Tinawagan ko si Kuya Borge para sabihin na matutulog ako sa bahay ni Elise para hindi sila mag-alala sa'kin at saka namumugto ang mga mata ko dahil sa sobrang pag-iyak kanina habang kinukwento ko ang buong nangyari sa get together na pinuntahan namin ni Benjamin.
"You guys should talk and figure out what will work for the both of you," suggestion ni Elise.
"Pakiramdam ko ang babaw kong tao dahil sa ginawa ko." Naiiyak na naman ako.
"Walang mababaw o malalim sa taong nagmamahal... Mahal mo siya eh, natural na matakot kang mawala siya." Napataas ang kaliwang kilay ko sa sinabi niya.
Inalok pa niya ako ng can of beer kaya kinuha ko ito sabay nilagok ang kalahating laman. "Blerrghg—ang pait!"
"May alak ba na matamis?" Napaikot ako ng mata sa sinabi nito.
"I'm curious... Hindi ba kayo awkward ni Kuya Borge kapag magkasama kayo?" tanong ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"I mean you're a transwoman? No offense ha!" sambit ko.
Napaisip pa siya bago nagsalita. "Matagal naman na alam ni Borge na bakla ako."
"Friendly rin kasi 'yang kuya mo noon pa kahit nga mga tomboy eh, kinakausap niya... Kulang na lang tumakbong president sa school!" natatawang kwento niya.
"I'm glad you met kuya instead of bullies," nakangiting sambit ko.
"Hay nako! Nawala na tayo sa problema mo," pag-iiba niya ng usapan.
Inabot kami ng madaling araw sa pag-inom ng mga natirang canned beers sa refrigerator ni Elise. Nauna na siyang matulog dahil maaga pa siya bukas para ihatid ako sa bahay.
.
.
.
.
.
.
.
Pagkauwi ng bahay nasermunan agad ako ni Dad dahil sa hindi ko pag-uwi at amoy alak pa raw ako. Muntik pa siya magalit kay Elise pero pinagtanggol siya ni Kuya Borge at Mom samantalang si Kuya Kasper ay malaki ang eyebags dahil napuyat siya sa paghihintay sa'kin, hindi siya nasabihan ni Kuya Borge.
"Okay kalma, guys... I want to sleep more," paalam ko sa kanila at iniwan na sa sala. Hindi ko na inintindi ang sermon ni Dad, nandyan naman si Mom para taga-saway sa kanya.
Papasok na ako ng kwarto nang may humatak sa braso ko kaya napalingon ako at nakita si Kuya Kasper. "What?" antok na tanong ko.
"May problema ba kayo ng bf mo?" tanong niya.
"Wala—"
"Stop lying," putol ni Kuya Kasper sa sasabihin ko.
"Don't let Dad find out what is real happening... You know what he can do especially for you," paalala niya.
"You guys worry too much."
Nakiusap ako sa kanya na hayaan muna ako dahil masakit ang ulo ko ngayon. Niyaya ko na lang ito na lumabas mamaya o bukas para mag-date basta patulugin muna niya ako.
Binitiwan naman niya ang braso ko at saka ako tuluyan nakapasok sa kwarto. Dumiretso ako sa kama at saka humilata, binuksan ko muna ang phone nagbabakasakaling nagparamdam na si Benjamin.
Sinubukan ko itong tawagan pero disconnected ang linya niya. Napaisip ko kung anong nangyayari dahil unang beses nangyaring disconnected siya.
To: Elise Ong
Can you check our place? Benjamin's phone is disconnected.
From: Elise Ong
I will update you later.
×————×
Honestly, I'm starting to miss my boyfriend, it's been three weeks already but he won't call or message me. I want to make up with him but my pride won't let me do it.
Sinabi ni Elise sa akin noong isang gabi na baka mayroon lang na hindi pagkakaintindihan sa pagitan namin ni Benjamin. Maybe Adrian still can't moved on and wanted a closure from Benjamin that's why he kept staring at him.
Pinapunta ko siya ng condo para tingnan ang sitwasyon ni Benjamin pero wala raw sumasagot sa doorbell at katok niya. Marahil daw umuwi rin sa pamilya katulad ko.
"Haaa... I'm so tired."
"Aga aga pagod ka na?" Nagulat ako sa biglang nagsalita.
"Kuya Borge! Ano ba 'yan para kang kabute," pagkukumpara ko.
"Dinalhan lang kita ng breakfast kasi ayaw mo bumaba," sambit niya at saka nilapag ang dalang pagkain.
"May problema ba?" Napatakip na lang ako ng dalawang tenga ko dahil sa paulit-ulit na ganyang tanong na naririnig ko.
"Arghh! Please wala akong problema... Pang-ilan ka na sa nagtanong sa'kin n'yan."
"Eh sa mukha kang may problema," sagot pa niya.
Niyaya na lang niya ako lumabas ngayong araw para hindi ako nakamukmok sa kwarto. Pumayag naman ako dahil minsan lang mag-aya si Kuya Borge.
Hindi na ako kumain ng breakfast na dala niya at naligo na agad. Pinuntahan naman ni Kuya sina Mom at Dad para magpaalam na aalis kami. Linggo ngayon kaya nasa bahay ang parents ko pati si Kuya Kasper ay nandito rin.
*knock* *knock*
"Princess, are you done? We are going!" sigaw ni Kuya Borge sa labas ng kwarto ko.
"Patapos na ako... Give me five minutes!" sagot ko.
"Okay... Sasama sina Mom, Dad, at Kasper... Meet you downstairs!" sambit niya.
Nagmadali akong suotin ang flat sandals ko at saka kinuha ang purse. Pagbaba ko ay kumpleto na sila. "Let's go?" aya ko sa kanila.
Isang sasakyan lang ang ginamit namin saka si Kuya Borge ang driver at katabi nito si Kuya Kasper samantalang nasa backseat kami nina Mom at Dad.
"It's good going out again like this... family," sambit ni Dad.
"Huwag ka muna magpaka-senti, Dad... Ngayon pa kung kailan nasa labas tayo," pang-aasar ni Kuya Borge.
Dinala kami ni Kuya Borge sa isang amusement park. "Anong gagawin natin dito?" tanong ni Kuya Kasper.
"To have fun!" excited na sambit ni Kuya Borge habang tinatanggal ang seatbelt.
Bumili siya ng ticket para makapasok kami sa loob. Ride-all-you-can ang kinuha niya para masubukan namin lahat ng rides maliban sa parents namin na hindi na kayang sumakay sa mga extreme rides dahil sa katandaan.
"Enjoy the rides! Dito lang kami sa mga stuff toy malapit sa food court," saad ni Mom saka hinatak si Dad palayo sa amin.
"Sana nandito rin si Kuya Iulian," nanghihinayang na sambit ko.
"I got you!" Nagtataka akong tiningnan ito sabay turo niya sa bandang likod ko kaya napalingon ako.
Napatakip ako ng bibig habang nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Kuya Kasper na ngayon nakakunot ang noo. "Kuya Iulian! Elise!" tawag ko sa kanila at mabilis na nilapitan.
"Bakit ka nandito?" masungit na tanong ni Kuya Kasper nang makalapit sa kinaroroonan namin.
"I'm not here to argue with you but to have fun," sambit ni Kuya Iulian.
"I'll find Mom—" Hinablot mo ang braso ni Kuya Kasper nang akmang aalis ito para hanapin sina Dad.
"Kapag nagsumbong ka kina Dad... I will never talk to you again forever," pagbabanta ko. Alam kong magsusumbong ito tungkol sa pakikipagkita sa'min ni Kuya Iulian.
×————×
The other day when we came to the amusement park is so much fun because Kuya Kasper let us enjoy the rides with Kuya Iulian, to the point I really miss Benjamin that's why I am going back to the condo. I want to experience a date with Benjamin in the amusement park.
Today is Benjamin's birthday and I decided to settle our problems. I cannot wait longer anymore for him to talk with me. I bought his favorite mocha cake and perfume as a gift.
Tinawagan ko pa ang admin sa condo para tanungin kung may nauwi ba sa unit namin at mayroon naman noong tiningnan nila. Pareho kami ni Benjamin na owner ng unit kaya sabihin ko lang ang pangalan namin sa admin ay pwede na magkaroon ng access.
Napansin kong may mga plato sa dining table na parang bago lang natapos kumain. Ibig sabihin nakauwi na si Benjamin kaya nagmamadali akong umakyat sa kwarto namin habang hawak ko ang cake. Gusto kong surpresahin si Benjamin, ako na ang magpapakumbaba para magkausap na kami.
"Ughh... Yeah füçk meee... ahh ahh!"
*slaps*
"Ahhw! Spànk me harder!"
Papalapit ako sa kwarto namin nang may marinig akong hindi kaaya-ayang ingay. Nag-umpisang makaramdam ng panginginig ang mga kamay ko habang hawak ang cake. Nasa harap ako ng pintuan ng kwarto namin ni Benjamin halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Ughhh... Benjamin, I love you!"
"I—Ahhh f**k! Ads!"
Nabitawan ko ang cake na hawak ko at nag-uunahan tumulo ang mga luha sa pisngi ko nang marinig ang boses ni Benjamin. Parang may bumabara sa pagdaloy ng hangin sa dibdib ko habang nanginginig ang kanang kamay ko na nakahawak sa doorknob ng kwarto.
"Sige paaa... Malapit na rin ako, Benj! Ahhh Ahhh—"
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto namin at naabutan ang dalawa na magkapatong sa kama namin. Nakapaibabaw si Benjamin sa nakatalikod na Adrian.
"Mga walanghiya kayo!" Halos maubos ang lakas ko sa sigaw ko.
Natigil si Benjamin sa ginagawa niya habang gulat na gulat ang mukha nito na nakatingin sa'kin. Nanlalabo ang mga paningin ko dahil sa walang katapusang luha na namumuo sa mga mata ko.
"B-Babe? Babe! Wait let me explain—" Nilapitan ko si Benjamin at sinampal ng ubod nang lakas.
Dumapo naman ang tingin ko kay Adrian na nakahiga pa rin sa kama na akala mo siya may-ari ng condo. "I wish you both death," mariin na sambit ko at saka tinalikuran sila. Hindi ko na sila kayang harapin.
"Mary Anne, wait! Please let's talk!"
"Benjamin, don't mind her!" rinig kong sigaw ni Adrian bago ako nakalabas ng kwarto.
Naramdaman kong may humatak sa kamay ko na ikinalingon ko. "Mary Anne please—"
"No! Stay away from me, you filthy bàstárd!" Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Benjamin sa kamay ko.
"I was looking forward to settling the misunderstanding we had before... but I guess it's not a misunderstanding after all!" sigaw ko.
"Anne, please naman... Pagod na ako sa ganitong set-up natin," pagmamakaawa niya.
Kada lapit niya sa'kin ay panay ang atras ko para lang hindi niya ako mahawakan.
Peke akong natawa sa sinabi niya. "Ang kapal naman ng mukha mong mapagod? Sabagay kasi dalawa kaming tinitira mo kaya sinong hindi mapapa—Aaaahhh"
"Anne!"
"Hmmm..." Sh*t I fell on the stairs. Pinilit kong tumayo mula sa pagkakahulog sa hagdan ngunit nawalan ako ng lakas nang makita ang mga dugo sa pagitan ng mga binti ko.
"Mary Anne!" sigaw niya ang narinig ko bago nagdilim ang paningin ko.
'Benjamin'