"Sorry but the application for adoption was rejected," sambit ng Reverend Mother ng oprhanage nang makaharap ko na ito.
"What's the ground for rejecting the adoption?" tanong ko.
"I'm sorry but we don't want the kid to get involved in scandalous act." Nagpantig ang tenga ko sa sinabi ng madre.
"What do you mean by scandalous act?"
"Rumors... Same-seex couple... at kahit marami kang pera... you cannot give the kid a normal and complete family," saad niya.
"I can't believe you relied on rumors, Reverend... Akala ko kayo ang unang-una na hindi maniniwala sa mga sabi-sabi ng iba," angal ko sa kanya.
"Watch your words, Miss Anne," pagbabanta niya.
"Watch your manners, Reverend Mother... Nahusgahan niyo agad ako base sa mga napanood at narinig niyo nang hindi muna inaalam ang totoo mula sa'kin," balik ko sa kanya.
"This is final... The adoption is rejected... You can try next time," sambit ng madre.
Tumayo na ako at tinalikuran ito baka may masabi pa akong masama na pwedeng makaapekto sa sunod na attempt na pag-ampon kay Rosa.
Lumabas ako mula sa opisina ng madre at saka hinanap si Rosa at Lauren. Naabutan kong iyak nang iyak ang bata habang natataranta naman si Lauren dahil hindi alam ang gagawin.
"Shhh... Stop crying," pag-aalo ni Lauren para patigilin sa pag-iyak ito.
"Rosa," tawag ko sa pangalan ng bata.
Humarap ito sa kinaroroonan ko sabay takbo sa'kin. "Totoo po ba *hic* na iiwan niyo ako?" iyak nang bata sabay yakap sa mga binti ko.
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa binti ko para pantayan ko ang height ng bata at makita ang mukha niya. "Babalik ako para kunin ka ulit... Mahihintay mo ba 'yon?" tanong ko rito.
Hindi ko alam kung kailan ko siya babalikan dahil panigurado maraming proseso pa ang gagawin at pagdadaanan. Ayoko naman magkaroon ng stress ang bata kung makikipagtalo ako sa Reverend Mother.
"Miss Anne, anong sabi ng Reverend Mother?" tanong nang kakarating lang na si Sister Cora.
"It was because of the rumors... Umabot na rito ang rumors tungkol sa nangyari sa'kin," sambit ko.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ng madre sa narinig dahil siguro hindi siya makapaniwala na 'yon ang naging basehan ng Reverend Mother para tanggihan ang adoption papers ko kay Rosa.
Patuloy pa rin ang malakas na iyak ni Rosa habang kinukuha siya ng madre. "Mama! Mama!"
Napatalikod ako nang tawagin niya akong mama na naging dahilan para hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Kainis.
"Rosa!" Napalingon ako nang banggitin ng madre ang pangalan ng bata.
"Mamaaaaa!" sigaw ni Rosa habang tumatakbo palapit sa'kin. Sinalubong ko naman agad ito ng yakap.
"Mama! *hic* Huwag mo ako *hic* iwan," pagmamakaawa ng bata.
"Sorry, Rosa... Sorry... Kukunin kita ulit at hindi ka na babalik dito kaya hintayin mo ako ha?" paalala ko sa kanya habang nakayakap pa rin ito sa'kin.
Naramdaman kong tumango ito. "Promise mo po 'yan?" tanong niya. Hinarap ko ang mukha niya sa'kin para makita ko ito at mapunasan ang mga luha niya sa pisngi. Pasimple ko rin pinunasan ang mga luha ko saka ngumiti sa kanya.
"Promise."
×————×
Balik ako sa pagkukulong sa kwarto at panay painting ang ginagawa. Ramdam ko ang inis ng mga kuya ko sa'kin dahil bumabalik na naman daw ako sa dati samantalang hinahayaan lang ako ni Lauren.
Sa tuwing makikita niya akong umiiyak ay tinatabihan niya lang ako hanggang sa makatulog. Minsan nagigising akong nakayakap kay Lauren o kaya ay nasa sahig siya at nakasandal sa kama ko.
"You should come with me to New York," sambit ni Lauren habang nakasandal ito sa may pintuan ko. Naabutan na naman niya akong nakaupo sa sahig.
It's been a week when I gave back Rosa to the orphanage. My family got worried because it might give me another trauma that's why they are insisting me to go outside the country.
"I'm going with you."
"You shou—wait... wait... are you going??" tanong ni Lauren sabay lapit sa'kin.
"Yes... I'm going," pagkumpirma ko.
Nagsabi na ako kila Mom at Dad na babalik na ako sa Brooklyn. It's a good thing that Kuya Iulian is coming too since Mom won't stop worrying about me unless someone is taking care of me.
Hinihintay lang namin na makaalis ang umupa sa apartment ko para mapalinis at maayos ang mga gamit pagdating ko. Sasamahan muna ako ni Kuya Iulian hanggang sa makapag-adjust na ulit ako sa environment samantalang si Lauren ay babalik agad sa naiwan na trabaho.
Sinabihan ko na rin ang friends ko tungkol sa plano ko baka magtampo na naman sila sa biglaang hindi ko pagpaparamdam sa kanila. Akala nila noong una ay busy lang ako sa trabaho kaya hindi nila ako mahagilap pero 'yon na ang panahon na marami akong pinagdadaanan sa relasyon namin ng ex ko.
"Do you want us to come with you?" tanong ni Nalla. Kausap ko sila ngayon gamit ang video call. Wala si Ice dahil busy ito sa trabahong pinasukan niya sa hotel.
"Sabihan mo lang kami para makapag-file kami ng vacation leave sa work," sambit ni Lizel.
"Don't worry girls... It's okay, you can come next time... I just need some time alone," pigil ko sa kanila. Ayokong pati sila ay madamay sa pinagdadaanan ko ngayon lalo na at may problema si Icelyn sa pamilya niya.
Icelyn has no one to her side except us, her friends while I have my family and friends to help me overcoming the challenges I have been trying to figure out the best way to get back to my life.
×————×
Guernsey St. Brooklyn, NYC
"Welcome home!"
"Welcome back!"
Magkasunod na sigaw ni Agnes at Kristoff pagpasok namin sa apartment. I didn't expect them to surprise us, it's been a year already since the last time I went here. Madami na pala ang nangyari noong umuwi ako ng Pinas.
"We cooked foods... Let's eat?" alok ni Kristoff na nakahawak na sa beywang ni Kuya Iulian.
"I'm pretty sure that you miss Kuya Iulian," tukso ko kay Kristoff.
"Not really because we always do video call, right?" depensa nito pero kita naman ang higpit ng pagkakahawak niya kay Kuya Iulian.
Nilagay ko muna ang gamit ko sa kwarto saka nagpahinga saglit dahil mahaba ang byahe namin kanina. Nauna kaming umalis ni Lauren dahil nakahiwalay sa'min si Kuya Iulian ng flight kaya kailangan pa namin siya hintayin sa airport ng ilang oras.
'Haaaayyy... I miss my bed.'
"Anne, let's eat now!" Napabangon ako nang marinig ko ang tawag ni Kuya Iulian para kumain.
Ngayon lang ako nakaramdam ulit ng pagod. Lumabas ako ng kwarto para puntahan sila sa kusina. Naabutan ko ang mga ito na nakaupo na sa kani-kanilang upuan at naghahain ng pagkain sa plato nila.
Umupo ako sa pagitan ni Lauren at Kuya Iulian. Nagkasabay sila ng lagay ng pagkain sa plato ko. Lalagyan dapat ako ni Kuya Iulian ng salad samantalang beef steak naman kay Lauren.
"I'll eat both okay?" sambit ko sa kanilang dalawa kaya nilagay na nila ito sa plato ko.
"Let's talk about your plan later," paalala ni Kuya Iulian.
They want me to continue my therapy here after the traumatic events I've been dealing for the past months. Gusto rin nila na kalimutan ko na si Rosa dahil baka nagkaroon lang ako ng replacement attachment sa bata dahil sa nakunan ako pero alam ko sa sarili ko na hindi lang 'yon ga'non.
.
.
.
.
.
.
Magkatabi kami ni Kuya Iulian na matutulog ngayon dahil bukas uuwi siya sa apartment nila ng boyfriend niya. Bibisitahin na lang niya ako tuwing weekends kapag walang pasok sa trabaho si Kristoff.
Sina Lauren naman ay nextweek pa ang balik sa New York City dahil susulitin muna nila ang vacation leave kasi panigurado pagbalik nila sa work ay marami na ang nakaabang sa kanya.
"Kuya, the truth is... I planned to stay with Lauren in NYC," paalam ko.
"Ha? You mean... Sa place niya?"
"Yes."
"Nagsabi ka ba kay Mom? Hahanapin ka 'non sa'kin," nag-aalalang sambit niya.
"Don't tell mom please? Uuwi naman ako kapag weekends kasi 'di ba bibisitahin mo ako," pakiusap ko sa kanya.
"What about your therapy?" tanong nito.
Napakamot ako ng pisngi kahit hindi naman ito makati. "I'm fine naman eh... at saka paano ko malalaman kung okay na ako kung hindi ko susubukan mag-explore sa ibang bagay?" mahabang palusot ko.
"...At saka malaki na ako, Kuya... No need to take care of me," dugtong ko pa.
"Whatever ... just make sure na hindi mo papabayaan ang sarili mo at lagi ka mag-iingat sa mga nakakasalamuha mo," paalala ni Kuya Iulian.
*knock* *knock*
"Anne, are you still awake?" Nagkatinginan kami ni Kuya Iulian nang marinig ang boses ni Lauren.
"Yes... Wait a minute!" Bumangon ako at sinuot ang robe dahil nighties sleep wear na medyo manipis ang suot ko.
Pagbukas ko ng pintuan ay nakita kong nakasuot si Lauren ng pang-alis at nasa likod naman niya si Agnes. "Are you guys going somewhere?" tanong ko.
"I'm sorry... this is sudden... Agnes and I need to go back in NYC tonight because we have an emergency meeting," nahihiyang sambit nito.
"It's okay... you can go," sambit ko.
"I'll pick you up next week," alok ni Lauren dahil sa kanya ako titira pansamantala.
"No worries... text me when you're coming."
Hinatid ko na sila hanggang sa may pintuan ng apartment dahil tulog na si Kristoff. Dinala na rin ni Lauren ang maleta niya para wala na siyang bitbitin next week.
Pag-akyat ko ng kwarto ay naabutan ko pa si Kuya Iulian na nagbabasa. "Next week na lang kami babalik ni boyfie sa apartment namin," sambit niya at saka binaba sa side table ang libro na hawak niya kanina.
"Bakit?"
"Para may kasama ka pa rito ng ilang araw... Balik na lang kami kapag nasundo ka na ni Lauren next week," suggestion ni Kuya Iulian.
.
.
.
.
.
.
Ilang araw nga nag-stay sina Kuya Iulian at Kristoff. Mabuti na lang naka-vacation leave pala si Kristoff mula sa trabaho niya dahil gusto niyang makasama si Kuya ng matagal.
Niyaya nila akong sumama sa date pero tumanggi ako dahil hindi ko feel maging third wheel nila. Binilhan na lang nila ako ng toiletries dahil 'yon ang wala sa'kin sa tagal nang nawala ako rito.
Naisipan ko na lang maglakad-lakad sa malapit na park para maarawan naman ako. Noong nasa Pinas kasi ako simula noong makalabas ako ng hospital ay hindi na ako lumalabas ng bahay, nakakalabas lang ako noong dinala ako ni Kuya Kasper sa rest house namin.
"Anne? Is that you?" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko.
Bahagyang nanlaki ang mata ko nang makita ko si Grace. "Omg, Grace?! How—I mean... Are you staying here?" tanong ko.
"Yes! Nag-migrate ako here with my boyfriend." Oh? Sila pa pala ng boyfriend niya.
"The boyfriend before?" tanong ko para makumpirma ang assumptions ko.
"Oh no! Wala na kami 'non... Iba na boyfriend ko haha," ramdam ko ang awkward sa tono nito.
"Oh sorry!" hingi ko ng tawad baka na-offend ko siya.
"So are you staying here too?" tanong niya.