Chapter 12

1636 Words
Reign POV It was 1:30 am at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. Hindi pa rin kasi nag p-process sa utak ko ang nangyari kanina. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin kay mom and dad na nanliligaw na sa akin si Zack. I opened my ig and saw Zack's messages. from: zhadams have a goonight. sent. Monday, 10:03 pm. from: zhadams. see you, tom. :> sent. Monday, 10:04 pm. Napangiti ako dahil doon. Hindi ko siya nireplyan baka kasi isipin niya na di ako makatulog dahil kinikilig ako sa kan'ya, totoo naman yun. Pero ayoko pa rin na isipin niya yun. I stalked him. Napabangon ako ng makita ko ang picture ko. It was a stolen shot when I was in the library holding the note that Ethan gave me. May caption ito na "Kinilig kaya siya? Can someone please explain?" nasapo ko ang noo ko dahil don. Dali dali akong nag scroll sa comments at nagbasa don. itsraiven21 Ang obvious naman na kinilig talaga siya. ynzchrs8 Ganda ng ngiti ah. Parang di naman kinilig. ;p andrea_ Huhu! Nakakaselos na, Zack. shammyqt Yes. 100% kinilig 'yan, Zack. Sino ba namang hindi kikilinig sa isang Zack Helton. Marami pang comment don at hindi ko na kayang basahin pa lahat 'yun. Puro kasi babae iyon at puro hate comments na about sa akin. Hindi ko alam kung sino ang kumuha ng litrato sa akin. I felt embarrassed when I saw that. Talagang pinost niya pa sa ig. Dahil sa naghahalong inis at hiya ko ay minabuti kong itulog na lang iyon. Mas malala pa siguro ang haharapin ko bukas dahil alam na ng buong campus na nililigawan ako ni Zack. Nang magising ay agad akong naligo. Nanlalagkit kasi ako dahil hindi na ako nakapag half bath kagabi. I no longer have an energy na kasi para maglinis pa ng katawan. I felt so occupied. Nang matapos ay nag ayos na 'ko ng sarili ko. I apply a small amount of make up. Hindi kasi ako mahilig sa makapal na make up, that's why mild lang ang ina apply ko unless I have any pimples or bruises that I need to hide. Agad akong bumaba para kumain ng matapos akong mag ayos. Nakangiti kong binati si Rayleigh, si Mommy and also si Kuya. "Mukhang maganda ang gising na'tin, ah?" bungad sa akin ni kuya. "I always do," kibit balikat na sagot ko. Kumuha ako ng hotdog at sinangag, saka nag umpisang kumain. "Parang 'di naman." nang aasar na aniya, mukhang may alam. Hindi ko siya pinansin. "So, how are you and Zack?" muntik na akong mabulanan ng walang pakundangan iyong itanong ni Mommy. "Nothing's new naman po," pagsisinungaling ko. "Nothing's new? Rhyden, ang akala ko ba ay manliligaw 'yang kaibigan mo dito kay Reign—" natigilan ito ng tuluyan akong nabulunan. Agad akong tumakbo sa cr saka doon inalis ang kanin na bumara sa lalamunan ko. Paano niya nalaman? Napakadaldal talaga ni Kuya. Hindi man lang inaantay na ako ang magsabi sa kanila. Tss. Nang bumalik ako ay nakaupo na doon si dad. I was so stupid na hindi ko man lang napansin na may isa pa palang plato sa tabi ni mommy. Dahil hindi pa ako tapos kumain ay bumalik na lang ako sa pwesto ko. "Nag back out ba siya— oh Reign, anak, okay ka na ba?" baling sa akin ni mom. Tumango ako. "May nakaalala lang siguro." pagbibiro ko. "I bet its Zack." sabat ni kuya. Sinamaan ko ito ng tingin. "Oh shut up!" singhal ko, itinaas naman nito ang dalawa niyang kamay saka umasta na parang sumusuko. "That's enough," pagsaway sa amin ni mommy. "I don't like him." biglang sabi ni Rayleigh habang ang paningin ay nasa kinakain niya. "Why? He so pogi kaya." pagtatanggol ni mommy. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila. "But he looks like daddy, he looks like babaero." walang pagdadalawang isip na aniya. Nasamid si daddy sa sinabi nito. "Excuse me." sabi ni dad saka umalis ng hapag. Natawa ako, ang dami namang nasasamid dito. Nasisigurado kong natutunan ni Rayliegh ang pagiging prangka niya kay mommy. "Rayleigh, that's bad ha?" pagsaway ni kuya dito, maging si mommy kasi ay parang na estatwa sa narinig niya. Marahil ay dahil sa gulat niya. "I'm sorry. But ate, can you make a promise for me?" tanong ni Rayleigh saka nakangusong humarap sa'kin. "Sure, what is it?" nakangiting sabi ko saka hinaplos ang baba niya. "If you're gonna choose between kuya Lanz and kuya Zack, can you choose kuya Lanz?" aniya. "W-why?" naguguluhan kong tanong. "I want him to be your boyfriend, I feel like he's so mabait and very gentleman, 'e." sabi niya. "But you don't know anything about it pa, kaya nasasabi mo 'yan." paglilinaw ko sa kan'ya. "I want kuya Lanz, ate. I want him to be my kuya, too. Like kuya Rhyden." nakasimangot na aniya. "He is your kuya na." sagot ko. "No! Promise me." pagpupumilit niya sa akin. Nilingon ko si kuya, asking for his help, pero nagpatay malisya lang ito. Inirapan ko ito saka nilingon si mommy, nagulat naman ito saka nag kunwaring may kinakausap sa cellphone niya. "Oh yes! What? No. Wait, let me call, Samuel." pag kukunwari nito saka mabilis na naglakad palayo. Rinig ko ang impit na pag tawa ni kuya, inis ko siyang nilingon bago tuluyang tumingin kay Rayleigh. "I can't, I'm sorry." umiiling na sabi ko. "Why? Do you like kuya Zack?" pangungulit pa nito. "Yes.. I mean no. Not really, but kuya Lanz is just a friend to me. I don't see anything more than that." pilit akong ngumiti saka ginawaran ito ng halik sa noo. "Gonna go, bye!" sigaw ko saka nagmadaling lumabas ng bahay. Nakahinga ako ng malalim ng makalabas ng pinto. Sigurado akong may sinabi si Lanz kay Rayleigh kaya ganon niya na lang ipilit sa akin ang taong 'yun. Sa totoo lang, I find Lanz nice, but hindi iyon sapat na dahilan para gustuhin ko siya ng higit pa sa kaibigan. Tatlong busina ng sasakyan ang narinig ko. Nang linungin ko ang labas ng gate ay nakita ko ang pamilyar na kotse. Maya maya ay lumabas doon si Zack. Doon ko naalala na sa kan'ya pala ang kotse na katabi ng kotse ko sa parking ng school kahapon. Hindi ko napigilan ang ngumiti habang naglalakad palabas ng gate. "Good morning," nakangiting bati sa akin ni Zack. Bumeso ito sa akin. "Good morning, too." sagot ko. Ngumiti ito. "Let's go?" aniya, tumango lang ako. Binuksan naman nito ang pintuan ng kotse saka ako pinasakay. I finally don't have to drive to school dahil may taga sundo na ako. "Ano namang naisip mo at sinundo mo 'ko?" nagtataka kunwaring tanong ko. "This is my way to court you, hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan. I have never courted someone, before." pag amin niya sa akin. Nagtataka ko siyang niligon. "So, you never had an ex?" tanong ko, nang huhuli. "I had." aniya. "And?" inaantay na magpatuloy siya. "I never courted her." aniya. Hindi ako umimik, para magpatuloy siya. "We actually just confessed our feelings for each other, and after no'n, I asked her kung kami na, and she said, yes." natatawang aniya. Parang kinurot ang puso ko, pakiramdam ko kasi ay mahal niya pa ang babaeng tinutukoy niya. "Really, what's her name?" curious kong tanong. "Why?" nagtatakang tanong niya. "Curious lang," sagot ko. "Her name is Ellie." simpleng sagot niya. "Ellie? Such a lovely name." tatango tangong sabi ko. "I know," aniya. "Where is she now?" kunot noong tanong ko. Umaasang sagutin niya ako ng totoo. "I.. I don't know." umiiling na aniya. "Did you guys, break up or nah?" pandederetcha ko. "W-we actually did not break up, but who cares, anyways? He ghosted me." mapait siyang ngumiti matapos akong lingunin. Hindi nya ba alam? Oh sadyang nag mamaang maang lang siya? "Liar." bulong ko. Bumuntong hininga siya saka lumingon sa akin. "I'm sorry." sinserong aniya. "She actually ghosted me, literally." pag amin niya. "She died in a car accident. Kasama niya 'yung kaibigan ko, kababata ko actually. Sadly, only him survived and she didn't. Malala yung natamo niya, cause she's the one who's driving that.. that f*cking car." malungkot na aniya. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. "I felt guilty so bad. Halos gabi gabi akong hindi makatulog dahil sa nangyari, that day, hindi kami okay. May konting hindi kami pagkakaunawaan and I'm so stupid na hayaan siyang umuwi mag isa. Hindi ko alam kung paano at bakit magkasama sila ni Gian, that day na naaksidente sila. I was so confused that I broke into his room, and tried so hard to wake him up. Ang sakit makita na puro gasgas lang ang natamo niya, while Ellie? Halos hindi ko na siya makilala nung nakita ko siya, nabasag.. nabasag ang kanyang parte ng mukha niya." nanginginig ang boses na aniya. Gusto kong maiyak at patigilin siya sa pag kekwento pero sadyang buo na ang loob kong alamin ang kwento niya. "I confronted him, he said my girlfriend insisted on driving that night. He let him, kahit alam niyang may inom si Ellie. I fought so hard para hindi siya masuntok that time, until I heard his confession." mapait siyang ngumiti, saka huminga ng malalim. "He told me, Ellie's pregnant." nagulat ako don. "F*ck!" wala sa sariling bulong ko. Natawa siya. "Yeah! It's really f*cked up! 'Cause I was not the father." para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nito. "It was him. He is the father." to be continued.. [This is a work of fiction. Names, characters, events, places and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events, are coincidence.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD