13

2858 Words
Kinabukasan, sabay-sabay na mag-aagahan ang buong pamilya. Nauna nang nakaupo ang hari, reyna at Ricky nang dumating sabay-sabay sina Jessie, Jude at Niño. "Good morning po," bati nang tatlo. Humalik sila sa pisngi ng ina at ama. "Magandang umaga," anang reyna. Naupo ang tatlo sa pwesto nila sa lamesa. Nagdasal sila at nagsimulang kumain. "Kamusta na ang pakiramdam mo, Nathan?" tanong ng hari kay Nathan. "Maayos na po. Huwag nyo akong masyadong alalahanin Papa," wika ni Jude na sumagot bago muli sumubo ng pagkain. "Prinsipe Nathan, eto po ang binilin ni Colonel Alexi para sa iyo," anang taga-silbi na binaba ang isang basong tubig. "Salamat po," ani Jude. "Ano po 'yan?" tanong ni Jessie. "Tubig mula sa Phoenix Temple," sagot ng hari. Nagtaas nang kilay ang reyna. "Ayos lang ako, Ma. Precautionary measures lang po," wika ni Jude. "May hindi kayo sinasabi sa amin, Kuya," hinala ni Jessie. "Wala, Ja," tanggi ni Niño. "Ma, sina Kuya, oh? May tinatago," sumbong ni Jessie. "Hayaan mo na sila, Jaja," anang reyna. "Wala naman talaga," ani Ricky. "Tapusin nyo na ang pagkain. Aalis tayo maya-maya kaya ihanda nyo na ang gamit nyo," anang hari. "Alfred nakahanda na ba ang kotse?" tanong ng reyna. "Opo, Kamahalan. Nakahanda na rin po ang mga kabayo ng mga prinsipe ayon sa kanilang hiling," banggit ni Alfredo. "Mangangabayo po kayo?" gulat na tanong ni Jessie sa mga kapatid na lalaki. Tumango si Niño. "Balak namin bisitahin ang mga nayon na madadaanan nang hindi nakakagambala sa ibang tao. Kailangan natin malaman ang kalagayan ng mga tao sa labas ng palasyo," wika ni Ricky. "Maaari po ba akong sumama sa kanilang mangabayo?" tanong ni Jessie sa ina. Tumingin ang reyna sa hari. "Matatagalan po ang byahe papunta sa Lime, Prinsesa Jaja. Aabutin ng apat o limang oras po sa karaniwang ruta," lahad ni Alfred kay Jessie. "Kaya ko naman po," nangungumbinsing wika ni Jessie. "Pahihirapan mo naman ang security, Jessie," anang reyna. "Hindi po, Ma. Magiging mabait po ako Papa," apila ni Jessie sa ama. "Kung papayag naman ang mga Kuya mo," anang hari na patuloy kumain. "Ayos lang naman po, Mama. Ako na pong bahala kay Jessie," wika ni Niño. "Kung papayag ang Kuya Ricky mo. Security hazzard ang balak nyo," anang hari. "Nakakalimutan nyo po yata na kasama ko ang ilang miyembro ng Phoenix Unit ng REU," katwiran ni Jessie. Napangiti lang si Ren na noo'y nakikinig sa kanila. "Hindi makakasama si Drew ngayon, Kamahalan," pabatid ni Ren. "Anong nangyari kay Kuya Drew?" tanong ni Jude na nagulat. "Medyo masama pa rin po pakiramdam nya dahil sa aksidente noong isang hapon," tugon ni Ren. "Pakisabihan pong muna sya na magpahinga. Kakayanin naman namin ang sitwasyon sa Lime," wika ni Ricky. "Makakarating Kamahalan," wika ni Ren. "Anong masasabi mo sa tinuran ng Prinsesa, Ren?" tanong ng hari. "May katwiran po ang Prinsesa, Kamahalan. Isa sa pinakamahusay na security si Prinsipe Niño sa dati nyang Unit. Si Prinsipe Ethan naman po bihasa at isa rin sa pinagkakatiwalaan sa ACTSU pagdating sa mga SVIP. Kayo na rin po ang nagtiwala kay Prinsipe Nathan bilang security ng Prinsesa. Lalo na po siguro ngayong kapatid nila ang babantayan nila pero si Prinsipe Ethan pa rin po ang makakapagpasya nyan sa huli," sagot ni Ren. Tumingin ang lahat kay Ricky na tahimik lang na kumakain. "Kuya naman! Hindi ka naman nakikinig eh!" wika ni Jessie na naaasar. "Ano sa palagay mo, Ethan?" tanong ng reyna. Tumigil sa pagsubo si Ricky. "Maaari naman po namin syang isama. Isang kondisyon lang po susunod po sya sa utos namin ng walang tanong o reklamo," wika ni Ricky na tumingin muli kay Jessie bago muling sumubo. Tumingin ang lahat kay Jessie habang naghihintay sila ng kasagutan. "Sige po. Pangako po. Susunod po ako sa mga iuutos nyo Kuya," pangako ni Jessie. "Kung ganon ay maaari kang sumama sa amin," tugon ni Ricky na nakangiti. "Salamat po. Sa wakas makakasama ko ulit kayo mangabayo," ani Jessie na tumayo sa kinauupuan nya at niyakap si Ricky. "Pakihanda po si Hunter. Sya po ang sasakyan ng Prinsesa sa pangangabayo," pakiusap ni Ricky kay Alfred. "Opo. Pasasabihan ko na po ang mga tao sa kwadra," tugon ni Alfred. "Tsaka kung maari po sana na makasama natin si Arrow. Sya po nagligtas sa akin minsan. Gusto ko po sana syang makilala personal," ani Jessie na bumalik sa pwesto nya sa lamesa. Napangiti si Ricky, si Jude naman ay napailing samantalang kumunot naman ang noo ni Niño ng marinig iyon. "Ja, hindi ka pwedeng mamili ng security. Kung sino ang madestino at pinakaangkop sya ang ipadadala ni Kuya Alexi," paliwanag ni Ricky. "Tama si Kuya, Jaja," sang-ayon ni Niño na napangiti. "Hindi po ba kasama nyo si Kuya Arrow sa Unit, Kuya Nathan? Sabi po kasi ng mga kaibigan ko pogi po nya," tanong ni Jessie. Nasamid si Niño sa sinabi ni Jessie. Kaagad namang uminom ito ng tubig at bahagyang umubo. Si Jude naman ay napangiti lang. "Ayos ka lang Kuya?" tanong ni Jessie. "Pasensya na po. May nakaalala siguro sa akin," wika ni Niño na bahagya pang umubo. "Oo kilala ko sya. Mahusay syang detail. Nakasama din sya ni Kuya Niño mo. Bakit mo naitanong?" tanong ni Jude. "Wala naman po. Ang dami po kasing mga babaeng details dito sa palasyo ang humahanga sa kanya kaya nacurious po ako," banggit ni Jessie. "Naririnig ko nga na pinag-uusapan sya ng mga babaeng detail pati ng mga katulong mga Kamahalan," sabi ni Alfred. "Kung alam lang nila," bulong ni Jude sa sarili. Tinabig ni Niño si Jude na ngiting-ngiti. "Kumain na kayo para makapaghanda na tayo sa pag-alis. Baka mahuli pa ang Papa nyo sa appointment nya," anang reyna. Nagtapos ng pagkain ang lahat sa lamesa. Habang naglalakad patungo sa kwarto ay nagbilin si Ricky kay Jessie. Kasunod nila ang kambal at si Mike. "Full riding gear, Jaja. Sige na magbihis ka na. Hihintayin ka namin sa harapan," wika ni Ricky. "Opo," ani Jessie na dali-daling nagtungo sa kwarto nya. "Ric, magdadala ako ng ilang kargada, just in case," paalam ni Mike. "Sige lang. Basta make it light para hindi matakot si Jessie o mga taong makakasalubong natin. ," payag ni Ricky. "Copy bro. Mabuti na ang handa tayo," sang-ayon ni Mike. Napansin ni Ricky na wala sa focus si Jude at hindi umiimik. "Ayos ka lang?" tanong ni Ricky. "P-po? Ayos lang po," alanganing sagot ni Jude. "Bro, kaya mo ba talaga? Pwede namang hindi na muna tayo sumama," nag-aaalalang wika ni Niño. "Kaya ko, Bro. Huwag kang mag-alala," paniniyak ni Jude. "Kapag may nararamdaman ka, sabihin mo lang," bilin ni Ricky. "Salamat po," ani Jude. Nang handa na sila umalis ay nagtipon ang buong grupo sa harapan ng palasyo. Naroon rin ang magulang nila. "Mauuna na kami ng Papa mo, Ricky. Ikaw na bahala sa mga kapatid mo," anang reyna. "Opo. Mag-ingat po kayo. Mang Mon, kayo na po bahala kina Papa at Mama," bilin ni Ricky sa driver. "Opo, Prinsipe Ethan. Mag-ingat din po kayo, medyo mapanganib ang gubat," anang driver. "Opo. Salamat po," ani Ricky. Sumakay na si Jessie sa kabayo nya sa tulong ni Jude. Umangkas si Niño kay Little John habang sumakay si Jude kay Ascend. "Kayo na muna ang bahala dito sa palasyo Eagle. Kung ano man ang problema magpasabi ka lang kay Emir," anang hari. "Opo, Kamahalan. Mag-ingat po kayo," ani Ren. Umalis na ang kotse kasama ang dalawang sasakyan na escort ng hari. Sumakay na rin si Ricky sa kabayo nyang si Accelerate. Nagsimula silang maglakbay papunta sa Lime District. Kasabay ni Jessie sina Niño at Jude habang sina Mike at Ricky ang nasa huli. Nagkukwentuhan ang lima habang naglalakbay at nagtatawanan. Saglit silang tumigil para magpahinga at painumin ang kabayo sa malapit na sapa. Inabutan ni Niño ng lagayan ng tubig si Jessie. "Uminom ka muna. Mahaba-haba pa ang lalakbayin natin," abot ni Niño sa kapatid. "Salamat po," ani Jessie na uminom. Samantala, nauna nang kaunti si Mike para magscout ng ruta. Pagbalik nito ay kaagad naman itong lumapit kay Ricky. "Kamusta?" tanong ni Ricky. "Maayos naman. Medyo malayo pa ang susunod na bayan. May maliit na sitio akong nakita. Nabanggit nila na sira daw ang tulay papunta sa susunod na bayan. Nagbabala rin sila na mag-ingat sa bahaging ito dahil may mga bandido daw na madalas nanghaharang dito," balita ni Mike, "Makabubuti pa siguro ay lumakad na tayo para makarating agad tayo sa Lime. Kung tayo lang ay alam kong kaya natin silang sabayan. Inaalala ko si Jaja," dugtong nya. "Sige. Mas mabuti nga," sang-ayon ni Ricky, "Jessie, Niño, Jude, aalis na tayo." Kaagad sumakay muli sa kabayo ang magkakapatid. "Magbabago tayo nang kaunti ng ruta. Code 5 tayo," wika ni Ricky. Naging seryoso ang mukha ni Jude nang marinig nya. Napakunot ang noo ni Jessie nang makita iyon. "Code 5?" tanong ni Jessie. "Magbabago tayo ng ruta," paliwanag ni Jude. "Nagiba daw ang tulay. Kailangan nating umikot," paliwanag ni Ricky. "Ok lang po naman," ani Jessie. "Hindi maganda 'yun. Code 3 kasi," seryosong wika ni Jude na napapailing. "Kuya Ethan ano po yung problema?" tanong ni Jessie. "May mga bandido na gumagala dito, may mga kakaibang nilalang na lumalabas daw dito. Kaya gaya nang napag-usapan susunod ka sa sasabihin ko," amin ni Ricky. "Opo," tango ni Jessie. Umalis na muli ang grupo. Habang naglalakbay ay naramdaman ni Jude na may panganib kaya lumingon sa paligid. "Kuya Code Yellow," babala ni Jude. Tumango si Ricky. "Oo. Kanina ko pa minomonitor yan. Huwag kayong pahalata na alam natin sumusunod 'yan," wika ni Ricky sa grupo. Ilang saglit pa ay napalingon si Jude sa kaliwa nya. Kaagad nyang hinigit ang renda ng kabayo ni Jaja para tumigil. Saktong tumusok ang pana sa pwesto dapat nang kabayo ni Jessie. Napansin ni Ricky ang takot ni Jessie. "Kalma lang, Ja. Andito kami. Wala munang kikilos. Huwag kayong bababa, Niño, Jaja," sabi ni Ricky na pinatigil ang kabayo nya sa harap ng kabayo ni Jessie. Bumaba ng kabayo sina Ricky, Mike at Jude para paghandaan ang mga kalaban. "May malapit na nayon dito, Kuya na pwedeng hingian ng tulong," banggit ni Jude. Napahawak sa ulo si Jude na sentido nya dahil sa kirot. Nagsilabasan ang mga kalaban at napalibutan sila ng grupo. "Niño si Jessie," bilin ni Ricky. "Kuya si Jude!" banggit ni Niño. "Ako na bahala sa kanya," salo ni Mike. "Ka-kaya ko. Huwag mo kong alalahanin. Pangalagaan mo si Jessie," sabi ni Jude. "Opo," ani Niño. "Jaja, humawak kang mabuti sa renda at kay Hunter. Huwag kang titigil hanggang hindi ka nakakarating sa kabilang nayon. Yakapin mong mabuti si Hunter," bilin ni Ricky. "Opo," sunod ni Jessie na binaba ang ulo na halos yakap na ang kabayo. Tinampal ni Ricky ang puwitan ng kabayo kaya mabilis itong tumakbo palayo. Kasunod nitong tumakbo si Little John sakay si Niño. Nagulat ang grupo nang tumakbo ang kabayo ni Jessie palayo. Dahil sa distraction na iyon nailabas ni Ricky ang Swiss knife nya. Kaagad namang napalaban ang tatlo ng mano-mano. Habang nasa labanan may napansing kakaiba si Jude. "Kuya, may chaser silang mahusay. Nawala ang archer nila," sigaw ni Jude habang tinatapos ang isang kalaban. "Sina Jaja!" ani Ricky na nabahala. "Akin na ang mga ito," wika ni Mike. "Ako na po bahala," wika ni Jude na kaagad sumakay sa kabayo. Pinatakbo nya ito ng matulin para makahabol sa mga kapatid. "Jude!" sigaw ni Ricky. "Sundan mo na sya. Kaya ko na sila," utos ni Mike sa kaibigan. Makikita si Jude na nakapwesto na sa isang mataas na sanga ng puno, nakatutok ang pana sa chaser. Kaagad syang nagpakawala ng dalawang speed/exploding tip arrows. Tinamaan ni Jude ang harapan ng paa ng kabayo ng chaser kaya na-off target sya. Nawarningan nya si Niño kaya mula sa kabayo nya ay tumalon sya para iilag si Jessie sa pana. Tumama sa balikat ni Niño ang pana bago sila bumagsak sa lupa. Kaagad tinapos ni Jude ang chaser. Nakaramdam sya nang hilo. Napaluhod sya at pagtunghay nya ay kulay pula na muli ang mga mata nya. "Kuya Niño, ayos ka lang?" tanong ni Jessie. Nakapikit noon si Niño bahagyang may malay. Iniangat ni Niño ang pana na tumama sa balikat nya at binunot. Halos hindi sya makagalaw dahil sa sobrang sakit. Nilapitan sila ni Jude. Lumuhod ito sa harap ni Niño at biglang diniinan ng daliri ang sugat ni Niño. Napasigaw sa sakit si Niño. "Kuya Nathan, huwag! Anong ginagawa mo, Kuya?" awat ni Jessie na pinigilan si Jude na hinawakan ang kamay. Napalingon si Jude kay Jessie. Bigla nya itong sinakal ng kaliwang kamay. "Budz, bitawan mo si Jaja! Budz!" pigil ni Niño na hinawakan ang kamay niJude kahit sobrang sakit ng nararamdaman nya. Muling diniinan ni Jude ang sugat kaya napasigaw muli sa sakit si Niño. "Ku-yah, huwag po! Hi-hin-di po ako makahinga. Huwag po kuya!" wika ni Jessie na umiiyak na noon. Nawalan ng malay si Jessie. Biglang lumitaw si Fin na pinigilan si Jude. "Master Nathan, itigil mo na 'yan," sigaw ni Fin na lumitaw. Lumitaw din si Fido na naghagis ng isang needle dart mula sa kaliwang kamay. Nabitawan ni Jude si Jessie na kaagad namang sinambot ni Fido.  Dumating si Ricky. Nakita nya ang sitwasyon. Kaagad nyang kinuha ang atensyon ni Jude. Kaagad naman syang sinugod ni Jude. Pinatalsik nya si Jude palayo para makagawa ng konting oras. "Fin, ikaw muna bahala kay Jessie. Fido, pagalingin mo si Niño," utos ni Ricky. "Masusunod po, Master Ethan," anang dalawa. Hinarap muli ni Ricky si Jude na noo'y kababangon pa lang. Pula pa rin ang mga mata ni Jude. Nagsalita nang galit si Ricky sa Vallian kay Jude. "Lumaban ka, Jude! Ayaw kitang saktan," babala ni Ricky. Biglang naglaho si Jude sa pwesto nya at lumitaw sa tabi ni Ricky. Gamit ang katana na binigay ni Ricky ay inatake ni Jude ang kapatid. Hindi naman inilagan ni Ricky iyon bagkus ay sinangga lamang gamit ang Dragon's Dagger. Napaatras si Jude. "Huwag kang padala, Jude! Alam kong mahirap pero lumaban ka," pakiusap ni Ricky na kalmado. Muling umatake si Jude ngayon naman sa kaliwang side ni Ricky na kaagad naman muli nitong nasangga. "Laban Jude para kay Niño!" paalala ni Ricky. "Master Ethan, ang Prinsesa Jessie, hindi ko mahagilap ang Chi nya. Hindi pa rin sya humihinga," pabatid ni Fido. Nang marinig ni Jude ang pangalan ni Jessie ay napatigil syang saglit. Hindi nya alam kung bakit. Kaagad namang lumapit sina Fido at Fin kay Niño. Walang malay noon si Niño pinagaling ng mga Guardians ang sugat nito. Si Jessie naman ay maputla na. Hindi gumagalaw si Jude sa pwesto nya, tila nanonood ng sitwasyon nila. "Jessie, gumising ka! Jaja, 'wag mo kaming iwan! Huwag kang madaya." habang hinawakan ni Ricky braso para obserbahan ang pulso nang dalagita. Alalang-alala ito. Pilit nyang kinalma ang sarili para hanapin ang chi ng kapatid pero hindi nya ito makita. Sinubukan nya ang CPR-MMR sa kapatid. "Jaja, huminga ka! Ja!" sambit ni Ricky na maluha-luha. Nagulat si Ricky nang biglang hawakan ni Jude si Jessie. Bumalik na sa kulay brown ang mata nito. "Jaja! Gumising ka!" tawag ni Jude na hinawakan ang kamay ng kapatid at pumikit. Umilaw ang kwintas ni Jude. Ilang saglit ay nag-inhale si Jessie bago bumuntong hinga at nagmulat. Binitawan ni Jude si Jessie kaagad namang nyang niyakap. "Kuya!" wika ni Jessie na kumalas kay Jude. "Jaja!" hingang malalim ni Ricky na niyakap ng mahigpit ang dalagita. Yumakap si Jessie kay Ricky na nakatingin kay Jude na may takot. "Anong nagawa ko?" sising sabi ni Jude, "I'm sorry, Jaja. I'm sorry, Kuya!" Nagising si Niño at dahan-dahang bumangon. Inalalayan sya ni Fin. "Kuya Niño!" wika ni Jessie na lumapit kay Niño at yumakap. Umiiyak na noon si Jessie. "Ssshh. Ayos na. Ligtas na tayo. Maayos na lahat," alo ni Niño na inaalo si Jessie. "Akala ko patay ka na," sabi ni Jessie na kumalas kay Niño. "Hindi ako mamamatay agad. REU kaya ako," wika ni Niño na humawak sa ulo nya. "Relax lang muna," sabi ni Ricky. Nilapitan ni Jude ang kakambal. Yumakap ng mahigpit si Jessie kay Niño. Kita sa mata nito ang takot kay Jude. "Ssshhh.. Relax lang. Si Kuya Nathan mo na 'yan. Hindi ka na nya sasaktan," wika ni Niño. "Budz, ayos ka na?" tanong ni Jude. "Oo. Ikaw?" tanong ni Niño. "Medyo maayos na," tugon ni Jude. "Jaja, relax lang," pagpapakalma ni Niño nang mapansing nanginginig si Jaja sa takot. Lumayo si Jude kay Niño. Lumapit si Ricky kay Jude at inabot ang lagayan nito ng tubig. Kaagad namang uminom si Jude kahit sobrang pait ng lasa ng tubig. "Salamat po, Kuya. Pasensya na," mahinang wika ni Jude. "Ayos lang. Alam kong hindi mo sinasadya," ani Ricky. "Malapit na po dito ang nayon na tinutukoy ko. Mabuti pa po ay doon na tayo magpahinga para sa kaligtasan ng lahat," banggit ni Jude. "Sige. Sabihan ko sila," ani Ricky. Lumapit si Fin kay Jude. "Patawarin nyo ako, Master Nathan. Dahil sa sumpa sa akin ay nagkaroon ng lamat ang relasyon nyong magkakapatid," hingi ng tawad ni Fin. "Hindi mo kasalanan. Tama ang ginawa mo. Hindi ko lang nakontrol ang sarili ko," ani Jude. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD