Reign POV
Kinabukasan ay maaga akong pumasok para hanapin ang libro na aaralin ko sa library ng school. Kulang kasi ang notes na binigay sa akin ni Zylene kahapon, alam kong wala rin siya sa focus sa discussion ni sir. Chua, dahil sa akin.
Nang makarating sa loob ng library ay agad kong hinahanap ang libro sa math, it's all about arithmetic. Limited kasi ang libro na 'yun sa library na 'to kaya mahirap hanapin.
Napangiti ako ng makita ko ang hinahanap ko, may kataasan ito pero alam kong abot ko naman, pero sa isang iglap ay agad itong nakuha ng ibang tao.
"What the— hey!" habol ko sa lalaking kumuha ng librong iyon ng makitang mabilis itong naglakad palayo sa akin.
"Hey! Hey! Akin 'yan, ako ang nauna!" patuloy kong habol dito. Hindi ko kasi pwedeng hayaan iyon sa kan'ya dahil kailangang kailangan ko ang librong iyon, dahil kung hindi ay talaga mapapahiya ako sa klase ni sir.
"Please, I badly need that book!" nawawalan na ng pag asang sabi ko dahil hindi ako pinapansin ng lalaking iyon.
Saglit itong tumigil saka nagbuntong hininga at marahan lumingon sa akin. "here," mahinahong aniya.
Agad ko naman iyong kinuha. "thank you!" masaya at sinserong sabi ko.
Agad akong naghanap ng upuan saka nagsimulang mag sulat sa notes ko. Sa ganong paraan kasi ay mas natatandaan ko ang inaaral ko.
Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng antok dahil sa pagka bored ko sa pag rereview, kaya napag desisyunan ko na sa room ko na lang aantayin si Zylene.
Akma akong tatayo ng biglang may sumulpot sa likod ko dahilan para magpatak ang libro na hawak ko.
"I'm sorry," agad inabot sa akin ng lalaki ang librong nagpatak.
Ito 'yung lalaki kanina.
Nang ma realize ko na siya ang lalaking kaagaw ko sa librong ito kanina ay agad akong ngumiti sa kan'ya.
"It's okay, anyways, kailangan mo pa ba itong book? Tapos na 'kong gamitin." alok ko sa kan'ya.
"I do, kanina pa kong naghahanap ng librong ganyan, but wala talaga akong makita 'e." nahihiyang aniya.
Agad ay nakaramdam naman ako ng hiya dahil do'n. "Pasensya na, kailangan ko rin kasi talaga." paghingi ko ng paumahin.
"Ah, no. it's okay," sagot niya.
"You must be Lanz Killian Ashford, aren't you?" lakas loob kong tanong sa kan'ya. Balita ko mailap siya sa babae, 'e. Totoo kaya?
"How do you know my name?" nagtataka aniya.
"Long story short, kaibigan ko si Zylene."
"Zylene?" umakto itong nag iisip. "Ahh yeah, Zylene Adamson." natatawang aniya.
"Yes, madaldal kasi 'yun 'e. Nakwento ka niya, together with your friends." natatawa ring sagot ko.
"Tsk, Why does it feel kinda awkward, when I know, kinwento niya lang kami because of Yno, right?"
"Bingo!" biro ko.
Natawa ito saka nakipagkamay sa akin. "Lanz from architecture department, and you are?"
"Agatha, journalism." nakangiting sagot ko, saka inabot ang kamay ko sa kaniya.
"Well, I think I gotta go na, mag start na kasi ang klase ko. It's nice to meet you, Lanz." paalam ko.
"My pleasure to meet you," nakahawak ito sa dibdib kasi marahan yumuko.
What a gentleman. Ibang iba siya kay Zack, Yno, at Derick. Psh.
---
Nang makarating sa room ay napansin kong nandoon si Zack, si Yno, at si Derick. Tss, ano naman kayang ginagawa ng mga 'to dito? Halos lahat ng babae ay nakapalibot sa kanila, agad kong tiningnan si Zack para lang mainis. Kulang na lang kasi ay halikan niya ang babaeng kausap niya. Hindi naman nila napansin ang presensya ko dahil busy sila sa pakikipag landian sa mga kaklase kong babae.
Inis kong inalis ang paningin ko doon, saka ko lang napansin na nandun na pala si Zylene. Nilapitan ko agad ito saka inirapan. "Antay ako nang antay sa library, nandito ka na pala." sabi ko.
"Yeah, kanina pa 'ko dito!" madiing aniya, hindi man lang ako nililingon.
"Nangyari sa'yo?" nagtatakang tanong ko.
Hindi ako nito kinibo. Agad kong napansin ang hawak nitong ballpen, mariin niya iyong isinusulat sa notebook niya, kahit hindi naman siya doon nakatingin. Punit punit na ang papel ng notebook na nasa harap nito dahil sa diin ng pagsusulat niya.
Gusto kong matawa ng mapansin na sa mga babaeng nakapalibot lang kay Yno ang tinititigan nito. Tila walang pakialam sa sa mga babaeng nakapalibot sa kapatid niya.
Nagseselos ba siya?
Wala sa sarili akong natawa dahil sa naisip ko. Muli kong nilingon si Zylene. "Alam mo nakakamatay 'yang selos, kung ako sa'yo, susugudin ko na." pang aasar ko dito.
"Ha? Anong selos ka d'yan?! Ba't naman ako magseselos 'e ang papangit ng mga 'yan!" bulyaw nito sa akin saka tumayo at inis na lumabas ng classroom. Di ko napigilan ang matawa dahil doon.
Hindi ko na siya sinundan at pinagmasdan kung paanong nagbago agad ang aura ni Yno ng mapansin na wala na doon si Zylene. Agad ay pinagtabuyan niya ang mga babaeng kanina lang ay nilalandi niya, saka nagpaalam kay Zack at Derick bago tuluyang umalis.
Hmm, I smell something..
"Hi, Reign!" agad nagbago ang nakangiti kong mukha ng marinig na tinawag ako ni Zack. Babaero talaga.
Lumapit ito sa akin saka nakangiting naghalumbaba sa desk ko. Inis ko siyang tiningnan.
"Ano na naman bang problema mo? Don ka nga!" singhal ko dito. Kita ko ang pigil nitong tawa saka lumingon kay Derick na nanonood na rin pala sa amin.
"Ang arte mo naman, pasalamat ka nga nilalapitan pa kita 'e. Kita mo ba 'yang mga babaeng 'yan? Naghahabol sa'kin 'yan, tapos ibagtatabuyan mo lang ako? Ang sakit!" aniya saka humawak sa dibdib niya at umarteng parang nasasaktan talaga siya.
"Pwede ba, kung naghahabol sila sa'yo, pwes don ka. 'Wag kang nanggugulo dito. Don ka sa mga babae mo!" inis na sabi ko.
Nantitrip talaga 'tong lalaking 'to, 'e.
Agad sumilip ang mapang asar nitong ngiti at tingin sa akin. "Nagseselos ka ba?" mayabang na tanong niya. Napaamang ako dahil don.
"Ang kapal naman ng mukha mo!" bulyaw ko saka tumayo, aalis na sana ako ng hawakan nito ang braso ko. Saka marahang tumayo sa harap ko.
"Pakipot ka pa, gusto mo rin naman ako," nang aasar nitong sabi. Agad ay dumapo ang palad ko sa pisngi nito dahilan para dumugo ang labi nito. Pero sa halip na magalit ito ay ngumisi lang ito ng tinikman anh dugo na nanggaling sa gilid ng labi niya.
"You're playing hard to get, huh?" aniya.
"Talaga ba, Zack? Well, lilinawin ko lang sa'yo ha? Hindi kita gusto." mariing sabi ko.
"Really? Then, what about last night?" pilit man niyang itago ay alam kong nagtataka siya. Bigla akong namula ng maalala kong aksidente akong nakapag react sa post niya.
"It wasn't me, it's.... it's Rayleigh. Napindot niya siguro." Palusot ko.
"Rayleigh?"
"Yes, 'yung kapatid ko 'yun." pilit kong depensa sa sarili ko. Natawa na lang ito habang nakatitig sa'kin, "okay." aniya saka nag umpisang maglakad palabas ng room.
Doon ay agad akong nakahinga ng maluwag ng tuluyan silang makalabas ng room.
"Pakipot ka pa, gusto mo rin naman ako." muling umugong sa pandinig ko ang sinabi nito.
Wait, what?! Rin? Gusto ko rin siya? Ibig ba non sabihin ay gusto niya ako?
"Aray!" nagulat ako ng biglang may tumama sa mukha ko na crumpled papers. Inis akong nag angat ng tingin at doon ko napansin ang masasamang tingin sa akin ng mga kaklase ko.
"Malandi ka!" sigaw ni Ashley sa akin.
"Oo nga, malandi ka! Pati si Zack nilalandi mo!" sigaw naman ng kaibigan nito.
Nakangisi kong nilimot at ibinato rin sa kan'ya ang crumpled paper na binabato nila sa akin.
"Hindi mo ba nakitang siya ang kusang lumapit sa'kin?" mayabang kong sabi. Kita ko ang pikon nito sa mukha ng sabihin ko iyon.
"Malandi ka talaga ano? Kahit sino papatulan mo?" insulto nito sa akin ngunit sa halip na mapikon ay lalo akong natawa dahil sa itsura nito.
"Ang lungkot siguro ng buhay mo 'no? Wala sigurong magkagusto sa'yo? Well, di ko rin naman sila masisisi. I mean, look at you. Isa kang desperada, low class, low brainer at isang talunan." inirapan ko ito saka dinampot ang bag ko, para sana lumabas at hanapin si Zylene.
Hindi na kasi dumating ang prof namin, hindi ko alam kung bakit. Pero bago pa man ako tuluyang makaalis sa kinatatayuan ko at may biglang sumabunot sa akin, dahilan para ma out of balance ako at makaupo sa sahig.
"Well, tingnan na'tin kung sino ang tunay na talunan sa ating dalawa." angil sa akin ni Ashley. Wala akong nagawa ng bigla itong umibabaw sa akin saka ako pinagsasampal. Hawak kasi ako ng dalawa niyang alipores, kaya wala akong laban. Makaalis lang talaga ako dito, ay sisiguraduhin kong ipaparanas ko rin sa inyo 'to.
Doon ay pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay dahil sa hapdi ng paulit ulit na sampal sa akin. Maya maya ay rinig kong may isang lalaking sumigaw dahilan para tumigil si Ashley sa pag sampal sa'kin.Kung sino man 'yun, gusto kong magpasalamat sa kan'ya.
Maya maya ay may lumapit sa akin na lalaki, hindi ko na siya makilala dahil nanlalabo na ang mata ko dahil sa luha ko.
"Agatha.."
to be continued..
[This is a work of fiction. Names, characters, events, places and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events, are coincidence.]