16

2763 Words
Paglabas ni Ricky ng kwarto ay nakaramdam sya ng kirot sa dibdib nya. "Si Nathan!" bulalas ni Ricky. Isang aide ang patakbong lumapit sa kanya. "Kamahalan, pinahahanap kayo ng Master Luke," anito. "Anong nangyari?" tanong ni Ricky. "Si Prinsipe Nathan, bigla na lang bumagsak hawak ang dibdib nya," anang Aide. "Nasaan sila?" tanong ni Ricky na nababahala. "Movie Room!" anang Aide. "Ang mga bata?" tanong ni Ricky habang patungo sa movie room. "Nasa kwarto na po, nagpapahinga. Nagpasya po kasi silang manood ng pelikula," anang aide habang tumatakbo sila patungo sa Movie Room. Sa Movie Room, inabutan nila si Niño na sangga ang atake ni Jude kay Luke. Kulay pula muli ang mga mata nito, nanlilisik at handang pumatay. "Luke, labas!" utos ni Ricky. Kaagad tumakbong papunta sa likod ni Ricky si Luke. "Nathan, lumaban ka," pakiusap ni Niño sa kakambal. Muli syang inatake ni Jude nang di inaasahan. Napaatras nang bahagya si Niño. "Gaano na katagal syang ganyan?" tanong ni Ricky kay Luke. "Mga tatlong minuto na po. Bigla na lang pong sumakit ang ulo nya. Ilang saglit lang, sabi nya lumayo ako sa kanya. Itatanong ko sana kung ayos na sya nang atakehin nya ako. Nasangga ni Niño ang atake nya," sumbong ni Luke. Lumitaw si Alexi. "Ang Blood Moon!" bulalas ni Luke. Tumango si Ricky. "Lumabas ka na muna. Gisingin mo si Jessie," utos ni Ricky. Sumunod naman si Luke. "Yuri!" tawag ni Ricky. Lumabas ang phoenix. "Master Ethan!" anang Phoenix. "Dalhin mo kami sa isang lugar kung saan wala syang masasaktan," utos ni Ricky. "Masusunod po!" tugon ni Yuri na tineleport sila sa field na tinatakbuhan ng mga kabayo kapag maliwanag. "Kuya Alexi kailangang madala dito si Jessie," ani Ricky. "Beacon dalhin mo rito ang prinsesa," ani Alexi. Muling inatake ni Jude si Niño, mas mabilis at mas malakas. Sinubukang sanggahin iyon ni Niño napaatras sya. Tumagos ang talim ng atake ni Jude sa kanang balikat ni Niño na nasugatan. "Budz, lumaban ka! Alam kong kaya mo! Tama na!" pakiusap ni Niño. "Hindi papatulan ni Niño si Nathan. Mas hamak na malakas si Nathan kay Niño. Masasaktan sya kapag nagpatuloy ito," ani Alexi. Ilang saglit lumitaw si Beacon kasama sina Jessie at Luke. "Kuya Nathan! Tama na!" sigaw ni Jessie na umiiyak na. "Hindi ka nya naririnig. Isang bagay lang ang hihingin ko sa'yo, Jaja para mailigtas natin ang kambal. Umawit ka, umawit ka ng buong puso. Pakiusap," ani Ricky na naglaho para salagin ang ulos ni Nathan. Lumitaw sya sa pagitan ni Niño na halos hindi na makatayo at si Nathan na punong-puno ng galit ang mata. Napaatras si Nathan nang itulak sya ni Ricky palayo. "Jaja! Pakiusap!" sigaw ni Ricky. "Sundin mo si Kuya Ethan, Jaja. Andito lang ako sa likod mo," susog ni Luke. Huminga ng malalim si Jessie at nagsimulang umawit. Nang marinig ni Jude ang awit ay napaatras sya at napahawak sa ulo nya. Napaluhod si Jude. "Gumagana na! Ituloy mo lang Jaja!" wika ni Luke. "Jude, lumaban ka!" hiling ni Ricky. "Ku-ku-ya... tu- long.. Hi-hin- di ko na kaya," ani Jude sa isip ni Niño. Bahagyang nagbalik sa brown ang mata nya bago muling bumalik sa pula. Napahawak sa ulo si Niño. "Tatagan mo, Jude!" wika ni Niño. Bumangon si Jude na umatras. "Tatakas sya!" sigaw ni Alexi na pumuwesto sa harap nina Luke at Jessie. Narinig ni Ricky ang sinigaw ni Alexi. "Yuri!" tawag ni Ricky. Hinarangan ni Yuri si Jude. Lumabas sina Fin at Fido na lumitaw ng sabay at hinarangan si Jude sa kaliwa at kanang pwesto nya. Si Ricky ang nakaharang sa likuran ni Jude. "Naririnig ko na si Jude, Kuya," sabi ni Niño na napahawak sa ulo nya. "Hindi nyo mababawi ang katawang ito. Hindi ko na ito ibibigay!" anang isang boses mula kay Jude. "Jessie!" wika ni Ricky. Lumakas ang awit ni Jessie. Nagtakip ng tainga si Jude. "Itigil nyo na ang ingay na 'yan! Itigil nyo na!" sigaw ni Jude na napaluhod takip-takip ang tainga. Isang timbang tubig ang lumabas sa ulunan ni Jude. Napatingin si Jude sa timba. Sinubukan nyang kumilos para makatakas pero pinigilan iyon ng binding spell ni Alexi. "Ang huling bahagi ng orasyon, Kamahalan!" utos ni Alexi kay Ricky. "Pansamantalang nalupig ng kasamaan ang liwanag. Ngunit sa huli, mananaig ang kabutihan sa kasamaan. Sinasamo ko sa'yo, o Phoenix God sa pamamagitan ng iyong kapangyarihan at sa gabay ng Maykapal na huwag hayaang na manaig ang dilim sa liwanag!" sigaw ni Ricky. Sabay na nawala ang timba at bumagsak ang tubig kay Jude. "Hindi!" anang boses na biglang nalunod sa tubig. Isang maitim na usok ang lumabas kay Jude bago tuluyang natumba paluhod si Jude. Nakatukod ang dalawang kamay nya sa lupa, nakaluhod ang tuhod. Hingal na hingal ito. Kaagad tumakbo palapit sina Jessie at Luke sa pwesto nina Ricky at noo'y lumapit na si Niño. "Tapos na!" wika ni Fin. Naglaho sina Yuri at Beacon. "Fido, pagalingin mo ang sugat ni Niño," utos ni Ricky. "Masusunod po," tugon ni Fido na kaagad lumapit kay Niño. "Master Niño, ayos ka lang?" tanong ni Fido na sinimulang pagalingin ang sugat ni Niño. "Masyado syang mabilis para sa akin. Hindi ko na halos makita ang mga atake nya. Ngayon ko napagtanto kung gaano nakakatakot kalaban si Jude. Na-realize ko na ang takot ng mga dating kasama nya tuwing nagagalit sya," sagot ni Niño na humihingal pa rin. "Kuya Nathan!" alalang wika ni Jessie na lumapit kay Jude at hinawakan ang mukha ng Kuya nya. Nag-angat ng ulo si Nathan at lumingon kay Jessie. "Je- jess- sie!" sambit ni Nathan na ngumiti bago tuluyang nabuwal at nawalan ng malay. "Nathan!" sabay-sabay na wika nina Ricky, Alexi at Niño na kaagad nilapitan si Nathan. Kaagad sinuri ni Alexi si Nathan. "He's ok. We need to get him to his bed para masuri nang Healer na maayos," mungkahi ni Alexi. "Fin, dalhin mo kami sa kwarto ni Jude," hiling ni Ricky. Sumunod ang guardian at lumitaw sila sa loob ng kwarto ni Jude. "Hintayin nyo na muna kami sa Receiving Room ng kwarto. Kuya Alexi, pakipatawag ang Healer para kina Nathan at Niño. Bibihisan lang namin si Nathan," wika ni Ricky. "Magpalit ka nang damit, Jaja. You did well tonight. Magpahinga ka na," sabi ni Luke. "Hihintayin ko sina Kuya Kambal," iling ni Jessie. "Papayagan kita Kamahalan pero magbihis ka muna," wika ni Alexi. Umalis saglit si Jessie sa kwarto. Pagbalik nya ay naroon ang mama nya at mga tiyahin at tiyuhin nila naghihintay sa receiving room. "Jessie," anang reyna na niyakap ang bunso. "Kamusta na po ang mga Kuya?" tanong ni Jessie. "Maayos na si Niño. Nailipat na sya ng Kuya Ethan mo sa kwarto nya. Sinusuri pa nang Healers si Kuya Jude mo," anang tiyahin nila. Ilang saglit ay lumabas si Alexi at ang Healer. Napatayo ang reyna at lumapit kaagad sa mga kalalabas lang ng kwarto. "Kamusta na sila?" tanong ng tiyuhin nila. "Magaling na po ang mga sugat ni Prinsipe Niño. Malamang masakit ang katawan nya dahil sa bugbog na inabot nya. Inilipat ko na po sya sa kwarto nya," salaysay ni Alexi. "Maayos naman po si Prinsipe Nathan. May lagnat po sya pero lilipas din iyon. Imumungkahi ko na magpahinga sya sa higaan na magiging imposible sa kanya. Natutulog na po sya ngayon. Nalagpasan nya ang Blood Moon. Iminumungkahi ko po sana na makapagpahinga sya ng isa o dalawang araw," anang Healer. "Maraming salamat," anang reyna. "Matatag po ang Kambal. Mabuti pa ay magpahinga ka na rin Prinsesa. Malaki ang naitulong mo ka kanina," puri ni Alexi. "Paano?" tanong ni Jessie. "Ang boses mo ay nagpapakalma at nagpapanatag ng puso. Naaalala mo ba ang nangyari dati. Nasasaktan ang kasamaan sa dalisay at buong puso mong pag-awit. Maraming salamat," matalinhagang wika ni Alexi. Napakunot ang ulo ni Jessie. "Ako na ang magpapaliwanag sa iyo bukas. Magpahinga ka na ngayon sa kwarto mo. Sige na," kumbinsi ni Ricky. "Lalabas na po ako," anang Healer. "Salamat muli," ani June. Sinilip ng reyna at ni Ricky si Jude. Natutulog ito pero kitang-kita sa mukha nito ang hirap na tiniis nito. Hinalikan ng reyna sa noo si Jude. Nagmulat ng mata si Jude. "Mama," sambit ni Jude na mahina. "Matulog ka pa. Magpahinga ka muna. Bukas na tayo mag-usap," anang reyna na muling hinalikan sa noo si Jude. Pumikit muli si Jude bago lumabas sina Ricky at ang reyna. Nagpapaalam na ang mag-asawa na magpapahinga na. Sinilip din ng reyna si Niño na natutulog na rin noon sa kwarto nito at hinalikan ang noo. "Ihahatid ko na kayo sa kwarto nyo, Ma para makapagpahinga kayo," boluntaryo ni Ricky. "Hindi ako makapapahinga hanggang nag-aalala ako sa kambal. Mahina sa sakit si Niño. Si Nathan naman ay madalang dapuan ng sakit pero matagal bago maka-recover," anang reyna. "Ma, malalaki na po kami. Huwag nyong alalahanin si Jude bukas babangon yan na parang walang nangyari. Si Niño naman po ay malakas na kumpara dati. Huwag nyo kaming alalahanin. Kaya na namin pangalagaan ang sarili namin," paalala ni Ricky. "Iyon nga ang kinatatakot ko," anang reyna. "Kahit kaya naming gawin iyon, ikaw pa rin Mama ang pinakamahusay mag-alaga. Kami naman ang mag-aalala kapag nagkasakit ka," lambing ni Ricky, "Sige na, Ma. Magpahinga ka na. Tatawagan ko pa si Papa dahil nag-aalala na iyon." "Magandang gabi po," wika ni Ricky. Habang pabalik sa kwarto si Ricky ay nakaramdam ng hilo si Ricky. Naalalayan naman sya kaagad ni Mike. "Easy there!" alalay ni Mike. "Salamat, Bro," wika ni Ricky na humawak sa balikat ni Mike. "Relax muna. Malakas pa ang tama ng alcohol sa'yo. Paubos na ang adrenaline sa sistema mo. Kailangan ding magpahinga," paalala ni Mike. "Kailangan ko pang tawagan si Papa," sabi ni Ricky na nanlalambot na. "Tinawagan na ni Captain Alexi. Magpahinga ka na. Baka sumumpong pa ang allergy mo. Dumating na rin si Drew at mino-monitor na si Jude," balita ni Mike. "Salamat, Bro," napahingang malalim na wika ni Ricky na nakahawak na sa batok nya. "Hatid na kita sa kwarto mo, Bro," wika ni Mike. Kinabukasan, maagang nagising si Ricky. Hindi pa sumisilip ang araw ay lumabas na ito sa mansyon at nag-ikot. Nagtungo sya sa kwadra para silipin ang mga kabayo ng makita nya roon si Joey na naghahandang sumakay ng kabayo. Napansin ni Joey si Accelerate, ang kabayo ni Ricky sa kabilang kuwadra kaya saglit nya itong nilapitan at sinuri. "Mukhang mahilig ka rin sa kabayo," bati ni Ricky. "Hindi naman. Maganda lang ang kabayong ito. Napakatikas. Ngayon lang ulit ako nakakita ng ganitong klase nang kabayo. Ang huling beses ay sa kwadra ng aking ama. Mga kabayong pandigma," kwento ni Joey. "May lahing pandigma si Accelerate pero kasing amo sya ng isang tuta," wika ni Ricky. "Kabayo mo?" tanong ni Joey kay Ricky. Nilapitan ni Ricky ang kabayo at inayos ang renda. "Oo. Binigay ng isang kaibigan. Sya si Accelerate. Lagalag," pakilala ni Ricky, "Makisig sya at mukhang mabait naman. Maaga mo ata syang hinahagod," sabi ni Joey na nakangiti. "May utang kasi ako sa kanya. Ayoko syang magtampo. Sa bihis mong iyan ay tila palabas ka din," wika ni Ricky habang hinihimas si Accelerate. "Gustong-gusto ni Mizfit na tumakbo ng ganitong oras. Wala masyadong tao at malamig pa ang hangin. Mahiyain kasi ang kabayong ito. Palabas din kayo?" tanong ni Joey. "Yup. Iaalwas ko lang sya ng kaunting exercise. Ayaw kasi nya nang tumatakbo na maraming dala kaya bilang gantimpala sa kahapon ay hahayaan ko syang tumakbo na renda lang," wika ni Ricky na nilabas ang kabayo. Sumunod si Joey matapos malagyan ng saddle at bridle si Mizfit. Sumaklang kaagad si Joey kay Mizfit. Nakita nya sa labas na nakasakay na rin si Ricky kay Accelerate. "Balak nyo bang umikot? Maaari ba kaming sumabay ni Mizfit?" tanong ni Joey. "Ang problema ay hindi ko na gaanong kabisado ang lugar na ito. Matagal-tagal na rin nang huli akong makaikot dito," tugon ni Ricky. "Sa loob lang tayo ng horse field. Medyo malawak na takbuhan ng kabayo ang ginawa ng lolo nyo," ani Joey. "Sige. Magandang exercise na ito para sa kanila," payag ni Ricky. "Unahan?" hamon ni Joey. "Mas magandang ideya," wika ni Ricky na ngumiti. "Hanggang sa dulo ng bakod. On three?" hamon ni Joey. "Sure!" kasa ni Ricky. Nagkarera ang dalawang kabayo patungo sa kabilang bahagi ng bakod. "Wow! Mahusay sya! Mukhang mapapalaban tayo, Accelerate," wika ni Ricky sa kabayo na tinutukoy si Joey. Binilisan pa ni Ricky ang pagpapatakbo kay Accelerate. Samantalang inakala ni Joey na hindi na sila aabutan nina Ricky at Accelerate nang makita nya na humahangos sina Ricky. Binaba ni Joey katawan nya na halos yakap nya si Mizfit para mapabilis pa ang kabayo pero inabutan sila. Napasalita nang Sapiryan si Joey nang wala sa oras. Nakarating sila sa dulong bakod na nauna si Ricky. "Where did you learn to ride like that?" tanong ni Joey kay Ricky. "Kinailangan kong matutunan sa Military Academy. Mahusay ka ring mangabayo. Sino nagturo sa'yo?" ani Ricky. Nagsalita ng Sapiryan si Joey. "Siguro," sagot ni Ricky. Saka nya na-realize na nasa Valle sya nang kumunot ang noo ni Ricky. "Pasensya na. Madalas kasing Sapiryan ang ginagamit namin ni Rissa. Ang Kuya ko ang nagturo sa aking mangabayo. Ako ang bunso sa aming dalawa," hingi ng tawad ni Joey. Putok na ang araw nang marating nila ang hangganan ng bakod kaya nagpasya silang bumalik na. Habang pabalik ay nagkwentuhan ang dalawa. Pagdating sa mansyon ay nasa Garden table na ang lahat para sa agahan. "Pasensya na po kung nahuli kami," wika ni Ricky na humalik sa noo ng ina at ama na nakaupo na kasama ang mga matatanda. Bumisa sina Ricky at Joey sa lolo nya. "Saan kayo nanggaling dalawa?" tanong ng tiyuhin ni Ricky na si Charles. "In-exercise lang po sina Mizfit at Accelerate," sagot ni Ricky. "Alam mo ba Joey na mahusay mangabayo ang apo kong 'yan?" pagmamalaki ng lolo kay Ricky. "Lolo naman binenta na naman ako," nahihiyang wika ni Ricky na kumamot sa ulo. "Oo nga po," sang-ayon ni Joey. "Mahusay rin naman pong mangabayo si Joey," wika ni Ricky. "Ethan, Champion ng cross-country racing sa Sapiro si Joey. Tinalo pa nya ang mga lalaki doon," pagmamalaki ni Rissa na naghihilot ng ulo. "O sya. Mag-agahan na kayo. Naunahan na kayo ng mga bata," ani June. Tumabi si Ricky kay Rissa sa kanan habang nasa kaliwa naman si Joey. "Hang-over?" pabulong na tanong ni Ricky kay Rissa. Marahang tumango si Rissa. "Akin na ang kamay mo," wika ni Ricky. Inabot ni Rissa ang kamay nya kay Ricky. Kinapa ni Ricky ang palad ni Rissa at may pinisil na bahagi. Nawala ang sakit ng ulo ni Rissa. "Thanks Cuz!" ani Rissa na napangiti. "Sa susunod kasi huwag iinom kapag hindi kaya," pahaging na wika ni Joey habang kumukuha ng pagkain nya. "Ok Joey," wika ni Rissa. Lumabas si Niño kasunod si Drew. Napaupo ng maayos si Rissa nang makita si Drew. Kaagad namang napansin ito ni Ricky. "O Niño," anang reyna. Humalik si Niño sa mga matatanda sa lamesa. "Magandang umaga po, mga Kamahalan," bati ni Drew na nakangiti. "Umupo ka na, Drew. Sumabay ka na sa amin kumain," anang reyna. "Maraming salamat po," wika ni Drew na naupo sa tabi ni Ricky. "Oo nga pala, Tita June, Tito Charles, Lolo Carlo, sya po ang pinsan ni Mike si Drew Rochefort. Partner-in-crime ko po," pakilala ni Ricky. "Kailan ka pa dumating, Drew?" tanong ng reyna. "Kagabi po, Kamahalan. Sumunod na po ako as soon as pinayagan ako ni Commander Ren," tugon ni Drew. "Cuz, saan mo ba nakukuha ang mga kaibigan mo? Pulos ang ha-hot nila. Baka gusto mo naman kami ipakilala para magkaroon ng boyfriend itong si Joey," pabieong wika ni Rissa na nagpapa-cute kay Drew. Napatingin muli si Drew kay Joey. "Tol, pinsan ko si Rissa at ang best friend nya si Lady Jocelyn ng Sapiro," wika ni Ricky. "Kinagagalak ko kayong makilala Lady Rissa, Lady Jocelyn," bati ni Drew na hinalikan ang kamay ng dalawa. Kinilig naman si Rissa na nagsalita sa Sapiryan kay Joey na natatawa. Tumugon si Drew sa Sapiryan na nakataas ang isang kilay. "Marunong kang mag Sapiryan, Drew?" tanong ni Joey. "Tinuruan po kami nina Ricky na mag Sapiryan sa language class namin," sagot ni Drew na tumingin kay Ricky. "Pasensya na hindi mo naman naitanong kung marunong ako," kamot ni Ricky sa ulo. Sumimangot si Joey na nabastos. "Paumanhin Lady Jocelyn," ani Drew. "Wala kang kasalanan. Kanina pa pala akong pinagtitripan ni Ethan," may halong asar na wika ni Joey. "Excuse me po tapos na ako," ani Joey na magalang na tumayo sa lamesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD