Chapter 4

1368 Words
Reign POV Habang nag mamaneho ako pauwi ay nakikinig ako ng music sa phone ko. maya maya'y nag ring ito at nakita kong si Zylene ang tumawag. Agad ko naman iyong sinagot. "Hello, girl?" aniya. "Yeah?" matipid kong sagot. "Saan ka nagpunta? Bakit di ka na bumalik after mong mag cr?" tanong nito sa kabilang linya. "I just don't feel well, nagpunta lang ako sa clinic." pasisinungaling ko. "Why? What happen? Are you okay now? Nasaan ka?"sunod sunod na tanong nito sa akin. "On my way home," sagot ko. "What?! 'e 'di ba may sunod pa tayong klase? Bakit uuwi ka na agad, at paano ka nakalabas?" "Ang dami mo namang tanong, basta uuwi na 'ko." sagot ko. "Pag ikaw walang grades kay ma'am Andy, 'wag kong maririnig na magrereklamo ka ha?! Iniwan mo talaga ako? Dapat sinundan na lang kita 'e." gusto kong matawa sa mga sinasabi niya pero sadyang wala ako sa mood para patulan ang mga sermon niya. "Okay, whatever, Zy." walang ganang sagot ko. "Pag nalaman ko kung sinong guard ang nagpalabas sayo sa campus, I'll tell dad to fire him as soon as possible!!" "Go ahead," nang aasar kong sagot saka siya pinatayan. I know her, hindi niya kayang gawin 'yun dahil maaawa lang siya sa guard na 'yun. Nakailang tawag pa ito sa akin pero hindi ko na iyon pinansin. Nang makauwi ng bahay ay namuo ang naghahalong emosyon sa dibdib ko. Kaya ko na ba? Napabuntong hininga na lamang ako saka naglalakad papunta sa loob ng bahay. Sinalubong ako ni manang at kinuha ang bag ko. Saka yumuko sa akin. "Where's Rayleigh?" agad kong tanong. "Ah umalis po sila, kasama sina ma'am at si sir Ramuel. Kasama rin po nila si Rhyden." aniya. "What? Hindi ba pumasok si Rayleigh?" tanong ko. "Hindi na po siya pinapasok ni sir. Ram—" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agad akong umakyat pataas, dumeretcho ako sa kama ko at dumapa doon. Sino ba siya para pigilang pumasok si Rayleigh? Ang dami daming oras para gumala silang apat, ngayon pa talaga na may pasok siya? Nakaramdam ako ng lungkot at kirot sa dibdib ko ng maisip ko iyon. Galit ba ako kasi hinayaan nilang ma miss ni Rayleigh ang lesson sa school niya o naiinggit lang ako kasi hindi nila ako isinama? Tumihaya ako at doon na namuo ang mga luha ko. Masakit, parang ang unfair. ——— Nagising ako dahil sa sunod sunod na katok sa kwarto ko. "Ate Reign," it was Rayleigh. Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto ng marinig ko ang boses niya, laking gulat ko naman na hindi lang pala siya ang nasa labas ng kwarto ko. Nandoon din si mom and dad. Excited kong niyakap si mommy at kinamusta siya. Kita ko kung gaano siya kasama, napansin ko rin ang pagka glow ng aura niya. She's not stressed, anymore. "Kamusta ka na?" nahihiyang tanong ni dad sa akin. Wala akong nagawa kundi ang ngumiti at yumakap rin sa kaniya. "Mabuti naman ho, kayo ho ba?" pilit ang ngiting tanong ko. "Magaan na ang loob ko at nakita na muli kita," sinserong aniya. "Na miss kita, anak!" pahabol nitong sabi, saka marahang yumakap sa'kin. Ramdam kong tumulo ang luha ko kaya agad ko iyong pinunasan. I know deep down there na namiss ko rin siya. "Sus, oh s'ya tama na 'yan. Halina tayo sa baba at kumain, nagluto ako ng paborito niyo." excited na sabat ni mommy. "Let's go, baby." anyaya nito kay Rayleigh. "Yey! Mommy you know what, namimiss namin lagi ni ate Reign yung foods na niluluto mo sa'min." pagpapa cute ni Rayleigh. Natawa naman si mommy dahil doon. "I know, that's why pinagluto ko kayo ni ate Reign mo," masayang sabi niya. Habang kumakain kami ay panay ang kwento ni kuya Rhyden kay Allison, girlfriend niya. "Oh I want to meet her, soon. Kailan mo balak ipakilala sa'min ng daddy mo 'yan?" masayang tanong ni mommy. "Soon mommy, super busy niya lang talaga these past few days. You know, graduating kasi." nag aalangang sagot ni kuya. "I see," aniya bago tumingin sa akin. "how about you, Reign?" nagtataka akong tumingin saka natawa ng ma realize kung anong ibig niyang sabihin. "Definitely not gonna happen," mapait kong sagot. "Bakit naman?" puno ng kuryusidad na tanong ni daddy. Gusto kong matawa dahil sa kaniya pa mismo nanggaling ang tanong na iyon. Nag iwas ako ng tingin at hindi na sumagot dahil baka kung ano lang ang masabi ko. "Well, as far as I remember may gusto ng manligaw diyan 'e." tatawa tawang sabat ni kuya Rhyden, dahilan para mag angat ako ng tingin at nagtatakang tumingin sa kan'ya. "Really? Sino?" excited na tanong ni mommy. Nagkibit balikat lang ito, saka tumingin sa'kin. "Ask her." nang aasar nitong sagot. I know niloloko niya lang ako para umamin ako, pero di niya ako mahuhuli kasi wala namang nagtatangkang manligaw sa'kin sa school. "Liar." ungot ko. Natawa ito. "Well, I do have a source." aniya. Tinitigan ko siya at alam kong may nalalaman siya. "Pinapabantayan mo ba ako?!" inis kong tanong. "Not really," simpleng sagot niya. "I hate you!" singhal ko sa kan'ya saka mabilis na tinapos ang pagkain. Nang matapos kumain ay umakyat na agad ako para mag review. May long quiz kasi kami bukas kay sir chua, at ayokong bumagsak don dahil alam kong bagsak ako sa kan'ya sa recitation dahil sa pag alis ko. Maya maya ay na bored na 'ko sa pag rereview kaya nag scroll muna ako sa ig ko. There's a follow request kaya agad kong tiningnan kung sino. It was Derick. Tss, ano na naman kailangan nito at pati sa ig nakakarating siya? Sa halip na iaccept ay instalk ko na lang ito. Nang mag scroll ako ay agad bumungad sa akin ang picture niya at ng isang babae, naka akbay sya dito habang ang babae naman ay nakahawak sa bewang niya. "May girlfriend pala siya?" wala sa sariling tanong ko gayung ako lang naman ang tao sa kwarto ko. Nag scroll ulit ako at sa pang apat na picture na nakita ko ay ibang babae naman ang kasama niya. Wala sa sariling natawa ako dahil kada scroll ko ay iba't ibang babae ang nandodoon. Ano ba to? Account ba talaga 'to o tambakan ng collection niya? Iiling iling kong tanong. Ipinagpatuloy ko lang ang pag sscroll hanggang sa nakita ko ang picture nilang lima na makakasama. Agad hinanap ng paningin ko ang pangalan ni Zack na agad ko rin namang nakita. helton_adams.. Zack Helton Adamson. Walang pagdadalawang isip kong pinindot ang profile nito. At don ako nag scroll nang nag scroll. Para akong baliw na ngumingiti sa mga short videos na nakapost sa timeline niya. Shet! Ang gwapo. Hindi ko napigilan ang kinilig ng marinig ko ang boses niya habang kumakanta. Pamilyar ang boses na iyon sa akin at hindi ko alam kung kelan ko iyon narinig pero ang masasabi ko lang ay napakasarap nitong pakinggan. Agad akong nalungkot ng makarating ako sa pinakauna niyang post sa account na 'yun. it's November 8, 2023. Nang akma akong magbabasa ng comment ay aksidenteng kong napindot ang liked. Ganon na lang ang taranta ko ng biglang nawala ang wifi kaya hindi ko agad naalis ang react ko sa post niya. "SHET! SHET! SHET" Nang bumalik ang network ay agad kong inalis ang react ko sa post niya, saka nanlalambot na humiga sa kama ko. Hindi niya naman siguro nakita 'di ba?! Nang marinig kong tumunog ang cellphone ko ay nagdadalawang isip pa ako kung titingnan ko ba o hindi ang notification na natanggap ko. Natatakot ako na baka nakita niya at malaman niyang instalk ko siya. "Shet! 'wag naman sana!" mangiyak ngiyak kong sabi. Nang magkalakas ng loob ay saka ko lang ito tiningnan. from: helton_adams. Looks like someone is having fun stalking me, huh? sent. 7:19 pm. Natulala ako at nabitawan ko ang cellphone ko ng mabasa ko iyon. F*ck. to be continued.. [This is a work of fiction. Names, characters, events, places and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events, are coincidence.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD