Nakita nila si Joey na nasa gilid ng bangin at wala nang aatrasan may isang puno na malapit sa pwesto nya. Isang oso ang nakaharang sa pagitan ng pwesto nina Ricky at Drew.
"Drew, sa taas. Ako na bahala sa oso," wika ni Ricky.
Naglaho patungo sa sanga ng puno sina Ricky at Drew. Lumitaw sila sa puno na malapit sa bangin.
"Joey, ayos ka lang?" tanong ni Ricky habang mabilis na bumaba sa sanga ng puno.
"Oo," sagot ni Joey na susubok sanang umabante sa pwesto ng oso.
Umungol ang oso na nagagalit kaya tumigil sya sa pagkilos.
"Huwag kang lalapit sa kanila, huwag kang kikilos. Relax ka lang. Umatras ka papunta sa pwesto ko," pabulong na wika ni Ricky kay Joey, "Huwag na huwag kang titingin sa mata nya."
Marahang tumango si Joey na sinunod ang gabay ni Ricky.
Hinawakan ni Ricky si Joey sa baywang nito mula sa likuran ng dalaga. Pumuwesto ito para ilipat ang dalaga sa likuran nya habang ginagabayan si Joey sa susunod nilang hakbang.
Dahan-dahan syang umatras palapit sa pwesto ng puno na kinalalagyan ni Drew.
"Mag-ingat kayo!" wika ni Drew.
Hindi napansin ng dalawa na malambot na ang lupa sa bahaging pinuwestuhan nila ni Ricky. Ilang hakbang pa ay hindi kinaya ng lupa ang bigat nilang dalawa.
"Korde!" napasigaw na wika ni Ricky.
Sinubukan ni Drew na abutin ang kamay ni Joey para mahatak ito pero hindi nya ito inabot. Napansin ni Ricky na tatama sila ni Joey sa bato kaya niyakap nya ito at iniiwas kahit na tumama ang likod nya sa bato. Binalot ni Ricky ang katawan nya kay Joey para pangalagaan ang babae. Bumagsak sila sa lupa sa baba nang bangin at nawalan ng malay.
Makaraan ang ilang saglit ay nagmulat ang mata ni Joey. Pinakiramdaman nya ang sarili at inisip kung ano ang nangyari. Dahan-dahan syang umupo at naramdaman nyang masakit ang kanang sakong nya. Nakita nyang wala pa ring malay si Ricky kaya dahan-dahan syang lumapit. Napansin nyang may dugo sa noo ni Ricky. Kaagad nyang hinanap ang sugat noon. Inilabas nya ang panyo at nilapat sa sugat ng noo ni Ricky. Dahan-dahang nagising ito at nagmulat ng mata.
"Dahan-dahan lang. Pinaaampat ko pa ang sugat mo," wika ni Joey.
Nahiga si Ricky na pinakiramdaman ang sarili sa natamong pinsala. Nang masiguro na walang malalang pinsala ay dahan-dahan syang kumilos.
"Ayos ka lang?" tanong ni Ricky na umupo.
Tumango ang dalaga.
Nakaramdam si Ricky ng kirot sa lugar kung saan may sugat sya. Naramdaman din nyang may tama syang tadyang sa kanang bahagi pero hindi nya pinahalata. Tiningnan nya ang oras saka napagtanto na dumaan na ang ilang oras.
"Na-sprain ko 'ata ang paa ko. Medyo masakit kapag nagagalaw," wika ni Joey.
Dahan-dahang hinubad ni Ricky ang sapatos ni Joey at sinuri ang sakong.
"Na-sprain mo nga. Hindi naman ganoong kalala pero namamaga na. Sikipan natin ang sapatos mo para ma-stabilize at hinid na lumala pa ang pinsala," suri ni Ricky na napahawak sa kanang tagiliran nya dahil nahihirapan syang huminga.
Napansin iyon ng dalaga.
"Ayos ka lang?" tanong ni Joey.
Hindi kumibo si Ricky na nakatuon sa ginagawa nyang first aid kay Joey.
Dahan-dahan nyang sinuot muli ang riding boots ni Joey at tinali ito ng masikip para hindi magalaw ang pinsala.
"Salamat," ani Joey.
"Ako na," wika ni Ricky na ninawakan ang panyong dinidiinan ni Joey sa noo nya.
"Ikaw? Kamusta ka?" tanong ni Joey.
"Ayos lang ako," sagot ni Ricky na muling diniinan ang panyo sa ulo nya para umampat ang pagdurugo.
"Kailangan nating umalis sa pwestong ito. Medyo mapanganib ang kinalalagyan natin," wika ni Ricky na lumingon sa taas at sa sa paligid.
"Sige," wika ni Joey.
"Kaya mo bang tumayo?" tanong ni Ricky.
Tumango si Joey. Maingat na inalalayan ni Ricky si Joey na napakagat sa labi. Lumipat sila sa lilim ng isang puno na may kalapit na malaking bato. Tinulungan nya si Joey na umupo.
"Hindi maganda ito," wika ni Ricky sa sarili.
Pinindot nya ang Emergency tracker nya sa relo nya.
"Yuri!" tawag ni Ricky.
Lumabas ang isang mahiwagang dalagang nakapula sa harap ni Ricky.
"Master Ethan!" tugon ni Yuri.
"Yuri, sabihin mo sa kanila ang nangyari. Magdala ka nang tulong. Hindi ko kayang i-teleport si Joey sa ganitong sitwasyon. Kung kakayanin ko susubukan ko mamaya pero dalhin mo si Drew dito. Iabot mo ito sa kanya," bilin ni Ricky na may inabot dito.
"Masusunod po," tugon ni Yuri bago naglaho.
"Mag- intay lang tayo. Darating na ang tulong. Dito ka muna kukuha lang ako ng mga dahon at sanga. Kailangan natin ng apoy," wika ni Ricky na dahan-dahang tumayo.
Nag-ipon sya nang mga tuyong dahon at mga maliliit na sanga at gumawa ng apoy.
"Ikaw ang tagapangalaga ng Phoenix?" gulat na tanong ni Joey.
"Oo. Gusto ko mang ilihim pero hindi maaari. Lalo na sa sitwasyon ngayon," sagot ni Ricky habang ginagatungan ang apoy ng mga sanga na nakuha nya.
"Salamat nga pala sa pagliligtas mo kanina," sambit ni Joey.
"Nailigtas nga kita sa oso. Mas malala naman ang sitwasyon mo ngayon," asar na wika ni Ricky na pinilit huminga ng malalim para makahinga ng maayos.
Masakit ang nararamdaman nya tuwing humihinga sya. Napansin iyon ni Joey.
"Ayos ka lang ba?" tanong ulit ni Joey.
"Oo," sagot ni Ricky na hirap huminga.
Kaagad nilapitan ni Joey si Ricky at sinuri. Napaiktad si Ricky ng mahawakan ni Joey ang tagiliran nito.
"May bali ka yatang tadyang kaya nahihirapan kang huminga. Dahil ba inako mo lahat ang impact ng pagbagsak natin?" tanong ni Joey.
"Ayos lang ako. Sanay na ako sa ganito. Mas malala pa dito ang mga dinanas ko," sagot ni Ricky na ngumiti.
Umupo si Ricky at sumandal sa malaking bato.
"Pipikit lang ako saglit. Huwag kang lalayo. Nagset-up ako ng field para protektahan tayo sa mga nasa paligid natin," wika ni Ricky.
Tumango si Joey.
Lumitaw si Drew kasama si Yuri. Kaagad binasag ni Yuri ang defense field ni Ricky at naglagay ng panibagong field.
"Ayos lang kayo?" tanong ni Drew na kaagad nilapitan si Joey.
"Unahin mo si Ethan. Masama ang bagsak nya," utos ni Joey.
Kaagad sinuri ni Drew si Ricky at kinuhanan ng pulso.
"Ayos lang ba sya?" tanong ni Joey kay Drew.
"Huwag mo syang alalahanin. Normal ang ritmo ng katawan nya," sagot ni Drew.
Napansin ni Joey na naghihilom ang sugat sa ulo ni Ricky pero wala muling malay ang binata.
"Naghihilom na ang sugat nya," manghang wika ni Joey.
"Kamusta sya Yuri?" tanong ni Drew kay Yuri.
"Nakatulog lang si Master Ethan para makapaghilom ng mga sugat nya," sagot ni Yuri.
"Perks of being a Guardian's Master. Mas mabilis maghilom ang mga sugat nya, maliban sa sugat na galing sa mga sandata. He will be ok," paliwanag ni Drew kay Joey.
"Mabuti at dumating ka para makauwi na tayo," wika ni Joey.
"Maiuuwi ka nya kahit hindi kami dumating makaraan nyang maka-recover ng kaunti pero mas pinili nyang tumawag ng tulong," sabi ni Drew.
Nagulat si Joey ng marinig iyon.
Inasikaso ni Drew ang sprained na paa ni Joey. Napakagat sa labi si Joey.
"Medyo maga na ang sakong mo. Sa bahay na natin aayusin ang paa mo. Naghihintay na ang lahat sa pag-uwi nyo," wika ni Drew kay Joey, "Yuri maaari mo ba kaming ibalik sa mansyon?"
"Oo Captain Drew," sagot ni Yuri na dinala sila sa main receiving room ng mansyon.
Naroon nakaantabay na sina Alexi, Niño, Jude, at Mike pati ang lolo nila. Naghihintay din ang mag-asawa sa kanilang pagbabalik. Kaagad ihiniga si Ricky sa sofa.
"Mike pakibuhat si Lady Jocelyn sa kwarto para masuri ko na ang paa nya," pakisuyo ni Drew.
Binuhat ni Mike si Joey patungo sa tinutuluyan nitong kwarto. Niyakap naman sya sa gilid ni Rissa nang maibaba na sya sa kama nito.
"Mabuti at ligtas kayo," wika ni Rissa na bakas ang pag-aalala sa matalik na kaibigan.
"Parating na ang doktor na susuri sa'yo," wika ni Drew.
Makaraan ang ilang minuto ay sinuri si Joey isang doktor.
"Mga galos lang ang tinamo nya maliban dito sa sprain nya. Hindi naman malala ang sprain kailangan lang nyang ipahinga ng ilang araw. Wala namang nabali," ulat ng doktor kina June, Charles, Drew, Mike at Rissa.
"Si Ethan po?" tanong ni Joey kay June.
"Maayos lang sya. Huwag mo syang alalahanin. Nailipat na sya sa kwarto Magpapahinga lang 'yun," wika ni Mike.
"Sinalo nya lahat ang impact ng bagsak namin para matiyak na maayos lang ako," ani Joey na nag-aalala.
"Huwag kang mag-alala, Ate. Bugbog lang ang mamaramdaman nya. Magpahinga ka na," paniniguro ni Jude.
Nagising dahan-dahan si Ricky sa kama nya makaraan ng ilan pang minuto.
"Ayos ka lang, Ethan?" tanong ni Mike.
Tumango si Ricky.
"Nakabalik na kami?" tanong ni Ricky.
"Oo," sagot ni Mike.
Bumangon dahan-dahan si Ricky at umupo sa kama nya.
"Si Joey?" tanong ni Ricky.
"Maayos na sya. Nagpapahinga na sya sa kwarto nya. Matigas sya katulad ni Aly," banggit ni Mike.
Tumingin ng masama si Ricky kay Mike.
"Pasensya na," wika ni Mike na nagtaas ng dalawang kamay.
"Lambot na lambot ang pakiramdam ko," wika ni Ricky.
"Oo. Tumigil ka na muna dyan sa kama mo, Ric at magpahinga pa para mabawasan ang nararamdaman mong panlalambot," payo ni Mike.
Makaraan ng ilan pang oras ay lumabas si Ricky sa silid tulugan nya at hinarap ang mga kaanak na nag-aalala.
"Kamusta ka na Ethan?" tanong ng matanda.
"Ayos lang po ako. Naninibago lang po," sagot ni Ricky.
"Wala nang lahat ang sugat mo," wika ni Mike.
"Ramdam ko pa rin ang bugbog sa bagsak namin," daing ni Ricky.
"Pinag-alala nyo kami," anang lolo nya.
"Pasensya na po Lolo," wika ni Ricky.
"Maayos na sila, Lolo. Magpahinga na po kayo," sabi ni Jude.
"Sige na po. Nakauwi na naman po kaming ligtas," paniniyak ni Ricky.
Ihinatid ni Charles ang matanda sa kwarto nya.
"Sinalo mo lahat ang impact ng bagsak nyo, Ricky," napapailing na wika ni Mike.
"Sugat lang ang kayang pagalingin ng kapangyarihan natin hindi bugbog, Kuya. Magpahinga ka na rin," paalala ni Jude.
Dumating si Drew sa salas.
"Bibihira kang tumawag ng tulong kapag may ganung sitwasyon," takang sabi ni Mike.
"Inaalala ko si Joey. Nagpa-panic na sya kanina. Kung ako lang o kayo ang kasama ko mahihintay ko na maka-recover ako. Pero kung si Jessie, si Rissa o si Joey ang kasama ko tatawag at tatawag ako ng tulong. Nag-aalala rin ako na lumala ang sprain ng paa ni Joey. Kamusta na sya?" tanong ni Ricky.
"Binigyan ko sya pampatulog para makapahinga. Mild sprain at gasgas lang natamo nya. Halatang sinalo mo lahat. Malamang sa malamang lagnatin ka mamaya," pauna ni Drew.
"Kaarawan na bukas ni Mariko. Nag-aalala nga sya nang hindi kayo makabalik agad," ani Niño.
"Mabuti pa ay magpahinga ka na, Ric.Oobserbahan ko kayong dalawa ngayong gabi dahil sa taas ng bagsak na iyon," pahinga ni Drew.
"Hindi ka na naman makakatulog nyan," may tonong nanghihingi ng dispensa ni Ricky.
"Hindi talaga. Lalo na't galit na galit pa rin si Rica," sabi ni Drew na bumuntong-hinga.
Nagising si Joey sa kalagitnaan ng gabi. Pawis na pawis at init na init sya.
"Mahiga ka lang, Joey at magpahinga," payo ni Drew.
Nahiga si Joey sa kama nya.
"Panaginip," ani Joey.
"Nilalagnat ka, Lady Joey. Magpahinga ka lang. Medyo masama ang bagsak nyo kanina," banggit ni Drew.
"Si Ethan? Kamusta na sya?" tanong ni Joey.
"Nilalagnat rin sya kanina pa pero huwag mo syang alalahanin. Nagpapahinga na rin sya," paniniguro ni Drew.
Sa kwarto ni Ricky, nagde-delirio sya sa lagnat at nananaginip sya.
Nakita nya ang sarili nya sa paborito nilang tambayan sa University of Valle. Isang parkbench sa ilalim ng puno. Nakaupo sya doon na may hawak na libro.
Isang pares ng kamay ang tumakip sa mata nya.
"Eric!" tawag ni Alyssa.
"Aly?" tanong ni Ricky.
Tinanggal ni Alyssa ang kamay nya sa mata ni Ricky saka tumawa at umupo sa tabi ni Ricky.
"Nasaan tayo?" tanong ni Ricky.
"Nasa panaginip mo," sagot ni Alyssa, "Kinakamusta lang kita. Ayos ka lang ba?" tanong nito.
"Ayos na dahil nagpakita ka na muli sa akin," ani Ricky na may halong tuwa ang tinig.
"Ric, maayos na ako. Masaya na sa kinalalagyan ko. Bumalik ako kasi naramdaman kong hindi ka masaya. Hindi ako matatahimik hanggang di kita nakikitang masaya. Magmahal kang muli," wika ni Alyssa.
Nagulat si Ricky sa sinabi ni Alyssa. Umiling lang si Ricky.
"Hindi kita kayang kalimutan, Aly," iling ni Ricky.
"Ric, alam kong may nakilala ka na. Hindi naman ibig sabihin na kapag nagmahal ka muli ay kalilimutan mo na ako. Make space para sa iba sa puso mo, Ric," payo ni Alyssa.
"Aly..." ani Ricky.
"Mahal na mahal kita, Eric. Pagmamahal na hindi kita pwedeng ipagdamot sa iba. Feel free to love. Basta tandaan mo narito ako nagbabantay sa'yo," wika ni Alyssa na hinalikan sa labi muli si Ricky.
"Sasama na lang ako sa'yo, Aly. Tapos na naman lahat," wika ni Ricky.
Tumingin ng buong pagmamahal si Alyssa kay Ricky at umiling.
"Hindi ka maaaring sumama, Ric. Hindi pa tapos ang lahat. Nagsisimula pa lang ang lahat, Ric. Parating na ang bagyo. Kailangan mo nang bumalik sa kanila. Kailangan ko na ring umalis. Time's up na ako," ani Alyssa na ngumiti.
"Aly... Aly..." ungol ni Ricky na tulog at pawis na pawis.
"Masyadong mataas pa rin ang lagnat nya," wika ni Mike na pinatungan ng ice pack si Ricky sa noo.
"Mukhang napapanaginipan nya si Aly," ani Drew, "Aly, pakitulungan si Ricky na makalagpas dito."
Makaraan ang ilang minuto, huminahon na si Ricky. Kinuhanan muli ni Drew ng temperature si Ricky.
"Bumaba na ang lagnat nya," wika ni Drew na napabuntong hinga.
"Mabuti naman. Idlip ka muna. Ako na muna bahala sa kanya. Nagpapahinga na naman si Lady Joey," sabi ni Mike.
"Ikaw na muna bahala kay Ric," ani Drew na humihikab na sa antok.