2

1350 Words
Inilibing si Arnold sa Manila Memorial Park. Marami ang naghatid sa kanyang huling hantungan. Mula sa ikatlong row ay pinagmasdan ni Althea ang naulila ni Arnold na nakaupo sa unahan at nakatingin sa nagmimisang pari. Hindi niya maiwasang muling maawa para sa mga bata. Nakayakap ang kambal sa kanilang ina habang umiiyak. Sa likurang bahagi naman ng mga naulila ay nakaupo si Rebecca. Nakita din niya si Jozel sa kaliwang side ng mga upuan katabi ang parents nito. Tulad ng karamihan, nakasuot ito ng itim na sunglasses.  Nilinga niya ang paligid upang tingnan ang iba pang pamilyar na mukha sa mga nakikiramay. Bukod sa kamag-anak at malalapit na kaibigan ni Arnold at Nikki, nakita din ni Althea na ang ibang bisita ay nakasuot ng uniporme ng Philippine Airline kung saan nagta-trabaho si Arnold. At tulad nila ni Jozel at Rebecca, napansin din niya na present din ang ibang mga kapitbahay nila sa village at ang mga staff at trainor nila sa fitness center kung saan estudyante silang apat. Ibinalik niya ang pansin sa unahan at pinakinggan ang misa ng pari. Makalipas pa ang ilang minuto ay ibinaba na sa hukay ang ataul ni Arnold.  The crying started.  Hindi maiwasan ni Althea ang mapaiyak. Even though hindi sila ganoon ka-close ni Nikki ay naaawa pa din siya sa mga ito, lalo na sa kambal na naiwan ni Arnold. Naramdaman niya na hinawakan ni Nathan ang kamay niya at marahan iyong pinisil. Sumandal siya sa asawa at bahagya siyang hinalikan nito sa buhok. Matapos makapagbigay ng last respect ang mga bisita sa mga naulila ay nagsimula ng mag-alisan ang mga ito. Lumapit sila ni Nathan kay Nikki. "Nakikiramay muli kami, Nikki." Wika ni Nathan. "Salamat, Nathan, Althea." Wika nito. Bakas sa boses ang pagdadalamhati. Sinulyapan ni Althea ang kambal at muli na namang nangilid ang luha niya ng makita ang kahabag-habag na itsura ng kambal. Their eyes and noses are red from crying. Nag-iwas siya ng tingin dahil baka muli siyang mapaiyak. Lumipas pa ang ilang minuto ay nagpaalam na silang mag-asawa kay Nikki. Naglakad sila papunta sa nakaparadang silver FJ Cruiser ni Nathan at mabilis na pumasok doon. Binuhay ni Nathan ang makina ng kotse at dahan-dahang pinatakbo iyon. Dahil nasa passenger seat siya nakaupo, nakita ni Althea ang nakaparadang cream-colored Honda CR-V ni Jozel. Bukas ang bintana sa driver's side nito kaya ipinasya niyang ibaba ang bintana ng side niya para magpaalam dito. "Babe, itigil mo muna sa tapat ng CR-V ni Jozel." Wika ni Althea sa asawa na ginawa naman nito. "Jozel, mauu-" Nagulat siya ng lumingon ito. Wala na itong suot na itim na sunglasses kaya kitang-kita ang mapulang mata nito. "Oh! Hi, Althea! Nathan!" Nagulat na wika nito. Pinunas nito ng tissue ang mata kaya lalo iyong namula. "Hi, Jozel!" Bati naman ni Nathan dito. "Are you okay? Kaya mo bang mag-drive?" Tanong ni Althea. "I'm fine. I'm okay. Nadala lang ako sa iyakan kanina. Alam mo naman na mababaw ang luha ko." Nakangiting wika nito habang patuloy na inaayos ang sarili. "Oo nga. Ako din. By the way, mauuna na kami."Paalam ni Althea. "Sige, actually paalis na din ako." Sagot nito. Kumaway pa ito at isinara na ang salamin ng bintana. Kumaway din si Althea at mabilis na isinara ang bintana ng sasakyan. # "Is that you my dear Althea?" Kasalukuyan siyang nakaupo sa loob ng Starbucks at nagbabasa ng bagong novel ni Gillian Flynn kaya hindi niya napansin ang paglapit ng matandang babae. Sinulyapan niya ang matanda at saka napangiti. Bukod kay Jozel, naging close din si Althea kay Mrs. Aguiluz, ang sixty two years old na member ng center kung saan always present sa Zumba. Every month ay ini-invite siya nito ng dinner kung saan proud ang matanda na ipinatitikim sa kanya ang mga putahe nito. Ilang beses na din niya itong ipinag-bake ng carrot cake ng malaman niyang paborito nito ang cake. Last year ay umalis ito papuntang Amerika upang magbakasyon kasama ang pamilya ng nag-iisang anak nito. Hindi niya alam na nakabalik na pala ito. "Mrs. Aguiluz? Oh my! Kumusta na kayo?" Tumayo siya at bumeso sa matanda. "Have a seat. I'm sorry hindi ko kayo napansin kaagad. Engrossed po kasi ako sa binabasa ko." Wika niya. "Okay lang iyon hija." Umupo ang matanda at ibinaba ang hawak na paper cup. "Kumusta na? I missed gossiping with the girls at the center!" "Naku, miss na miss na din namin kayo at ng mga amiga nyo sa fitness center! Ilang buwan na silang nagtatanong kung kelan ang balik nyo. Teka nga po, kelan po ba kayo bumalik from the States?" Tanong ni Althea. She slide the  "Kahapon lang ako dumating hija. Medyo jetlag pa nga ako from my flight kaya matatagalan pa bago ako makabalik sa center. Kumusta ka na hija? May naipunla na ba ang gwapito mong asawa?" Nakangiting tanong nito. She sipped from her cup. "Naku! Wala pa nga po, Mrs. Aguiluz eh. Two years na pero wala pa din." Sagot niya sa matanda. Simula ng makilala ito ni Althea at malaman na tatlong taon na silang kasal ni Nathan ay kinukulit na siya nito kung buntis na daw ba siya. Katulad ngayon. "Baka naman lagi kayong stressed na mag-asawa? Ikaw, sa gawaing bahay at pagpapa-sexy mo sa center at siya naman sa trabaho?"Tanong pa nito. Dahil sa pagiging thoughtful ng matanda, unti-unti siyang nagkwento dito kaya alam nito ang mga pangyayari sa buhay-mag-asawa nila ni Nathan. In return, marami itong naibibigay na payong mag-asawa sa kanya. "Siguro nga po. Pero huwag po kayong mag-alala, Mrs. Aguiluz. Nagfile na ng two week leave si Nathan effective two months from now. Malay nyo makabuo na kami sa Hawaii?" Nakangiti niyang paliwanag dito. "Sana naman." She sipped again. "Teka nga pala, kumusta naman si Jozel? Si Nikki?" Malungkot niyang inilahad dito ang nangyari kay Arnold. Bakas sa mukha nito ang lungkot sa nalaman ng matapos siyang magkwento. "Kaawa-awang bata iyang si Nikki. Maagang binabawi ang asawa. Ganyan din ang nangyari sa unang asawa niya." Wika ni Mrs. Aguiluz. Nagulat si Althea sa sinabi ng matanda kaya medyo tumaas ng kaunti ang boses niya. "Unang asawa po? Unang asawa ni Nikki?" "Oo. Hindi ba nabanggit sa inyo ni Nikki?" Tanong nito. "Hindi po. Wala po siyang nababanggit." Sagot niya. Hindi sila masyadong close ni Nikki kaya ang ilang personal na details tulad nito ay hindi nito nababanggit sa kanya. Iilang beses lang sila nitong nakapag-usap ng silang dalawa lang kahit pa magkasama sila sa fitness center dahil si Rebecca ang palaging nitong kasama. Itinuturing na exclusive ang grupo ni Nikki at Rebecca dahil bukod sa pareho itong produkto ng local beauty contest, aakalain din na magkapatid ang dalawa dahil sa pareho ang built ng katawan at pormahan ng mga ito. "Well, siguro ay mahirap talagang alalahanin ang panyayaring iyon sa buhay niya kaya hindi niya nabanggit." Uminom ulit ito ng kape. "Hindi naman po sa pangchichismis pero ano po bang nangyari sa unang asawa ni Nikki?" Tanong ni Althea. Hindi niya maiwasan na hindi maintriga sa nalaman. She knew Nikki for almost two years pero wala sa hinagap nila ni Jozel na second husband na ni Nikki si Arnold. "According to Nikki, her first husband died nung twenty two years old pa lang siya. Isang taon pa lang silang kasal ng mamatay ito. I can't remember pero I think Barry Chavez or Sanchez ang name ng first husband niya. Anyways, when Barry died, nagpunta siya sa mommy niya sa Canada at doon niya nakilala si Arnold." "Kawawa naman si Nikki. I wouldn't understand kung paano niya nakaya iyon." Wika ni Althea. She sipped from her mug. Naaawa siya kay Nikki at sa kambal bagamat hindi niya maiwasan na hindi maintriga. "Matatag na bata si Nikki kaya I'm sure makakaya niya ang pagsubok niya ngayon. For her twins' sake." Tumingin ito sa relo na suot. "My goodness! I hate to say this but mauuna na ako hija. I have some errands to do. Send regards sa mga nasa center okay? I'll be there as soon as I'm able to go." "Of course, Mrs. Aguiluz." Tumayo siya at nagbeso dito. Pinanuod niya ang paglabas ng matanda sa cafe. Nang makalabas ito ng shop ay bumalik sa isip niya ang kwento nito. Bukod sa nagkaroon ng unang asawa si Nikki, namatay din pala ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD