Chapter 12

1543 Words
We didn't bring a car because Kuya Iulian is showing us how to use the train, what to do when we got lost in the middle of the street and where we can go safely wander the place. We decided to try Hop-On-Hop-Off Sightseeing Tour Bus in NYC. This is the easiest way to wander along the street of NYC and where we can see the popular destination among the tourist. We are going to visit the famous Madame Tussauds New York at 42nd street. This is known as one of the famous museum wax figures of celebrities and well-known personalities. "Let's go! Let's go! We are hereee," excited na sabi ko sa kanila nang makita ko ang museum. Hinintay namin na huminto ang bus malapit doon para makababa. Balak namin na maglalakad na lang pagkatapos namin sa loob. Pagpasok sa loob ay kumuha ako ng litrato kasama ang mga wax figures na madaanan namin. Hindi ko na napansin kung nakasunod pa ba ang mga kasama ko. "Ako na mag-picture sa'yo... mukha kang t*ng*, eh" Kinuha ni Kuya Borge ang camera na dala ko at game na game naman ako na nag-pose. Tinabihan naman ako ng mga kaibigan ko kaya naisip na rin namin kumuha ng maraming group pictures. Nawala sa paningin namin sina Kuya Iulian at Kristoff baka nag-date na 'yung dalawa. Kinuhanan ko rin ng pictures si Kuya Borge kasi may pagpapasahan daw siya. "May girlfriend ka na ba?" tukso ko. "Wala! Basta send mo sa'kin 'yan mamaya.'' Ang sungit akala mo palaging may dalaw. Ang laki ng museum dahil may mga set-up sila rito ng palabas sa movies o tv katulad ng Kingkong at Marvel Superheroes. "Omg... Ghostbusters! Kuya! Kuya! Picture please!" utos ko sa kanya dahil nakasunod naman siya sa'kin. "Pakita ko 'to kila Mom pag-uwi ng Pinas,'' paalam niya. Nagugutom na kami kaya sinubukan kong tawagan ang cellphone ni Kuya Iulian pero hindi siya nasagot kaya nag-text na lang ako. To: Kuya Iulian Lalabas na kami. Saan na kayo? From: Kuya Iulian Kita na lang tayo sa exit. Lumabas na kami at naghintay sa exit. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita na rin namin sina Kuya Iulian. May mga binili siyang souvenirs at inabot kay Kuya Borge dahil nagpabili raw ito. Tinitigan ko si Kuya Borge pero umiwas lang ito na parang hindi niya ako nakita. I smell fishy! Imposibleng para kila Mom at Dad 'yon dahil nakapunta na rin sila rito at bumili nang katulad na souvenirs na pinabili niya. Naghanap kami ng makakainan sa labas. Sa pagkakaalam ko regular day lang ngayon pero ang daming tao. "Anong meron? Bakit ang daming tao," tanong ko kay Kuya Iulian. "This is normal here... Unlike sa'tin na marami lang ang tao kapag may festival or somewhat holiday," sagot niya. Napadpad kami sa french restaurant malapit sa Broadway dahil balak namin manood mamayang gabi ng Hamilton. Hindi ako mahilig sa theater pero 'yon ang gusto ng karamihan kaya wala rin akong choice kundi sumama na lang. Naunang umalis sina Kuya Iulian para bumili ng tickets dahil marami na raw tao pagdating ng hapon. Babalikan na lang nila kami kapag pwede nang pumasok sa theater. "Lakad-lakad muna tayo sa broadway!" pag-aaya ko sa kanila pero umayaw sila dahil napagod ang mga ito sa paglalakad kanina samantalang si Icelyn ay sumakit ang tiyan kaya bibili raw muna siya ng gamot kung may makita siyang Pharmacy at sinamahan naman siya ni Lizel. Nagpaalam na lang ako na maglalakad-lakad at babalik na lang kapag malapit na bumalik si Kuya Iulian. Noong una ayaw pa ako payagan ni Kuya Borge kaso marami siyang bitbit at ayaw naman niya iwan si Nalla ng mag-isa. Sunod na lang daw siya sa akin kapag nakabalik na 'yung dalawang kaibigan ko. Paglabas ko ng restaurant ay nagbabanggaan na ang mga tao sa dami nila. Sumabay na lang ako sa agos ng mga tao. Hindi naman siguro ako maliligaw kasi straight path lang ang balak kong lakarin, huwag lang sana ako makapasok sa mga eskinita kasi maliligaw talaga ako. "Hello. Are you lost?" may lumapit sa'kin na babae. Halata bang dayo lang ako rito? "No. No. I'm just exploring the place," palusot ko. "Ah. I can tour you around... It's free. Come on!" Tinangka niyang hawakan ang braso ko pero nakailag ako at tumanggi sa alok niya. Mabilis akong naglakad at humalo sa maraming tao hanggang sa hindi ko na siya makita. "Phew! Nakakatakot naman pati ba naman dito may mga 'ganong tao," bulong ko sa sarili ko. Alam kong may masamang balak 'yung babae dahil napansin kong may nakasunod sa kanya na nakatingin sa direksyon ko. *slaps* *thud* "Let me go! I don't want to talk to you right now!" Ang lakas 'non ha. Hinanap ko kung saan nanggagaling 'yung ingay. Ngayon ko lang napansin na nakapasok ako sa isang eskinita at hindi ko na alam kung saan ito. *slaps* "Shut the f*ck up!" "Help! Heeelp! Let me go!" Palakas nang palakas ang boses na naririnig ko hanggang sa nakita ang isang babae at lalaki na parang nagtatalo. Sinasabunutan ng lalaki ang kasama nito samantalang puro pasa na ang mukha ng babae. Akmang sasampalin ulit ang babae kaya mabilis akong lumapit sa kanila. "Hoy! Let her go!" pigil ko sa kamay ng lalaki. "Who the hell are you?!" Hinawakan nito ang braso ko. "Ouch! T*r*nt*do 'to ah!'' Tinangka kong sikmuraan 'yung lalaki pero hindi ito tumalab sa kanya. "Agnes...sh*t!" sigaw ng lalaki nang tumumba ang babae. Nawalan ito ng malay samantalang tumakbo palayo ang lalaki. Walangya! "Someone help meee!" sigaw ko baka sakaling may makarinig sa amin. Tiningnan ko ang babae at parang pamilyar ito sa'kin. Tinapik-tapik ko ang pisngi niya para gisingin. "Excuse me! Hey wake up girl!" Kinuha ko ang cellphone sa bag ko para tawagan sina Kuya pero napakagaling ng timing dahil na-lowbatt ako! Sinubukan ko ulit gisingin 'yung babae pero hindi pa rin niya minumulat ang mga mata niya. Pinisil ko pa ng kaunti 'yung pisngi niya na may pasa pero wala pa rin. *riiing* *riiiing* *riiing* Nabuhayan ako ng loob nang marinig kong tumunog ang cellphone nito kaya hinanap ko kung saan nakalagay. Kinalkal ko ang bag niya at nakita ang cellphone. Boss calling... "Boss?" bigla akong kinabahan nang mamatay ang tawag. Paano kung big boss 'to na may illegal na trabaho? Tiningnan ko naman ang babae at mukha naman siyang disente. *riiing* *riiing* ""Bahala na!" Sinagot ko agad ang tawag baka mamatay ulit at hindi na siya tumawag sa sunod. "H-Hello?" sagot ko. "Agnes, where are you? It's almost time!" sigaw ng nasa kabilang linya. "Ahm... H-Hello... I'm not Agnes—" "Who's this?!... Where's Agnes?!" "S-She was b-beaten and got collapsed... I-I don't know where are we." Narinig ko pang nagmura 'yung nasa kabilang linya. "Okay. Stay there! Turn on the GPS of that phone... Don't you dare to leave her," pagbabanta nang nasa kabilang linya. Inabot ng fifteen minutes nang may dumating na tao rito sa eskinita. "Are you?" tanong niya. "Anne," pakilala ko. "Let's go. Help me to bring her to the hospital... And give your statement to the police later," sambit niya. Pinagtulungan namin buhatin 'yung babae at dinala sa malapit na hospital. Kailangan ko tawagan sina Kuya pagkarating doon. ×————× "Mary Anne!" halos sabay-sabay na tawag sa akin nina Kuya at mga kaibigan ko. Gusto ko sana tawanan sila sa itsura nila pero ang talim ng tingin sa'kin ni Kuya Borge kulang na lang magwala siya rito. Nakitawag ako sa boss ni Agnes, siya 'yung dumating kanina sa may eskinita. Noong una ay nagkagulo sa tawag ko sina Kuya Iulian dahil akala nakidnap ako. Dumating naman ang mga pulis para hingin ang statement ko kung ano nangyari sa babae. Nalaman ko na boyfriend pala ang kasama niya kanina at palagi raw ito nabubugbog base sa kwento rin ng boss niya. Hindi na ako nakialam pa sa kanila at nagpaalam na akong aalis na dahil dumating na rin ang mga kasama ko. "Wait!" pigil sa'kin ng boss ni Agnes. "I'm Lauren by the way... And thank you so much for saving her," pasasalamat nito. "No need... I hope, she gets well soon. Bye!" paalam ko. Pinuntahan ko na agad ang mga kasama ko sa labas ng hospital. Gabi na rin baka wala na kaming maabutan na train pabalik ng apartment. Hindi naman ako pinansin ni Kuya Borge marahil masama pa rin ang loob nito kaya hindi ko muna siya kukulitin. Si Kuya Iulian naman ay panay tanong pa rin sa'kin okay lang ba ako o nasaktan ba ako. Tahimik lang ang mga kaibigan ko pero panigurado sesermunan ako ng mga ito mamaya. "Guys... I'm really sorry for what happened," uunahan ko na sila baka hindi na ako makapag-sorry kapag nasimulan na nila akong sermunan. "Kuyas... Sorry din... Alam ko nag-worry kayo," pinipigilan ko maiyak pero traydor talaga ang luha kasi tumulo pa rin ito. "Palalampasin ko ito... sa sunod nga magdala ka ng powerbank!" kunwaring pagalit na sambit ni Kuya Borge. "Mary Anne, tell us kung kelan mo gustong pumunta ng hospital for your therapy para masamahan ka namin," paalala ni Kristoff. Dumaan muna kami sa isang fast food para makapag-take out ng pagkain dahil tinatamad na kami magluto para sa dinner mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD