Chapter 7

1849 Words
Reign POV Nagising ako matapos ang sunod sunod na katok sa pinto ng kwarto ko "Reign, anak. Gising na, may bisita ka dito sa baba." pasigaw na sabi ni mom, maya maya ay narinig ko ang footsteps nito na pababa na. Bisita? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Kunot ang noo kong nag sipilyo saka naghilamos ng mukha. Nag ayos lang ako ng kaunti saka itinali ang buhok ko. Nang presentable na ang aura ko ay saka ako bumaba para tingnan kung sino iyon. Nang silipin ko ay nakaupo ito sa sofa habang kaharap niya si Rayleigh. Rayleigh is standing in front of him while her arms are crossed. Gusto kong matawa, alam ko kasi na panay ang tanong niya dito. Pero sa halip na pansinin iyon ay napako ang paningin ko kay Lanz na nakaupo ngayon sa sofa sa sala namin. Nang makita ako nito ay agad itong tumayo. "Hi." aniya. Nginitian ko naman ito pabalik. "Why are you here? At paano mo nalaman kung saan ang bahay ko?" nagtatakang tanong ko. "Oh.. g-gusto ko lang alamin kung o-okay ka na. Kasama ko si Zylene, k-kaya nalaman ko ang bahay n'yo." utal na aniya. "Hi, sis. Kamusta pakiramdam mo? Are you okay, now?" ani Zylene habang hawak ang isang plato ng tasty at isang bote ng strawberry jam. Ang kapal talaga ng mukha nito. "I feel good now, actually." sagot ko habang nakangiti. "Well good! Kasi were going to bar, later." maarteng aniya. Nagkibit balikat lang ako saka nakikain ng tinapay. "Wait, let me see kung okay na yung bacon." sabi ni Zylene saka dali daling naglakad papunta ng kusina. Natawa ako, feel at home na feel at home talaga siya dito. "Mukhang sanay na sanay dito si Zylene, ah." sabi ni Lanz. "Yeah, halos dito na kasi 'yan tumira dati, 'e." pabiro kong sabi. "Do you like my ate?" nagulat ako ng biglang magsalita si Rayleigh. Hindi ko napansin na nandito pa pala siya at nakamasid pa rin sa amin. Magkatabi kasi kami ni Lanz sa sofa. "Pst. Rayleigh, go back to your room." seryosong sabi ko. Hindi siya nakinig, sa halip ang mga mata niya ay nanatiling nakatingin kay Lanz. "Rayleigh!" pag tawag ko. Pero sadyang desidido siyang malaman ang sagot kay Lanz. Agad kong nilingon si Lanz, pakiramdaman ko ay hindi na siya komportable sa upo niya. "Look, I'm sorry. Ngayon lang kasi may pumuntang lalaki dito kaya ganyan siya, 'e." paghingi ko ng pasensya dito. "No, it's okay. Let me handle this," aniya. Saka tumayo at lumapit sa kinaroroonan ni Rayleigh. "Do you really wanna know?" tanong ni Lanz kay Rayleigh. Tumango naman si Rayleigh sa kan'ya. "Okay, let me tell you." dugtong niya saka bumulong kay Rayleigh. Agad nagbago ang ekspresyon ni Rayleigh matapos umagwat ni Lanz sa kan'ya. Tumingin ito sa akin saka nagpipigil ang ngiti na umalis. Sa curious ko ay agad kong hinila sa braso si Lanz. "Anong sinabi mo?" nagtatakang tanong ko. Ngumiti ito. "Secret," nang aasar na aniya. "Hala, ano nga?!" pangungulit ko dito habang hawak pa rin ang braso niya. "Wala nga—" "What on earth is happening now?!" Sabay kaming napalingon ni Lanz sa pinanggagalingan ng boses. It was kuya Ryden. Paktay! Agad akong tumayo. "Kuya, you're here na pala? Kanina ka pa ba?" aligagang tanong ko. Kunot ang noo ako nitong tiningnan, saka nilingon si Lanz. Nang lingunin ko si Lanz ay sinensyasan ko agad ito na umalis na. Baka kasi magalit si kuya Rhy sa nakita niya. Malisyoso pa naman ito. "Bro! Kamusta?" nakangiting bati ni Lanz. Shit! Anong ginagawa niya? Bakit feeling close siya?! "Yow! Long time no see." natigilan ako ng sumagot si kuya Rhy ng ganon saka bahagya akong tinulak, para yakapin si Lanz. "I don't understand." wala sa sariling sabi ko. "Magkakilala kayo?" dugtong ko. Natigilan naman ang dalawa saka ako nilingon, sabay silang natawa. "Of course, ka banda ko siya sa school, way back then. He's the drummer and I'm the guitarist." sagot ni Lanz. "Yeah! Magkaiba lang kami ng year level that's why si Ethan ang pumalit sa akin nung naka graduate ako. Before I graduated, I trained Ethan, that's why kilala ko rin siya. Wala ka pa sa UB, when I graduated kaya di mo alam na magkakilala kami." natatawang sagot ni Kuya. So, kilala rin ni kuya si Zack? What a small world. Tumango ako. Maya maya ay tumingin ito sa akin. "Wait." aniya. "How did you know each other? Magkaiba rin kayo ng year level diba?" sabi ni kuya Rhy. Natigilan ako. "Long story." sagot ni Lanz nang hindi ako makasagot. "Don't tell me.." taas kilay na sabi ni kuya "No, you're just jumping into conclusion here. Kung ano man nasa isip, mali 'yan." tatawa tawang sabi ni Lanz. "Siguraduhin mo." aniya habang nakaturo kay Lanz saka sabay na natawa. Tss. Mga baliw. "Hi, Rhyden." agad kong nilingon si Zylene ng marinig ko ang boses niya. Kalalabas lang niya ng kusina habang dala ang bacon. "Oh hi, you're here, too." nakangiting bati ni kuya saka mabilis na lumapit kay Zylene. Bumeso ito saka nakipag chikahan kay Zylene. "Ba't di mo sinabi na kilala mo si kuya?" sabi ko kay Lanz. "I didn't know na kapatid mo siya, 'e." kakamot kamot sa ulo na aniya. "Anong meron sa kanila?" sabay tanong nito. "Crush niya 'yan." sabi ko habang nakangisi. "Crush? Nino? Ni Rhyden?" naguguluhan aniya. "No. Crush ni Zylene." sabi ko saka siya nilingon. Pansin ko ang pagkagulat nito. "Talaga? Nililigawan na ba siya ni Rhyden?" niya. "No, kapatid lang turing d'yan ni kuya, also kuya's has a girlfriend. Aware naman siya, kaso para siyang baliw, 'e." tugon ko saka nag kibit balikat. "But.. how about Yno?" tumaas ang kilay ko sa tanong niya. "They broke naman na 'di ba? Tsaka babaero 'yang kaibigan mo 'no." sabi ko saka siya inirapan. Kumuha ako ng tinapay at inagaw kay Zylene ang bacon na hawak niya. Yun ang ipapalaman ko dito. "So, wala ng chance si Yno?" curious niyang tanong. "Bakit mo ba tinatanong? Do you like Zylene ba?" pandidirekta ko. "W-What? No! I'm just curious." napahigop ito sa kape niya saka naupo sa sofa at tumabi sa'kin. Hindi na ako umimik at ipinagpatuloy ang pagkain ko ng tinapay. Maya maya ay narinig ko ang doorbell. "Excuse me," sabi ko saka tumayo at punta palabas. Nang buksan ko ang pinto ay inaninag ko kung kaninong kotse iyon pero hindi ko kilala. "Kuya? Are you expecting some guest? There's someone outside." sabi ko. "Yeah! I do." maikling sagot ni kuya saka patakbong lumakad palabas. Hindi ko na siya inaantay na makapasok. Siguro ay mga ka work niya lang 'yan, at naisipang mag inom dito sa bahay. Habang nag tatawanan kami ni Zylene at Lanz ay biglang natigilan sa pagtawa dahilan para lingunin ko rin kung ano ang tinitingnan niya. "Why are you here?" bago pa man ako maka react ay nakapagsalita na si Zylene at dumeretcho ng lakad papunta kay Zack. "Why? Ikaw lang pwedeng makipag meet sa friends mo?" nang aasar na aniya. "You're grounded, 'di ba?" inis na sabi ni Zylene. "Yeah? And who cares?" sarkastikong aniya saka nagpatuloy sa pagpasok. Wala pakialam sa kapatid niya. Kasunod niyang pumasok si Yno, si Derick at si Ethan. Pasimple ako nitong nilingon saka kumaway. Panay ang kwento ni Zylene about kay kuya Rhyden, pero hindi ko iyon iniintindi. Paulit ulit lang kasi ang kwento niya about sa simpleng pag follow sa kan'ya ni kuya at pag rereact sa mga pictures niya. Buti na lang at nandyan si Lanz, kaya hindi ko kailangang pakinggan kung gaano siya kapatay na patay sa kapatid ko. "Gutom na 'ko." agad kong nilingon si Zylene ng sabihin niya 'yun. "Gutom ka na naman?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Of course, kanina pa kaya tayong nagkekwentuhan no—" "Ma'am Reign, kakain na daw po. Ma'am, sir, sumabay na rin daw po kayo." maya maya'y sabi ni manang. "Finally!" sabi ni Zylene na animo'y kinikilig pa. Napailing na lang ako saka natatawang nilingon si Lanz. Nagkibit balikat lang ito saka natawa. Para akong nawalan ng ganang kumain ng makatapat ko si Zack sa hapag. Pag minamalas ka nga naman. Habang inaantay si Mommy at Kuya ay panay ang tingin ni Zack sa akin at kay Rayleigh. "Hi, baby girl." bati ni Zack kay Rayleigh. Pasimple kong nilingon si Rayleigh para tingnan kung anong reaksyon niya. Pigil ang tawa ko ng irapan ito ni Rayleigh. Nang lingunin ko si Zack ay masama na ang tingin nito sa akin, sa halip ay nginisihan ko lang ito. "Kain na kayo. Nako, ubusin niyo 'yan, ha? Ako nagluto niyan, pag di niyo inubos 'yan, magtatampo talaga ako." pabirong sabi ni mommy. "Ang sarap naman nito tita, specialty n'yo po siguro 'to." sabi ni Zack. Sus bolero. "Naku! Oo, specialty ko 'yan. That's Reign's favorite." nakangiting sabi ni mommy. "Ay parang si Reign po pala ito?" aniya. Taas ang kilay ko itong tiningnan. "Favorite ko." pabulong na aniya, pero sadyang sapat na iyon para marinig ko. Maya maya ay nabulunan si Lanz na katabi ni Zylene. Agad ko itong nilapitan at inabutan ng tubig. "Are you okay?" nag aalalang tanong ko. "Yeah! Thank you, excuse me." aniya saka tumayo. "Where's the bathroom?" "Over there, just turn right." sabi ko. Nag thank you ito saka naglakad palayo. "Yun lang, aray—" ungot ni Derick matapos sikuhin ni Zack. "You look so familiar." sabi ni mommy kay Zack saka tumingin kay Zylene. "Ah yeah, kapatid mo si Zylene." tatango tango na sabi ni mom. "And you, you're the ex boyfriend, right?" nang sabihin iyon ni mommy ay si Yno naman ang nabulunan. Gusto kong matawa pero nauna ang kuryusidad ko dahil hindi ko alam na aware si mommy sa bagay na iyon. "Mom? How did you know about that?" tanong ko. "Zylene is always here kaya, you didn't know? Na kwento niya sa'kin 'yan." natatawang sagot niya. Nilingon ko si Zylene dahil doon pero sadyang nagpatay malisya lang ito. "Excuse me po," sabi ni Yno saka patakbong pumunta ng cr. "E si Reign po ba? May ex na?" tanong ni Zack, nang aasar. "I don't know, wala pa siyang napapakilala sa akin, 'e. Meron ba?" pagkausap nito sa akin. "Who cares, mom?" wala sa mood kong sagot. "Reign." pagsaway sa akin ni kuya, inirapan ko lang ito. "How about a boyfriend? Do you have one?" curious na tanong ni Zack. Inis ko itong nilingon. "Why? Do you like her?" gulat kong nilingon si Rayleigh na katabi ko ngayon. "Rayleigh." saway ko dito. Pero sa halip na lingunin ako nito ay nakatitig lang ito kay Zack, agad kong nilingon si kuya Rhyden pero nag kibit balikat lang ito. Sinamaan ko siya ng tingin dahil alam kong may gusto rin siyang malaman. Matunog na natawa si Zack dahil doon. "Yes, I do." to be continued.. [This is a work of fiction. Names, characters, events, places and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events, are coincidence.]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD