Chapter 36

1879 Words
"I've been craving for apples and cheese... Please buy them," sambit ko kay Benjamin bago siya pumasok sa work. "Kakabili ko lang noong isang araw ah? Nasaan na napunta?" nagtataka niyang tanong. "Hmm... Obviously sa tiyan ko right? Kinakain ko eh," mataray na sagot ko. "Whatever... Text mo lang sa akin para maalala ko mamaya," utos niya. Hinalikan ko ito sa pisngi bago umalis at saka sinara ang pintuan. Humiga ako sa sofa sa sala dahil inaantok na naman ako. Gusto ko sana pumunta sa yoga class pero tinatamad naman ako. Katatapos lang kasi ng photoshoots namin noong isang araw kaya wala akong work ngayon. Tatawagan na lang kami para sa next schedule ng promotional ads campaign samantalang si Elise ay paminsan-minsan pumapasok sa agency ni Mom para tulungan si Kuya Iulian. She's been out lately, fortunately, Benjamin doesn't have a new project to make him busy that's why he came with me to my work. I check my phone when I felt the vibration and it's a text message from Elise. From: Elise Ong Are you home? To: Elise Ong Yep. Why? *knock* *knock* *knock* *knock* "Sino 'yan?" sigaw ko dahil tinatamad pa rin ako bumangon. *knock* *knock*" Mary Anne?!" "Mary Anne... si Elise 'to!" Tinatamad akong bumangon mula sa pagkakahiga sa sofa nang marinig ko ang boses nito sa labas. *knock* *knock* "Coming!" sigaw ko. Pinagbuksan ko siya ng pinto pero nanlaki ang mga mata ko nang iba ang bumungad sa'kin. "Surprise, Princess!" masayang sambit ni Kuya Borge sabay yakap sa'kin. "K-Kuya? Kailan ka pa nakauwi?!" "Last week pa! Si Elise sumundo sa'kin," kwento niya. Pinapasok ko agad sila sa condo para makapagkwentuhan kami. Ang dami niyang pasalubong para sa akin. Panay yakap sa'kin ni Kuya Borge hanggang sa nairita ako sa pabango niya. Umupo na lang siya sa tabi ni Elise at tinuloy ang kwento. Nagpasundo siya kay Elise para masurpresa kami. Wala siyang sinabihan sa amin kung kailan ito uuwi. Halos maiyak daw si Mom at Dad nang makauwi na ito. Gusto talaga nila na mag-business na lang si Kuya Borge para hindi siya panay sakay ng barko pero si Kuya gusto niya muna maglibot kung saan-saan. "Shall we eat lunch?" pag-aaya ni Elise. Nagyaya sila na kumain sa labas dahil inabot kami ng tanghali sa pagkakamustahan lang. Tinulungan naman ako ni Kuya Borge na iakyat sa walk-in closet mga pasalubong niyang bags at high heels, alam niya talaga taste ko kaya gustong-gusto ko binili niya. . . . . . . . "Princess, wake up." Nagising ako nang tapikin ni Kuya Borge ang braso ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. "Puyat ka ba lately? Kanina ka pa panay hikab sa condo pa lang," pansin ni Elise. "Yeah... Kausap ko kasi si Lauren lately kaya hindi ko namamalayan anong oras na ako nakakatulog," sambit ko habang tinatanggal ang seatbelt na tinulungan na ako ni Kuya Borge. "Hanggang madaling araw?" tanong ni Kuya Borge. Tumango lang ako bilang sagot. "Ano sabi ni Benjamin? Buti hindi siya naiistorbo?" tanong naman ni Elise. "Bumababa ako sa sala... Nagalit nga eh," sagot ko. "Nandito na tayo," singit ni Kuya Borge. Pumasok kami sa isang italian restaurant na malapit lang sa condo. "Same favorite food?" tanong ni Kuya Borge habang um-order ng foods. Tumango lang ako bilang pagsang-ayon. Balak ni Kuya Borge na mag-settle na for good baka sa sunod huling akyat na niya ng barko dahil malapit naman na raw niya matapos ang pag-research kung ano pwede niyang itayo na business. "Here is your order... Arrabiata pasta." Tinuro ni Kuya Borge sa akin ang favorite pasta ko samantalang steak ang inorder nilang dalawa ni Elise. "Thank you for the treat!" sambit ko bago kumain. "Blerggh... Hmp— bakit ganito ang lasa parang hindi kaya kainin ng tao 'to?!" naiinis na sambit ko. "Ha? Anong lasa?" Tinuro ko kay Kuya Borge ang pagkain ko. Tinikman pareho nina Elise at Kuya Borge ang food ko. "Same taste like before naman ah?" sambit ni Kuya Borge. "Oo nga," pagsang-ayon naman ni Elise. "Are you sick ba? Baka na-overfatigue ka na?" nag-aalalang tanong ni Elise. Hinawakan naman ni Kuya Borge ang noo ko. "Wala ka naman lagnat." Naisip ko 'yung cheese na lagi kong pinapapak. "Hindi kaya dahil sa cheese? Panay cheese kasi kinakain ko lately... pero may cheese naman 'to ah," tukoy ko sa pasta. "Baka 'yung sauce ang ayaw mo... Order ka na lang ng iba," alok ni Kuya Borge. Wala rin akong nakain sa restaurant kaya pinilit ko na lang ubusin ang pasta. Pabalik na sana kami ng condo nang mag-request ako kay Kuya Borge ng pochero, noong una sabi niya magluluto siya kapag bumisita ako kila Mom pero nagtampo ako kasi ngayon ko gustong kumain dahil hindi ako natuwa sa kinain namin sa restaurant. Dumaan muna kami sa grocery para bumili ng ingredients ng pochero nagpasabay pa ako ng salted egg. Silang dalawa na lang ni Elise ang bumaba samantalang nagpaiwan ako sa kotse dahil biglang sumama pakiramdam ko. Isang oras ang nakalipas ay nakabalik na sila. "Hindi ka ba pinapakain ni Benjamin?" magkasalubong na kilay na tanong ni Kuya Borge. "Pinapakain naman... Siyaaaaw nga nagluluto," humihikab na sagot ko. Inaantok na naman ako pero kailangan pigilan ang antok dahil baka hindi na naman ako makatulog mamayang gabi. ×————× Benjamin lied for asking me to have a road trip this weekend that turned out a get-together with his friends. I didn't get myself ready knowing Adrian would be here too. "Why do you need to lie, Benj?" sumbat ko habang inaayos ang gamit na dala namin. "Hindi ka sasama kung sinabi ko sa'yo ang tungkol sa get together na 'to." "Do you think I'm not matured enough to handle this?... atleast man lang nakapag-ready ako 'di ba?" balik ko sa kanya. "Okay... I'm sorry but please... makisama ka muna ngayon," request niya. Wala naman ako magagawa dahil nandito na kami sa resort. Nagising na lang ako nang pababa na kami ng kotse at nakita ang mga kaibigan niya sa entrance. Nagpalit na ako ng damit para sa bonfire mamaya na malapit sa tabing-dagat dahil balak pa nila mag-inuman. Lumabas si Benjamin nang tawagin siya ng mga kaibigan niya para sa set-up ng bonfire. Tatawagin na lang daw niya ako kapag tapos na sila. Dapat aayain ko si Benjamin na bumisita sa bahay pero naunahan niya ako sa pag-aaya ng roadtrip at pumayag naman ako dahil akala ko new experience ito para sa'min dalawa. Lumabas ako ng kwarto namin para puntahan si Benjamin dahil bored na ako. Mayamaya nadaanan ko ang ilan sa girlfriend ng mga kaibigan ni Benjamin. "Hi girls! Do you know where is Benjamin?" tanong ko sa kanila. "Ahh... Check mo na lang sa labas malapit sa seaside?" sagot ng isa sa kanila. Nagpasalamat naman ako bago sila iwan. Magdadala 'ata sila ng pagkain dahil sa mga hawak nila. Hinanap ko na lang sina Benjamin at hindi naman ako nahirapan dahil ang grupo lang nila ang maingay malapit sa seaside. Nakita ko agad ang likod ng boyfriend ko pero nainis ako nang makita kong malapit si Adrian sa kanya kaya mabilis akong naglakad sa kinaroroonan nila. "Hi, everyone!" kunwaring singit ko sa pagitan nina Benjamin at Adrian na bahagya kong tinulak para lumaki ang distansya sa amin dalawa. "Oh nandito na pala ang model gf ng kaibigan natin!" biro ng isa sa kanila at nagtawanan naman ang iba. "Food is ready to serve!" Kasunod ko lang pala ang mga girlfriend nila kaya mabilis na lang naayos ang mga pagkain sa mesa. Dito na nila balak mag-quick dinner para diretso inuman na lang pagkatapos kumain. . . . . . . . . "We heard you guys living together na?" usisa ng mga babae. "Oo nga... Buti walang rumors spreading?" dagdag pa nila. "We really don't go in public... that's why some of them respect the boundaries," sagot ni Benjamin. Hindi ko maiwasan na bantayan ang mga kilos ni Adrian. Hindi ko napansin na lumipat ito ng pwesto kaya ngayon pasimple ko itong sinisilip sa kinaroroonan niya. I don't know if their friends are aware of the relationship of these two before I came into their lives. "Wanna grab a drinks?" alok ng kaibigan ni Benjamin. Tinanggihan ko ito dahil wala ako sa mood na makisabay sa trip nila. Hindi ko mapigilan ang paghikab dahil lumalalim na ang gabi at malamig na hangin ang dumadampi sa balat ko na lalong nagpapaantok sa'kin. Tinulungan ko ang girls na magligpit ng pinagkainan at saka bumalik sa kwarto namin ng boyfriend ko para kumuha ng jacket at mag-toothbrush na rin. Paglabas ko ulit ay malayo pa lang nakita kong matagal nakatitig si Adrian kay Benjamin na kausap ang katabi niya. I can sense that he wanted to catch Benjamin's attention. "Kanina ka pa tingin nang tingin sa jowa ko... Bet mo ba?" pang-aasar ko kay Adrian pagkalapit ko sa kanila. "Ha? A-Anong ibig mong sabihin," maang-maangan niya. Umupo ako sa tabi ni Benjamin pero nakatingin pa rin ako kay Adrian na ngayon ay nakayuko. "Uminom ka ba ng alak? Lasing ka na ba?" pag-iiba ni Benjamin sa usapan. "Hindi ako uminom... Mahirap na baka makatulog ako tapos may biglang manuklaw na ahas sa jowa ko na baka nasa tabi-tabi lang," parinig ko. "Anne, stop it!" mariin na bulong ni Benjamin sa'kin. "Bakit? Gusto mo ba magpatuklaw?" giit ko sa kanya. Tumayo si Benjamin sabay hatak sa braso ko para makatayo rin. "Sorry for the commotion guys... Mauna na kami sa room," paalam niya sa mga kasama namin. "Gusto ko na umuwi," sambit ko habang hinahatak ako ni Benjamin pabalik sa kwarto. "Ano bang problema?! Akala ko ba ayos na lahat?!" sigaw ni Benjamin. "..." "Ano?! Magsalita ka... kanina ang dami mong sinasabi!" Inaayos ko ang mga gamit namin ni Benjamin para makauwi na. Pagod ako para makipagtalo pa sa kanya. "We are not going home," pigil niya sa pag-eempake ko. Blangko ko itong tiningan sa mata. "Kung ayaw mong umuwi, fine! Kaya kong umuwi mag-isa," sambit ko at saka kinuha ang susi ng kotse na nakalagay sa side table. Iniwan ko ito sa kwarto at nagmadaling pumunta sa parking lot para hanapin ang kotse. Papaandarin ko na sana ito nang sumakay si Benjamin sa passenger seat. "Calm down, Anne... Let's talk first." "No!" Hindi ako nagpapigil at pinaharurot ang kotse. "Anne, kumalma ka! Madilim ang daan baka may mabangga ka!" pagpapakalma ni Benjamin. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Ang sakit sakit ng puso ko na parang tinutusok ng matalim na bagay. "I hate you for humiliating me in front of your friends!" sumbat ko sa kanya. "You're the one who humiliated yourself because of your scandalous act!" "Mas pinili mo kampihan si Adrian!" sigaw ko habang lumalakas ang iyak ko. "Stop driving... I'll drive, please." "No! No! I hate you!" sigaw ko at saka lalong pinabilis ang takbo ng kotse. Naramdaman kong gumegewang ang kotse. "Anne!" sigaw ni Benjamin at saka hinawakan ang manibela para maiwasan ang pagbangga namin sa kasalubong na kotse. Bumalik ang ulirat ko nang mabitiwan ko ang manibela at tumigil sa pagtakbo ang kotse. "F*ck! Are you trying to kill us?!" Dumagundong sa loob ng kotse ang sigaw ni Benjamin na nagpataas ng balahibo ko sa batok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD