Chapter 8

1832 Words
Nandito ako sa construction site kung saan naka-assign si Benj. Nalaman ko ito noong nagpunta ako kaninang umaga sa firm nila dahil akala ko nandoon siya. Ilang araw ko na sinusuyo si Benj para makipag-usap sa'kin. Last na talaga itong gagawin ko kapag wala pa rin nangyari wala na akong magagawa. Naglalabasan na ang mga construction workers at natanaw ko si Benjamin na may kausap. Sinusubukan kong makuha ang atensyon niya. "Benjamin!" tawag ko sa kanya. "Benjamin Danque!" sigaw ko pa ulit hanggang sa napatingin siya sa direksyon ko. Nakakunot ang noo nito habang papalapit sa'kin. "Why are you here?" "I wanna have lunch with you." I showed him the packed lunch I made. "You should not come here without telling me first," he madly whispered. Napayuko ako at pilit na tinatago ang mukha mula sa pagkakapahiya. "S-Sorry... Akala ko pwede na tayo mag-usap. "Okay. Let's move somewhere." Napadpad kami sa park na malapit sa construction site. Katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. "I made these for you... Try this seafood roll." Ako na ang sumubok na putulin ang katahimikan. "I—I'm sorry about what happened sa place mo." "...at sorry din sa mga text ko sa'yo before, i was just joking that time." Tahimik pa rin si Benjamin habang kinakain ang dala kong baon. "Kalimutan na natin ang mga nangyari... I'm sorry if you thought that I neglected you as your boyfriend." "...You know how busy we are, right? Akala ko naiintindihan mo katulad nang pag-intindi ko sa trabaho mo as an escort." Napayuko ako dahil sa sinabi niya. I felt insulted when he brought up my work. "I'm really sorry." I felt his hand patting my head and lightly kissing the side of my head. "You should eat too," alok niya sa pagkain. "Babawi ako pagkatapos ng project namin." "Promise?" saad ko. "Promise!" he swore. "Malapit na ang Christmas, do you want to spend it with me?" I nodded and give him small kisses on his face. Naubos namin ang dala kong baon at saka hinatid muna niya ako sa parking lot bago ito bumalik sa mismong construction site. He got worried when I came without wearing any helmet to protect my head from accident. ×—————× Malapit na ang Christmas kaya marami na ang naghahabol para matapos ang deadline nila. Peak season is where people keep going out for having reunion with their friends, family or relatives. October pa lang naman ngayon pero naghahabol din kami na matapos ang promotional shoots para sa agency. Halloween season kaya marami ang mga events. Puno ang schedule ko hanggang mid-December. I told Elise to stop accepting offer after mid-December until mid-January next year since I am planning to spend vacation with my family and Benjamin. "Wanna grab dinner later?" Elise asked. "Sure," pagpayag ko. Bumawi ako sa employees namin noong nakaraan na nagalit ako. I took them out for dinner and asked for their forgiveness. I don't want my employees to hold grudges against our agency because of my bad behavior. I can't build and maintain the agency without the help of the employees. They deserve to be treated well, they are like an extended family for me. Elise made a reservation in a steakhouse restaurant. I thought we were just having a quick kind of dinner. "Girl, anong meron?" tanong ko. We dropped formality outside work. "Goodevening, Ladies!" Nabitawan ko ang tinidor na hawak ko. Bakit nandito si Kuya Borge? "I invited him," saad ni Elise kahit wala pa akong sinasabi. "Makikikain lang ako... Sunget neto." I rolled my eyes on what he said. "Nakikipagsabwatan ka ba kay Elise para magkaroon ka ng update sa buhay ko?" bintang ko sa kanya. "Maybe yes or no? Ewan? Magkaibigan kami ni E, eh." Wala talaga akong matinong makukuhang sagot sa lalaking 'to. "Whatever!" I continued eating my food while Elise and Kuya Borge kept talking to each other as if I didn't exist. "You guys look like a couple," singit ko sa usapan nila pero bigla silang natahimik. "Hey! My bad... naistorbo ko kayo... sige tuloy niyo lang landian niyo," asar ko sa kanila. Pinandilatan ako ng mata ni Kuya Borge halos ramdam ko sa kanyang mga tingin na gusto niya akong kutusan samantalang si Elise ay dedma lang. "May shoot ka bukas 'di ba? Bilisan mo kumain 'dyan at umuwi ka na." Pinanliitan ko ng mata si Kuya at Elise. Paano na naman nalaman nito ang schedule ko. "First of all, Kuya... Ikaw 'ata ang sabit dito." Aba hindi ako papatalo sa kanya. Binagsak ni Elise ang kubyertos niya na naging dahilan para matigil kami ni Kuya Borge sa pagsasagutan sa isa't isa. "Do you guys wanna have dessert after this?" she's referring to heavy dinner. "Aw. Thank you but I"ll go home na after kumain," tanggi ko sabay irap kay Kuya Borge. Pagkatapos kumain ay humiwalay na ako kina Elise at Kuya Borge. Naglakad-lakad muna ako sa area para matunaw ang kinain ko. Thursday pa lang ngayon pero ang dami ng tao rito dahil siguro sa bazaar treats na may stall kaliwa't kanan. Napadpad ako sa mga booth kung saan puro entertainment purposes ang nakalagay. Paalis na sana ako nang may mahagip ang mata ko na pamilyar ang likod. Hindi ako pwede magkamali, kabisado ko ang likod at batok pa lang ni Benjamin. Hinintay ko itong humarap sa direksyon ko. May kasama itong dalawang babae at isang lalaki. Nilabas ko ang cellphone mula sa bulsa ko at tinawagan ang number ni Benj at nakumpirma kong siya nga dahil nilabas niya ang cellphone ngunit tinitigan lang niya ito. Pinatay ko ang tawag at sinubukan ko ulit siyang tawagan ngunit sa pangalawang beses ay ni-reject niya ang tawag. Nakita ko naman na may pinipindot siya sa cellphone at mayamaya ay may nakuha akong text galing sa kanya. From: My Engineer I'm busy at work. Pagkatapos kong basahin ang text ay bumalik ang tingin ko sa kanila at nakita kong inakbayan ni Benjamin ang isa sa mga babae at masayang nakikipagtawanan. Halos mabitiwan ko ang cellphone ko. Hindi ko alam kung sisigaw ba ako o susugurin sila. Paano kung nag-ooverthink lang ako? Baka mag-away na naman kami. Baka katrabaho lang niya ang mga 'yon. Pikit-mata akong umalis sa lugar na 'yon. Iisipin ko na lang na panaginip lang ang mga nakita ko ngayong gabi. ×—————× at Masquerade Gala Bakit ko nga ba tinanggap ang event na 'to nang hindi ko pa nalalaman ang dress code? Akala ko simpleng masquerade ball lang ito pero noong nalaman ko na kailangan na victorian dress ang suot ng mga babae ay muntik na ako umatras. Kailangan naka-corset at crinoline ang suot ko para lumobo ang lower part ng dress ko. The dress has short sleeves and a square neckline with floral lace. It's a combination of grey and gold. The dress was made by Elise's friend, they took almost one week to get it done. Sinabihan ko si Elise na mag-book ng room sa hotel ng pinagganapan ng event para madali lang sa akin umakyat at bumaba. I even ask her to stay for awhile until the event is over. A retired athlete asked me to be his escort tonight at a gala. Nicolo retired earlier than expected because of his injury. He is part of a National Football Team from another country. He was invited by a well-known celebrity to this masquerade theme gala. As far as I know, he is staying here for five months already. He decided to find new life and explore the beauty of the Philippines. "Miss Anne, thank you for tonight." Nicolo offered his hand for me to hold it and lift it. We were going to enter just like how Victorian people do when introducing their presence to the crowd. The moment we entered the event hall, I already felt the heaviness of the ambiance. Conglomerates, politicians, well-known celebrities, business tycoons, and such were introduced in the crowd but I felt something was off. Pagkaupo namin ni Nicolo ay nag-text ako kay Elise para hingin ang buong details ng event na 'to. Kapag may kumukuha sa'kin bilang escort nila ay pinapa-background check ko ang magiging partner ko pati na rin ang event na pupuntahan namin. From: Elise Ong Kanina may usap-usapan dito na puro mga lalaki lang daw ang invited at ang partner nila is either hired escort or their other mistress. "Miss Anne, would you mind to dance with me?" Hindi ko namalayan na may sumasayaw na ng waltz sa gitna at hindi ito nabanggit. I don't know how to dance waltz. "I would like to politely decline, Nicolo... I apologize as I am not familiar with waltz... I was not informed ahead of time," I tried to hide my nervousness by smiling. "Oh, my bad! The event is kinda discreet, that's why we are not allowed to give more information to our partner." "Hey, Nicolo! It was so nice to finally meet you." May isang matabang lalaki ang biglang sumingit sa usapan namin ni Nicolo. Nasa mid-50s na siguro ito base sa pananalita at pananamit. "If you don't mind, you can dance with my mistress here... She's good at pleasuring other people." The guy boastfully exposed his partner, I know what he means about the pleasure stuff. The girl is young, maybe a little older than me. I was about to text Elise about how to escape from here but I need to be professional at work. Tinanggap ni Nicolo ang offer ng matabang lalaki kaya umalis ito para makipag-sayawan sa gitna samantalang ang lalaki ay umalis din at nakikipag-usap sa ibang table. I grab the opportunity to socialize with other people here especially those girls who were left behind by their partners. The event will be done before midnight, so I'll hold out until then. "Hi! This must be your first time sa ganitong type ng event?" tanong ng babaeng katabi ko sa table. "Not really... I've been an escort for a year now," explain ko sa kanya. "So aware ka sa mangyayari after this event?" "Ha? May extended party ba?" Napansin kong medyo nanlaki ang mata ng kausap ko at nagtinginan sa isa't isa ang iba pang mga babae sa table. Halos kaming mga babae ang naiwan dito sa table samantalang ang mga partner namin ay nakikipag-socialize sa ibang table. "Hindi ba sinabi sa'yo ng partner mo?" singit ng isa pang babae na nasa table namin. "Ahm... No? He just needs a partner for this event, kaya tinanggap ko ang offer—but he said that this is a discreet party." Naramdaman kong may humawak sa balikat ko at nakita ko si Nicolo. Gusto niya ako ipakilala sa iba pang invited guest. Nagpaalam ako sa mga kasama ko sa table na sasamahan ang partner ko ngunit bago ako tumayo mula sa inuupuan ko ay may binulong muna sa'kin ang katabi kong babae. "Shall we?" tanong ni Nicolo. Hinarap ko ito nang nakangiti. "Sorry for waiting."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD