Chapter 40

1858 Words
Nalaman ni Kuya Borge ang dahilan ng pagkakahulog ko sa hagdan noong tiningnan niya ang CCTV sa condo namin ni Benjamin. I forgot that we installed a cctv in some parts of the condo unit for safety purposes. Hindi niya ipinaalam kila Mom ang napanood niya dahil gusto niyang ako ang magsabi sa kanila baka raw paggising ko ay nasa kulungan na ang mga ito sa kung ano man ang magagawa nila kay Benjamin. Nakita niya rin sa cctv na nagmamadaling umalis ng condo si Adrian habang hindi alam ni Benjamin ang gagawin sa katawan kong wala nang malay noon. It took him almost thirty minutes before calling for help from the condo admin, maybe that is one of the reason the baby was not saved. I didn't see Benjamin again after being almost beaten up by Kuya Borge. He didn't even try to visit me at home when I was discharged from the hospital. . . . . . Lumabas ako ng bahay para maglakad-lakad malapit sa beach. Halos tatawirin lang ang kalsada at mararating na ang tabing-dagat kaya sa second floor ng bahay lalo na sa kwarto ko ay matatanaw ang beach. Naglakas-loob akong lumabas dahil gusto ko makasagap ng preskong hangin at kaunti pa lang ang tao dahil weekdays. Walang nakakaalam ng trabaho ko dito dahil hindi mahilig manood ng TV ang mga tao rito o kaya busy sila sa paghahanap-buhay lalo na ang mga taong nakatira sa beach. May mga naabutan akong naghihila ng mga floating cottages, naghahanda na sila para sa weekends dahil maraming tao sa araw na 'yon. Pumasok ako sa isa sa mga nakahilerang cottage malapit sa tabing-dagat libre lang itong gamitin para sa mga nakatira sa lugar na 'to. Pag-upo ko ay natanaw ko mula sa malayo ang maliliit na barko na ginagamit ng iba para mangisda sa gitna ng dagat. Naramdaman ko naman agad ang lamig at simoy ng hangin na yumakap sa balat ko. I badly wanted to take pictures of these sceneries in the morning but Kuya Kasper took away my phone to keep me from reading those rumors in social medias. Nilabas ko ang sketchbook at drawing tools na dala ko para makaguhit. Ginuhit ko ang mga batang nagkukumpulan malapit sa dagat habang naglalaro. "Sana bata na lang ulit ako," bulong ko sa sarili. Walang problema, walang iniisip na sasabihin ng ibang tao at higit sa lahat napakainosente mula sa makamundong bagay. "Ate ano po 'yan?" Natigil ako sa pagguhit nang may marinig akong boses ng batang babae mula sa likuran ko kaya napalingon ako rito. Nakaakyat ito sa puno ng niyog habang nakatanaw para makita ang ginagawa ko. "Bumaba ka dyan baka mahulog ka!" suway ko sa bata. Nakasuot siya ng white dress kaya baka madumihan ito at mapagalitan pa ng mama niya. "Lumapit ka na lang dito para makita mo ng malapitan," sambit ko. Bumaba mula sa puno ng niyog sabay takbo papasok dito sa loob ng cottage. "Ate ang ganda ganda mo po," sambit ng bata habang nakatitig sa mukha ko. "Hala ate! Bakit namumula po kayo?" Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at uminit lalo ang pisngi ko dahil sa sinabi ng bata. "Pasikat na kasi ang araw kaya medyo mainit na," palusot ko. "Anong pangalan mo?" tanong ko pa. "Rosa po!" masiglang sagot ng bata. "Ang cute ng name mo parang ikaw." Nanggigil ako sa cuteness ng bata dahil sa mala-siopao nitong pisngi. "Nasaan ang parents mo?" "P-P...rents?" Hindi pa siguro maalam sa english. "Mama at papa mo?" paglilinaw ko. "Wala po akong mama at papa," inosenteng sagot nito. Pasimple kong tinakpan ang bibig ko dahil ayokong mapansin niyang nabigla ako. "Rosaaa?" "Rosaaaa!" Napatingin ako sa bandang kanan kung saan nanggaling ang boses baka itong bata ang hinahanap niya. Nakita ko naman ang isang madre na bakas sa mukha ang pag-aalala habang tinatawag ang pangalan ng bata. "Rosaaa—" Napatingin ito sa direksyon ko kung saan kasama ko ang bata at mabilis na naglakad palapit sa'min. "Rosa! Diyos kong mahabagin," bitiw ng madre nang hawakan ang bata at tingnan kung ayos lang ba ito. "Goodmorning, sister?" agaw atensyon ko rito. "Hija, ginugulo ka ba ng batang ito? Pasensya ka na ha?" "Okay lang po, sister. Actually pinapanood pala niya ako mag-drawing kanina," paliwanag ko. "Ahm... Sister? Nasaan po ang parents ng bata?" curious na tanong ko. Napatingin muna ang madre sa bata at kinausap ito. "Rosa, gusto mo ba mangolekta ng shells?" tanong niya sa bata. Tumango naman ang bata bilang pagsang-ayon habang nakasubo ang thumb finger nito sa bibig. "Maraming shells doon, kuha ka para may mauwi ka?" turo ng madre malapit sa tabing-dagat. Naglakad naman ang bata papunta doon ngunit lumingon muna ito sa'min. "Huwag kang lalapit sa dagat! Nandito lang ako," sambit ng madre. Umupo sa tabi ko ang madre nang makalayo ng kaunti ang bata siguro para hindi marinig ang pag-uusap namin tungkol sa parents nito. "Namatay sa aksidente ang magulang ni Rosa, wala naman itong kamag-anak na pwedeng kumupkop sa kanya," kwento ng madre. "Aksidente saan? Paano napunta sa inyo si Rosa? Malapit lang ba kayo rito?" sunod-sunod na tanong ko. "Sa may bayan kami malapit sa simbahan... may bahay-ampunan doon... Nandito kami para mabisita ang puntod ng magulang ni Rosa," sagot niya habang nakatanaw sa bata. Tinuro niya ang dagat maging ako ay napatingin. "Sa dagat sila namatay ngunit hindi na nahanap ang katawan nila." Napatingin ako kay Rosa na nakangiting namumulot ng mga shells. "Sister, pwede ko ba siya ampunin?" "Ha? Sigurado ka ba, Hija? Hindi madali magpalaki ng bata," sambit niya na parang hindi ko kaya magpalaki ng bata. Napahawak ako sa tiyan ko. "Hindi pa ako naging nanay pero nawalan din po ako," tukoy sa nawala kong baby. "Diyos ko po. Patawad, Hija... I'm sorry for your lost." Ngumiti lang ako sa naging reaksyon niya. Naramdaman ko na lang na may kumakalabit sa kamay ko at nakita si Rosa na nakangiting inaabot sa'kin ang isang white shells. "Wow. Thank you, Rosa." Nagkausap kami ni Sister Cora kung paano ang proseso ng pag-aampon pero gusto niyang bisitahin ko muna ang orphanage kung saan nakatira si Rosa. ×————× *knock* *knock* *knock* "Mary Anne?" Nangunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses. "Anneeee!" sigaw nito at sunod-sunod na kumatok sa pintuan ko. "Sandali!" Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sahig para pagbuksan ito. Hindi ko inaasahan kung ang taong nasa labas ng kwarto ko. "Lauren? H-How?" Speechless ako dahil nandito siya. Nakita ko naman si Kuya Borge at Elise na nasa likod niya. "Surprise!" sabay-sabay na sambit nilang tatlo. "I can't contact you and I got worried that's why I asked your brothers," sambit ni Lauren. Oh right! Kinuha nga pala ni Kuya Kasper lahat ng gadgets ko para maputol communication ko sa labas. Pinapasok ko si Lauren at Elise sa kwarto samantalang umalis muna si Kuya Borge para makapagluto ng dinner. Hindi ko namalayan na malapit na pala gumabi dahil naging busy ako sa painting na ginagawa ko. "Oh wow! You paint again?" tukoy ni Lauren sa nakita. "Yeah... It makes me sane for awhile now." Niligpit ko muna ang painting tools dahil nakakalat ito sa sahig. "You paint a lot of white roses... do you like white roses?" "Ah. No... I like sunflower but I can't take off this from my mind," sambit ko. "It reminds of the kid that I want to adopt," dagdag ko. Napalingon sa'kin ang dalawa sa sinabi ko na para bang isang nakakagulat na balita ito. "Why?" halos sabay na sambit nina Lauren at Elise. "When I was hospitalized... I have dreamt about a kid... I think it's a girl... We were in a garden full of white roses," panimula ko. "...and then I met this kid a few days ago, her name is Rosa and she's wearing a white dress... She lost her parents," patuloy ko habang nakikinig sila. "... when I got home, it made me realize... what if this child and I are meant to be together?" "Are not you deciding because you were still grieving?" Nangunot ang noo ko sa tanong ni Lauren at nakita kong sumang-ayon naman si Elise sa tabi niya. "I am not! I can raise the kid as my child," depensa ko. "Baka ginagawa mong replacement ang bata?" maingat na tanong ni Elise. "Nasasabi niyo— I mean, you can say that because you were not a mother... Wait how did you know that I'm grieving?" nagtatakang tanong ko kay Lauren. Bahagya itong napayuko na parang hindi alam ang sasabihin. "Borge told her when she's trying to find you," singit ni Elise. Daldal talaga ni Kuya Borge. "What's happening here?" speaking of the devil. Pumasok si Kuya Borge na may dalang juice at biscuits kasunod niya naman pumasok si Kuya Kasper. Haaa. I wanna cry, I suddenly miss Kuya Iulian seeing my two brother. "Eat and drink this... Dinner will be done in an hour," sambit ni Kuya Borge sabay lapag sa mini table ng dala niya. "Kuya Kasper, have you met Lauren?" pagputol ko sa katahimikan. "Who?" Kakarating lang niya kaya malamang hindi pa siya pinakilala nina Kuya Borge. "Hi, I'm Lauren Varson," singit ni Lauren sa pagitan namin ni Kuya Kasper at inabutan ng kamay para makipag-shakehands "I, I'm K-Kasper... the eldest brother... and you?" "I'm a friend from New York," banggit ni Lauren. Niyaya ni Kuya Borge sina Elise at Kuya Kasper na bumaba sa kusina para ipatikim ang luto niya. Naiwan naman si Lauren para samahan ako at magkamustahan kami. Last week lang pala niya nalaman ang tungkol sa nangyari. Ang alam lang niya ay nagkaroon ako ng miscarriage dahil hindi ko alam na buntis ako pero hindi niya alam kung ano eksaktong dahilan ng naging aksidente ko. Napahawak ako sa ulo ko nang maalala ko na naman ang nanagyari. "Hey, are you okay?" nag-aalalang tanong ng kasama ko. "Yeah... I just don't want to remember what happened," tukoy ko sa aksidente. "I'm sorry for not visiting you sooner." "It's fine...I know you are busy with your projects," sambit ko. Plano ni Lauren na mag-stay muna rito para may kasama raw ako dahil paminsan-minsan umuuwi si Kuya Kasper ng Manila para sa business niya. He is now running a Pizzeria, he started a business after breaking up with his girlfriend. "Lauren, do you want to come with me where Rosa is? The kid I've been telling you earlier," alok ko sa kanya na sumama sa akin sa sunod na punta ko ng orphanage. "Sure! Let's meet her." "She lives in an orphanage with the sisters—I mean nuns," sambit ko. "Doesn't she have family or relatives?" tanong niya. "She lost her parents in the sea... she doesn't have any relatives... that's why I want to adopt her," pilit ko sa kanya. "I don't mind you adopting a kid but are you ready to be a mom? I mean you don't have any experience." "Is a first time mom already has experience of being a mom??" Nagtaas ng dalawang kamay si Lauren na para bang sinasabi niyang ayaw na niya pumalag. "Okay, you win..." pagsuko ni Lauren.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD