Chapter 17: Bubble Tea

2730 Words
The guy was too stunned to speak. Nakabuka lang ang kaniyang bibig na animoy may sasabihin pero wala namang salitang lumalabas sa bibig niya. Nanatili lang itong nakatingin sa amin. Nag-iwas ito ng tingin. "Kilala mo ba ito, Akki?" tanong sa akin ni Eli. Pasimple akong tumango. "S-Schoolmate ko dati," tugon ko. Bakit ba kasi nandito itong lalaking 'to? Anong kailangan nito sa akin? Saka ko lang din napansin ang suot ng mga lalaking nakapaligid sa akin. Nakasuot sila ng jersey shirts at mukhang kagagaling lang nilang maglaro ng basketball dahil pawisan ito. Kahit naman pawisan sila ay hindi naman sila mabaho, mabango pa nga eh. "Hey, kinakausap ka namin," tawag pansin ni Bjorn doon sa lalaki. Nagbuntonghininga ito at diretso kaming tiningnan. "I was supposed to say hi to Akki but you interrupted us," sagot nito. Nakita ko pa ang pangisi niya. "Masama talaga ang kutob ko sa lalaking 'to eh," mahinang komento ni Aixiel, sapat lang para marinig namin. "Okay, hello, then." I made a fake smile. "Kung wala ka nang sasabihin, aalis na ako," dagdag ko. I saw him nooded so that's my cue, then. Tumalikod na ako at inaya na silang umalis. Baka kung ano pang gawin nila roon eh. Wala namang ginagawa sa akin 'yong lalaki. Nang makalayo kami ay hindi nila mapigilang pag-usapan ang nangyari kanina. "Sigurado ka bang schoolmate mo 'yon, Akki?" paniniguradong tanong ni Kairen. "Oo nga," natatawang tugon ko. "Actually, crush ko 'yon dati kaso na-busted ako no'ng nag-confess ako sa kaniya," pagkwento ko. Namayani ang katahimikan no'ng sinabi ko iyon. May mali ba sa sinabi ko? "Natahimik kayo?" tanong ko. "Ikaw? Binusted? Ang kapal naman ng mukha no'n," hindi makapaniwalang sambit ni Eli. "Kung ako 'yon, hindi kita bubustedin 'no," dagdag niya. Narinig ko pa ang pagtawa nila dahil doon sa sinabi ni Eli. Nakita ko rin ang pag-iwas ng tingin ni Shaun. "Sira! At saka matagal na 'yon, kinalimutan ko na nga eh," sambit ko. Habang naglalakad kami pauwi sa bahay ay nagkwentuhan pa kami. Nakwento rin nila na nagyaya raw si Shaun na magbasketball at dahil dakilang kaibigan sila ay pinagbigyan nila ito. Kahit na may mga kaniya-kaniya silang ginagawa at trabaho ay iniwan na muna nila ito para makasama si Shaun. Hindi naman labag sa loob nila na gawin iyon dahil para na rin nilang bunsong kapatid si Shaun. Si Shaun kasi ang pinakabunso sa kanila. "Siya na nga 'yong nagyayang maglaro, siya pa 'tong nagrequest na bubble tea na lang daw ang iinumin niya," sambit ni Quirro. Tumawa kaming lahat dahil doon. Itong si Shaun naman ay parang naiinis na ewan. Binalingan ko siya ng tingin. "Paborito mo 'yon?" tanong ko kay Shaun. Pasimple itong tumango bilang sagot. "Paboritong-paborito niya 'yan. Hindi nga 'yan nawawala sa listahan namin kapag bumibili kami ng pagkain para sa kaniya eh," singit ni Louie. Kaya pala noong una ko silang nakita nila Eli sa paborito kong coffee shop ay narinig ko silang umorder ng bubble tea. Para kay Shaun pala iyon. Bigla tuloy akong nagka-idea. Hindi ko mapigilang ngumiti. What if bigyan ko siya ng bubble tea? Sigurado akong hindi niya matatanggihan 'yon. "Salamat sa paghatid," pagpapasalamat ko nang marating namin ang bahay. "Walang anuman, Akki!" "Pasok na ako," paalam ko. Sabay-sabay naman silang tumango kaya naman pumasok na ako sa loob ng gate. Pagkapasok ko sa bahay ay agad na nila akong inayang maghapunan. Tinanong pa nila ako kung bakit ako natagalan kaya naman sinabi ko rin sa kanila ang dahilan. Nang matapos ay agad na akong umakyat sa kwarto para magbihis at gawin ang homeworks ko. Nakagawian ko na rin kasi na sa tuwing biyernes ay dapat matapos ko na lahat ng homeworks ko para wala na akong poproblemahin sa weekends. I just want to spend my weekends without stress. Mabilis ko rin natapos ang homeworks ko dahil madali lang naman ito. Niligpit ko na ang mga gamit ko at saka ko naisipang buksan ang messenger app para tingnan kung nagchat ba sa akin si Shaun. Sumilay rin ang ngiti sa labi ko nang makitang meron nga. Humphrey: Hey You're busy? Akki: Hello! And nope, I just finished my homeworks though Humphrey: Naks nag-aaral talaga nang mabuti Akki: Naman! Lagot ako sa parents ko kapag hindi hahahaha Napaka-grade conscious pa naman nila Humphrey: Really? Akki: Oo kaya! Nakakaano rin minsan 'yong pagiging higpit nila sa studies ko pero naintindihan ko rin naman para rin naman 'to sa future ko Humphrey: May point din naman sila. Akki: Ikaw ba? Ganyan din ba ang parents mo? Humphrey: Hindi naman, kontento na sila kung ano talaga ang mabibigay kong grades sa kanila. Akki: Buti ka pa Sana all ganyan ang parents Anyways, college student ka no? Humphrey: Thankful ka nga dapat kasi nandyan pa ang parents mo para gabayan ka. And to answer your question, I already graduated in college. Akki: Wow! Matanda ka pa pala sa akin hahahaha Dapat tatawagin kitang kuya eh Kuya Humphrey hahahaha Humphrey: Ilang taon ka na ba? And please don't call me Kuya. I'm okay with Humphrey. Akki: 22 na ako Humphrey: Isang taon lang pala ang agwat natin eh. No need to call me Kuya, anyway. Akki: Sabi mo eh Pero mas maganda pa rin pakinggan kapag Humphrey di ba? HAHAHAHAHA Humphrey: ... Akki: Sabi ko nga hindi hmp Marami pa kaming napag-usapan tungkol sa mga bagay-bagay. Nabanggitt niya rin na wala na pala ang parents niya, kaya pala may halong pait 'yong chat niya sa akin kanina. Parang si Shaun lang kasi parehas din silang nawalan ng magulang. Pero bakit ko ba iniisip si Shaun? Magkaiba naman sila. Hays. *** "MAG-IINGAT ka, Akki," bilin sa akin ni Kuya Alex nang magpaalam akong lumabas na para mag-jogging. Matapos naming mag-usap ni Humphrey kagabi ay parehas na kaming nagpaalam na matutulog na. Mag-jo-jogging daw siya kaya maaga siyang gigising bukas. Parang ako lang din. Hay sana makasalubong ko siya 'no? Pero malabong mangyari iyon dahil hindi ko naman alam kung taga saan siya. Ewan ko ba kung taga ibang bansa pala 'yon. Nagsimula na ang tumakbo at plinano kong iikot ako sa village at hihinto sa playground para magpahinga. May nakakabit na airpods sa aking tainga para mas lalo akong gaganahan sa pagtakbo at hindi ako ma-bored. Hindi pa man ako nakakarating sa playground ay nakita ko na si Shaun di kalayuan sa kinatatayuan ko ngayon. Mabagal lang siyang tumatakbo kaya naman hinabol ko siya para magkasabay kami. "Shaun!" tawag ko nang makalapit na ako sa kaniya. Nilingon niya ako na may pagtataka sa kaniyang mukha. Napakapit pa ako sa kaniyang braso bilang suporta dahil napagod ako sa kakahabol sa kaniya. Humihingal pa ako. "Oh?" Nang makarekober at nakakuha na ng sapat na hangin ay saka ko na binitawan ang kamay ko nakakapit sa braso niya. 'Wag niya lang sana ako pag-isipan ng masama kasi hindi ako gano'n. "Hello, Neighbor!" bati ko sa kaniya sabay kaway. "What are you doing here?" tanong niya. Hindi man lang niya ako binati hmp! "Malamang nagjo-jogging. Obvious naman 'di ba?" pabalang kong sagot. "At saka nakita kita rito kaya naisip kong habulin ka," dagdag ko. "Okay," sambit niya. Ikinabit niya ulit ang kaniyang airpods sa kaniyang tainga at nagsimula nang tumakbo. Bigla tuloy akong natanta. Sasabay dapat ako sa kaniya! "Hoy teka lang!" sigaw ko kaya naman huminto ito. Nilingon niya ako at halata sa mukha niya ang pagkairita. "Sabay na tayo!" dagdag ko. Ilang minuto niya akong tiningnan na para bang nag-iisip kung papayag ba siya o hindi. Kalaunan ay nakita ko itong tumango kaya naman hindi ko mapigilang ngumiti. Papayag din naman pala. Hinintay na muna niya akong makalapit sa kaniya bago kami sabay na tumakbo. Tahimik lang kaming tumatakbo buti na lang nagpatugtog ako para hindi naman boring. Ewan ko ba sa lalaking 'to, masyadong tahimik. Ilang sandali lang ay narating na namin ang playground kaya huminto na ako sa pagtakbo at naupo sa isang bench. Naramdaman ko ang paglapit ni Shaun sa gawi ko kaya naman binalingan ko siya ng tingin. "Dito ka lang?" tanong niya. Tumango ako. "Oo," sagot ko. "Okay," sambit niya. Nakapamulsa ito at nakatayo lang sa harap ko. Napansin kong tiningnan niya ang kabuuan ko. "Better," dagdag niya. Anong better ang pinagsasabi nito? 'Yong suot ko ba ang tinutukoy niya? Kung sabagay matino rin naman itong suot ko ngayon. Naalala ko kasi 'yong sinabi niya sa akin noong nakaraang linggo na magsuot daw ako ng proper outfit kaya naman binago ko na ang susuotin ko kapag nagjo-jogging ako. Buti napansin niya rin. "Maupo ka kaya muna? Ako 'yong napapagod sa ginagawa mo eh," sambit ko sa kaniya. Ginawa niya rin ang sinabi ko at tumabi pa ito sa akin. Wala naman itong kaso sa akin pero nakakagulat lang kasi tumabi pa talaga siya sa akin. Habang nasa tabi ko siya ay naamoy ko ang pabango niya. Maganda rin pala itong pumili ng pabango dahil sobrang bango nito. Iyong hindi ka magsasawang singhutin. Tahimik lang din kaming nagmamasid sa paligid. May mga ilang tao na rin dito at karamihan sa kanila ay mga magulang kasama ang mga anak niya. May nakita pa akong isang ina na may dalang sanggol at tinatapat niya ito sa sinag ng araw. Sariwa rin kasi sa vitamin d ang sinag ng araw. Kadalasan ganyan ang ginagawa ng mga magulang sa sanggol nilang anak. Hindi ko maiwasang ngumiti. Ang cute nilang tingnan. Hindi rin kami nagtagal ni Shaun doon at umuwi na rin. Saka ko lang naalala na kailangan ko pa palang pumunta sa book store dahil naubusan ako ng school supplies. I should go later. Wala naman akong masyadong ginawa buong umaga. Pinahinga ko lang ang sarili ko sa panonood ng movies. Masyado akong naging abala sa thesis ko nitong nakaraan kaya magpapahinga na muna ako roon tutal nangangalahati na rin naman na ako. This is the way to start my weekend without stress. Matapos kong mananghalian ay nagpahatid na ako kay Kuya Alex sa mall para mamili ng supplies sa book store. Hindi na rin ako magpapasundo sa kaniya mamaya, magco-commute na lang ako. Pagkapasok ko sa mall ay agad na akong nagtungo sa book store para bilhin ang pakay ko roon. Mula sa ballpen hanggang sa libro ang binili ko. Wala sa listahan ko ang libro pero nagustuhan ko ang story kaya napabili ako. Nakahiligan ko na rin kasing magbasa ng libro. Nang mabili ko na ang lahat ng kailangan ko ay naisipan kong umuwi na tutal ito lang din naman ang pakay ko rito. Palabas na ako ng mall nang madaanan ko ang isang bubble tea shop na katabi lang ng book store kaya napahinto ako. May naalala ako sa bubble tea kaya naman pumasok ako sa loob ng shop. Bibilhan ko si Shaun ng bubble tea. "Good afternoon, Ma'am! Ano pong oorderin niyo?" tanong sa akin ng cashier. "Two bubble tea please," I said. Kaya dalawa ang binili ko dahil para sa akin ang isa. "What flavor po?" she asked. Napahinto ako saglit. Hindi ko pala alam kung anong flavor ang paborito ni Shaun. Tanungin ko kaya siya? Pero baka hahaba lang ang usapan namin dahil magtatanong 'yon kaya 'wag na lang. "Ma'am? Anong flavor po?" pag-uulit niya. Sandali lang naman ate. Nahihirapan na nga ako rito eh. Kung Taro kaya? Aside sa chocolate ay isa rin ang Taro sa paborito kong flavor. Siguro naman hindi mahilig si Shaun sa chocolate flavor kaya napagdesisyunan kong iyon na lang ang bibilhin ko. "Taro will do," I answered. Agad ko rin siyang inabutan ng bayad. Pambihira pati sa pagpili ng flavor ay nahirapan ako. Sa susunod talaga magtatanong na ako para hindi na ako mahirapan. "Okay po. Let me repeat your orders po. Two Taro flavored bubble tea," sambit niya kaya napatango ako. "A total of two hundred pesos and I receive five hundred pesos, change is three hundred pesos po," dagdag niya. Binigay na niya sa akin ang sukli at hinintay na dumating ang order ko. Walang ano-ano'y dumating na ang inorder ko. "Here's your order, Ma'am." Inabot niya sa akin ang dalawang bubble tea. "Thank you and have a good day po!" nakangiting dagdag niya. "You're welcome." I smiled back before I turn my back to leave the shop. Lumabas na rin ako sa mall at nag-abang ng taxi pauwi. Hindi rin naman ako natagalan sa paghihintay at nakasakay na rin ako. Habang nasa biyahe ay hindi ko maiwasang mapatingin sa hawak kong bubble tea. Tatanggapin niya kaya ito? Magugustuhan niya kaya? Hindi dapat ako mag-isip ng negatibo. Alam ko namang tatanggapin niya ito eh. Paborito niya kaya ang bubble tea at alam kong hindi 'yon makakatanggi sa akin. Kung dati ay hindi ko na pinapasok sa loob ng village ang taxi, ngayon ay pinapasok ko na ito dahil may mga dala ako. Ang hirap kayang maglakad nang may bitbit na mabibigat. Pagkarating ko sa bahay ay tinulungan ako ng driver na ibaba ang mga pinamili ko at nagpasalamat naman ako kaagad pagkatapos kong magbayad sa kaniya. Inuna ko munang ipasok ang mga pinamili ko sa bahay, babalikan ko na lang 'yan mamaya kapag nabigay ko na kay Shaun itong binili kong bubble tea para sa kaniya. Lumabas ulit ako ng bahay para pumunta sa bahay nina Shaun. Naabutan ko siyang ginugupit ang mga ligaw na dahon sa halaman nila. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi niya ako nakikita. Bahagyang nakakaawang ang gate nito kaya naman pumasok na ako. Gumawa iyon ng ingay kaya agad na napalingon sa gawi ko si Shaun. May pagkakataka sa mukha niya nang makita ako. "H-Hi!" nauutal na bati ko. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya Parang biglang umurong ang dila ko at hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Ibibigay ko na lang 'to sa kaniya ng diretso saka na ako aalis agad. Tama! "Here." Lumapit ako sa kaniya at sapat na ang layo namin sa isa't-isa para maabot ko sa kaniya ang bubble tea niya. "Para saan 'to?" tanong niya nang makuha na niya ang bubble tea na binigay ko. "Paborito mo 'yan 'di ba? May binili kasi ako sa mall at napadaan ako sa isang bubble tea shop. Bigla kitang naalala kaya binilhan na kita, alam ko kasing paborito mo 'yan," mahabang sagot ko. "Thanks," pasasalamat niya. I can't help but to smile. "Mabuti pa iwan mo muna 'yan at inumin 'yang bubble tea na binigay ko. Baka maging malabnaw na 'yan," sambit ko. "Okay." Binitawan niya ang hawak na gunting at nagtungo sa may baba ng pinto para umupo. May hagdan kasi roon at pwede mo itong upuan dahil malaki at maluwag iyon. Sinundan ko siya pero hindi ako umupo at tiningnan na lamang siya. "Hindi ka ba uupo? Baka mangawit ka sa kakatayo r'yan," pag-aayaya niya. Umupo ako at tinabihan siya. Akala ko kasi hindi niya yayayain kaya hindi ako umupo kaagad. Hindi ko muna ininom ang bubble tea ko at pinagmasdan muna si Shaun. Ininom na niya ang sa kaniya at hinintay ko ang magiging reaksiyon niya. Nagtuloy-tuloy lang siya sa pag-inom kaya hindi ko na mapigilang magsalita. "Ayos lang ba?" tanong ko sa kaniya. Kinakabahan ako baka kasi hindi niya ito nagustuhan dahil hindi ito nagsasalita. "Hindi ko kasi alam kung ano ang paborito mong flavor sa bubble tea kaya Taro na lang binili ko," dagdag ko. Para siyang natatawa kaya sumilay ang ngiti sa labi niya. "Actually, chocolate flavor ang paborito ko," sagot niya. Bigla tuloy akong nanlumo. "But Taro flavor is not bad though," dagdag niya. "Sinasabi mo lang 'yan para hindi ako ma-disappoint eh," nakangusong sambit ko. "Hindi 'no, gusto ko rin naman ang Taro." "Akala ko kasi hindi ka mahilig sa chocolate flavor kaya Taro na lang ang binili ko." "You don't need to worry about that because I'm starting to like it now," nakangiting sambit niya sabay tingin sa akin. Sumipsip ulit siya sa bubble tea niya. Marami pa kaming nagpag-usapan at habang tumatagal ang pag-uusap namin ay nagiging madaldal na ito. Tinaguriang "A man of a few words" pero madaldal din pala inside. Habang tumatagal ay napapansin ko rin na paminsan-minsan ay ngumingiti at tumatawa siya. Himala talagang nakipag-usap siya sa akin. First time niya kaya akong kinausap nang matagal! Nakapa-big deal iyon sa akin dahil nagawa kong pangitiin at patawanin ang taong pinaglihi sa yelo na si Shaun. This guy made me realize that even the coldest guy can smile.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD