Chapter 37

1798 Words
Benjamin and I decided to cool off from our relationship, that is on the verge of breaking. We distant ourselves from each other. Umuwi ako sa family ko at nakapagsinungaling pa na miss ko sila kaya ako umuwi muna. Kuya Kasper won't buy my lies and keep bugging my room. He came home as soon as he found out about me going home. He thought I broke up again with Benjamin which I abruptly denied. Hindi ko na alam ang gagawin ko panay tulog na nga lang ang ginagawa ko rito sa bahay o kaya kapag wala akong ginagawa ay nanonood ako ng movies sa kwarto ko hanggang sa makatulog ulit ako. Busy naman si Kuya Borge sa pagpasyal kung saan-saan. Gusto niya sana ako isama pero hadlang ang schedules ng work ko. I am re-watching all the Disney princesses movies. I'm amazed how my mom preserve all these copies. All the laughs while feeling in love while watching the movies when I was a kid are now turned into bitterness, hatred, and pain while watching it again when I became an adult. I can't hold back my tears from watching, I don't know if it's because of either the movie or my relationship with Benjamin. "Oh my, why are you crying?" Hindi ko narinig ang pagbukas ng pintuan sa kwarto kaya hindi ko agad napansin si Mom. Napayakap ako sa kanya pagkaupo niya sa tabi ko. "Wala... I miss being here, Mom." "May problema ba kayo ng boyfriend mo?" nag-aalalang tanong niya. Umiling naman agad ako. "Hindi ka ba niya hinahanap? Mag-iisang linggo ka na nandito," curious na tanong niya. "No, Mom. We talked about getting alone time for a while," sambit ko. "Alone time? What do you mean?" "Naniniwala kasi kami na minsan kailangan namin magkaroon ng 'me time' para hindi kami magsawa sa isa't isa?" nag-aalangan na paliwanag ko kahit puro kasinungalingan ito. "Well, you guys have a point since hindi pa naman kayo married couple." Napaisip ako tungkol sa kasal. What if I propose to him for assurance, is it okay? Am I going to be selfish for not waiting for him to propose to me? Naramdaman kong hinahaplos ni Mom ang buhok ko kaya bigla akong inantok. "Mom, inaantok ako sa ginagawa mo," sambit ko at saka humiwalay ng yakap sa kanya. "Matulog ka... dito lang ako," sinuklay-suklay niya ang buhok ko hanggang sa napahiga ako. "Princess, ngayon ko lang napansin na ang putla mo... Wala bang masakit sa'yo?" Masakit 'yung puso ko. "Wala naman baka sa panahon lang... Alam mo naman," sambit ko Mayamaya lang ay iniwan na ako ni Mom dahil magluluto pa siya ng dinner at malapit na dumating sina Dad at mga kuya ko. Sana makauwi na si Kuya Iulian dito para kumpleto na ulit kami. *ring* *ring* Lauren V Calling... *ring* "Hi, Lauren!" bati ko sa kanya pagkasagot ko ng video chat. "Anne! Do you want to have collaboration with me again?" offer niya. "Hmm... What is the concept and when?" tanong ko. "Two weeks from now I guess... I don't know the details yet but you should come here," masiglang sambit niya. Hindi 'ata kaya ng schedule ko kung pupunta ako ng New York ngayon at saka wala ako sa kondisyon baka maudlot lang ang collaboration. "I would love to accept the offer but... I don't think I can make it? I still have work here," paliwanag ko. Nawala naman ang masiglang aura ni Lauren dahil sa sinabi ko. "Don't worry, maybe next time I can go for real," I promise to her. "O-Okay! I have to go now," paalam niya saka pinatay ang tawag. Nakaramdam ako ng pagkahinayang lalo na at parang nagtampo si Lauren. ×————× "Miss Anne?" "Miss Anne!" Naimulat ko ang mga mata ko nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko ay si Elise lang pala. "What?" malumanay na sambit ko bago kumunot ang noo ko. "Miss Anne, nasa work ka pa pero panay tulog," pansin niya. Bumagsak ang magkabilang balikat ko sa sinabi niya. "I wanna go home," bulong ko. "Okay everyone, gather up here!" Hinila ako patayo ni Elise para lumapit sa director. Gumagawa kasi kami ngayon ng promotional ads campaign. "There is a little changes especially sa scene mo, Anne... Hmm... Medyo may babaguhin na angle sa ibang parts... nagkalaman ka?" tanong ng director. Napatingin ako kay Elise ibig sabihin tumaba ako? Napansin ko nga na panay kain at tulog ako pero nag-eexercise naman ako minsan. "Miss Anne, lagot tayo kay Madame napabayaan mo 'ata figure mo," pananakot ni Elise. "Eh?? Lagi kasi sila nagluluto sa house," depensa ko. Napatanong si Elise kung nakauwi na ba ako sa condo namin ni Benjamin, umiling lang ako dahil ayoko na magbigay pa ng rason lalo lang ako malulunod sa pagsisinungaling ko. "Anne, let's start to film your part!" tawag ng director. Inayusan muna ako ni Elise bago pumunta sa set para gawin ang babaguhin na scene. Bahagya akong pinatagilid ng director para hindi malapad tingnan ang balakang ko, ilang take ang ginawa para makuhaan ng maayos ang anggulo ng katawan ko. *snaps* *snaps* "Smile silly," utos ng photographer. Pictorial shoots naman ang ginagawa ko ngayon para sa banner. "Tingin sa kanan kunwari nandoon ang kaaway!" sigaw niya. *snaps* *snaps* "Tingin sa camera kunwari kaharap mo na ang kaaway mo!" *snaps* *snaps* "...aaaand that's it!" sigaw ng photographer kasabay neto ang unti-unting pagkawala ng tense sa balikat ko. "Try to lose weights," utos nila paglapit ko sa kanila para tingnan ang poses ko sa video at pictures. Napasimangot ako sa sinabi nila kailangan kong bantayan ang diet ko mula sa mga kinakain ko nitong mga nakaraang araw. Kinuha ni Elise ang mga gamit ko at saka ako inayang ihatid na sa bahay para makapagpahinga. "Shall we go to the club? Wala naman work bukas," pag-aaya ko sa kanya. Nag-isip muna ito bago nagsalita. "Sige pero saglit lang tayo baka magalit sina Madame at Kuya Borge mo," kondisyon niya pagkasakay namin sa kotse. Mga thirty minutes ang tinahak namin sa daan bago kami nakarating sa Club XXO. Maraming tao ngayon dahil friday at karamihan ay walang pasok bukas. Kumuha si Elise ng VIP table para hindi na kami tatambay sa bar counter at baka maulit ang nangyari noong huling punta namin. "Wow! It's been a long time since we came here, right?" tanong ko kay Elise. "...at ang daming nangyari 'non!" dugtong niya. "Ako na oorder ng iinumin baka kung ano pa kunin mo," alok niya. "I'll just dance over there. See yah!" paalam ko sa kanya at hindi ko na ito hinintay na sumagot dahil baka pigilan pa ako. Medyo marami na ang nagkukumpulan dito sa gitna karamihan sa kanila ay magkakaibigan at ang iba naman couples, kaunti lang ang nasayaw ng mag-isa katulad ko na walang pake sa paligid. "Hello, ladies and gentlemen! This is DJ XXO, I'm going to give yah a blast toniiight yaw!" Wooo! Yaaas! Gimmeee! ~~ This is the rhythm of the night This is the rhythm of the night The night, oh yeah The rhythm of the night This is the rhythm of my life My life, oh yeah The rhythm of my life~~ Nakisabay ako sa galaw ng crowd at hinayaan ang sarili na malunod sa malakas na patugtog ng DJ. Sobrang hype ng paligid na halos nagkakabungguan na ang mga nasayaw. Nakaramdam ako ng pagsakit ng puson pagkatapos tumalon kaya napilitan akong bumalik sa kinaroroonan ni Elise. Naabutan ko itong umiinom mag-isa habang nakatutok ang mga mata sa phone niya. "Oh, ang bilis mo naman." Umupo naman ako sa tabi niya at kumuha ng maiinom. "Sumakit puson ko baka magkakaroon na ako," sambit ko. Ilang buwan din bago dumating ang period ko dati isa o dalawang buwan lang balak ko na sana magpatingin sa doctor kung hindi pa ako dadatnan ngayon. "Gusto mo na ba umuwi?" concern na tanong ng kasama ko. "Mayamaya na kapag hindi pa nawala 'yung sakit." Light alcohol drinks lang inorder ni Elise kaya hindi rin ako malalasing. Balak ko pa naman maglasing ngayong gabi para makatulog agad pag-uwi hanggang bukas. "Vodka please," order ko sa waiter na dumaan. "Wait, no!. Don't mind her," singit ni Elise. Hinarap ako nito habang nakapameywang kahit nakaupo siya. "For the goodness sake, Anne... Ayoko umuwi kang lasing baka pagalitan ako ni Borge," pigil niya. "Pleaseee just one... one bottle." Pinanlakihan niya ako ng mata. "No!" "Wala na talaga kayong problema ni Benjamin?" tinaasan niya ako ng kilay sa tanong niya. Tikom ang bibig ko sabay tingin sa crowd para iwasan ang tanong niya. Hinawakan niya ang balikat ko para makuhanang atensyon ko. "Anne? Don't lie to me what's wrong?" Napahilamos ako ng mukha dahil hindi makatingin ng diretso sa kanya. "Benjamin..." Pasimple kong pinunasan ang nangingilid na mga luha sa mata ko saka humarap sa kanya. "Benjamin used to be gay." "...He had a relationship with his best friend... they already broke up," sambit ko. "...basta hindi ko alam paano ipapaliwanag gulong-gulo na isip ko." Hindi ko na mapigilan pa pagtulo ng mga luha ko. "Labas na tayo," pag-aaya ni Elise. Hinihintay ko si Elise sa labas ng club nang may mamataan akong pamilyar na mukha mula sa malayo. Hinintay ko ito mapadaan sa may liwanag dahil medyo madilim sa parte na nilalakaran nila. Napatago ako sa kotse na malapit sa akin nang makita ko ng maayos ang pamilyar na mukha, si Adrian na may kasamang lalaki na hindi ko kilala. Nakaakbay ang lalaki sa kanya habang papunas-punas sa kanyang mga mata si Adrian. "Anne! Ano sinisilip mo dyan? Kanina pa kita hinahanap!" mahinang bulong ni Elise sa'kin. "That's him!" turo ko kay Adrian. "Sino?" "Nakarelasyon ni Benjamin dati," sambit ko. "Saan?!" Napaatras ako nang hawiin niya ako para makita ang lalaki. "Ayan naka-white t-shirt na inaakbayan 'nung naka-black!" sambit ko. "Eh? Lalaki? Boyfriend ba niya 'yang nakaakbay?" tanong nito. "Malay ko! Dali baka makita tayo!" hinatak ko siya papalayo sa kotse na pinagtaguan namin. Hinanap ko ang kotse ni Elise para makasakay na kami at makaalis. "So tama nga hinala namin," putol n i Elise sa katahimikan sa loob ng kotse. Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "You knew??" "We have a hunch before that something is off to your boyfriend," dugtong niya. "We?" tanong ko rito. "Borge, Iulian and I." Ibig sabihin noon pa lang may kutob na sila? "Bakit hindi niyo ako sinabihan?!" napataas ang boses ko sa inis. Nagmukha akong tánga! "Kumalma ka... ayaw naman namin maghiwalay kayo dahil lang sa hinala namin." May punto naman si Elise kung noon nila sinabi 'yun, ay ewan ang gulo! Napapikit na lang ako ng mga mata ko. "Sana panaginip na lang lahat ng ito." Napahawak ako sa puson ko nang sumakit na naman ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD