Chapter 6

1651 Words
Reign POV Nagising ako ng nakahiga ako sa isang kama sa clinic. Iginala ko ang paningin ko saka inisip kung anong nangyari sa akin. Hinawakan ko ang mukha ko, ramdam ko ang hapdi ng pisngi ko. Doon ko naalala kung paano ako pinagtulungan ng mag kakaibigang sina Ashley. "Agatha.. you're awake. Kamusta pakiramdam mo?" natulala na lang ako ng makita ko si Lanz sa harapan ko. Why is he here? "I feel pain," sagot ko. Inabutan naman ako nito ng tubig, na agad ko rin namang ininom. "Ano bang nangyari? Bakit pinagtutulungan ka nila?" puno ng kuryusidad nitong tanong. "I don't know." palusot ko. Maya maya ay naalala kong kaibigan nga pala ito ni Zack. "are you and Zack, still friends?" biglang tanong ko. Naguluhan naman ito sa tanong. "Yes, why?" kunot noong aniya. "Wala lang, it's just that.. kaya nangyari sa'kin 'to, is because of him." nakayukong sabi ko. Nahihiya man ako ay pakiramdam ko ay kailangan kong sabihin sa kan'ya 'yun, at umasa na pakiusapan niya si Zack na tigilan na ako. "Really? Why?!" tanong niya. Agad kong ikinwento sa kan'ya ang nangyari dahilan para mapahiya ito para sa kaibigan niya. "I'm sorry," sinserong aniya. Natawa ako. "It's not your fault, anyway." "I know, pero nahihiya ako sa'yo dahil sa ginawa nila, especially Zack." "Ano nga pala ginagawa mo sa room ko nung time na 'yun? Paano mo nalaman na ako 'yung pinagtutulungan nila?" kunot noong tanong ko. "Ah yeah, inutusan kasi ako ni sir. Chua to get your attendance. May biglaan kasi silang meeting kaya hindi niya kayo napuntahan kanina, then when I was in front of the door. I heard a noise at nagkakagulo na 'yung mga estudyante sa room. That's why, agad akong pumasok and then I saw a girl na pinagtutulungan ng tatlong babae. So, I shouted. Nang umalis sila sa harap mo ay saka ko lang nakita na, it was you. Nung nakita kita, nilapitan agad kita at dinala kita dito. And guess what?" pabitin nitong tanong. "What?" tanong ko. "I reported them to the guidance, Zylene was there, too. She wants to kick them out, and her dad— principal Adamson, agreed." nakangiting aniya. Nagulat ako dahil doon. "Totoo ba 'yan?" gulat kong tanong, tango lamang ang isinagot nito sa akin. Natuwa ako doon, "thank you, Lanz for helping me." wala sa sarili ko itong nayakap na siyang ikinagulat nito. "Can we be friends?" tanong ko matapos humiwalay ng yakap sa kan'ya. "Of course," walang alinlangang aniya. Matapos naming mag kwentuhan ay napag desisyunan ko na bumalik sa room ko, dahil pakiramdam ko ay kaya ko naman. Inihatid ako ni Lanz sa room saka nagpaalam na babalik na rin siya sa klase niya. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil nagkaroon na ulit ako ng bagong kaibigan, bukod kasi kay Zylene ay hindi na ako nagkaroon pa ng iba pang kaibigan. Selosa kasi si Zylene. "Girl, I'm sorry kung iniwan kita, hindi ko dapat 'yun ginawa. Look at your face, pulang pula pa rin siya. Pag talaga nakita ko pa ulit 'yung tatlong 'yun. I swear, kakalbuhin ko talaga sila!" magkahalong inis at pag aalala na sabi ni Zylene. "Shh. Don't worry, okay na 'ko. May tumulong sa'kin kanina," nakangiting sabi ko sa kan'ya. Inismiran naman ako nito. "You like him 'no?" walang pagdadalawang isip na tanong nito. "Tss. Di pwedeng natuwa lang kasi may tumulong? Isa pa, dahil 'to sa kapatid mo, kaya nangyari 'to 'no?" tinaasan ko siya ng kilay. Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "Look, I'm sorry. I really hate kuya Zack! Sinumbong ko siya kay dad, that's why grounded sya for a week. 'Di siya pwedeng bumarkada, bahay at school lang siya. Well, deserve niya 'yun." inis nitong sabi. Niyakap ko ito. "Thank you," "Che!" ———— Maganda ang gising ko dahil sabado na ngayon, wala ng pasok bukas kaya naman makakapag relax na ako. Agad akong naligo at nag ayos papunta ng school, kita ko sa salamin na nasa bathroom ko ang maliliit na pasa na nasa mukha ko. Bakat iyon ang daliri ni Ashley. Tinakpan ko iyon ng concealer para hindi na masyadong mahalata nina mom and dad. Kagabi kasi ay gabi na ako umuwi para tulog na sila at hindi nila ako makita. Nang makababa ng sala ay agad kong binati si mommy, si daddy, si kuya Rhyden, at si Rayleigh. "Looks like someone is in a good mood," nakangiting bungad sa akin ni mommy. "Mahal, naalala mo gan'yan rin kaganda ang ngiti at mood mo kapag nakikita mo 'ko?" gatong naman ni daddy. Namula naman si mom dahil doon. "Huh? I am not kaya!" tanggi ni mom. "What do you mean, dad? Do you mean, Reign is in love?" pang aasar sa akin ni kuya Rhyden. Oh yeah! Here we go, again. "I gotta go," paalam ko matapos marinig iyon. Natatawang sinundan ako ni kuya at dad ng tingin, habang si mom naman ay panay ang pigil sa akin. Tsk. Ako na naman ang pagtitripan nila. Nang makarating sa school ay nakita ko si Lanz na nakatayo sa harap ng room ko. Agad ko naman itong nilapitan. "Lanz, bakit nandito ka?" nakangiting tanong ko ng tuluyan akong makalapit sa kaniya. "Inaantay kita, wala si sir. Chua. Pirma ka na lang dito." aniya sa akin saka inabot ang attendance ng section ko. Agad ko iyong pinirmahan saka muling ibinalik sa kaniya. "Dyan ka lang," aniya saka ako iniwan. Pumasok siya sa room saka nagsalita sa unahan. Pagbalik nito ay hindi niya na dala ang attendance sheet namin. "Let's go." sabi niya saka ako hinila palayo doon. "Where are we going?" tanong ko. Hindi naman ito sumagot kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsama sa kan'ya, hindi niya kasi binibitawan ang braso ko. Tss, akala mo naman tatakasan ko siya Tumigil kami ng makarating kami sa music room. "Ba't mo 'ko dinala dito?" puro ng kuryusidad na tanong ko. Hindi ito umimik, bagkus ay naglakad ito papasok at kinuha ang gitara na nandoon. Bat niya ba ako sinama tapos, di niya ako kakausapin? Naupo ako sa tabi nito ng mag umpisa itong tumipa sa string ng gitara. "Minamasdan kita, ng 'di mo alam. Pinapangarap kong ikaw ay akin. Mapupulang labi, at matitingkad mong ngiti. Umaabot hanggang sa langit." tumingin ito sa akin habang kinakanta iyon. Tuloy ay feeling ko ay hinaharana niya ako. "Minamahal kita, ng di mo alam. 'Wag ka sanang magagalit. Tinamaan yata talaga ang aking puso, na dati ay akala koy manhid." "'Wag ka lang titingin ang baka matunaw ang puso kong sabik.." napangiti ako dahil sa lamig at ganda sa pandinig ng boses niya. Gusto kong aminin na kinikinilig ako ay nangibabaw sa akin na hindi ganitong lalaki ang tipo ko. He's too nice para sa akin. "Sa iyong ngiti, akoy nahuhumaling. At sa tuwing ikaw ay gagalaw, ang mundo ko'y tumitigil." it feels weird na biglang pumasok sa isip ko si Zack. I know I don't like him, either. Pero bakit? Ang pangalan mo, sinisigaw ng puso. Sanay napansin mo rin ang lihim kong pag tingin." nang matapos ito ay ngumiti ito sa akin. "Do you know how to play guitar?" tanong nito sa'kin. Agad akong umiling. "Gusto mo, turuan kita?" tanong ko. Napangiti ako dahil doon. I really want to learn how to play it, kaya naman na excite ako sa sinabi niya. "Yes, I badly want to learn it." excited kong sabi. Agad nitong ibinigay sa akin ang gitara saka tumayo at pumunta sa likod ko. Lumapit ito sa akin saka hinawakan ang kamay ko, at sa paraang iyon niya ako tinuran. Puno ng tawanan ang music room dahil sa aming dalawa. Nahihirapan kasi ako sa pag patong ng daliri ko sa strings dahil masyado itong mataas. Sabay kaming natigilan ng biglang bumakas ang pinto ng music room. "Oh, dre, nandito ka pala? Kamusta? Long time no see ah?" agad kong nilingon kung sino iyon, nagulat ako ng makita kong si Yno iyon. Agad akong yumuko at umasang hindi niya ako mapansin. "I'm good, how about you guys?" masayang sagot ni Lanz kay Yno saka sila nag yakap. "Ayos na ayos kami, tol. Wait, sino 'yang kasama mo? Hindi ka na nagsasabi, ha? Babaero ka na rin pala." agad akong nilapitan nito saka ako tinitigan, wala sa sariling nag angat ako ng tingin sa kan'ya, doon ko nakita ang gulat sa mukha ni Yno ng makita ako. "Yowhow! Tama ba 'tong nakikita ko?" natatawang tanong ni Yno. "Dre, look!" aniya saka ako tinuro kay Derick. Nanlaki ang mata ni Derick ng makita na ako ang kasama ni Lanz. "Patay na!" gulat na aniya. Agad naman akong hinawakan at hinila ni Lanz para sana lumabas na. Hindi pa man kami nakakalabas ng pinto ay bumungad sa harap namin si Zack na noon ay kararating lang. Kunot noo itong nagpalit tingin sa aming dalawa ni Lanz, tsaka tumingin sa kamay naming magkahawak, bahagya itong natawa, hindi man niya ipahalata ay alam kong sarkastiko ang tawang iyon. Nang makita iyon ay sinubukan kong alisin ang kamay ko sa kamay ni Lanz, pero hinigpitan niya ang hawak dito. Inismiran kami nito saka nagpatuloy sa pagpasok sa music room. Ramdam kong sinagi niya ang balikat ni Lanz dahil gumalaw ang katawan nito. Problema non? Agad akong hinila ni Lanz palabas pero sa halip na sa daan tumingin ay nilingon ko pa si Zack. Nakita kong nakatitig ito sa amin habang nakaupo sa sandalan ng sofa, nakapamulsa ito habang ang kamay ay nasa magkabilang bulsa. Kitang kita ko kung paano ito muling ngumiti sa akin, nanibago ako sa ngiting iyon. Parang may mali doon at hindi ko alam kung ano iyon. to be continued.. [This is a work of fiction. Names, characters, events, places and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events, are coincidence.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD