko.
Bumalik ulit ang mukha nito sa screen. "Nothing... Forget what I said," palusot niya.
"Hmm?"
"Really... Forget it," depensa pa niya.
Hindi ko na siya pinilit na magkwento pa. Hinayaan ko na lang ito umiyak ulit para maibsan ang bigat na nararamdaman niya.
Ito ang naging scenario ko sa nakalipas na ilang araw hanggang sa maging okay si Lauren. Hinahatid naman ako ni Benjamin sa work dahil nakakatulog agad ako. Masyado 'ata ako nagpuyat kaya bumabawi ang katawan ko sa tulog.
"You've been sleeping lately... healthy pa ba 'yan?" tanong ni Benjamin habang minamasahe ang balikat ko para magising ako. Absent si Elise dahil may importante raw lalakarin kaya sinamahan ako ni Benjamin sa photoshoots dahil wala raw itong pasok.
"I bought your favorite snacks... sundae and fries, right?" sambit nito sabay abot sa'kin ng pagkain pero napaiwas ako nang ilapit niya ito sa ilong ko.
"I'm not in the mood to eat... May shoots ako oh," tukoy ko sa work. Mahirap na baka lumaki tiyan ko pagkatapos kumain.
Nadismaya naman ang boyfriend ko nang tanggihan ko ang dala niya. "I'll eat that later after work," bawi ko sa kanya.
×————×
Hindi naman naputol ang communication namin ni Lauren halos araw-araw na kami nagtatawagan hanggang madaling araw.
"You should cut ties with the friend of yours," suggestion ni Benjamin.
Nagalit naman ako sa sinabi niya. "How dare you say that???"
"I think she likes you," sambit niya.
Ramdam ko ang pagkunot ng noo ko at pagsasalubong ng mga kilay ko. "Unbelievable, Benj! Is it because she's lesbian? and you think she will fall for me?" inis na tapon ko sa kanya.
Umiling-iling ito bago ako harapin. "... just like what you said last time... she is like me... I know what she is thinking... the way she talked to you and the way she stares at you while talking," pagpupumilit nito.
"Nonsense! Let's not talk about this... I don't want our friendship to be tainted by your dirty thoughts!" sigaw ko at saka siya iniwan sa kwarto.
Pagkababa ko ng sala ay narinig ko ang mga yapak nito pababa ng hagdan. "I am telling you what I can see!" sigaw nito.
Nakatalikod lang ako mula sa kanya. I don't want to see his annoying face right now.
"You're not talking it means you knew it deep inside," sumbat niya.
"I am not talking to you right now because I don't want to have an argument with your thoughtless talks."
Napaharap ako sa kanya nang hawakan niya ang balikat ko para iharap sa kanya. "D-Do you like her?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. I can't believe he would asked me that question.
"Benjamin, just because we have this kind of issue betwen us and I coincidentally have a friend who's like you—" Natigil ako sa pagsasalita nang hindi ko mahanap ang tamang salita na sasabihin.
"... it doesn't mean that I am going to cheat on you just like what you did before," dugtong ko sabay tanggal sa pagkakahawak niya sa'kin.
Hindi ko napigilan ang mga luha ko sa pagtulo nang maalala ko na naman ang ginawa nito.
"How dare you to accused me... If I am cheating on you, I wouldn't dare talk Lauren in front of you!" paalala ko sa kanya dahil ilang beses na kami nagkakausap ni Lauren na nakikita naman ni Benjamin.
"O-Okay... I'm sorry... shh stop crying," pagpapatigil niya sa'kin.
"I will forgive you... if you buy me apples," utos ko nang maalala kong naubos na ang apples at bigla akong natakam dito.