Chapter 11

1665 Words
Reign POV Kinabukasan ay maaga akong nag handa para sa pag pasok sa shool. Ngayon kasi ay may quiz kami kay sir. Chua, sa subject niyang math. I'm a journalism student. Yun kasi talaga ang pangarap ko bata pa lang ako, I really love exploring different things, information and facts. While kuya Rhyden naman is a dentist. And my sister Rayleigh wants to be an architect. Nang makababa ay nagbeso lang ako at bumati kay Mom, kay Kuya and kay Ray. "You're not gonna eat?" nagtatakang tanong ni mommy. "I'm not really hungry po, siguro sa school na lang. I really need to go." sabi ko saka naglakad palabas. "Na miss mo lang si Zack, 'e." "Whatever, kuya." sagot ko. Wala sa mood para patulan pa siya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala sa biglaan naming pag amin sa isa't isa kahapon. "Okay, ingat." pahabol ni mommy. "Sure thing, mom." Nang makarating ng parking lot ng school ay agad kong pinarada ang sasakyan ko sa palagi kong pinagpaparadahan. Mabuti na lang at walang nagbabalak umagaw sa akin ng pwesto kong 'to. Nang makababa ay napansin kong ibang kotse ang katabi ko. Pamilyar ito sa akin pero hindi ko maalala kung kanino o kung saan ko nakita. Nagkibit balikat na lang ako saka naglakad papunta sa building ko. I decided na dumeretcho muna ng library. I need to review and study this subject very well. Ayoko kasing bumagsak at maging iregular student. Nang makarating don ay agad kong hinanap ang mga libro na kailangan ko. Matapos non ay agad akong naupo at nag umpisang magbasa. Maya maya pa ay may tumabi sa akin. Hindi ko na iyon pinansin, dahil kailangang kong tapusin agad 'to. Sa sobrang sipag ko kasi mag aral ay inuna kong sumama sa bar kagabi. Nag aya pa rin kasi si Zylene after ng nangyari ng tanghaling iyon. Sa lahat ng nangyari ay naisip niyang may gana pa rin ako mag bar, para pilitin pa ako. Nang matapos ay agad kong ibinalik ang libro na hiniram ko. "Reign." nilingon ko ang tumawag sa akin. It was Ethan, siya pala ang tumabi sa akin kanina. Hindi ako umimik at inaantay na lang ang sasabihin niya. Tumayo ito saka lumapit sa akin. "Zack wants to tell you something." aniya saka inabot sa akin ang isang papel. I never thought of falling in love, again. But when I first saw you, I knew that I was into you. Gusto kong matawa sa ka cornyhan niya. Pero sa halip ay nakaramdam ako ng kaunting kilig dahil don. Agad kong itinago sa bag ko ang note na binigay ni Ethan, saka lumingon sa paligid dahil baka may nakakita kung paano ako ngumiti. Habang naglalakad ako sa hallway papunta sa room ko ay pansin ko ang kakaibang tingin sa akin ng mga estudyante. Pakiramdam ko ay may masama akong ginawa dahilan para tingnan nila ako na parang pinapatay na nila ako sa isip nila. Sa halip na pansinin iyon ay minabuti kong ipagpatuloy na lang ang paglalakad ko. Nang makaakyat ng 2nd floor ay napansin ay ang kumpulan sa harap ng room ko. Ano naman kayang meron don? Nagulat ako ng bigla akong lingunin ng mga kaklase ko at naglakad na nakangiti papalapit sa akin. Hindi kasi normal para sa akin na nginingitian nila ako, pakiramdam ko tuloy ay pinaplastik lang nila ako. Nang makalapit ay inabot nila sa akin ang isang piraso ng red rose. Nagulat man ay tinanggap ko iyon. Teka? Tapos na naman ang valentine's 'di ba? "Sanaol." rinig kong ungot ng isang babae. Parang naiiyak na siya sa pagkakasabi niya. Nang matapos ay dahan dahan akong naglakad papunta sa room. Naguguluhan pa rin. Maya maya ay narinig ko ang pagtipa sa isang gitara. Sa sobrang curious ko ay patakbo kong nilakad ang pinto ng room ko. Nang makarating doon ay nakita ko si Zack, si Derick at si Yno. Ngumit sa akin si Zack sa akin saka nag umpisang kumanta. "They say You know when you know So let's face it, you had me at hello Hesitation never helps How could this be anything, anything else?" Napako ang paningin ko kay Zack. Pakiramdam ko ay anytime ay bibigay ang tuhod ko sa sobrang panginginig nito ay nanlalambot ako. I know I heard that voice once in the music room, pero ngayon ay mas maganda iyon sa pandinig ko dahil soguro ay alam kong para sa akin na ang kantang iyon. "When, all I dream of is your eyes All I long for is your touch" Gusto kong sumabog ng sandaling iyon. I don't know what to feel, ang alam ko lang ay gusto kong enjoyin ang moment na 'yun. "And darling, something tells me that's enough, mmm You can say that I'm a fool, And I don't know very much, but I think they call this love." Lumapit ito sa akin saka inabot ang bouquet of roses. Hindi ko napigilan ang amuyin iyon, at napakabango niyon. Hindi ko man lang napansin ang bouquet na iyon na kanina pa pala niyang hawak. "Hays! Kainggit." nang lingunin ko ang pinanggalingan ng boses ay nakita ko si Zylene. Nakangiti itong nakatingin sa akin habang nangingilid ang luha nito, nang lingunin niya ang sariling kapatid ay naiyak na ito ng tuluyan. Natawa ako. Ano ba 'to? Para namang ikakasal kami nito kung makaiyak siya, tss. Lumapit sa akin si Zylene, saka mahigpit na yumakap. "One smile, one kiss, two lonely hearts is all that it takes Now baby, you're on my mind, every night, every day Good vibrations getting loud How could this be anything, anything else?" Nang matapos ang kanta ay sandaling tumitig sa akin si Zack saka ngumiti. "Magiging sister in law kita na kita, soon. Ingatan mo si kuya, he's fragile." bilin ni Zylene saka humalik sa pisngi ko bago tuluyang lumayo ng bahagya sa akin. Naguguluhan pa rin ako sa pagkakataon na 'yun. Aayain niya na ba akong magpakasal? Natawa ako sa sarili kong naisip. "I know it happened so fast but when I first saw you, cupid hit me so hard that I couldn't stop thinking about you, about us. I always think about you and me, together. I know, hindi pa natin lubos na kilala ang isa't isa for this. But I really want to know you better." sabi ni Zack habang nakangiti. This time, I felt his sincerity sa lahat ng sinasabi niya. Parang matutunaw ang puso ko. I have never been treated this way before. "So, Reign Agatha Vallega, I'm not going to ask you if I can court you because I really want to. So please, let me court and pursue you." aniya saka kinuha ang isang box sa bulsa niya. Mahaba iyon kaya alam kong hindi singsing ang laman niyon. Nang buksan niya iyon ay ipinakita niya iyon sa akin. It's The L'lncomparable diamond necklace. Namamangha kong kinuha iyon, sa sandaling iyon ay ramdam ko ang nginig ng kamay ko ng hawakan ko iyon. Sa pagkakataong iyon ay alam ko kung gaano siya ka seryoso sa ginagawa niya. But this necklace is too much. Ayokong tanggapin ito dahil ayokong mag mukhang gold digger. Alam ko kasi ang takbo ng utak ng isang taong pag nakakasaksi ng mga ganitong bagay. Agad kong binalik kay Zack ang kwintas dahilan para mag ingay ang paligid dahil sa mga bulungan. "I'm sorry, Zack but I can't take this." nahihiyang sabi ko. Ayokong tanggihan iyon pero mas lalo kong ayaw na tanggapin iyon. "Why? Hindi mo ba nagustuhan?" malungkot na aniya. "No, I like it so much. But its way too expensive for me." nahihiyang sagot ko. Ngumiti ito saka kinuha ang box ng kwintas. Nalungkot man ay hindi ko iyon ipinahalata. Kahit kasi gustong gusto ko iyon ay ayoko talagang tanggapin, dahil ayokong makarinig ng kahit ano sa kahit na sino. Isa pa ay nahihiya ako kay Zylene. "This necklace is a symbol of my love for you, Reign. There's nothing more expensive than you." aniya habang nakatingin sa mga mata ko, puno iyon ng sinseridad. Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi nito, akala ko rin kasi ay babawiin niya na 'yun pero mali ako. Ganito pala ang pakiramdam ng pagmamahal isang Zack Helton Adamson. Napaka swerte ko dahil sa akin niya napiling ialay iyon. Sa kabila niyon ay naalala ko kung paano niloko ni daddy si mom. Parang kinurot ang puso ko, hinihiling na sana ay hindi ko maranasan yon, dahil sa puntong iyon ay alam ko sa sarili na may chance na mahulog ang loob ko sa lalaking ito. Pumunta ito sa likod ko saka isinuot sa akin ang kwintas. Nang matapos ay bumalik ito sa harap ko. "I can't deny how beautiful you are." namamanghang aniya. "Bolero ka 'no?" sabi ko saka siya inismiran. Nagulat naman ito saka natawa. "I'm stating facts here." sagot niya. Inirapan ko ito. "I would love to know you better, too, Zack. I know you're not asking if you can court but my answer is yes, I'll let you court me." nakangiting sabi ko. "Thank you," nakangiting sagot niya. Nagulat ako ng yakapin ako bigla nito. Maya maya ay inawat kami ni Zylene. "You're taking advantage na ha." ani Zylene. "Epal ka talaga," singhal ni Zack. Nagpaalam ito sa akin saglit saka nag umpisang ayusin ang instruments na dala nila. "Ang haba ng buhok mo, girl." kinikilig na aniya. Natawa na lang ako. "Ang ganda ng kwintas na 'yan, never niya kong bingyan ng ganyan kamahal na gamit. Now I'm jealous." maarteng aniya. "I don't know what to feel, right now." naiiyak kong sabi. "I know. Basta Reign, ingatan mo si kuya ha? Ayokong bumalik siya sa kung paano siya dati nung namatay yung girlfriend niya." malungkot na aniya. "Namatay?" to be continued.. [This is a work of fiction. Names, characters, events, places and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events, are coincidence.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD