Reign POV
"Bakit di mo sinabi agad sa'kin?" wala sa sariling tanong ko kay Zylene habang umiinom ako ng vodka. Naisip ko kasing tawagan si Zylene at papuntahin dito sa bahay dahil hindi pa rin nag pa process sa utak ko ang kwento ni Zack.
"You didn't ask." patay malisyang aniya. Hindi makapaniwalang tiningnan ko ito.
"You're not even interested in kuya, 'di ba? Paano naman ako mag kekwento about sa kan'ya." dugtong niya.
Napaisip ako sa sinabi n'ya. I know deep down that I was interested, but I'm still in the denial stage. Napatango na lang ako ng magets ko ang punto niya.
"Ang sakit pala ng nangyari sa kuya mo 'no?" sabi ko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako para sa kan'ya.
"Sobra." pag sang ayon sa'kin ni Zylene. "He was so broken hearted that he attempted suicide." naiiling na aniya.
Natigilan ako saka siya nilingon. "What do you mean?" tanong ko. Bumuntong hininga siya saka uminom ng alak na nasa baso niya.
"Binilhan siya ni dad ng pills for anti depressant, that pill can be taken once per day. Pero sa sobrang wala na siya sa sarili, ininom niya lahat yun. I can't remember kung gaano karami ang nainom niya. 35 tablet? 40? I don't know. All I know is bigla lang sumigaw ang katulong namin, dahil nakita niyang nanginginig na si kuya while laying on the floor. Inatake siya ng seizure." nakangiti pero malungkot na aniya.
Hindi ako nakaimik dahil don. Akala ko ay mas malala na ang sinabi ni Zack sa akin, mas malala pa pala ang malalaman ko sa kapatid niya.
"You know, I didn't want to pressure you. I never wanted to, pero sana alagaan mo si kuya. Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nakita ko ulit na nag kakaganon siya, masakit." naiiyak na aniya.
Tumango ako saka siya mahigpit na niyakap. "I'll do my best to take care of him."
Hindi man niya gustuhin na ma pressure ako ay talagang iyon na ang nararamdaman ko gayung hindi pa naman kami ni Zack. Ang alam ko lang ngayon ay I really wanted to take care of him, at ayokong masaktan ulit siya ng dahil sa'kin. Ayoko ng dagdagan pa ang trauma na meron siya.
"But.. Reign." pagtawag nito sa akin. "Hmm?"
"What about Lanz?" naguguluhang aniya pero mas naguluhan ako sa tanong niya.
"What about him?" pagbalik tanong ko.
"Nothing," aniya.
"Zy?" kunot noong pigil ko sa kan'ya. "What do you mean how aboit Lanz?" tanong ko.
"I'm sorry pero mas mabuti siguro na si Lanz na lang ang tanungin mo? You know, ayokong sa akin manggaling kung ano man yung dapat mong malaman sa kan'ya, okay?" nakangiting aniya.
"Anyways, I have to go, see you tomorrow." dugtong nito sa dali daling umalis pagkatapos humalik sa noo ko.
Sinundan ko lang siya ng tingin, saka naguguluhan natutula sa iniinom ko.
Kinabukasan ay sinundo ulit ako ni Zack para sabay kaming pumasok.
Nang makababa ng sasakyan ay nakita ko si Lanz na nakatayo di kalayuan sa amin.
"Let's go," aya sa akin ni Zack. Sa halip na sumama sa kan'ya ay nanatili akong nakatingin kay Lanz ng maalala ang sinabi ni Zylene.
"What about Lanz?"
"Pwedeng mauna ka na? May kailangan lang akong gawin." nakangiting pakiusap ko dito habang hindi inaalis ang paningin kay Lanz.
Kita ko sa gilid ng mata ko na nlingon nito ang tinitingnan ko. Matunog itong bumuntong hininga saka marahan tumango.
"Okay, I'll wait for you here." aniya, nang lingunin ko ito ay nakasandal na ito sa hood ng kotse niya. Wala na akong nagawa kundi bumuntong hininga at naglakad papunta sa gawi ni Lanz na noon ay naka tayo at nakasandal rin sa kotse niya habang nakatingin sa akin.
"Lanz, can we talk?" panimula ko.
"Sure," nakangiti ito pero pansin ko ang lungkot sa mga mata nito.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pag uusap namin, pakiramdam ko ay hindi ako handa na malaman ang mga magiging sagot niya sa akin.
"Agatha?" pagtawag nito sa'kin ng hindi ako makaimik at nanatiling nakatayo sa harap niya.
"I'm sorry," sabi ko saka tumalikod sa kan'ya. Akmang aalis na ako ng marinig ko ang matunog na pag ngisi nito.
"You can tell me, Agatha. I am your friend, right?" pahabol nitong sabi. Bumuntong hininga ako.
"Bakit parang biglang lumalayo ka na?" tanong ko sa kan'ya, habang nanatili pa rin ako na nakatalikod sa kan'ya.
"Hindi ba dapat?" natatawang aniya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis sa kan'ya sa sandaling iyon. Pakiramdam ko kasi ay pinipilosopo niya ako.
"About Rayleigh. What did you tell her? Bakit biglang gusto niya na maging tayo?" wala sa sariling tanong ko.
Hindi ito umimik kaya agad ko siyang nilingon. Nakatingin lang ito sa papel na kanina niya pang hawak, hindi ko alam kung ano iyon at wala akong pakialam don. Sa pagkakataong 'to ay gusto ko na lang malaman ang lahat.
"Lanz?" pagtawag ko dito. Nginitian lang ako nito sa lumapit sa akin.
"Do you know what hurts the most about love?" nakangiting tanong niya sa'kin. Hindi ko umimik at nanatiling nakatitig sa kan'ya.
"It is falling in love with someone who's already in love with someone else." mapaklang aniya saka marahang inayos ang ilang piraso ng buhok na tumatakip sa mukha ko.
"Pero alam mo kung ano pang mas masakit don, Agatha?" Umiling ako saka nag iwas ng tingin sa kan'ya ng makita ang nagbabadyang pagpatak ng mga luha nito.
"Yun ay ang magagawa ko lang ay ang panoorin ka habang sumasaya ka sa kan'ya," narinig ko ang pigil nitong hikbi. Hindi ko siya magawang tingnan dahil nasasaktan rin ako para sa kan'ya.
"I'm sorry, Lanz." yun na lang ang nasabi ko.
Hindi ko alam na sa ikli ng panahon naming magkasama ay lumalim na pala ang nararamdaman niya sa akin. Hindi na pala ako kaibigan lang para sa kan'ya.
Nagu-guilty ako sa ginawa ko sa kan'ya. Pakiramdam ko ay pinaasa ko lang siya dahil sa paghalik na ginawa ko. Hindi ko rin naman iyon intensyon na gawin sa kan'ya, sadya nawala lang ako sa sarili ko dahil sa nangyari sa amin ni Zack at nadamay siya.
"You don't have to. I know I was just.. a friend for you, but you are special to me, Agatha." natatawang aniya. Nag angat ako ng tingin dito, kita ko ang lungkot at sakit na nararamdaman niya sa mga mata niya.
"Stop." naiiling kong sabi. Ayoko ng marinig pa kung ano man ang gusto niya sabihin, pero hindi ko magawang umalis sa harap niya at iwanan siya.
"Well, I thought gusto mo rin ako. Not until I heard everything, at sa'yo na mismo nanggaling na kaibigan lang pala ako para sa'yo." napayuko ako. Hindi ko na kayang titigan siya at panoorin siyang umiyak at masaktan dahil sakin.
"I was there. Noong araw na nag usap kayo ni Zack sa music room, I.. I was there." nauutal na ito, alam kong pinipigilan niya ang paghikbi niya.
"Noong araw na nawala ka nung nag bar tayo, I saw you and Zack.. kahit anong iwas mo, kahit anong tago mo, Agatha, a-alam ko kung gaano ka kasaya nung araw na 'yun. Your eyes are so beautiful, it can't lie." pinunasan nito ang luha niya saka bahagyang lumayo sa akin.
"About Rayleigh, I remember that day na in-interview niya 'ko. She wants to be an architect rin pala? She finds me interesting nung nalaman niya na I'm an architecture student." nakangiting aniya na parang iyon ang pinakamagandang araw na meron siya.
"She even told me na she wants me to be your boyfriend. Nakakatuwa nga 'e, hindi niya man lang ako tinanong kung gusto ba kita habang wala ka pa. Tsaka niya lang itinanong nung nandoon ka na." natatawang aniya pero sa kabila non ay ramdam ko ang pait niyon.
"So I told her na kapag naging tayo.. Lagi ako nandon sa bahay niyo at tuturuan ko siya ng mga basics about architecture. She is so cute, just like you, Agatha." pagpapatuloy nito saka hinawakan ang ulo ko.
"Nung tinanong niya ko kung gusto kita? Handa akong ipagsigawan yung sagot ko, Agatha. Pero natatakot ako na baka ipagtabuyan mo 'ko bigla." bumuntong hininga ito saka pinunasan ang luha kong hindi ko namalayan na tumutulo na pala.
"Ginamit mo ba si Rayleigh para ipagtulakan ka niya sa akin?" wala sa sariling tanong ko.
"Does it look like that?" balik tanong niya.
"Torpe ka!" inis kong sabi. Bumuntong hininga ito saka tumigin sa malayo, malungkot itong ngumiti.
"No." umiiling niyang sabi. "Alam ko lang na hindi ako yung gusto mo." mapait nitong dugtong saka naglakad paalis sa harap ko.
Naiwan akong nakatingin sa kawalan ng tuluyan itong mawala sa paningin ko. Nasasaktan ako, hindi ko alam kung saan, kung bakit, kung paano. Ang alam ko lang, ang bigat bigat nito sa pakiramdam ko.
Maya maya ay naramdaman ko na lang ang braso ni Zack na yumakap sa akin, muli sa likuran ko.
"N-nasaktan ko siya." bulong ko.
"Shh, I know you don't mean to do that. Stop crying," pag alo sa akin ni Zack.
Gusto kong magalit kay Zylene sa mga oras na yun. All this time ay aware pala siya na gusto ako ni Lanz, pero wala man lang siyang sinabi sakin about doon. Sana ay sinabi niya ng mas maaga para napaliwanag ko rin kay Lanz ng mas maaga na hanggang kaibigan lang siya para sakin. Hindi na sana kami umabot pa sa ganito.
[This is a work of fiction. Names, characters, events, places and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events, are coincidence.]