"Seriously! Tama si Jude. Hawig na hawig nya si Alyssa maliban sa kulot nyang buhok," manghang wika ni Drew.
"Kaya nga natigilan rin si Ricky nang unanyang makita si Joey," ani Mike
"Bakit hindi mo sinabing marunong kang mag Sapiryan?" tanong ni Drew kay Ricky.
"Bro, sablay 'yun! Nabastos mo si Lady Joey," gatong ni Mike.
"Kaya nga hinahanap natin sya. Mababalatan ako nang buhay ni Rissa kapag hindi ako nakapag-sorry kay Joey," katwiran ni Ricky.
Nakita nila si Joey sa play room nakikipaglaro kay Mariko. Napatigil si Ricky sa pintuan at pinanood si Joey.
"Aly!" naibulalas ni Ricky.
Nakita nya saglit si Alyssa nakikipaglaro sa isang bata sa ospital.
"Ric!" tawag ni Drew na tinapik sa balikat si Ricky.
Napansin nyang nakatingin na sa kanya sina Joey at Mariko.
"Pasensya na kung naabala ko kayo," wika ni Ricky.
"May kailangan ka?" tanong ni Joey na nagsusungit.
"Ah, eh, wala. Pasensya na," wika ni Ricky na biglang umalis.
Sumunod naman ang magpinsan.
"Bro, masama na 'yan," wika ni Mike na nabahala.
Samantala, nagkausap sina Rissa at Joey habang nasa Study Room ang dalawa.
"Bes, hindi ba parang sobra naman ang inasal mo kay pinsan?" tanong ni Rissa.
"Bagay lang iyon sa kanya dahil sinungaling sya," wika ni Joey na umiwas ng tingin kay Rissa.
"Baka naman hindi nya sinasadya. Tinanong mo ba sya? O baka kaya ka ganyan ay may sinabi ka na hindi mo dapat sabihin?" usisa ni Rissa.
"Wala!" depensa ng dalaga.
Tila nakonsensya ang dalaga at napaisip sa sinabi ni Rissa. Hinanap naman nya si Ricky kinahapunan para makausap. Kasama ni Joey si Rissa nang makita nyang muli sa kwadra si Ricky. Pinapakain ni Ricky si Accelerate.
"Andito pala sila ni Mike. Lapitan mo na," udyok ni Rissa sa kaibigan.
Nilapitan ni Joey si Ricky.
"Kanina pa kitang hinahanap," bati ni Joey.
"Ikaw pala! May maitutulong ba ako sa'yo?" tanong ni Ricky.
"Gusto ko lang sanang humingi ng tawad. Pasensya na kung naging OA ako kaninang umaga. Dapat naisip ko na bahagi ng mga aralin mo sa Academy iyon," hingi ng paumanhin ni Joey.
"Pasensya na rin kung hindi ko agad nasabi na marunong akong mag Sapiryan." sagot ni Ricky na umiiwas nang tingin kay Joey.
"Forgiven," tugon ni Joey.
"Forgotten," ani Ricky na ngumiti, "Mawalang-galang na sa'yo. Mauna na ako may tatapusin pa ako sa loob," na pumasok sa kwadra.
"Sige. See you around," wika ni Joey mag-isa.
Bumalik sya sa pwesto ni Rissa.
"O, nagkausap na kayo?" tanong ni Rissa.
"Yup pero parang umiiwas sya," sagot ni Joey.
"Baka dahil kamukha mo sya," banggit ni Rissa.
"Kamukha? Sino?" tanong ni Joey.
"Sabi ni Tita, kamukha mo daw ang dating girlfriend ni Ethan. Hindi ko alam kung anong meron pero medyo sensitibo sya sa subject na iyon," kwento ni Rissa, "Mas maganda sigurong tanungin natin si Jessie o 'yung kambal."
Nang araw na iyon, sinamahan sila nina Niño at Drew sa pamimili sa bayan ang mga babae.
"Niño pwede bang magtanong?" usisa ni Rissa.
"Ano po iyon, Ate?" tanong ni Niño.
"Na-curious lang ako kay Kuya Eric mo. Hindi pa ba sya nagkaka- girlfriend?" tanong ni Rissa.
"Nagkaroon na po. Bakit?" gulat na tugon ni Niño.
"Nakilala nyo girlfriend nya?" tanong ni Rissa.
"Oo naman po. Teka bakit po nyo naitanong?" tugon ni Niño.
"Hindi pa kasi nagkukwento si Kuya mo tungkol sa maswerteng babaeng 'yun," wika ni Rissa.
Tumingin si Niño kay Drew na napatingin rin pabalik kay Niño.
"Maswerte rin po si Kuya kay Ate," sabi ni Niño.
"Anong nangyari at naghiwalay sila?" tanong ni Rissa.
"Hindi po sila naghiwalay. Namatay po si Ate Aly dahil sa sakit. Kamamatay lang nya mga dalawang buwan pa lang nakakaraan," kwento ni Niño.
Hindi na nasundan ang tanong na iyon. Napa-isip si Joey at lalong na-curious. Dumaan ang ilang araw patuloy pa rin ang pag-iwas ni Ricky kay Joey.
Nakasalubong ni Joey si Jude.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Joey kay Jude.
"Maayos na po, Ate. Nakita nyo po na sina Kuya Ricky?" tanong ni Jude.
"Ricky?" takang tanong ni Joey.
"Si Kuya Ethan po pala," pagtatama ni Jude.
"Bakit Ricky?" tanong ni Joey.
"Eric Nathaniel po kasi si Kuya. Noong nawala po ang alaala ni Kuya tumira po sya sa Military Base sa Pilipinas, mas nakilala po sya sa pangalang Ricky," ani Jude.
"Maaari bang magtanong?" tanong ni Joey.
"Tungkol po ba kay Ate Aly?" usisa ni Jude na nakangiti.
"Paano mo nalaman?" tanong ni Joey na namula.
"Sabihin na lang po natin na nahulaan ko lang. Ano pong gusto nyong malaman?" tanong ni Jude.
"Ano bang pwede mong sabihin tungkol sa kanya?" tanong ni Joey.
"Mabuti pa po sumama ka sa akin," anyaya ni Jude.
Sinama ni Jude si Joey sa patag sa gilid ng mansyon. Nasa kalagitnaan ng isang routine si Ricky. Nasa gilid sina Mike at Drew nakasandal sa kalapit na puno. Tumango lang ang dalawa nang makita si Jude.
"Kanina pa po sya?" tanong ni Joey.
"Oo. Ayaw nya paawat," ani Mike.
"Magkababata sina Kuya Ricky at Ate Alyssa. Isang taon bago nagkagulo sa LeValle, na-diagnose ng leukemia si Ate Alyssa. Dahil dito, naging Memory Keeper ni Kuya si Ate Alyssa nang hindi sinasadya," kwento ni Jude.
"Nagkahiwalay sina Ricky at Aly sa loob ng isang taon. Nagkita sila anim na buwan ang nakakaraan, may amnaesia pa noon si Ricky kaya hindi nya ito nakilala. Pero sabi nga ng isang kasabihan sa amin, nakikilala ng puso ang hindi nakikilala ng utak. Nang unti-unting gumaling at bumalik ang alaala ni Ricky, unti-unti namang bumagsak ang katawan ni Alyssa. Sa araw ng kaarawan ni Ricky sinuko ni Aly kay Ricky ang mga natitira nitong alaala. Kinabukasan, nasaksihan ni RIcky na pumanaw si Alyssa sa harap nya," dugtong ni Drew na nakatingin kay Ricky.
"Kaya nang makita ka nya ay nagulat sya. Napagkamalan ka nyang si Alyssa saka nya na-realize na ibang tao ka. Kahit ako ay nagulat ng makita ka dahil kamukhang-kamukha mo sya," susog ni Mike na pinakita ang picture nilang apat nina Alyssa mula sa cellphone nya.
Nagulat rin si Joey nang makitang kamukhang-kamukha nya ang babaeng nasa larawan maliban sa bagsak nitong buhok.
"Pasensya na kung umiiwas sya sa'yo. Akala nya naka-move on na sya kay Alyssa," wika ni Drew.
"Ngayon, alam mo na po ang dahilan kung bakit umiiwas si Kuya sa'yo," paliwanag ni Jude.
Matatapos na ang routine ni Ricky nang mapansin ni Joey ang isang detalye.
"Mali ang talon ni Ethan," nabahalang wika ni Joey.
Bumagsak nang nakahiga si Ricky sa damuhan.
"Dito ka na lang muna, Ate Joey," paalam ni Jude na pinigilan ang dalagang lumapit kay Ricky.
Lumapit din sina Drew at Mike sa pwesto ni Ricky.
"Ayos ka lang, Ric?" tanong ni Drew na lumapit.
Nakahiga pa noon si Ricky, nagtaas sya kamay na naka-thumbs-up. Hinihingal pa rin sya at nakahiga nang makalapit sina Mike at Drew. Umiiyak na ito, tinakpan nya ng braso nya ang mata nya para hindi makita ng mga kaibigan nya. Hindi naman pinansin nina Drew at Mike ang pag-iyak ni Ricky.
"Ayos ka lang, Bro?" tanong ni Drew na inabutan ng tuwalya si Ricky.
Pinunasan ni Ricky ang mukha nya at huminga ng malalim.
"Ayos lang," sagot ni Ricky bago umupo.
Inabutan sya ni Mike ng bote ng tubig.
"Pagod ka na, pinipilit mo pa rin," wika ni Mike.
"Mga Bro, akala ko naka-move on na ako kay Aly," napapailing na wika ni Ricky na nakatingin sa bracelet na binigay ni Alyssa, "Bro, nahuhulog na ata ako kay Joey," amin nya.
"Mabuti iyon, Ric. Para maka-move on ka kay Aly. Gusto ni Aly na maging masaya ka," wika ni Drew.
"Binilin ni Alyssa na huwag mong kalimutang magmahal muli," paalala ni Mike.
"Ayaw kong kalimutan si Aly, Bro. Hindi maaari," tanggi ni Ricky.
"Hindi naman ibig sabihin ng pag-ibig mong muli ay kalilimutan mo sya o papalitan mo sya, Bro," wika ni Mike.
Napatingin lang muli si Ricky sa bracelet na suot nya at hindi kumibo.
"Mabuti pa ay bumalik na tayo sa mansyon baka hinahanap na tayo," yaya ni Mike.
Inabutan ng kamay ni Mike si Ricky at hinatak patayo. Paika-ikang nilakad ni Ricky ang kaliwang paa nya bago pinagpag. Pagdating sa main door sinalubong sila ni Mariko na umiiyak. Yumakap si Mariko sa baywang ni Ricky.
"Anong problema, Mariko?" tanong ni Ricky na binuhat ang bata.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Drew sa bata na nag-aalala.
"Inaway po ako ni Kuya Jan," sumbong nang bata na humihikbi.Kaagad namang dumating si Jude noon.
"Anong nangyari at umiiyak si Mariko?" usisa ni Ricky kay Jude.
"Tinakot ni Jan ng palaka si Mariko kaya tumakbo sya palayo," tugon ni Jude, "Sinabihan ko na si Jan na mali iyon at napagalitan na," na umubo.
"Ayos ka lang?" wika ni Ricky kay Jude, "Umuubo ka na naman."
"Wala ito Kuya," wika ni Jude.
"Bakit basang-basa ka Kuya? Ang baho mo!" tanong ni Mariko kay Ricky.
Hindi napigilang matawa ang mga binata sa sinabi ng bata. Inabot ni Ricky si Mariko kay Drew.
"Maliligo lang ako at magpapalit ng damit dahil may isang bata dyan na nagsasabi na mabaho na ako," pabirong tampo ni Ricky.
"Mas mabuti pa nga, Kuya. Pinahahanap ka na rin ni Mama dahil maghahapunan na," sabi ni Jude.
"Sige. Pakisabi na maliligo lang ako. Mauna na ako sa taas. Kayo na munang bahala kay Mariko," ani Ricky, "Sige magkita tayo sa dining area," na naglakad patungo sa kwarto nya.
Oras ng hapunan sa Garden sila naghapunan dahil naghanda ng munting kasiyahan ang matanda. Naroon din ang hari. Habang naghahapunan ay nagkukwentuhan ang lahat.
"Kailangan na po naming bumalik sa Sentro bukas ng umaga. Marami pang trabaho na naiwan doon," anang hari.
"Gustuhin man naming magtagal pa pero marami pang trabaho sa Kanluran ang kailangang solusyunan," anang reyna.
"Masusunod po, Mama," sagot ni Ricky.
"Bakit hindi muna magpaiwan ang mga bata? Matagal na naming hindi sila nakasama lalo na ang tatlong binata mo," mungkahi ni Charles.
"Maaari bang dito muna sila hanggang sa kaarawan ni Mariko?" tanong ni June sa hari.
"Kung magnanais silang paiwan," anang hari.
"Pero marami pa pong kailangan asikasuhin," katwiran ni Ricky.
"Kakayanin na namin na mawala kayo nang ilang araw pa Prinsipe Ethan. Nagpasabi si Heneral Ren na mapayapa pa naman ang LeValle. Mag-enjoy muna kayo rito," tugon ni Emir.
"Please, Papa. Kahit hanggang sa kaarawan lang po ni Mariko," lambing ni Jessie.
"Mas makakabuti rin na dito muna sila para makapahinga muna ang kambal lalo na si Nathan. Hindi pa sya gaanong nakaka-recover. Malamang kapag bumalik ang mga iyan bukas sa Sentro ay mai-stress na naman 'yan," sang-ayon ni Charles.
"Sige papayagan ko na kayong magtagal pa rito. Deserve nyong magpahinga matapos nang maraming nangyari. Para maka-recover din si Kuya Ethan nyo. Basta ang usapan walang kalokohan, Jessie," anang hari.
"Opo," anang apat.
"Bakit tahimik ka ata, Joey?" pabulong na tanong ni Rissa sa kaibigan nya.
"Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?" tanong ni June.
"Hindi po. Masarap po lahat ang pagkain at na-enjoy ko lahat," wika ni Joey na pilit ngumiti.
"Eh anong problema?" tanong ni Charles.
"Nag-away po ba kayo ni Kuya Ethan?" tanong ni Mariko.
"Oo nga. Napapansin kong nag-iiwasan kayo," anang matandang lalaki.
Nagkatinginan sina Ricky at Joey saglit.
"Hindi naman po," tipid na sagot ni Joey, "Medyo masama lang po ang pakiramdam ko. Mauuna na po ako sa kwarto. Excuse me po," na tumayo.
Hinabol ni Ricky ng tingin si Joey papasok ng mansyon.
"Eric!" tawag ng reyna kay Ricky.
"May problema ba kayo ni Joey?" tanong ng reyna.
"Wala naman, Ma. Natataon lang siguro na medyo nalilibang lang ako sa labas nitong mga nakaraang araw," sagot ni Ricky.
"Siguro nga," tonong hindi naniniwala ni Rissa.
"Samahan nyo akong mangaso bukas, Boys. Inimbita ko rin si Joey na sumama para maipasyal ko sa buong hacienda," anang matanda.
"Sige po Lolo," ani Ricky.
Kinabukasan nagbilin ang reyna at hari kay Ricky at kina Mike at Drew.
"Mike, Drew kayo na munang bahala sa kaibigan nyo. Maiiwan naman si Rica para umalalay kay Jessie. Ikaw na muna ang bahala sa mga kapatid mo, Ethan. Ayokong umuwi ka na mabigat ang loob," anang reyna.
"Opo. Kami na pong bahala sa kanila," tugon ni Mike.
"Yes, Ma. Mag-ingat kayo sa byahe," sagot ni Ricky, "Kuya Emir kayo na po muna bahala sa magulang ko. Protektahan mo po sila," bilin nya.
"Nang buong buhay, Prinsipe. Mag-enjoy muna kayo dito at mag-unwind. Pagbalik nyo sa LeValle problema ang ating haharapin," ani Emir.
"Sige po," wika ni Ricky.
Umalis ang sasakyan ng hari at convoy nila. Nakahanda na noon ang mga kabayo para sa pangangaso.
"Rica ikaw na muna ang bahala kay Jessie," bilin ni Ricky, "Jaja, 'wag masyadong magulo dito."
"Opo. Kuya," ani Jessie.
Umalis ang grupo nila patungo sa kakahuyan.
"Bakit ata tila mainit ang ulo ngayon ni Rica?" tanong ni Ricky.
"Mukhang hindi lang si Kuya Ricky ang may kaaway ah," pabirong wika ni Jude.
"Hindi ko alam kung bakit ako inaaway ni Ate Rica mo. Pagdating ko dito mainit na ang dugo nya sa akin," depensa ni Drew.
Narinig iyon ni Joey.
"Baka naman nagseselos lang si Rica?" tanong ni Joey.
"Nagseselos? Posible kasing nagseselos sya kasi nagpapa-cute sa'yo si Ate Rissa," biro ni Niño na napangiti.
"Pasensya na po Kuya Drew, Kuya Mike. Nagmumukhang desperada tuloy si Ate sa ginagawa nya. Nakakahiya," nahihiyang wika ni Luke.
"Maganda naman ang Ate mo. Hindi pa lang sya nakakatagpo ng match nya," wika ni Drew.
"Huwag mong paririnig 'yan kay Rissa at baka umabot sa batok ang ngiti nya kapag narinig iyan. Lalong magseselos nyan si Miss Rica," natatawang wika ni Joey.
"Hindi ko type si Rissa. Kaibigan lang talaga ang turing sa kanya. Isang VIP. Pasensya na kung ma-offend ka, Lady Joey pero hindi sya ang tipo kong babae," depensa ni Drew.
"Alam ko naman. Madalas kasi binibigyan lang ni Rissa nang ibang kahulugan ang mga kilos mo," wika ni Joey.
"Mag-ingat kayo sa bahaging ito. Maraming oso na sa lugar na ito. Matatarik din ang bangin dito," anang guide.
Maya-maya'y may putok na narinig ang grupo sa di kalayuan.
"Poachers!" anang matanda na nabahala.
"Tayo na," wika ni Ricky.
"Kuya, kami na nina Niño at Kuya Mike ang sasama kay Lolo. Maiwan na kayo nina Ate Joey dito," wika ni Jude.
"Sige. Ingatan nyo si Lolo. Mag-ingat kayo," bilin ni Ricky sa mga kapatid.
Naghiwalay ang dalawang grupo.
"Painumin muna natin ang mga kabayo," yaya ni Ricky.
Bumaba sa malapit na sapa ang tatlo para painumin ang kabayo.
"Drew may titingnan lang akong bulaklak sa banda roon," paalam ni Joey.
"Sige, Lady Joey. Huwag ka lang masyadong lumayo," payag ni Drew.
Nang makalayo si Joey ay hinarap ni Drew si Ricky.
"Bro, hanggang ngayon ba ay hindi pa rin kayo nag-uusap?" tanong ni Drew kay Ricky.
"Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, Bro," wika ni Ricky na kumamot ng ulo nya.
"Umiiral na naman ang pagkatorpe mo, Bro," ani Drew na napapailing.
"Nasaan na nga pala si Joey?" tanong ni Ricky na nabahala.
"May titingnan lang daw syang bulaklak sa banda roon. Sinabihan ko sya na huwag lumayo," tugon ni Drew.
Isang sigaw ang narinig ng dalawa.
"Joey!" sabay na wika nina Ricky at Drew na tumakbo patungo sa direksyon ng sigaw.