14

2544 Words
Makaraan ang ilang minuto ay naglakbay na sila patungo sa nayon. Nakarating sila sa nayon makaraan ang ilang saglit. Nakiusap sila na makikigamit ng banyo. Nagpalit ng damit si Niño. Napansin din ni Jude na tulala si Jessie sa isang bangko sa ilalim ng puno. Napansin ni Mike na umaagwat si Jude sa mga kapatid. "Jude, bakit hindi mo lapitan si Jessie?" tanong ni Mike. "Hindi na muna, Kuya," iling ni Jude. Napansin nilang lumapit sina Niño at Ricky kay Jessie na noo'y umiiyak. Humakbang si Jude palapit pero sa huling saglit ay pinigil nya ang sarili. "Tulak ng bibig, kabig ng dibdib!" wika ni Mike. Tumungo si Jude. "Soldier Mode ka na naman," puna ni Mike. "Mas mabuting ganito muna po. Para hindi ko sila masaktan," amin ni Jude. "Malayo pa ba dito ang Lime District?" tanong ni Mike. "Mga dalawang oras pa po na pangangabayo mula rito pasilangan. Kakailanganin na nating umalis baka abutin tayo ng dilim sa daan," sagot ni Jude. "Sinabi ni Kuya mo na aalis tayo sa dito in five minutes," banggit ni Mike. "Sige po," ani Jude. "Mas mabuti na makausap mo si Jessie," payo ni Mike bago lumayo. Habang ihinahanda ang kabayo nilapitan si Jude ni Niño. Hindi nya ito na napansin na pilit inaalala ang nangyari kanina. "Budz!" tawag ni Niño. Nagulat si Jude. "Ang lalim ng iniisip mo para hindi mo ako mapansin," wika ni Niño. "Pasensya na. Kamusta na si Jaja?" tanong ng Jude. "Ayun. Nabigla sya kanina. Natatakot pa rin sya. Pinaliwanag na namin ni kuya ang nangyari," wika ni Niño. "Ako na muna ang iiwas. Hindi ko sinasadyang masaktan sya. Ayaw ko syang masaktan," katwiran ni Jude. "Huwag namang ganun, Budz. Baka magtampo nyan sa'yo si Jaja," ani Niño. "Kung sa ikaliligtas nya ay mas mabuti pang magtampo sya kaysa masaktan," ani Jude. "Si Nathan ba ang naririnig ko o si Trix?" tanong ni Niño. "Kung si Trix ang makapagsasalba kay Jessie, si Trix ang kausap mo," wika ni Jude. Napailing lang si Niño. "Tayo na!" sigaw ni Ricky. Inalalayan ni Mike si Jessie sa pag-akyat sa kabayo. Pagkaraan ay umakyat din sya sa kabayo nya. Sumampa kaagad sina Ricky, Niño at Jude. Habang naglalakbay sila muli ay nagkukwentuhan ang grupo. Nasa bandang likod si Jude habang nasa unahan si Mike. Narinig na naman ni Jude ang boses na nag-uutos sa kanila. Nilabanan nya ito kaya nakaramdam sya ng matinding kirot sa ulo. Napahawak sya sa ulo nya. Naramdaman naman ng kabayo ang pakiramdam nya kaya nag-react ito. "Ascend, ayos lang ako. Relax ka lang. Huwag natin silang pag-alalahanin," bulong ni Jude sa kabayo na hinimas ang leeg. Hindi nya napansin na nagpaiwan si Ricky. "Ayos ka lang Nathan?" tanong ni Ricky na nag-alala. "Ayos lang, Kuya. May nakita lang si Ascend na ahas kaya sya nag-react. Alam mo namang allergic si Ascend sa ahas," palusot ni Jude. "Ok. Kung may problema, magsabi lang," wika ni Ricky. "Opo," ani Jude na ngumiti kahit makirot pa ulo nya. Nagpauna muli si Ricky na tumabi kay Jessie. Nagsalita ito nang mahina kay Jessie na tumango naman. Nagsimulang umawit si Jessie habang naglalakbay sila. Nang matapos ang awit ay kumalma ang pakiramdam ni Jude pero mas lalong tumindi ang kirot sa ulo nya. Tiniis nya ito sa buong paglalakbay. "Malapit na tayo," paalam ni Ricky. "Ayan na ang hardin nina Lolo," anunsyo ni Jessie na tuwang-tuwa nang makita ang hardin ng isang mansyon. Pagpasok sa tarangkahan ng mansyon ay nagpaiwan si Niño para sabayan si Jude. Makikita roon ang kotse na ginamit ng ina nila. Sa harap na pinto ay nakaabang ang ilang katulong at ang kanilang lolo. Kaagad lumapit si Mike na nagbigay galang sa matanda. Inalalayan nyang bumaba si Jessie sa kabayo. "Magandang hapon po, Lolo Carlo," bati ni Ricky na bumaba sa kabayo nya at niyakap ang matanda. "Welcome back sa Lily Mansion," anang matanda. Bumaba sina Niño at Jude sa kabayo nila. Kaagad naman inasikaso ng ibang katulong ang mga kabayo nila. Lumapit naman ang tatlo sa matandang lalaki. "Lolo, sina Niño, Jude at Jessie. Ang isa namang ito ay si Mike isa po sa bestfriend ko," pakilala ni Ricky. Nagmano ang magkakapatid sa matanda. "Eto na ba si Niño. Aba'y mas kumisig ka ngayon. Dalaga na pala ang aming si Jaja. Nathan, ayos ka lang ba? Mukhang maputla ka," anang matanda. "Ayos lang po, Lolo. Medyo napagod lang po sa pangangabayo," ani Jude na pinilit ngumiti kahit sobrang kirot ng ulo nya. "Ang mabuti pa ay pumasok na kayo para makapagpahinga. Jaja, hinihintay ka na ng mga pinsan nyo sa hardin," anang matanda. "Samahan nyo po ako. Gusto ko rin po makita ang rosas ni Lola," yaya ni Jessie. "Sige. Sige. Maiwan ko muna, duty calls," anang matanda. Kasama si Jessie umalis ang matanda patungo sa hardin. "Kuya!" ani Niño na napahawak sa ulo nya halos matumba. Nasambot sya ni Mike. "Ayos ka lang?" tanong ni Mike kay Niño. "Si Jude po!" sabi ni Niño. Isang pagbagsak naman ang narinig ni Ricky mula sa pwesto ni Jude na nawalan ng malay. "Jude! Jude!" tawag ni Ricky na kaagad tinapik ang pisngi ng kapatid. "Ang mabuti pa ay dalhin na natin sila sa kwarto," wika ni Mike. "Tumawag kayo ng Healer at papuntahin sa kwarto ni Jude," bilin ni Ricky sa butler. "Masusunod po," anang butler. "Sige," ani Ricky na pumikit at tineleport ang mga kasama sa tinutuluyan nilang kwarto. Sa higaan na lumitaw sina Ricky at Jude. Si Mike nama'y kaagad inalalayan sa isang couch si Niño at iniupo. "Anong nangyari kay Jude?" tanong ni Mike. "Kanina pa po syang may tinitiis. Isinara nya ang isip nya kanina para hindi ko maramdaman. Hindi na nya kinayang pigilan ang sakit kaya naramdaman kong sobrang kirot na po ng ulo nya. Lumalaban sya sa kontrol ng sumpa," paliwanag ni Niño. "Kanina pa nyang tinitiis. Naramdaman na ni Ascend na may problema kaya nag-react sya kanina. Nagsinungaling sya para pagtakpan iyon," analisa ni Ricky. Ilang saglit ay may kumatok sa kwarto na iyon. Nagbukas ang pinto at ang reyna kasama ang Healer ang pumasok. "Mama!" wika ni Ricky. "Anong nangyari sa mga kapatid mo?" tanong ng reynang nag-aalala. Nagpaliwanag at nagkwento si Ricky sa reyna nang nangyari. "Kaya pala walang kibo si Jessie nang itanong ko kung nasaan si Jude," anang reyna. "Epekto po ng Blood Moon, Ma. Pinipilit nyang labanan ang sumpa pero masyadong malakas. Naramdaman lang ni Niño kaya sumasakit ulo nya," paliwanag ni Ricky. "Palipas na ang Blood Moon. Hanggang bukas na lang iyon. Nakakaawa naman si Jude," anang reyna na hinagod ang noo ni Jude. "Nilalagnat na po sya," anang Healer. "Pinakahuling gabi. Pinakamahirap na gabi," wika ni Ricky. Nagising si Jude na biglang bumangon. "Mama," sambit ni Jude. "Uminom ka muna," anang reyna na inabot ang lagayan ng tubig ni Jude. Uminom si Jude kahit mapait. "Kamusta na pakiramdam mo?" tanong ng reyna. "Medyo masakit po ang ulo," daing ni Jude na humawak sa gilid ng ulo nya. Pagkasabing-pagkasabi noo'y isang napakalakas na kabog ang naramdaman ni Jude sa dibdib nya. Halos hindi sya nakahinga. Naririnig na lang nya ang boses ni Ricky at nang reyna kahit hindi nya maintindihan ang sinasabi nila. Lumitaw noon si Fin at umalalay sa kanya. "Jude hinga! Nathan hinga. Nathan!" anang reyna na tinatapik ang pisngi nito. "Niño! Niño!" nababahalang wika ni Ricky. Nakahawak si Niño sa dibdib nya pero tulala. May pinisil si Ricky sa palad ni Niño na nahimasmasan at naghabol ng hinga. Nang mahimasmasan si Jude ay abot-abot ang paghinga nya. "Mam- ma," ani Jude sumandal sa kama. "Relax ka muna," anang reyna na hinalikan ang noo nya. Nanlalamig ang kamay nya at medyo nanginginig pa. "A-a-nong nan- ya-yar-ri?" tanong ni Jude. Lumitaw ng biglaan si Fin. "Anong nangyayari Fin?" tanong ng reyna. "Pinipilit na nang sumpa na tuluyang kontrolin si Master Nathan pero lumalaban po si Master. Dahil hindi nito makuha ang nais nito, pupwersahin nya ang katawan ng Prinsipe na sumunod hanggang sa puntong parusahan nya ito. Huling pagkakataon na nya ito. Gagamitin nya ang prinsipe para kontrolin muli ang aking lakas. Pero para sa kaligtasan ni Master Nathan isusuko ko na ang lakas ko sa kanila," pahayag ni Fin. "Hi-hin-di ako pay-yag. Kaya ko," paninindigan ni Jude na umiling. "Iyan ang huwag na huwag mong gagawin. Hindi ka namin mapapayagan ng ganun. Lumalaban si Nathan para sa kapakanan mo. Hindi ka nya isusuko," banggit ni Ricky. "Pero, Master..." ani Fin "Matagal na kayong magkasama hindi mo pa rin naiintindihan. Hindi kayo kagamitan na maaari naming ipamigay. Bahagi na kayo ng pamilya," paliwanag ni Ricky. Lumuhod sa harap ng reyna si Fin. "Patawad, Kamahalan sa dinaranas ng prinsipe. Tatanggapin ko ang parusa na inyong ipapataw," ani Fin nakayuko. "Tumayo ka, Fin. Isang bagay na natutunan ko ngayon sa kanila ay matatag sila. Magtiwala ka sa kanila," anang reyna. Natigilan si Fin. "Maraming salamat po," ani Fin. Inabot ni Ricky ang inhaler kay Niño. "Niño, ayos ka na?" tanong ni Ricky. Nagpump si Niño bago tumango. "Pahinga lang po ito. Huwag mo kaming alalahanin Fin. Palaban si Jude," banggit ni Niño. Hinawakan ng Healer si Jude at pinatulog. "Matulog ka muna Prinsipe Nathan para makapahinga ka," anang Healer. Dahan-dahang pumikit si Jude at kumalma ang paghinga. "Salamat sa pagbabantay mo kay Jude, Fin," ani Ricky. "Karangalan ko po iyon. Responsibilidad ko po na matiyak na maayos ang Master Nathan," tugon ni Fin. "Sige na magpahinga ka na," ani Ricky. Naglaho si Fin. "Magpahinga na kayo at mag-ayos. Gusto kayong makilala ng mga tiyahin at tiyuhin nyo," anang reyna. "Opo," ani Ricky. Nagsitungo sa kwarto nila sina Ricky at Niño. Paglabas nila ay nakabihis na sila at dumiretso sila sa garden room. Naroon ang mga kamag-anak nila kasama ang ilang pinsan nila. "O, narito na pala sila," anang lolo nila. "Magandang hapon po," bati ng dalawa na bumisa sa mga tiyuhin at tiyahin nila. "Nasaan si Nathan?" tanong ng tiyahin nila. "Nasa kwarto po sya. Nagpapapahinga muna. Medyo masama pakiramdam," dahilan ni Niño. "Medyo masama po pakiramdam nya kahapon pa," banggit ni Ricky. "Blood Moon?" anang lolo nila. Tumango lang si Ricky. "Hayaan muna natin syang magpahinga," anang matanda. "Naikwento ni Jessie na naharang daw kayo ng mga bandido papunta rito. Mabuti at ligtas kayong nakarating dito," anang tiyuhin nila. "Mahusay lang po ang security namin. Sya nga po pala si Mike Rivera, isa sa mga best friend ko po. Sya nagsisilbing security namin," pakilala ni Ricky. Nagbigay galang si Mike sa mga tao doon. "Welcome ang mga kaibigan nina Ethan dito sa bahay na ito. You are welcome to come here anytime," anang matanda. "Maraming salamat po," ani Mike na nakangiti. "Nasaan nga po pala si Jessie?" tanong ni Niño. "Kasama ang mga pinsan mo. Ipapakita ni Mariko ang bagong bisiro ni Jackeye. Kapapanganak lang ni Jackeye nasa kuwadra sila," anang tiyuhin nya. "Sunduin nyo na sila para makapagmiryenda na tayo," anang reyna. "Sige po," ani Ricky, "Mauna na po muna kami, Lolo. Babalik po kami," paalam na magalang ng binata. "Sige," anang matanda. Sa kuwadra nakita nina Ricky at Niño ang kumpol ng mga bata. Si Jessie kasama ang pinsan nilang babae na si Mariko, 5 na taon, sina Troy 10 taon, Jan, 11 taon at Luke, 15 taon, mga pinsang lalaki nila nina Jessie. "Anong pangalan ng bisirong iyan, Kuya Luke?" tanong ni Jessie. "Wala pa syang pangalan si Mariko kasi ang magpapangalan sa kanya. Kaso hindi sya mahuli o mahawakan ng mga tagapag-alaga," wika ni Luke. "Bakit naman?" tanong ni Jessie. "Naninipa at nangangagat sya. Madalas tinatapon nya ang sumasakay sa kanya," dugtong ni Mariko. "Masyadong agressive sya," ani Ricky. "Dumating na po pala kayo," bati ni Troy na yumakap kina Ricky at Niño. Hinimas ni Ricky ang ulo nina Troy at Jan. "Si Kuya Nathan? Nasaan po sya?" tanong ni Jan. "Medyo masama ang pakiramdam kaya nagpapahinga muna," sagot ni Niño. "Hello, Kuya. Natatandaan mo pa ba ako?" tanong ni Mariko kay Ricky. "Oo naman. Ikaw yung bulilit na kinakarga ko. Ang laki mo na kaagad," ngiting wika ni Ricky na kinarga ang bata. "Sinabi ni Mama na baka hindi mo na daw kami matandaan kasi nagkasakit ka," kwento ni Mariko. "Medyo magaling na ako. Naaalala ko naman kayo lahat," wika ni Ricky sa bata. "Anong problema?" tanong ni Niño. "Ang bagong bisiro kasi hindi pa nila napapangalanan. Baka si Kuya Ethan mapakalma na 'yung bisiro," kwento ni Jan. "Si Kuya Nathan ang mahusay dyan," wika ni Jessie. "Subukan mo Niño," buyo ni Ricky. "Pero..." alanganing wika ni Niño. "Nagawa mo na iyan dati. Kaya mo 'yan," gatong ni Jude na lumapit sa kanila. "Kuya Nathan!" anang mga bata. Si Jessie naman ay nagtago sa likod ni Niño. "Jaja!" wika ni Niño. "Ayos lang, Budz," ani Jude "Maayos na ba pakiramdam mo, Kuya?" tanong ni Jan kay Jude. "Medyo," tugon ni Jude na ngumiti. "Bakit hindi mo subukan?" tanong ni Jude kay Niño. Tumawid si Niño sa bakod ng kwadra. Nag-react kaagad ang kabayo at lumayo ang kabayo sa kanya. "Budz, natatandaan mo pa ba ang training natin sa templo? Pakalmahin mo ang iyong aura. Nararamdaman ng kabayo ang pag-aalangan mo," payo ni Jude sa isip nya. Huminga ng malalim si Niño at pumikit. Pinakalma nya ang sarili at pinakiramdaman ang paligid. Nagmulat sya nang mata at dahan-dahang lumapit sa bisiro. Nag-react ang bisiro pero hindi umalis sa pwesto. Dahan-dahan syang lumapit si Niño. "Hindi kita sasaktan. Gusto kitang makilala," bulong ni Niño na dahan-dahang lumapit. "Pakiramdaman mo ang bisiro, Budz. Kapag naramdaman na syang wala kang balak na masama, makakalapit ka," turo ni Jude sa isip ni Niño. Nakalapit si Niño sa bisiro. Sinubukan ng bisiro na kagatin sya pero pinakalma nya ang bisiro hanggang sa mahawakan ni Niño ang ulo nito at mahimas. "Good girl. Relax lang," wika ni Niño. Ginabayan nya ang kabayo malapit sa mga bata. "Nagawa mo," bati ni Jude kay Niño na napangiti. "Huwag nyo lang syang gugulatin," paalala ni Niño sa mga bata. "Wow! Ang ganda nya!" ani Mariko na hinawakan ng dahan-dahan ang ilong at mukha ng kabayo. "Nakaisip na kayo ng pangalan nya?" tanong ni Ricky sa mga bata. "Jolly!" sabi ni Jan. Umiling ang kabayo at nag-ingay. "Mukhang ayaw nya ng pangalang iyon, Jan," iling ni Jude na nakangiti. "River!" ani Troy. Muling nag-react ang kabayo na tila tumututol. "Mukhang hindi rin nya gusto," sabi ni Luke. "Mariko, nakaisip ka na ng pangalan?" tanong ni Niño. "Ginger!" sambit ni Mariko na hinawakan muli ang ilong ng kabayo. Hindi nag-react ang kabayo bagkus ay hinimod nito ang kamay ni Mariko. "Mukhang nagustuhan nya ang pangalan," sabi ni Niño. "Ginger na ba ang itatawag namin sa iyo?" tanong ni Jude sa kabayo na hinimas ang tainga at ulo nito. "Then Ginger it is!" deklara ni Ricky. "Mabuti pa ay bumalik na tayo sa loob. Hinihintay tayo ni Lolo. Nagpahanda sila ng miryenda sa loob," wika ni Niño. "May dala po kaming cake na mula sa Cake House. Gusto ko pong matikman nyo lahat," sambit ni Jessie. "Pinakahuling makarating sa mansyon uubusan ng cake," ani Troy na mabilis tumakbo patungo sa mansyon. Nagtakbuhan naman ang mga bata pati si Mariko. Nagkatawanan lang sina Niño, Jude, Ricky at Luke sa reaksyon ng mga bata at humabol sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD