Tàrantádo ka talaga!
Stay away from my daughter!
Umalis ka rito kung gusto mo pa mabuhay!
Ma'am! Sir! Huwag kayo rito naiistorbo niyo ang pasyente.
Guard! Kuya guard!
Hayop ka!
"Hmm..." Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng paligid ko. Pagmulat ko ng mga mata ay nakita ko si Mom na nasa tabi ko habang umiiyak na diretsong nakatingin sa may paanan ko kaya sinundan ko rin ito ng tingin.
Nakita kong nagkakagulo ang mga kuya ko, si Dad at si— "B-Benjamin," mahinang sambit ko.
"Please stop! Umalis na kayo rito," pagmamakaawa ni Mom. Hinawakan ko ang kanang braso nito para makuha ang atensyon niya.
"P-Princess?! Finally you're awake!" sambit nito sabay yakap sa akin ng mahigpit. Natigil ang kaguluhan nang marinig nila ang malakas na boses ni Mom.
Mabilis na lumapit si Dad at hinawakan ang kamay ko sabay haplos nito sa buhok ko. "Anak..." iyon lang ang nasabi ni Dad at napahagulgol na rin.
Samantalang si Kuya Borge naman ay nasa paanan ko. "Princess, may masakit ba sa'yo? Tatawag ako ng dok—"
"Ako na tatawag... Lumabas ka na!" sabat ni Kuya Kasper saka tinulak palabas si Benjamin na nakatulala sa akin.
"Mom, anong nangyari? Bakit ako nandito?" naguguluhang tanong ko sa kanila.
Ang huli kong natatandaan ay nahulog ako sa hagdan at ang dugo sa pagitan ng mga binti ko. Napahawak ako sa tiyan ko, "Mom?" Lumakas ang hagulgol ni Mom nang mapahawak ako sa tiyan ko.
Pumasok ang isang babaeng doktor at dalawang nurse saka ako tiningnan. "Miss Trisostante, do you remember what happened?" tanong ng doktora.
"I fell from the stairs and... and a b-blood came out between my l-legs?" nanginginig ang boses ko habang inaalala ang mga nangyari.
Napatingin muna ang doktora sa parents ko bago tumingin ulit sa'kin. "Are you aware that you're pregnant?" parang may bombang sumabog sa utak ko nang banggitin ng doktora ito na naging dahilan para mabingi ako saglit.
Hinanap ko ang boses ko dahil para akong nawala sa reyalidad. "W-What? W-What are you s-saying? M-Mom? D-Dad?" Napatingin ako sa kanila para malaman kung ano ang nangyayari.
"What is she saying?! Me? Pregnant?" Pinilit kong abutin ang kamay ng doktora.
"I... I'm... the baby is okay right? right?!" Ayokong isipin pero sana mali... sana mali ang iniisip ko.
Naramdaman ko ang paghawak ni Dad sa magkabilang braso ko na para bang hinahanda ako sa malalaman ko.
"No! Don't say it... just no!" pigil ko sa kanila.
"I'm sorry but we lose the baby," sambit ng doktora.
"No! M-Mom!" Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak ni Dad sa akin.
"Let me go, Dad!"
"Nurse!" May inabot ang nurse sa doktora saka nila ako hinawakan ng mahigpit.
"No, please! No—"
"B-Baby—"
.
.
.
.
.
.
.
Mommy!Mommy!
I love you, Mommy!
Is this a dream? Who is this child I am holding?
Mommy!
She held my hands and brought me to a garden full of white roses.
"Hi, where's your mom?" I asked the kid while sitting next to me.
"You! You are mommy!" she let out a little titter.
"Mommy, crying?" Her innocent eyes asked.
Hinawakan ng batang babae ang pisngi ko na para bang may pinupunasan doon. Hindi ko namalayan na may tumutulong mga luha rito.
"Mommy, don't cry."
"I will going there." Turo niya sa gitna ng garden na napapalibutan ng white roses.
"Mommy, I need to go... Bye bye!" sambit ng bata saka tumayo at tumakbo papunta sa gitna ng garden.
"W-Wait... Wait for m-me—"
"Mary Anne, gumising ka!" Sa pagmulat ng mga mata ko ay ang nag-aalalang mukha ni Benjamin ang bumungad sa'kin.
Napaiwas ako sa pagkakahawak niya sa'kin. "Why are you here?!" sigaw ko rito.
Naalala ko ang mga maduming ginawa nila ni Adrian sa condo na naging dahilan kung bakit nandito ako. "Nurse?! Nurse!" sigaw ko at nagbabakasaling makarinig sa'kin mula sa labas ng kwarto.
"Please, Anne... Please, I'm sorry for what happened," pagmamakaawa niya.
"Sorry na naman? Sorry?? Mababalik ba naman ng sorry mo ang baby ko?" sumbat ko sa kanya.
"Napakagàgó mo, Benjamin... Dalawa kayo ni Adrian!" sigaw ko.
"Bakit nandito ka pa? Baka dinala mo pa rito kahayúpan niyong dalawa ni Adrian?!"
"Adrian? Adrian?!" paghahanap ko kay Adrian.
"Who is Adrian?" Napalunok ako ng laway nang biglang sumulpot si Kuya Kasper.
"Is that Adrian the reason why you fell from the stairs?" tanong ni Kuya Kasper. Napaiwas ako ng tingin dahil ayoko na magsinungaling. Pagod na ako pagtakpan si Benjamin.
"Don't touch me, you bàstard!" Tinangkang punasan ni Benjamin ang pisngi ko kung saan tumutulo na pala ang mga luha ko.
"Why you guys ignoring me? Anne?" tawag sa'kin ng kuya ko pero hindi ko pa rin tiningnan ito.
Narinig ko ang pagbukas-sarado ng pintuan. "Kasper, pinapauwi ka ni Mom." Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Kuya Borge.
"Bakit ka nandito?!" Biglang sinugod ni Kuya Borge si Benjamin sabay suntok sa mukha nito na naging dahilan para mapatumba.
"Nandito ka na naman! Tigilan mo na si Anne! Akala mo hindi ko alam?!" Tinadyakan nito si Benjamin.
Pinigilan ni Kuya Kasper si Kuya Borge sa pagtadyak nito sa lalaking nasa sahig. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Kuya Kasper.
"Tàrantàdo 'yan! Nakita kong—"
"Kuya Borge!" pigil ko sa kanya para hindi matuloy ang sasabihin niya. Nilingon niya ako at nakuha naman ang ibig kong sabihin.
"Basta umuwi ka na! Naghihintay sina Mom at Dad," pagtaboy nito kay Kuya Kasper.
×————×
Dinadalaw ako ni Kuya Iulian at Elise sa hospital kapag alam nilang nasa bahay ang parents ko. I was mad at them first when they didn't tell me about Benjamin being closeted gay but I realized it was an assumption that's why they chose to stay quiet.
"Please don't hate us," sambit ni Kuya Borge.
"I am not hating you guys for not telling me, it's okay."
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin." Naguluhan ako sa sinabi ni Kuya Borge.
"Don't hate the LGBT because of what your partner and that Adrian did," sambit ni Kuya Iulian.
"I don't know if I'm gay but yeah... basta."
"Again?" Nabingi 'ata ako sa sinabi ni Kuya Borge.
"I'm in a relationship with Elise," reveal niya at hinawakan ang kamay ng katabing si Elise.
Napatingin tuloy ako sa pintuan ng kwarto dahil baka may biglang pumasok. "For real?"
Parehong tumango ang dalawa para kumpirmahin ang tanong ko. Kaya pala laging magkausap at magkasama ang dalawa, akala ko purely friendship lang ang namamagitan sa kanilang dalawa.
"C-Congrats?" nag-aalangan na sambit ko. I don't know if I should be happy for them or not because there is something bigger issue here.
"Dad?... Alam ba ni Mom?" Tanggap ni Mom si Kuya Iulian, what about Kuya Borge and Elise?
Nakita ko ang paghigpit ng hawak ni Kuya Borge sa kamay ni Elise. "Hindi pa."
"Ayaw na namin muna dumagdag sa iniisip nila dahil sa mga nangyayari ngayon," sambit ni Elise.
Hinawakan ni Kuya Iulian ang mga kamay ko, "Don't worry about them... us... Magpagaling ka muna."
Dalawang linggo pa ako nasa hospital bago pauwiin dahil sa mga test na ginawa sa'kin pero hindi ko aakalain na mas may malaki pa akong haharapin paglabas ko ng hospital.
Anne Hill pregnancy? Miscarriage?
Carmelia Gruen-Trisostante, daughter got into an accident leads to miscarriage.
Anne Hill, involved in escorting VIPs, the daughter of former Beauty Queen Carmelia Gruen and retired Major General of Philippine Marine Corps David Trisostante.Anne Hill was involved in rumored pregnancy.
Nagbabasa ako ng mga headlines sa internet nang may humablot ng cellphone ko. "Stop scrolling from your phone."
"K-Kuya Kasper, akin na." Inilayo niya mula sa akin ang cellphone at inilapag ang painting tools sa harap ko.
They brought me to our rest house here in Batangas to get away from the paparazzi. When I got home, one time I was resting in the garden a paparazzi tried to invade my privacy. No one in my family broke the silence and chose to ignore all the rumors.
Kuya Kasper offered to take care of me while staying here. "Kuya, wala ka bang work na pagkakaabalahan? What about your girlfriend?"
"Wala na kami ng girlfriend ko."
Great. Si Kuya Borge nagka-jowa at si Kuya Kasper naman ang nawalan. Wow. Kaya pala ang dami niyang time na bantayan ako.
"Where did you get these?" tukoy ko sa painting tools na dala niya para maiba ang topic. I don't want any drama for now.
"Uhm... Someone told Elise that you used to enroll in an art workshop noong nasa Brooklyn ka," sagot niya.
Si Lauren lang ang nakakaalam na pumasok ako ng arts workshop dahil siya ang nag-aya sa akin. "Maybe it's Lauren."
"I don't care," tabla nito sa'kin. Ang sungit may period siguro.
Kinuha ko ang painting tools saka padabog na umalis sa harap niya. Dumiretso ako sa kwarto at nilapag ang dala sa sahig sabay higa sa kama.
Unti-unting tumulo ang luha mula sa mga mata ko na kanina ko pa pinipigilan sa pagtulo. I may look okay outside but I'm already dying inside, I can't believe I lose my baby, and it's Benjamin's fault.
Mom and Dad was asking what really happened when I fell from the stairs, I lied that I miss a step when I tried to reach out our room upstairs.
"I'm sorry but we lose the baby"
"I'm sorry but we lose the baby"
Paulit-ulit ko naririnig sa isip ko ang sinabi ng doktora noong nasa hospital ako. Ngayon ko lang napagtanto ang dahilan ng pagiging antukin ko at madalas na cravings na hindi naman normal sa'kin noon. I thought I was stress-eating because of finding out about Benjamin and Adrian relationship.
My periods are irregular that's why I never have thoughts about getting pregnant. "Aaaarrgggh! Stúp*d, Anne! Stúpid!"
"Ang tànga tànga mo talaga."
Dumagdag pa na kumalat sa modeling industry ang nangyari. My parents can't control the media anymore and the paparazzi keep invading our privacy even the models of our agency were being asked if they had the idea about my pregnancy.
D*amn life.