Chapter 9

1673 Words
Reign POV Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharap ko kay Lanz at ka Zylene, dahil bigla na lang akong nawala kagabi. Pero mas lalo akong nahihiya kay Zack, dahil sa ginawa ko. Pauli uli lang ako sa kwarto ko, hindi ako napakali. Napag desisyunan kong hindi na lang pumasok kahit naka uniform na ako. Dahil sa nangyari ay nahihiya pa rin ako kapag naaalala ko ang sarili kong katangahan, gayung kami lang namang dalawa ni Zack ang nakakaalam. "Reign, anak!" inis akong napaupo sa kama ko ng marining ko ang sigaw ni mommy, kasunod niyon ang pagkatok nito sa pinto ng kwarto ko. "Gising ka na ba? Lanz is here." nasapo ko ang noo ko, saka natigilan sa paghuhubad ng uniform ko. Bakit naman nandito siya? "Palabas na po, just give me a few minutes." pasigaw na sagot ko. "Okay, hurry up. Malelate ka na." aniya. Nang marinig ko ang footsteps nito pababa ay saka lang ako mangingiyak ngiyak para mag ayos. Dahan dahan akong bumaba saka pilit na ngumiti ng makitang inaantay ako ni Lanz sa sala. "Good morning," nakangiting aniya nang makita ako. "Good morning." sagot ko saka ngumiti. Nagpaalam na ako kay mommy saka sumama kay Lanz palabas ng bahay. Nang makasakay sa kotse ay tahimik lang kami ni Lanz. I feel awkward, parang gusto ko na lang umuwi ulit at itulog na lang ito. "Where did you go last night? I thought, magsasayaw ka lang? Hindi ka na nakabalik sa table na'tin, 'e." maya maya'y tanong nito. Ito na nga ba ang sinasabi ko. "Ah.. I don't know. H-hindi ba ako nakapagpaalam sa inyo? I thought nagpaalam ako bago ako umuwi, 'e." kakamot kamot sa ulong sabi ko. Natawa ito. "Magtatanong ba ako kung nakapagpaalam ka?" umiiling na aniya. "Yeah, I was just too drunk at di ko na maalala kung anong nangyari at paano ako nakauwi." I awkwardly laughed. "I saw Zack, too." muntik na akong masamid ng sarili kong laway ng sabihin niya iyon. "R-really? Where?" patay malisyang tanong ko saka nag iwas ng tingin sa kan'ya. "At the same bar last night, nagkita lang kami sa cr. Nung inwan mo kasi ako ay nag cr ako para umihi at nakasalubong ko siya. Palabas na siya non, hindi ko alam kung napansin niya ba ako." aniya. "Oh okay!" tatango tangong sabi ko. Sa loob loob ko ay nakahinga ako ng maluwag dahil alam kong hindi niya nakita na magkasama kami ni Zack that night. "Yeah, I was about to ask you kung nakita mo rin ba siya?" kunot noong aniya. "H-ha? No! Hindi 'no." nag iwas ako ng tingin dito saka mariin napapikit dahil masyadong obvious ang pagkakatanggi ko. Umayos ka, Reign! "Bakit mo nga pala ako sinundo?" pag iiba ko ng usapan. "Ha? Ahm.. I'm just wanted to check you up, nakailang tawag rin kasi kami ni Zylene sa phone mo and.. we didn't get any response." nilingon ako nito saka ngumiti. "Ah yeah, I'm sorry about that. Na deadbatt kasi ako." pagsisinungaling ko. "Sure," aniya. Nang makarating kami sa parking lot ay agad akong pinagbuksan ni Lanz ng pinto ng kotse. "Thank you," sabi ko, ngumiti lang siya sa akin. Nang akmang maglalakad na kami ay nakita ko si Zack na nakasandal sa hood ng kotse niya. Nagulat ito ng makitang kasama ko si Lanz. Nag iwas ako ng tingin ng magtama ang paningin namin, saka ipinulupot ang kamay sa braso ni Lanz. Nagulat naman si Lanz sa ginawa ko pero hindi ko na iyon pinansin at hinila na siya paalis ng lugar na iyon. Nang makalayo layo ay saglit ko pang nilingon ang pinanggalingan namin, nang di ko na makita si Zack ay binitawan ko na ang braso ang ni Lanz. "I'm sorry." sabi ko. Hindi siya sumagot. "Thank you for the ride, see you later." paalam ko, hindi ko na siya inantay sumagot at nagmadali na ako sa pagpunta sa classroom ko. "Aba aba aba!" pagsita sa akin ni Zylene. Naupo na lang ako sa tabi niya saka nilabas ang notes ko, nagkunwari na hindi ko siya nakikita o narinig man lang. "Hoy babae! Ano? Patay malisya tayo?!" bulyaw niya sa akin. Hindi ko pa rin siya inintindi. "Saan ka galing kagabi?" pangungulit pa niya sa'kin. Tinakpan ko ang tainga ko para manahimik na siya pero lalo lang siyang nainis sa ginawa ko. "Reign Agatha Vallega!" sigaw nito dahilan para lingunin siya mg lahat ng kaklase namin. "Reign Agatha Vallega ba pangalan niyo? Mga chismosa!" singhal nito sa mga kaklase ko. Lord, ilayo niyo po ako sa baliw na 'to! huhu. Hinila ko siya paupo para pakalmahin siya, inalis nito ang pagkakahawak ko sa kamay niya saka inis na naupo. "Ano? Sasagot ka na?" taas kilay na aniya. Bumuntong hininga ako. "I'm sorry kung di ko kayo nabalikan—" "I don't care, just tell where the hell did you go last night at biglang kang nawala?" pabulong pero gigil na sabi niya. "I'm with Zack." mahinang sagot ko pero sapat na iyon para marinig niya. "Ano?!—" agad akong tumayo para takpan ang bibig niya ng bigla siyang tumayo para isigaw iyon. Napaka oa talaga. "Ang ingay mo naman!" inis kong sabi saka inirapan ito. "Anong nangyari? May ginawa ba siya sa'yo? Sinaktan ka ba niya? Ano?! Sabihin mo sa'kin—" "Ang ingay mo!" singhal ko dito. Natigilan siya saka sumimangot. "Ano ngang kasing nangyari? May nangyari ba?" nag aalalang tanong niya. "Wala, nag usap lang kami." pagsisinungaling ko. Nag iwas ako ng tingin sa kan'ya at nagkunwaring nagbabasa ng note ko. "Nag usap? Close na ba kayo? Hindi ata ako na inform?" nagtatakang tanong niya. Hindi ko siya pinansin kaya bigla nitong hinila ng notebook na hawak ko. "Ano ba kasing gusto mo pang malaman, Zylene? Nag usap nga lang kami, akina yan, nagbabasa ako, 'e." pilit kong inaagaw ang notes ko pero sadyang inilalayo niya yung sakin. "Tell me, or I'll burn these notes?" seryosong aniya. "Fine." pagsuko ko. Excited itong naupo saka nakangiting naghalumbaba sa desk ko. Tsk. Baliw ata talaga siya. Sinimulan ko ang kwento ko sa parteng nagpaalam ako kay Lanz na makikisayaw ako sa bar, hanggang sa may humawak sa bewang ko at bigla na lang iyong bumulagta sa sahig. Hanggang sa napunta kami ni Zack sa parking lot at doon na nangyari ang mga bagay na hindi dapat nangyari. "Naliliyo ako nung gabi yun kaya sinakay niya ako sa kotse niya para ihatid sa bahay, and I was so drunk that I tried to.. to kiss him. And then there's something else that happened." nakayukong sabi ko. "Wait, wait, wait!" huminga ito ng malalim saka tumingin sa kawalan. "So you're telling me that you and my brother, f*cked?" mariing aniya. "No! Hindi ganon, Zylene." pagbawi ko sa kan'ya. "'E ano nga?" naguguluhang aniya. "Zack and I kissed and ge did this," iminustra ko ang daliri ko sa kung paano ang ginawa ni Zack sa akin. "Oh my freaking goodness!" hindi makapaniwalang aniya. "I know, Zylene. I'm so stupid!" nahihiyang kong sabi saka iniharang ang dalawang kamay sa mukha ko. Gusto kong maiyak dahil doon. Una, nakuha niya ang first kiss ko. Pangalawa naman ngayon ay ang V ko. I hate myself for letting him do that. "Talaga! Anong pumasok sa utak mo at pumayag ka!" sermon nito sa'kin. "I don't know," mangiyak ngiyak kong sabi. "Please, don't tell anyone about this, not even with Zack." pakiusap ko. Tumango lang ito saka yumakap sa akin. Maghapon akong tulala lang sa klase ko. I can't believe to myself na ganon lang pala ako kadali makuha. Sa kabilang banda ay pinagpapasalamat ko na inilayo ako ni Zack sa lalaking humawak sa bewang ko kagabi, dahil nasisigurado kong mas malala pa doon ang mangyayari. "Mauna na 'ko, Reign. Magdedate kasi kami ni Ryden, 'e. Bye." nagulat man ay wala ako sa mood para usisain pa ang bagay na yun. Alam ko namang hindi siya papatulan ni kuya at lumalabas lang sila dahil nakiusap ako kay kuya na libangin si Zylene para makalimutan niya na si Yno. Wala akoang dalang kotse kaya naman inaantay ko si Lanz sa kotse niya. Naka lock iyon kaya hindi ako makapasok sa loob. May isa pa kasi siyang subject at isang oras mahigit pa iyon, kaya sumandal na lang muna ako sa hood ng kotse niya dahil sa ngalay. Maya maya ay nakita ko si Zack na papunta sa kotse niya, agad akong tumakbo papunta sa likod ng kotse ni Lanz para doon sana mag tago, umaasa na sana ay hindi niya ako nakita. Nang akmang sisilipin ko ito ay nakita kong nandodoon na siya sa harap ko, dahilan para matawa ako ng pilit. "Nand'yan ka pala? K-kanina pa ba?" natatawang kunwaring sabi ko. "Get in the car, let's talk." aniya saka nagpaumunang maglakad papunta sa kotse niya. Inismiran ko lang siya kahit hindi niya naman kita 'yun. Nang buksan niya ang pinto ng kotse niya ay inaantay niya akong sumakay don, pero sadyang desidido ako na hindi siya kausapin. Napangiti ako ng mapansin ko si Lanz na papunta sa gawi na'min. Tinapunan ko ng tingin si Zack saka nakangising naglakad para salubungin si Lanz. Hinabol ako nito ng tingin kaya hindi ako nagdalawang isip na halikan sa labi si Lanz. "Reign?" nagtatakang sabi ni Lanz, pero sa halip na sagutin siya ay muli ko itong hinalikan, gumanti naman ito. Maya maya ay narinig ko ang pag start ng kotse ni Zack, dahilan para bumitaw ako ng halik kay Lanz. Nadaanan kami nito at kita ko kung gaano kaigting ang panga niya at ganon na lang kasama ang tingin niya ka Lanz. Sinadya nitong tumigil sa harap namin saka mapait na ngumiti sa akin, sandali pa itong tumitig bago muling pinaandar ang kotse niya. I'm sorry. to be continued.. [This is a work of fiction. Names, characters, events, places and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events, are coincidence.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD