Reign POV
I felt so guilty na hinalikan ko si Lanz sa harap ni Zack, I didn't want to, but I needed to. Kung hindi ko kasi gagawin yun ay iisipin niyang ginusto ko rin yung nangyari nung gabi na nasa kotse kami. Kung tutuusin ay hindi ko naman dapat maramdaman na makonsensya sa ginawa ko, dahil alam ko sa sarili ko na ginagawa naman na talaga niya yun.
Babaero siya, kaya alam kong wala lang rin sa kaniya yung nangyari sa amin nung gabing yun.
Hindi ko rin kasi sigurado kung totoo ba na gusto niya ako. Ayoko rin namang masaktan dahil umasa ako na totoo siya sa sinabi niya.
"Hey! Kanina ka pang tulala, okay ka lang ba?" pag usisa sa akin ni Lanz. Bakas sa tono niya nag pag aalala.
Tinitigan ko ito. "Nung araw na hinalikan kita, anong naramdaman mo?" wala sa sariling tanong ko.
"What?" ramdam ko ang pagkailang nito sa tanong ko pero sadyang gusto kong malaman ang sagot niya.
"Well syempre, na.. nagulat ako—"
"Do you think I like you?" direktyang tanong ko. Natigilan ito, tsaka nag iwas ng tingin.
"I did, I assumed." seryosong sagot niya.
"I'm sorry." nahihiya ako sa mga ginawa ko. He don't deserve it.
"Do you like Zack?" gulat ko siyang nilingon dahil don.
"W-why?" balik tanong ko sa kan'ya. Natawa na lang ito at hindi na umimik.
"I have to go, may klase pa nga pala ako." paalam ko kay Lanz. Bumeso lang ako dito saka tuluyang umalis ng cafeteria.
Ang totoo ay wala naman na akong klase, ayoko lang na mag stay pa doon kasama siya dahil pakiramdam ko ay may alam na siya. Well, I can't deny it more. Alam ko sa sarili kong gusto ko rin si Zack pero hindi ako sigurado sa nararamdaman niya para sa akin.
Napailing na lang ako sa sarili ko. Naguguluhan na talaga ako at hindi ko na alam kung anong gagawin ko, gusto kong umiyak dahil kahit ako ay nasasaktan na rin sa ginagawa ko. Palagi ko na lang bang kailangang iwasan si Zack para lang hindi na lumala kung ano man 'tong nararamdaman ko para sa kan'ya?
Nang mapadaan ako sa tapat ng room ni Zack ay nakita kong may kausap niyang babae, nakangiti sila pareho at nagkukulitan. Wala akong nagawa kundi ang panoorin lang sila. Pinagmasdan ko yung babae, napakaganda niya at masasabi kong walang wala ako sa kan'ya.
Akala ko ba ay gusto mo,'ko, Zack?
Hindi ko alam pero para akong paulit ulit na sinaksak sa dibdib dahil sa isiping iyon. Napakasakit niyon.
Nangingilid ang luha kong itinago ang mga folders na dala ko. Laman kasi niyon ang mga research na ginawa ko. Nang isara ko ang pinto ng locker ko ay nakita kong nakasandal si Zack sa katabing pinto ng locker ko.
Agad kong isinara ang pinto ng locker ko saka akmang lalakad na paalis doon ng bigla ako nitong hilahin. Hindi ko nagawang umangal dahil wala na akong lakas para doon. Sa dami kasi ng iniisip ko ay halos naubos na niyon ang lahat ng lakas ko para ngayong araw.
Nang makarating sa music room ay doon niya na ako binitawan. Nanatiling nakayuko ang ulo ko habang inaantay kung ano man ang gusto niyang sabihin at pag usapan namin.
"Iniiwasan mo ba 'ko?" panimula niya.
"Tsk. Obvious ba?" pilosopo kong tanong. Hindi ito umimik kaya nagtaas ako ng tingin sa kan'ya. "Kung ano man yung nangyari sa'tin, kalimutan mo na 'yun." seryosong sabi ko. Nanatiling blangko ang paningin nito kaya naisip kong umalis na, pero sa halip ay hinawakan ulit nito ang braso ko. Nilingon ko ang kamay nito saka inalis iyon.
"Pwede ba? Tigilan mo na 'ko, please." pakikiusap ko.
"Ganon lang ba yun kadali sayo, Reign?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Anong gusto mo? Mamatay ako kaiisip kung bakit ako pumayag na gawin mo sakin yun kahit hindi naman tayo magkarelasyon? Mandiri ako sa sarili ko habang buhay dahil ang dali mo 'kong nakuha?" inis kong sabi, sa puntong iyon ay hindi ko na napigilan ang umiyak.
"Hirap na hirap na 'ko sa'yo, Zack! Your actions are so f*cking confusing." hindi ko na napigilan ang isigaw iyon sa kanya, nanatili lang siyang nakayuko.
"Last time, you're trying to make fun of me, and then the next thing I know, bigla kang umamin kay Rayleigh na gusto mo 'ko. Tapos makikita ko may kasama kang ibang babae, tapos ngayon naghahabol ka sa'kin? Ano ba talagang gusto mo?! Bakit hindi mo sa'kin sabihin ng derekta, Zack? Bakit ba.. bakit ba ang labo labo mo?!" pahina nang pahina ang boses ko habang sinasabi ko iyon. Napakabigat sa pakiramdam ng nangyayari sa akin, hindi ko ito kailanman hiniling na mangyari sa akin.
"I'm sorry, Reign. I didn't know you feel that way." mahinang sabi niya.
"Sorry? Tsk." I felt so disappointed. Naupo ako saka nagpunas ng luha sa pisngi ko.
"I was so confused, too." his voice start shaking.
"Confused? Saan? Sa sarili mong actions? Dapat lang!" mataray kong sabi pero umiling lang ito.
"I always saw you with Lanz." nahihiyang aniya. Natigilan ako ng maalala kong hinalikan ko si Lanz sa harap niya.
"I badly want to ask you, kung anong meron sa inyo? Kung kayo na ba? Madami akong gustong malaman at itanong sayo, Reign." pag amin nito sa'kin.
"Not until I saw it in my own damn eyes. You kissed him, at napakasakit non para sa'kin. Hindi ko alam kung bakit ginawa mo yun, sinadya mo ba yun? O talaga hindi ko lang napansin o nalaman na kayo na pala?" tumigil ito saka tumingin sa'kin.
"Do you like him?" mahinang tanong nito dahilan para lingunin ko siya.
"No, he's just a friend." paglilinaw ko.
"A friend? May friends bang nagkikiss?" natatawang aniya. Sinamaan ko ito ng tingin.
"Friends lang kami." mariin kong sabi.
"I like you, Reign." nakaramdam ako ng paro paro sa tyan ko ng sabihin niya iyon.
"Prove it." taas kilay kong sabi.
"Of course." aniya saka lumapit sa akin. Pinunasan nito ang luha ko saka humalik sa noo ko.
"I'm so jealous of Lanz." nakangusong aniya. Natawa ako.
"Sinadya ko 'yun." nang aasar kong sabi. Nagulat ako ng bigla akong irapan nito.
"Sa'n mo natutunan 'yan, ha?" sabi ko habang hinahampas siya.
"Sa'yo, you always make irap to me kaya." natatawang aniya.
"Sus, nahalata ko tuloy na patay na patay ka sa'kin." pang aasar ko.
"Excuse me?!" mataray niyang sabi. Sabay kaming natawa.
Maya maya ay kinuha niya ang isa pang upuan at naupo sa harap ko. Niyakap ako nito.
"Kung makayakap ka, sino yung babaeng kausap mo kanina, ha?" biglang tanong ko.
"Kausap? Kailan?" tanong nito habang nakayakap pa rin sa akin.
"Sus, maang maangan ka pa." inirapan ko siya kahit di niya naman nakikita iyon.
"Ahh yeah, that's Sandy. Why?" tanong nito saka tumingin sa akin.
"Ahh yeah, that's Sandy! Who cares? Asshole!" inis kong sabi.
Natawa ito saka nakatitig na inilapit sa akin ang mukha niya, saka ito umastang umaamoy.
"Ahh!" lumayo ito saka tinakpan ang ilong niya. Agad akong nahiya dahil baka mabahuan siya sa hininga ko. "What's that smell?"
"Sorry." nahihiyang sabi ko habang nakatakip sa bibig ko.
"I smelled jealousy." agad ko siyang sinamaan ng tingin ng sabihin niya iyon. Akala ko talaga ay nabahuan na siya sa hininga ko at na turn off na siya.
"Just kidding, don't worry, lalayuan ko na siya para 'di ka magselos, okay?" nakangiting aniya, saka muling yumakap sa akin.
Napangiti naman ako dahil doon. Ngayon pa lang ay busog na ako sa assurance na binigay niya. Paano pa kaya sa mga susunod? Sana lang ay consistent siya.
"Okay!" masayang sagot ko.
Maya maya ay naramdaman ko ang labi niya na humahalik sa leeg ko. Agad ay naramdaman ko na naman ang paro paro na umiikot sa tiyan ko, hindi ko napigilan ang impit na pag unggol na maramdaman ko ang paghawak ng dalawa niyang kamay sa bewang ko. Nang matapos ito sa leeg ko ay siniil ako nito ng halik sa labi.
"I want to own you for the rest of my life."
to be continued..
[This is a work of fiction. Names, characters, events, places and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events, are coincidence.]