1

1489 Words
Bumaba si Althea ng taxi at pinagmasdan ang maliwanag na St. Vincent Memorial Chapel. Isa iyong white building na nasa kahabaan ng Alabang Zapote Road na nagmukha dirty white dahil sa dumi at usok mula sa libo-libong sasakyan na dumaraan doon. She looked at her watch and saw that it was already ten in the evening. Kinuha niya ang cellphone sa loob ng bag at tinawagan si Nathan. "Babe? Nasaan ka na?" Tanong niya sa asawa ng sumagot ito after two rings. "Nandito na ako sa chapel." "I'm stuck. Sobrang traffic dito sa C5." Sagot nito. Bahagya ngang naulinigan ni Althea ang busina ng mga sasakyan. "Baka mga isang oras pa bago ako makarating diyan." "Ganun ba?" Umakyat siya ng hagdan. "Sige, dito na lang kita hihintayin. Hindi na ako magta-taxi pauwi." "Sige babe. I'll be there as soon as I can." "Take care." Two years ago matapos nilang ikasal ni Nathan, tumigil siya sa trabaho niya bilang isang bank teller at mapagpasyahan na tumira silang mag-asawa sa bahay sa Ayala Alabang Village. Isang corner lot ang regalo sa kanila ng parents ni Nathan. They eagerly took it dahil ang trabaho ni Nathan ay sa BGC at ang byahe via Expressway ang habol nito kung saan walang heavy traffic na susuungin tulad sa EDSA. At dahil wala pa naman silang anak, inilaan ni Althea ang oras sa pag-aayos ng kanilang bagong bahay. Nang matapos ang pag-aayos niya ng bahay matapos ang dalawang buwan, naisipan ni Althea na mag-enroll sa fitness center sa labas ng kanilang village. Naisip niyang i-maintain ang figure kahit na twenty eight pa lang siya dahil alam niyang mahihirapan siyang ma-attain muli ang kanyang pigura sakaling magkaroon na sila ni Nathan ng anak. Subconsciously, she knew that it was for her and Nathan's marital benefit. Ayaw niyang magmukhang losyang kaagad. Ibinalik niya ang cellphone sa loob ng Hermes bag at pumasok sa loob ng silid kung saan nakaburol si Arnold. The smell of candles and flowers hung to her like perfume. Pinagmasdan ni Althea ang paligid. Maraming tao. She can hear the mumurs of the people sa loob ng maliwanag na silid.  Nakita niya si Nikki na nakaupo sa front pew. Kinakausap nito ang anak na babae. Kahit malayo siya dito ay kitang-kita niya ang pamamaga ng mga mata nito dahil wala itong bahid ng make-up at nakalugay lang ang lampas balikat nitong buhok. She looked bare. Hindi siya sanay makita si Nikki sa ganoong itsura. She looked like a normal housewife. She looked older than her real age dahil sa pagdadalamhati. Ang batang lalaki naman ay malungkot na nakatingin sa puting ataul na nasa harap ng silid. Nakasuot ng puti ang mga naulila ni Arnold. Mula sa kabilang bahagi ng chapel ay nakita niya si Rebecca, ang bestfriend ni Nikki. Nakasuot ito ng itim na sleeveless blouse at white pants na sa tingin niya ay binili sa Mango. Nangingintab na din ang mukha nito at ang nakapuyod na buhok ay sabog-sabog na. Tulad ng pamilya ng naulila at ng ibang nakikipaglamay, obvious na din ang eyebags nito. Nakaupo si Rebecca sa lamesa na puno ng pagkain at mga paper cups. Kasalukuyan itong nagsasalin ng kape mula sa isang itim na electric pot ng mapansin siya nito. Ngumiti ito at kumaway sa kanya. Gumanti siya ng kaway dito.  Nakita din ni Althea si Jozel, ang itinuturing niyang pinakamalapit niyang kaibigan sa kanilang village since they moved there two years ago. Dahil parehong twenty-eight, kaagad silang nagka-palagayang-loob. Ang pagiging single lang ni Jozel ang pagkakaiba nila. Sa fitness center niya nakilala sina Jozel, Nikki at Rebecca dahil iisa ang fitness trainor nila. Bukod sa pagiging makasing-edad, nalaman niya na magkatapat lang ang bahay nila ni Jozel kaya mas lalo silang naging malapit. Sa center din niya nalaman na high school friends sina Nikki at Rebecca. Magkababata ang dalawa sa isang bayan sa Quezon at base sa mga chismis na narinig niya, parehong produkto ng local beauty contest kung saan si Nikki ang panalo while second runner-up si Rebecca. Nakasuot si Jozel ng black H&M dress at nakatingin sa puting kabaong sa harap. Lumapit si Althea dito at umupo sa tabi nito. Lumingon si Jozel sa kanya at bahagyang nagulat ng makilala siya. Napansin ni Althea na namamaga din ang mga mata nito. "Are you alright?" Tanong niya sa kaibigan. "Grabe. Sobrang bilis naman ng mga pangyayari." Mahinang wika ni Jozel. Tumango si Althea. "Napaiyak ako sa kanilang mag-iina kanina." "Oo nga eh. Napakabata pa ni Nikki para maging widow at ng kambal para maging ulila sa ama all of a sudden." Sinulyapan niya ulit si Nikki at abala ito. She was now talking on her iPhone. Ang kambal naman nito ay tahimik lang na nakamasid sa paligid. Bumaling siya kay Jozel na nakatulala sa unahan. "Nakausap mo na ba si Nikki? Did you pay your respect na ba kay Nikki?" "Ha? Ah, hindi pa. Medyo maraming nakikiramay kanina kaya hindi ako makasingit." Malumanay na sagot nito. Muli itong tumingin sa harap at nagpunas ng mata gamit ang puting Alexander Olch panyo na hawak nito. "Come on. Hindi na siya busy." Wika ni Althea ng ibaba ni Nikki ang telepono at kausapin muli ang kambal. Tumayo si Althea at naglakad papalapit kay Nikki, kasunod niya si Jozel. Nang makita sila ni Nikki ay mapait itong ngumiti at saka tumayo. "Nikki, nakikiramay kami. Nathan is on his way here. Medyo natraffic lang sya sa C5." "Thank you, Althea. Thank you sa pagpunta dito." Inabot nito ang kamay niya. Bakas sa mukha nito ang pagdadalamhati. Lumapit si Jozel at inilahad din ang kamay. "If you need any help Nikki." Wika ni Jozel dito. Again, she looked at the coffin. "Salamat, Jozel. Kumain na ba kayo? Merong inihanda para sa bisita sa likod. I'll come with you." "Naku! Huwag na, Nikki. Kaya na naming kumuha ni Jozel. Okay lang kami. We can manage. Just sit here na lang. Baka may mga bisita pang dumating." Paliwanag ni Althea. Tumango si Nikki at muling umupo, this time ay sa gitna ng kambal. "Thank you. Salamat ulit sa pagpunta." "Walang anuman. Sige, maiwan ka muna namin ni Jozel." Paalam niya. Nagsimula siyang maglakad ng mapansin niyang nakatayo pa din si Jozel at parang wala sa sariling nakatulala sa kabaong. Nilapitan niya ito at hinawakan sa braso. "Jozel?" Tila natauhan ito at napatingin sa kanya. "Ah... Althea? Bakit?" "Halika, let's go get ourselves some coffee." Ngumiti siya dito. Tumango ito at sumunod sa kanya. Lumapit sila kay Rebecca na abala sa pag-i-entertain sa mga bisita. "Hi." Bati nito sa kanilang dalawa. Bakas sa mukha nito ang puyat. "Jozel, coffee?" "Yes please. Thank you." Sagot ni Althea ng hindi sumagot si Jozel na nakatulala pa din. Kinuha niya dito ang paper cup at inabot iyon kay Jozel na mukhang wala pa din sa sarili. Muli ay inabot ni Rebecca sa kanya ang isang paper cup kaya hindi naiwasan ni Althea na makita ang kulay pula nitong nail polish. Napangti siya at kinuha ang kape at humigop. "Okay ka lang ba Rebecca? Mukhang wala ka pang tulog." "I'm fine. Although wala pa nga akong tulog since last night. Hindi ko naman maiwan mag-isa si Nikki kasi bukas pa ang dating ng parents ni Arnold from London." Sumulyap ito sa kinauupuan nina Nikki at saka uminom ng kape. "I don't know what to feel. Nikki might look strong pero deep inside, alam kong hirap na hirap na sya. I know na ganyan sya para sa kambal." Umupo silang tatlo sa pinakadulong pew ng chapel at tahimik na nagmasid sa mga dumdating na mga bisita. Bandang alas diyes 'y medya ng magpaalam si Jozel dahil may pasok pa ito kinabukasan. Isa itong Kindergarten teacher sa De La Salle Santiago Zobel. "Kung gusto mo, sumabay ka na lang sa amin ni Nathan. Mamaya eh dadating na iyon." Alok ni Althea dito. "Naku, hindi na. Magga-Grab or Uber na lang ako. Nasa Casa pa kasi yung car ko." Tanggi ni Jozel. "At this time? Baka wala ka ng makuha ngayon." Wika ni Rebecca. "Oo nga." "Don't worry. Babalik ako dito if wala akong makuhang Uber. Medyo inaantok nadin kasi ako. Sige. Pupuntahan ko lang ulit si Nikki to say goodbye. Bye, Althea. Bye, Rebecca."' "Bye, Jozel." Wika ni Rebecca. Sinundan nila ng tingin si Jozel. Lumapit ito kay Nikki. Ilang sandali pa ay naglakad ito papunta sa pinto at lumabas doon. "Sa tingin mo, kelan magkaka-boyfriend si Jozel?" Tanong ni Rebecca. "Ewan ko. She hasn't mentioned anything to me regarding her lovelife eh. Medyo masikreto kasi iyang si Jozel eh. Pero malay natin diba, baka may itinatagong boyfriend iyang si Jozel. Teka, ikaw naman Rebecca?" Napangiti si Althea. "Kelan ka din ba magbo-boyfriend? Wala ka pa yatang napapakilalang lalaki sakin simula ng makilala kita ah! Don't tell me na may sikretong lalaki din sa buhay mo?" "Secret!" "C'mon Rebecca, tell me. Pareho kayo ni Jozel na masikreto eh!"  "If I told you. I would have to kill you." Wika nito na nagpatawa sa kanilang dalawa. "Teka, pupunta muna ako sa restroom. Care to join me? Medyo natatakot ako dito eh." Tumayo si Althea at sabay silang pumunta sa restroom ng kapilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD