“Buti may tumulong sa’yo kanina! Dapat hindi na kita iniwan eh,” naiinis na sambit ni Kuya Borge. Mas malala pa siya kaysa kay Dad sa pagiging overprotective. Strict ang parents ko pero overprotective naman ang mga kuya ko kaya sila minsan nagbibigay ng stress sa akin.
“Be careful next time… Napansin siguro ‘non na bago ka lang dito… Nagkalat ‘yan sila kahit saan,” paalala naman ni Kuya Iulian. Hindi na ako umimik dahil hahaba lang ang sermon nila. Mabuti na lang malaki ang sasakyan na dala nila kaya nagkasya kami sa loob. Katabi ko sa likod si Kuya Iulian at nasa pinakalikod ang mga kaibigan ko na akala mo walang tulog bago kami umalis ng Pilipinas samantalang si Kristoff ang driver at nasa passenger seat si Kuya Borge.
Nakatulog ang mga kaibigan ko gawa na rin siguro ng jetlag. Halos sixteen hours ba naman kami nalipad at ngalay din ang katawan. Panigurado bagsak ako mamaya pagkarating sa apartment.
“Hoy! Hindi mo naman siguro sinasaktan ang kapatid ko?” pananakot ni Kuya Borge kay Kristoff.
“No… I love him,” depensa ni Kristoff.
“Hoy! Huwag mo nga tinatakot ‘yan… Hindi ako si Mary Anne,” sabat ni Kuya Iulian. Tinutukoy nito ang pananakot nila sa mga nanliligaw sa akin noon.
“Dinamay niyo pa talaga ako na nananahimik dito,” balik ko sa kanila.
“Isa ka pa! Akala mo hindi tar*nt*do ‘yang ex mo!” turo sa’kin ni Kuya Borge.
“Bakit? What happened?” tanong ni Kuya Iulian. Hindi pala niya alam ang tungkol sa ginawa ni Benjamin sa Baguio at ang alam sa bahay ay hiwalay na kami nito.
“Bakit ka galit na galit? Akala mo naman may pinatay ‘yung tao,” sabat ko kay Kuya Borge para maligaw ang usapan.
“Oh tingnan mo! Pinagtatanggol pa,” balik niya sa’kin.
Naramdaman kong may kumalabit sa balikat ko mula sa likod at tiningnan ko kung sino ito. Si Lizel ang kumalabit, nagising siguro sila sa ingay ng kuya ko. Nagtatanong ang mga mata nila tungkol sa sinasabi ng kapatid ko. Alam nilang kami pa ni Benjamin. Napakagaling. Ang gulo ng buhay ko. F*ck!
Napahilamos na lang ako sa mukha ko. “Aaargghh! Ang ingay mo, Kuya Borge!”
“Okay… Awat na baka mag-away pa kayo ng tuluyan,” singit ni Kuya Iulian para pakalmahan ang sitwasyon sa pagitan namin ni Kuya Borge.
“Explain this later,” bulong pa sa’kin ni Kuya Iulian.
×————×
"Next week na lang ako uuwi ng Pinas," bungad ni Kuya Borge paglabas ko ng kwarto. Nakasuot pa ito ng apron habang may hawak na sandok.
Napasimangot ako sa sinabi nito. "Whaaaat?? Sabi mo isang araw ka lang dito."
I decided to buy the place because it's very convenient especially the establishments outside. The place has two bedrooms, I am using the master's bed while the other will be a guest room. My friends are sleeping with me while Kuya Borge uses the other room.
"Gusto ko rin maglibot muna bago umuwi at saka marami ka pang gamit na kailangan 'di ba?... Sino magbubuhat kung wala ako," palusot ni Kuya Borge.
I indeed have to buy a lot of things, especially appliances. We were planning to shop for my clothes today and maybe I should buy some kitchen utensils. Kuya Iulian bought the bed, pillows, and curtains, they even painted the place before moving in the furniture.
Natalia being an architect, check the place as soon as we came here while Icelyn and I were fixing our luggage. Lizel and Kuya Borge cook for the food when Kuya Iulian and Kristoff went out to do groceries at the nearby supermarket.
"Kuya Borge, hihiwalay ka ba sa'min later?" tanong ko.
"Oo... I'll try to check out 'yung sinabi ni Iulian na hospital or clinic na pwede mong puntahan," sagot niya habang hinahanda ang mga niluto niyang pagkain.
"Call your friends... Kakain na tayo," utos niya.
“Goodmorning…” Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. Gising na pala sila pero hindi maipinta ang pagod sa mukha nila.
“Hindi ka nagka-jetlag? Paano nagagawa ‘yan?” tanong ni Icelyn.
“Alam niyo naman kung saan-saan photoshoots ko before… Nasanay na ako kada sakay ng plane,” paliwanag ko. Sinimangutan lang nila ako. Si Lizel at Icelyn lang talaga ang may jetlag dahil labas pasok din ng country si Natalia.
Hindi na kami nagsayang ng oras pagkatapos kumain ng breakfast ay naghanda na kami para sa pagpunta sa shopping center na malapit dito. Sasamahan kami ni Kuya Iulian para hindi kami maligaw samantalang si Kristoff naman ay sasamahan si Kuya Borge sa hospital. Magkikita na lang kami after lunch, maraming kailangan asikasuhin dahil one week lang ang kapatid ko rito at gusto nina Mom at Dad masiguro na okay na ako rito.
Balak namin magkaroon ng welcome party bukas ng gabi parang blessings na rin sa apartment dahil sa pagtira ko rito.
“If you want to enroll just let me know.” May nadaanan kasi kami na mga public colleges papunta sa shopping center. Napansin siguro ni Kuya na tuwang-tuwan akong nakatingin
sa mga estudyante sa daan.
“Wala naman ako maisip na pwedeng kunin saka sandali lang naman ako rito,” saad ko.
“You used to paint when we were young… remember?”
“Nah. Hindi na ako marunong,” sagot ko.
"What about fine arts degree? Try mo," pilit ni Kuya sa'kin.
"I'll think about it."
I am planning to enroll in some arts or modeling workshops later if I got bored. My goal, for now, is to focus on my therapy sessions. Last night, I've got frightening dreams and woke up having panic attacks. Lizel woke up and called Kuya Borge for help. I end up sleeping in his room, he took care of me the whole night.
Narating namin ang shopping center at inuna ang pagbili ng essential stuff katulad ng toiletries at skincare products. Sinunod naman namin ang clothing shops, marami silang discounted clothes kaya tuwang-tuwa ako. Hindi naman ako kuripot pero iba pa rin sa pakiramdam kapag nakakatipid ka kasi mas marami ka pang mabibiling ibang bagay. Palagi ako napunta sa mga discounted stores noon para makapag-explore ng mix and match clothes, bilang model dapat marunong at updated ako sa trendy clothes.
Sina Icelyn at Lizel lang naman ang mahilig sa branded clothes lalo na at may clothing line ang family ni Lizel sa Cebu.
Pagkatapos namin mamili ng mga damit ay pumunta na kami sa mga appliances at furnitures. Kailangan ko ng sofa set 'yung gray L-shape na sofa ang binili ko dahil mahilig ako humiga kung saan-saan. Dinamihan ko ang pillows para sa kwarto ko at sa guest room. Sinunod ko naman ang television set at computer set. Ipapadala na lang daw ito bukas ng umaga dahil wala nang available na delivery truck ngayon.
Dadaan pa kami sa grocery market mamaya after lunch at kasama na namin sina Kuya Borge 'non kaya may taga-bitbit na kami.
×————×
"You bought too much, Kuya!" saad ko. Ang daming binili ni Kuya Borge sa grocery halos vegetables pa karamihan.
"Kailangan mo kumain ng maraming gulay... Huwag ka masyadong kakain sa labas," payo niya.
"I can't cook kaya... Masasayang lang 'yan," paalala ko sa kanya.
"Simulan mo na ngayon mag-aral ng basic cooking habang nandito pa ako... may marunong ba sa inyo magluto?" tanong niya sa mga kaibigan ko.
Nakita kong nagtaas ng kamay si Lizel. "Ahm... Ako marunong."
"Ayan turuan mo si Anne habang nandito pa kayo," utos ni Kuya.
"I can cook for her o padalhan ko siya rito ng foods," pag-volunteer ni Kuya Iulian.
Sinamaan ng tingin ni Kuya Borge ito. "Kailangan niya pa rin matuto... Paano kapag nag-asawa 'yan."
Kinilabutan ako sinabi nito. " Kuya, wala pa akong balak mag-asawa."
Hinatak na lang niya ako papunta sa kusina para ituro kung saan niya ilalagay ang mga pinamili niya at kung ano ang mga dapat kong gawin para hindi mabulok ang mga gulay at prutas.
"Kuya, bakit hindi ka pa kasi mag-asawa," singit ko sa kanya habang nagsasalita siya.
"Huwag mo nililigaw ang usapan." Nanahimik na lang ako baka sumama pa ang timpla niya.
Hindi naman mahirap gamitin ang kusina dahil 'yung mga binili kong appliances ay automatic na. Isasaksak na lang at kaunting pindot ay okay na.
Tuturuan pa ako ni Nalla kung ano gagawin kapag may nasira rito sa apartment. Hindi ba pwedeng kumuha na lang ng mag-aayos? Masyado sila nag-ooverthink, akala mo naman hindi ko kaya tumira ng mag-isa.
Natapos kami ni Kuya Borge sa kusina na tinuturuan ako kung paano mag-fry ng foods like eggs at hotdogs. Napahilot na lang ako sa sentido ko.
Iniwan ko na siya sa kusina dahil magluluto pa siya ng dinner. Naabutan ko naman ang girls sa sala na nakatutok sa kani-kanilang laptop. Siguro ay tungkol sa trabaho nila, via video call lang sila nakikipag-usap sa mga clients at employee nila.
Naalala ko tuloy na tawagan si Benj sa video call kaya pumunta agad ako sa kwarto ko para kunin din ang laptop ko.
Nag-email muna ako kay Elise para mangamusta kung ano na update sa agency at sa pag-take over ni Mom. Nakita ko naman na online si Benjamin kaya tinawagan ko ito.
Calling Benjamin Danque...
Call ended...
Calling Benjamin Danque...
Call ended...
What the hell? Pati ba naman sa video chat ang hirap pa rin niya makausap.
Benjamin Danque: I'm busy right now...
You: Kahit saglit lang?
Benjamin Danque: I have a morning meeting via video chat.
You: Oh. Okay, I'm sorry! I miss you.
Seen 7:08pm
I forgot na twelve hours nga pala ang time difference namin. Iniwan ko na lang na nakabukas ang laptop baka sakaling magkaroon siya ng oras na kausapin ako para madali na lang buksan ito.