15

2750 Words
Pagdating sa hardin ay naabutan nilang kumakain ng Cake ang mga bata at may dalawang kasing-edad na babae ni Ricky na naroon. "Ate Rissa," wika ni Niño na ngumiti at binati ang dalaga. "Niño, kamusta? Nathan!" bati ni Rissa na niyakap ang kambal. "Natatandaan mo pa ba sya Ethan?" tanong ng lolo nya. "Sinong makakalimot sa pinsan kong nagtago ng sapatos ko noong Summer Ball?" pabirong wika ni Ricky. "Dahil kinain mo ang velvet cupcakes na niluto ko," pasikmat na sagot ni Rissa. "Welcome back Ethan!" ani Rissa na niyakap ang pinsan, "Namiss kita." "Ikaw din. Kamusta ang boarding school?" tanong ni Ricky na kumalas. "Boring as usual," tugon ni Rissa, "Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan, ang best friend ko si Lady Jocelyn ng Sapiro. Lady Jocelyn, ang mga pinsan ko sina Ethan, Niño at Jude, mga Prinsipe ng LeValle," dugtong nya. Nagulat si Ricky ng makita ang kasamang babae ni Rissa. "Aly?" hindi makapaniwalang wika ni Ricky sa babaeng katabi ni Rissa. "Paanong?" takang wika nya. "Excuse me?" gulat na wika ng dalaga. "I'm sorry akala ko ikaw ang kakilala ko," hingi ng dispensa ni Ricky kay Jocelyn, "Ang kaibigan ko nga pala si Mike Rivera." "Magandang araw mga Kamahalan," bati ni Mike. "Kinagagalak ka naming makilala, Lady Jocelyn," wika ni Ricky kay Jocelyn. "Akin ang karangalan, Kamahalan. Joey na lang. Mas kilala ako bilang si Joey," tugon ni Jocelyn. "Magtatagal po ba kayo dito? Tamang-tama at bakasyon namin sa boarding school. Magbonding tayo tulad ng dati," wika ni Rissa. "Baka hanggang bukas ng hapon lang kami. Marami pang kailangan asikasuhin sa Sentro," wika ni Ricky. "Sayang naman. Maiksi lang ang tigil nyo dito," wika ni Rissa. "Bakit hindi na lang kayo ang magtungo sa Sentro? Para maipasyal mo na rin si Lady Joey sa Valle. Hindi pa sya nakakarating sa Sentro base sa kwento nya," mungkahi ng reyna. "Hayaan nyo pong pag-isipan ko ang inyong imbitasyon Kamahalan. Maraming salamat po muli," nakangiting wika ni Joey. "Sige na Papa. Pumayag ka na," samo ni Rissa sa ama nito. "Papayag ako kung isasama nyo ang mga pinsan mo at si Luke," anang tiyahin nya. Napataas ang kilay ni Niño na nagtatanong kay Mike. "Nagpapaalam po kasi si Lady Rissa na pupunta sa isang bar para sa kasiyahan ng Summer Festival sa bayan mamaya kasama si Lady Joey. Ayaw nilang magsama ng security," kwento ni Mike. "Wala kasi silang makakasama mamaya dahil dadalo kami ng Festival Auction mamaya, kung ayos lang," anang tiyuhin nila. "Maaari naman namin kayong samahan ng Ate," ani Niño. "Magandang ideya 'yan. Get together lang ng mga kaibigan sa Keon. Minsan na lang kami magsama-sama. Marami sa kanila mga kakilala nyo. Mas maganda kung sasama kayo," tuwang wika ni Rissa. "No problem. Wala naman kaming gagawin mamaya," sabi ni Ricky. "Oo nga po," sang-ayon ni Jude. "Nangako ka na movie marathon tayo mamayang gabi, Kuya Luke," paalala ni Jan. "Oo nga pala. Muntik ko na pong makalimutan. Nangako po ako na sasamahan mamayang gabi ang mga bata na mag-movie marathon, Ma," wika ni Luke. "Huwag ka na munang sumama, Nathan. Magpahinga ka muna. Dapat nahihiga ka muna dahil nilalagnat ka," anang reyna. "Mas gugustuhin ko pong magbabad sa kusina, Ma. Mas hindi po ako gagaling kapag nagtigil ako sa kwarto," katwiran ni Jude. "Mana ka nga sa Papa mo. Hindi makali nang walang gagawin," anang lolo nila. "May problema po tayo," pahayag ni Angel, ang butler ng mansyon, "Kinailangan pong umuwi ni Roger sa bahay nila dahil nanganak na po ang kanyang asawa." "Maganda at masamang balita 'yan," anang Lolo nila. "Eh si Mary?" tanong ng tiyahin nya na nababahala. "Hindi pa po sya pumapasok. Kagagaling lang po nya ng bulutong," banggit ni Angel. "Kung ganon ay umorder na kayo ng hapunan sa labas," anang tiyahin nya. "Marunong naman akong magluto pero mga simpleng ulam lang," anang tiyahin nila. "Nami-miss ko na po ang Paella Negra nyo, Tita June," lambing ni Ricky. "Pwes ipagluluto ko kayo," anang tiyahin. "Tulungan ko na lang po kayong  magluto," prisinta ni Jude. "Marunong kang magluto, Kuya Nathan?" tanong ni Jan na nagulat. "Kaunti lang. May request kayo?" tanong ni Jude sa mga bata. "Chicken Wings po," anang mga bata. "Sige," ani Jude. "Kailan pa kayo natutong magluto?" tanong ni June. "Kinailangan lang po naming matutunan para makakain. Tinuruan po kami ng mga taong nag-alaga sa amin," sagot ni Jude. "Masarap pong mag adobo rice iyang si Jude. Paborito ni Jessie iyon," pagmamalaki ni Niño. "Ipagluto ko kayo mamaya," ani Jude. "Tutulong na rin ako. Matagal-tagal na nang huli tayong magluto, Ate June," anang reyna. "Oo nga," wika ni June. "Anong oras ba ang alis natin, Rissa?" tanong ni Ricky. "Mga alas singko. Mag-aayos lang kami ni Joey tapos aalis na tayo. Casuals lang naman. Get together lang naman," wika ni Rissa. "Sige. Hintayin namin kayo nina Niño at Mike sa main door," sabi ni Ricky. "Sige mag-aayos lang kami," wika ni Rissa. "Hanggang 11 lang," paalala ng tiyuhin. "Opo," ani Joey. Umalis ang mga dalaga pabalik sa kwarto nila. "Mike, kayo na muna ang bahala sa mga dalaga namin," anang reyna. "Ako na pong bahala, Kamahalan. Nariyan naman po si Ethan na makakatulong ko," sagot ni Mike. " 'Yung van na lang gamitin nyong sasakyan. Unmarked iyon at walang makakakilala," anang tiyuhin ni Ricky. "Opo," ani Ricky. Dumating sina Ricky, Mike at Niño sa pagtitipon kasama sina Rissa at Joey. Kaagad silang sinalubong ng mga dati nilang kaibigan at binati. Makaraan ang ilang minuto umagwat si Joey kay Rissa. Nawala si Joey sa tabi ni Rissa. Napansin naman kaagad iyon ni Ricky. "Bro, ikaw muna bahala kay Rissa. Nawala si Joey," bilin ni Ricky. "Nakita ko sya kanina na patungo sa  azotea," banggit ni Mike. "Sige. I'll just check," paalis na wika ni Ricky. "Ok," ani Mike. Nagtungo si Ricky sa azotea. Nakita nya si Joey na nakatingala nakasilip sa mga bituin nakangiti. Saglit na natigilan si Ricky para pagmasdan si Joey. Naalala nya si Alyssa sa kanya. Nang mapansin nyang nakatingin na sa kanya si Joey ay lumapit sya. "Bakit nandito ka? Nasa loob ang kasiyahan?" tanong ni Joey. "Hinanap lang kita. Bigla kang nawala sa loob. Masasabon ako ni Rissa kapag may nangyari sa bestfriend nya," pabirong wika ni Ricky, "Teka anong ginagawa mo rito?" "Stargazing. Napansin ko kanina na maaliwalas ang langit kaya nanood muna ako saglit ng mga bituin. Papasok na rin sana ako ulit," sagot ni Joey. "Tayo na. Baka hinahanap na tayo sa loob," yaya ni Ricky. Pagbalik nila sa loob ay inalok sila ng mga nakalalasing na inumin. Lady's drink kay Joey habang hard drinks kay Ricky. Napilit si Ricky uminom ng dalawang shot kaya para makaiwas ay nag-alaga sya ng beer at nakaubos na ng isang bote. Nilapitan sya ni Joey at inalok ng isa pang bote ng beer. "Pang ilan na 'yan bro?"  tanong ni Mike. "Limit ko na," sagot ni Ricky na hawak ang bote na nangangalahati na. "Check ko lang sina Niño at Rissa," wika ni Mike. Tumango si Ricky. Umalis muli si Mike. "Pangalawa mo pa lang 'yan. Hindi ka umiinom?" tanong ni Joey. "Minsan lang kapag kailangan pero hindi masyado. Mahina ako sa alak," amin ni Ricky kay Joey. "May allergy ka nga pala sa alak. Madalas kang maikwento ni Rissa sa akin," banggit ni Joey. "Really? Wala naman akong allergy pero parang ganun na nga," wika ni Ricky na nagulat. "Oo. Ewan ko ba. May crush ata sya sa'yo. Prince charming syndrome. Pati mga kalokohan nyo," sagot ni Joey na natatawa. "Pagpasensyahan mo na ang pinsan kong loka-loka," nahihiyang wika ni Ricky. "Wala iyon. Iyong pagkaloka-loka nya ang nagustuhan ko sa kanya." ani Joey na napangiti. Bumalik si Mike sa kanilang dalawa. "Si Niño?" tanong ni Ricky kay Mike. "Nakorner ng isa nyo pang pinsan. Andun pinipilit uminom," sagot ni Mike. "Ikaw?" tanong ni Ricky. "Inaalagaan ko na itong bote ko. Ako designated driver nyo," ani Mike. "Kamusta si Rissa?" tanong ni Ricky. "Nandun sa bar kasama ang dating kaklase nya," sagot ni Mike. Nabahala si Joey nang marinig ang salitang bar. "Pupuntahan ko lang sya. Baka napapasobra na naman ang ininom nya," nag-aalalang wika ni Joey. "Umiinom si Rissa?" tanong ni Ricky na gulat. "Simula nang iniwan ng boyfriend nya sa school," sagot ni Joey. Sinamahan ng dalawa si Joey sa bar. Nakita nila si Rissa na kauubos lang ng isang shot ng rum at dadamputin na ang susunod. Pinigilan sya ni Joey. "Riss, tama na. Lasing ka na," awat ni Joey. "I'm enjoying. Uubusin ko lang ito," ayaw papigil na wika ni Rissa na halatang lasing na. Dinampot nya ang shot glass na puno at iinumin. Naagaw ni Ricky ang shot glass at ininom ang laman bago binaba sa bar. Naglabas si Ricky nang pera pambayad sa alak at binaba sa bar. "Riss, tayo na. Uuwi na tayo," yaya ni Ricky na inalalayan ang pinsan. "Inubos mo na, Ethan. Gusto ko pang uminom," reklamo ni Rissa. "Uuwi na tayo, Riss. Sa bahay na tayo mag-iinuman," yakag ni Ricky na inalalayan ang pinsan palayo sa lugar na iyon. "Pakihanap si Niño. We need to go. Magkita na lang tayo sa sasakyan," bilin ni Ricky kay Mike. "Sige," ani Mike na inabot kay Ricky ang susi at kaagad hinanap si Niño. Tinulungan si Ricky ni Joey na dalhin si Rissa sa sasakyan. Nang maipasok sa van si Rissa ay kaagad pumuwesto si Joey sa tabi nito. Ilang saglit lang ay dumating sina Mike at Niño. "Uuwi na tayo," ani Ricky na inabot kay Mike ang susi. "Ok," tugon ni Mike. "Ayos ka lang, Niño?" tanong ni Ricky sa kapatid. "Nakainom po konti. Tatlong boteng beer. Kaya ko naman po," sagot ni Niño. "Itulog mo sa byahe," bilin ni Ricky sa kapatid. "Opo," ani Niño. Sumakay na si Mike sa driver's seat at si Ricky sa passenger side. "Ikaw, bro? Ayos ka lang? Umover ka sa limit mo," usisa ni Mike kay Ricky. "Nararamdaman ko na nga eh. Mukhang tinamaan na 'ko," wika ni Ricky na napahawak sa pagitan ng dalawang kilay nya. Sumandal si Ricky sa upuan at head rest habang nagseat belt. "Relax ka lang. Recover ka muna," sagot ni Mike na ini-start ang makina. Palabas pa lang sila ng harangin sila ng ilang lalaki. Bumusina si Mike para tumabi ang mga ito pero hindi sila gumalaw. "Anong problema Mike?" tanong ni Joey. "May nakaharang sa daan. Ayusin ko lang. Dito muna kayo," wika ni Mike na tinanggal ang seatbelt nya at lumabas ng sasakyan. Kinausap nya isa sa mga lalaki na umiling. "Bakit tayo tumigil?" tanong ni Ricky na nakapikit. "May nakaharang daw sa daan natin. Ayaw umalis," sagot ni Joey. May biglang sumilip sa bintana ni Joey na kinagulat ng dalaga. "Makaka-score pala tayo dito. May dalawa dito," anang isa sa humarang. "Huwag nyo nang pakialaman ang mga kaibigan ko. Padaanin nyo kami kung ayaw nyong masaktan," mahinahong wika ni Mike na nagtitimpi na noon. "Maganda pareho at kinis ng balat," anang lalaki na susubukan sanang buksan ang pinto ni Joey. "Joey tumawag ka na ng tulong," turo ni Ricky pabulong. Binuksan ni Ricky ang passenger side ng sasakyan nang marahas kaya tinamaan ang lalaki ng pinto. Kaagad naman nagtanggal ng seatbelt si Ricky at bumaba. "Sinabi na ng kasama ko na pabayaan nyo na kami kung ayaw nyong masaktan," sabad ni Ricky na medyo groggy ang boses. "Mas marami kami sa inyo. Nang isang lasing at isang driver? Nagpapatawa ba kayo?" tanong ng lider ng grupo. Pinalibutan sina Ricky at Mike ng mga lalaki. "Naghahanap ata ng sakit ng katawan itong mga ito," wika ni Mike. "Bigyan na natin ng leksyon ang mga iyan para makasama na natin ang mga chicks sa loob," anang isang lalaki. Sinugod ng grupo ang dalawa. Napatumba ng dalawa ang ilan sa mga ito. Inatake si Ricky nang isa na hindi nya inaasahan. Nasangga nya ito pero napaatras sya. "Aba, marunong itong isang ito," napangiting wika ni Ricky. "Ako na bahala sa iba. Balato ko na iyan sa inyo," sabi ni Mike. "Akin na itong nambastos kay Joey," ako ni Ricky. "Huwag mong pwersahin sarili mo," bilin ni Mike. "Yes, Boss," ani Ricky. Umatake muli ang mahusay na kalaban kay Ricky. Tinapos agad ni Mike lahat ang kalaban nya at lumapit kina Joey. "Ayos lang kayo?" tanong ni Mike. "Oo. Pero si Ricky. Bakit hindi mo sya tulungan?" tanong ni Joey. "Kaya na nya iyan, Ate. Magtatanggal lang ng tama iyang si Kuya," sagot ni Niño na nakapikit pa rin. Ilang saglit pa ay napatumba ni Ricky ang kalaban nya.  Nakarinig sila ng sirena na tumigil sa gilid ng sasakyan nila. "Dala nyo ID nyo?" tanong ni Ricky kay Mike. "Huwag ka nang lumabas Joey," bilin ni Mike na sinara ang pinto ng van. "Hala! Baka mapatrobol sila sa pulis!" sambit ni Joey na bubuksan ang pinto. "Hayaan mo lang sina Kuya Ethan at Kuya Mike. Sila na po bahala dyan," wika ni Niño na nakapikit pa rin. Makaraan ang ilang sandali, sumakay na sina Ricky at Mike sa sasakyan. "Ayos lang kayo?" tanong ni Joey na nag-aalala. Kaagad nag-seatbelt si Ricky at sumandal muli sa upuan. "Ayos lang. Huwag mo nang alalahanin," ani Ricky. Nagmaneho si Mike palayo sa lugar. Maya-maya pa'y tulog na si Ricky. "Sure kayo na walang sabit tayo dun?" tanong ni Joey. "Huwag mo nang alalahanin 'yun, Lady Joey," ani Mike. "Mike, Joey na lang," paalala ni Joey, "Hindi ko inaasahan na ganung kagaling lumaban si Ethan. Nabanggit sakin ni Rissa na mahusay sya pero hindi ko inaasahan na ganung kahusay." "Kinailangan lang na matutunan ni Ethan. Asar na asar nga iyan kanina dahil ayaw na ayaw nya na binabastos ang mga babae," kwento ni Mike habang nagmamaneho. "Nalasing sya kanina?" tanong ni Joey. "Oo. Tinamaan sya ng huling ininom nya. Iiidlip lang nya iyan," sagot ni Mike. Nagmulat at naupo nang maayos si Niño. Sinilip sya ni Mike sa rearview mirror. "Ok ka na?" tanong ni Mike. "Opo," ani Niño. "Palipatin mo si Kuya mo dyan sa likod para makapahinga sya ng maayos," wika ni Mike na tinabi ang sasakyan sa gilid. Niyugyog nya si Ricky. "Ric, lumipat ka na muna sa likod para makapahinga ka," gising ni Mike kay Ricky. Binuksan ni Niño ang seat belt ni Ricky. "Kuya, lipat ka muna sa likod para makaidlip ka nang maayos," wika ni Niño. Bumaba si Ricky sa pwesto at umakyat sa likod na upuan ng van. Kaagad namang sumakay sa unahan si Niño. "Pasensya na po. Dalawa lang talaga ang limit ni kuya sa beer. Napashot pa sya ng dalawa kanina tapos yung huli ang pinakamatindi. Mas sanay si Kuya na uminom ng matatapang," sabi ni Niño. "Mabigat pala kayong uminom," sabi ni Joey. "Kinailangan lang po. Mas nalalasing si Kuya sa beer kaysa hard," wika ni Niño. "Kakaiba nga sya," wika ni Joey. "Pakitawagan si Rica para matulungan si Rissa mamaya ng hindi manggambala," bilin ni Mike. "Ok po," ani Niño. Nagising si Ricky na malapit na mansyon. Pagdating sa main door ay bumaba si Mike. "Sige ako na ang magbubuhat kay Rissa. Pahinga ka na, Mike. Salamat kanina," sabi ni Ricky. "Ihatid ko lang sa garahe ang sasakyan," ani Mike. "Halika na Riss," wika ni Ricky na binuhat si Rissa. "Ethan! Bakit nya ako iniwan?" tanong ni Rissa na lasing na lasing. "Sshh. Tayo na," ani Ricky na binuhat si Rissa papunta sa kwarto nito. Pinagbukas ni Joey ng pinto si Ricky. Nakaantabay na noon si Rica. Binaba nya si Rissa sa kama nito. "Huwag mo akong iiwan, Ethan. Please," pakiusap ni Rissa na natutulog. "Hindi ako aalis. Matulog ka muna, Riss. Dito lang ako," ani Ricky habang binababa si Rissa. Nang makawala si Ricky kay Rissa ay hinarap nya si Rica. "Mukhang lasing na lasing si Lady Rissa," banggit ni Rica. "Pakitulungan si Lady Jocelyn na asikasuhin si Lady Rissa ngayong gabi," pakiusap ni Ricky. "Sure," ani Rica. "Kamusta na nga pala si Drew?" tanong ni Ricky. "Maayos na daw pakiramdam nya. Susunod daw sya bukas ng madaling araw para umalalay dito," banggit ni Rica. "Kakailanganin nga namin ng back-up ni Mike bukas. Kakailanganin ng katuwang na magbabantay sa mga bata," paliwanag ni Ricky. "Kaya pala pinasunod ako ni Colonel Alexi," napagtantong wika ni Rica. "Sige. Ikaw na muna ang bahala sa kanila," bilin ni Ricky. "Masusunod, Kamahalan," tugon ni Rica. "Magpapahinga na ako, Joey. Si Rica ang tutulong sa'yo kay Rissa. Kung may kailangan ka, ipatawag mo lang ako," bilin ni Ricky. "Sige. Salamat," ani Joey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD