Maaga kami umalis ni Lauren sa bahay papuntang bayan kung saan malapit ang orphanage na tinitirhan ni Rosa. Hindi na kami gumamit ng kotse dahil gusto masubukan ni Lauren ang mag-commute rito. Halos thirty minutes lang ang naging byahe namin gamit ang bus. Hindi naman kami nahirapan hanapin ang orphanage dahil nag-iisa lang ang simbahan sa bayan.
Malayo pa lang kami mula sa gate ng orphanage ay nakita ko na agad si Sister Cora na nakangiting kumakaway sa'min.
"Is she the nun with the kid you told last time?" bulong ni Lauren habang papalapit kami sa madre.
"Yes, observe okay?" sagot ko. Nagkibit-balikat na lang ito saka kumaripas ng lakad palapit sa madre.
"Hi, sister! I'm Lauren by the way... friend of Mary Anne," pakilala niya sa sarili kay Sister Cora.
"She's italian-american, Sister Cora... Pasensya na ho may kasama ako," hingi ko ng tawad.
"Hija, ayos lang... baka magandang opportunity ito para marami makakilala sa mga bata," nakangiting sambit niya.
Nagpakilala naman si Sister Cora kay Lauren, mabuti naman at walang language barrier sa pagitan nilang dalawa. Inikot muna kami ng madre sa buong orphanage dahil may klase pa raw ang mga bata. Sila na mismo ang nagtuturo sa mga bata hanggang kaya nila.
Nasilip ko ang kwarto ni Rosa kung saan nasa sampu silang natutulog maging ang library kung saan ito palaging tumatambay ay pinakita rin ng madre.
"Miss Anne, pwede mo kausapin si Reverend Mother Teresa kung nais mo ampunin si Rosa," suhestyon ng madre.
"Papayag kaya siya? Ano pwede kong gawin para maipakita kong mabuti ang intensyon ko sa pag-ampon sa bata," tanong ko.
"Si Reverend at ang mga taga-dswd ang makakausap mo para sa legal na proseso... pero ang isa sa tinitingnan nila ay kung mabibigyan mo ng maayos na buhay ang bata," mahabang paliwanag ni Sister Cora.
"Hey! The class is over," biglang sumulpot si Lauren mula sa likod ko, hindi ko napansin na nawala pala siya sa paningin ko.
"Where did you go?" tanong ko.
"I was looking for a bathroom and I passed by a mini classroom... where a bunch of kids studying... I think?"
"I guess the class is over... it's already one o'clock in the afternoon," singit ng madre.
"Let's meet Rosa," pag-aaya ng madre.
×————×
Kinausap ko ang head ng orphanage kung pwede ko bang alagaan si Rosa habang pinoproseso ang adoption papers. Marami pa pala ang pagdadaanan nito lalo na psychologically sa bata. Titingnan nila ang background ko at ang environment na tinitirhan ko maging ang source of income.
They want to make sure that the kid will grow up in a healthy environment and relationships with others. I gave them all the requirements needed and it's their job to verify all the documents.
Rosa will stay at my place for a week, we don't want to make her uncomfortable for the sudden changes in her life.
"Rosa, come here." Nilapitan naman agad ni Rosa si Lauren na noong una ay nahihiya pa itong lumapit dahil kakaiba raw siya.
Nandito kami sa mall para bilhan ng mga damit at gamit na kailangan ng bata habang nakatira siya sa'kin. Pinasukat ni Lauren ang damit na nakita niya pagkapasok namin ng boutique.
"My treat... so get everything you want," sulsol ni Lauren kay Rosa na nakatunganga sa kanya.
Kinalabit ko ang bata para humarap sa'kin, "Ang sabi ni Ate Lauren, libre na raw niya kaya kunin mo na lahat ng gusto mo," paliwanag ko.
Kuminang ang mga mata ni Rosa at ngumiti ng malapad, "Talaga po? Sure po kayo?" paniniguro niya at tinanguan ko naman siya bilang pagkumpirma.
Noong una bago hawakan ni Rosa ang isang damit ay titingin pa ito sa'min ni Lauren na para bang nagtatanong kung okay lang na hawakan ang damit kaya inalalayan namin ito sa bawat cubicle ng damit na madaanan namin.
Kinuhanan din namin siya ng mga laruan at story-telling books para hindi siya mabagot sa bahay. "Couple ba 'yan? Anak ba nila?" bulong na naririnig ko kanina pa.
"Ay ano ba 'yan... Lesbian ba isa sa kanila?" tumaas ang kilay ko nang madaanan namin ang dalawang matandang chismosa.
Walang kamalay-malay si Lauren sa paligid habang masayang hawak ang kamay ni Rosa. Hinarap ko ang dalawang matanda para pagsabihan, "Mind your own business old witches!" madiin na bulong ko sa kanila para hindi marinig ni Lauren ang pakikipagtalo ko sa dalawang ito.
"Susmaryosep! Iba na talaga ang henerasyon kung sino-sino na ang pinapatulan," pang-iinsulto pa ng isa.
"Kulang ka ho siguro sa dilig kaya tuyong-tuyo na bunganga mo," sambit ko sabay alis na para sundan sina Lauren at Rosa.
"Salot!" rinig kong sigaw ng matanda.
"Excuse me, Ma'am... Models po sila sa ibang bansa... Please don't make scandalous act here inside the mall." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang isang saleslady na kinakausap ang dalawang matanda.
Naabutan ko si Lauren na sinusukatan ng sapatos si Rosa. "Hey, don't spoil the kid... she's still growing," sambit ko.
"There are a lot of dresses and shoes that fit her and it was so pretty!"
"Fine, whatever... Let's go pay them," pag-aaya ko.
.
.
.
.
.
.
Tuwang-tuwa si Rosa habang tinatanggal sa paperbags ang mga binili namin para sa kanya. Huli niyang binuksan ang mga laruan at nilaro 'yon.
Tinulungan naman ako ni Lauren na ayusin ang mga gamit ng bata sa kwarto na pinaayos ko para kay Rosa. Nagpaalam ako kina Mom tungkol sa adoption sa bata na noong una ay pinipigilan ako pero nakumbinse ko rin sila sa huli.
Plano nila pumunta rito sa weekends para makilala ang bata. Kaya balak kong ipakilala kay Rosa ang family ko paunti-unti gamit ang pictures para maging familiar sa mukha ng mga ito.
"Dinner is ready!" narinig ko ang boses ni Kuya Borge mula sa first floor ng bahay. Hindi ko alam na nandito na pala siya.
Kinuha ko naman si Rosa para yayain kumain samantalang si Lauren ay pumunta ng kwarto niya para makapagpalit ng damit.
Dinaanan ko muna ang kwarto niya para sabihan na bumaba sa dining area para kumain ng dinner saka ko binuhat si Rosa hanggang sa makababa kami.
"Hello, ikaw ba si Rosa?" bungad ni Kuya Borge nang makapasok kami ni Rosa sa dining area.
Tumango lang ang bata bilang sagot sabay tago ng mukha sa dibdib ko. "Rosa, ito si Kuya Borge... ang kapatid ko," pakilala ko.
"He—Hello po," sambit ni Rosa habang nakatago pa rin ang mukha.
"Feel at home, Rosa... Huwag ka mahihiya kay Uncle Borge," parang batang sambit ni Kuya para makuha ang loob ng bata.
"Hello everyone! What's for dinner tonight?" biglang sulpot ni Lauren sa dining table.
Pinaupo ko na si Rosa para matulungan si Kuya Borge sa paglalagay ng pagkain sa mesa habang si Lauren ay tumabi kay Rosa at nakikipaglaro ito.
"Everyone emergency meeting now!" Nagkatinginan kami ni Kuya Borge nang marinig ang sigaw ni Kuya Kasper na kararating lang ng bahay.
"What's happening?" naguguluhang tanong ni Lauren.
"Stay here and take care of Rosa... I'll talk to you later," sambit ko nang madaanan ko sila.
Nagmamadali kaming umakyat ni Kuya Borge sa library ni Dad at naabutan namin si Kuya Kasper na nanonood ng tv.
"What's the emergency?" tanong ko sa kanya. Itinuro niya ang tv kaya napatingin ako doon.
"Anne Hill, the daughter of a former beauty queen, and Lauren Varson, the heiress of Varson company are spotted dating at the mall..."
"Anne Hill has a secret child?"
"Is it true that Anne Hill delivered a baby out of the country?"
"Anne Hill used to date a closeted gay? Who is this person?"
"Rumors are starting to spread again... Where is this?" tukoy ni Kuya Kasper sa pictures namin kanina sa mall.
"Let's have dinner first and talk about this later,", seryosong saad ni Kuya Borge.
I'm speechless of what's happening right now. I thought I already run away from that society I grew up. Nakaramdam ako ng kaba nang maalala ko ang adoption process kay Rosa.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. "Everything will be alright," sambit ni Kuya Kasper.
"K-Kuyaa... what about the adoption?"
"Don't worry... Trust yourself... You can be a good mother," sambit ni Kuya Kasper at saka ako binigyan ng ngiti.
×————×
Mom and Dad came last night. The family decided to have a picnic at the park. We can't have Rosa play near at the beach because she might remember her parents who passed away.
Palaging nasa tabi ko si Rosa dahil nahihiya itong lumapit kina Mom at Dad. Hindi namin siya pinilit na kumilala ng ibang tao dahil naninibago pa siya.
"Rosa, gusto mo ba maglaro?" pag-aaya ni Kuya Borge kasama si Lauren. Pumayag naman ang bata at saka sumama sa dalawa samantalang naiwan ako kasama sina Mom, Dad, at Kuya Kasper para pag-usapan ang nabalita noong nakaraang araw.
"What is the plan?" tanong ko sa kanila.
"You have to go back in Brooklyn," payo ni Dad.
Napatingin ako kay Rosa, "I can't... Rosa is here," tanggi ko sa kanila.
"Kami na ang bahala sa adoption papers pati na rin kay Rosa... You need to get away from here or else they might dig your past," sambit ni Mom habang hawak ang dalawang kamay ko para kumbinsihin.
"I'm sorry pero ayoko... ayokong iwan ang bata lalo na ngayon na may lumalabas na issue kasama siya." Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Mom sa kamay ko at saka pinuntahan sina Kuya Borge.
Naabutan kong naglalaro sila sa playground. Tinutulak ni Kuya Borge ang swing kung saan nakakandong si Rosa kay Lauren.
Hindi ko maiwasan na mag-alala sa kalagayan ni Rosa, paano kung may makahanap ng totoong pagkatao niya. Ang nilabas na pictures sa news noong nakaraan ay naka-blurred ang mukha ni Rosa dahil minor pa lang ito at bawal ilabas sa public ang information ng bata kung hindi ay makakasuhan sila.
Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bulsa para tingnan kung sino ang natawag. Nakita kong si Sister Cora ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.
"Hello, Sister Cora? Napatawag ho kayo?" tanong ko.
"..."
Nakaramdam ako ng panlalamig nang wala akong makuhang sagot sa kabilang linya.
"Sister?" tawag ko ulit.
"Miss Anne? Pinapasabi ni Reverend Mother Teresa na kailangan niyong ibalik si Rosa rito... as soon as possible," saad ng madre.
"B-Bakit ho? Ilang araw pa lang nasa amin si Rosa... at saka... at saka hindi ba isang linggo siya sa'min?"
"Pasensya ka na, Miss Anne... Si Reverend Mother na lang ang magpapaliwanag sa'yo."
.
.
.
.
.
.
.
Pinalipas ko ang tatlong araw bago ko sinabi sa mga tao sa bahay na kailangan kong ibalik si Rosa sa orphanage. Nagtatanong sila kung bakit dahil wala pang isang linggo ang nagdaan. Sinabi kong wala pang binigay na dahilan ang Reverend Mother ng orphanage at doon ko pa lang malalaman kapag nakausap ko na ito.